Chapter: Kabanata 61Halos lumabas ang puso ni Minna sa kaba, tila ba nabuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa nakita. Kinalma niya ang sarili, napatingin-tingin sa kanyang paligid at nang makasigurong walang ibang taong nakakita sa kanya, saka lang siya naglakas-loob na bumulong sa binata. Sapat na upang marinig ito ni Khalil. "Bakit ka nandito?"Hindi pa nga nakakasagot sa kanya si Khalil, nang magtanong siya ulit. “Anong ginagawa mo rito?” Bigla siyang hinawakan ni Khalil sa kamay, medyo mahigpit yun. Ang mga mata nito’y nananabik habang nakatingin sa kanya. Mahigpit. Ang mga playboy eyes nito na dati ay puno ng kalokohan, ngayon ay nag-aapoy sa sobrang intensity. “Minna, kamusta ka? Sinaktan ka ba ni Nikolaj? Inaapi ka ba niya?” nanginginig na tanong nito sa kanya. Mabilis na binawi ni Minna ang kamay niya. Napalingon ulit siya sa likuran niya, paranoid na baka may makakita sa kanilang dalawa. "Okay lang ako, Khalil. Mabait siya sa akin, hindi niya ako sinasaktan," mahinang sagot niya saka n
Terakhir Diperbarui: 2026-01-07
Chapter: Kabanata 60Kinabukasan, habang nagpapahinga sila sa kanilang tinutuluyang hotel, dumating na naman ang dalawang kaibigan ni Nikolaj na naka-itim na suit nung nakaraang araw. Ang sadya nila? Magpapaturo raw kay Nikolaj.Hindi naman mapigilan ni Minna na magulat dahil sa sinabi ni Nikolaj sa kanya. “An0? Magpapaturo sila sa’yo? Hindi ba matagal ka ng retiro sa military? Ano naman ang ituturo mo sa kanila?”Sa isip-isip pa ni Minna, ‘Talaga bang seryoso ito? Itong dalawang lalaki na alam niyang araw-araw nasa bakbakan ay magpapaturo kay Nikolaj?’ Ang mas nakakagulat, pumayag naman itong kumag na ito agad-agad. Sobrang nagtaka siya dahil kilala niya si Nikolaj. Hindi ito mayabang, hindi rin papansin at lalong hindi 'to yung tipong nagpe-flex ng skills nito. Usually, cold at tahimik lang ang binata ngunit bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? Isa pa, hindi si Nikolaj yung tipo ng taong gustong magturo dahil maikli lang ang pasensya nito. Kung noong mga estudyante pa, maiintindihan niya. Pero
Terakhir Diperbarui: 2026-01-07
Chapter: Kabanata 59Bago umalis ang leader ng armed forces, kinamayan nito si Nikolaj. Ngumisi lang ito saka tumango. "Musing," pilyong sabi nito sa binata. "May dala ka bang 'goods' diyan para sa amin?Halos lumabas ang puso ni Minna sa kaba. Goods? Anong goods? Napatingin siya sa lalaking kaharap nila, mukhang nakakatakot na ang hitsura nito, parang isang hayok na hayok sa isang bagay. Sa utak ni Minna, iisang klaseng goods lang ang hinahanap ng mga ganitong klaseng tao, walang iba kung ‘di ang droga. .Tumawa pa ng nakakaloko ang isa, “Musing, paano naman ako? Meron din ba akong goods?”Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Minna. Sa paningin niya, ang ngiting 'yon ay ngiti ng isang kriminal na sabik sa illegal transaction. Jusko, sindikato ba ang napasukan niya? Nakakatakot naman!Dahan-dahan siyang lumingon kay Nikolaj.Gaya ng dati, blangko ang mukha nito. Hindi niya rin alam kung ano ang nasa isip nito. Parang sanay na sanay sa ganitong shady business.Pigil-hiningang naghintay si Minna sa isa
Terakhir Diperbarui: 2026-01-06
Chapter: Kabanata 58Yung mga big-time na negosyante na madalas lang niyang makita sa business news? Lahat sila, tiklop kay Nikolaj. Todo ngiti at todo puri sa lalaki. Kitang-kita ni Minna kung paano nagsisiyukuan ang mga ito sa harap ng kanyang kasintahan. Totoo nga ang sabi nila: People worship power. At kailangan mong maging sobrang lakas para katakutan ka ng mga taong makapangyarihan din.Habang pinapanood ni Minna ang eksena, naramdaman niya ulit yung pader sa pagitan nila. Bumalik siya sa realidad. Iba ang mundo ni Nikolaj at napakalayo nito sa kanya. Sobrang layo na ang hirap nitong abutin… Pagkatapos ng mahigit dalawang oras na byahe papunta sa NAIA airport, agad na nag-book sila ng flight papunta sa Japan Wala na rin siyang ganang gumala pa. Humiga siya sa sofa ng lounge area at kinuha ang phone niya para mag-scroll-scroll lang. Matyaga niyang hinintay si Nikolaj na nasa front desk ng airport, ngunit ilang minuto ang nakalipas biglang sumampa sa ibabaw niya si Nikolaj. Aakmang hahalikan na siy
Terakhir Diperbarui: 2026-01-06
Chapter: Kabanata 57Alas-onse na ng gabi nang makabalik sila sa hotel. Pagkatapos maligo at magpatuyo ng buhok ni Minna, mag-aalas dose na.Kinabahan siya bigla, baka humirit pa ulit si Nikolaj sa kanya. Kaya naman, agad siyang kumilos. Tinakpan niya ang bibig gamit ang likod ng palad at humikab nang pagkalaki-laki, um-acting na antok na antok na siya. Pagkatapos, tumagilid siya paharap sa bintana at pumikit agad.Nahalata naman ni Nikolaj ang pag-acting ng dalaga kung kaya’t napangisi na lang ang lalaki. Pinatay nito ang main light at iniwan lang ang dim na lampshade sa bedside.Itinaas ng binata ang kumot at tumabi rin kay Minna. Niyakap niya ito mula sa likod at hinalikan ang mabango at malambot nitong buhok."Wag kang mag-alala, hindi na kita gagalawin. Matulog ka na ng mahimbing,” bulong nito sa kanya. Nakahinga nang maluwag si Minna. Mabuti naman at safe siya ngayon, like hello? Ilang oras na nga siyang binalibag ng binata sa pavilion hindi pa ba ito satisfied? Nang masiguro niyang wala nang bala
Terakhir Diperbarui: 2026-01-06
Chapter: Kabanata 56Napalunok si Minna. Alam niyang wala siyang takas, kahit naman ayaw niya pipilitin pa rin siya ng lalaki. And para naman sa kanya medyo exciting nga ang makipag-anuhan sa bundok. Shems, ano ba itong naiiisip niya? Mukhang nahawaan na siya ng kamanyakan ng lalaking ito. "Pero... wala tayong dalang proteksyon…” Tama, kailangan nilang gumamit ng proteksyon dahil mahirap na at baka mabuntis siya.Hinawakan ni Nikolaj ang kamay niya at isinuksok sa bulsa ng slacks nito. "May dala ako."Nanlaki ang mata ni Minna. Aba! Boyscout nga ang lalaking ito, laging handa yan?Naglabas si Nikolaj ng dalawang box mula sa bulsa nito. Seryoso siya nitong tiningnan na para bang humihingi ng permiso sa kanya. "Pwede na ba itong dalawang box? Kaya mo ba?"Sasagot sana si Minna ng 'Malamang, hindi! Baliw ka ba?' pero bumuka pa lang ang bibig niya, sinunggaban na ulit siya ni Nikolaj ng halik. Wala na rin siyang kawala pa, inabot sa kanya ni Nikolaj ang dalawang foil packets.“Hmm…” mahinang ungol ni Minna h
Terakhir Diperbarui: 2026-01-06