A lustful affair with my Ex's Uncle

A lustful affair with my Ex's Uncle

last updateHuling Na-update : 2025-11-15
By:  Gia MaezyIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
4Mga Kabanata
0views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Si Minna ay isang magaling na writer at nag ttrabaho sa isang sikat na entertainment media sa ibang bansa. Ayaw na sana niyang umuwi pa ng Pinas subalit bigla siyang pinatawag ng boss niya dahil gusto ng investor nilang makilala siya. Hindi raw kasi seryoso ang team nila dahil hindi kompleto ang myembro sa miting na gaganapin nila. Kaya naman napilitan si Minna na umuwi roon hanggang sa isang iglap- nakasalubong niya ang lalaking ayaw na niyang makita. Iyon ay ang uncle ng Ex niya.

view more

Kabanata 1

Kabanata 1

“H-Huwag kang lalapit…” bulong niya sa isang lalaking balak siyang lapitan. Ang polong puti na suot ng lalaki ay naka-half open na’t lantad na lantad sa kanya ang malapad at matipuno nitong dibdib. Bakat na bakat din ang six pack abs sa damit nito kung kaya’t napalunok siya ng mariin. 

Nasa madilim na parte ang lalaki’t tanging ang buwan na lamang sa labas ang ilaw sa loob ng silid. Nang makitang humakbang pa ang lalaki patungo sa kanya ay napaatras siya sa sobrang takot. 

“I told you… Huwag kang lalapit!” mariin niyang sabi at paulit-ulit na umaatras. Subalit palapit ng palapit ang lalaki sa kanya hanggang sa malapitan siya nito. Napapikit siya ng mariin nang hinawakan nito ang baba niya at matalim siyang tiningnan. 

“Tatakbo ka pa?” malamig ngunti paos na sabi ng lalaki sa kanya. 

Umiwas siya ng tingin, ibinaba niya ang kanyang mga mata at pilit na umiiling dahil sa sobrang takot. “H-Hindi… Hindi na.” 

Mariing hinawakan nito ang kanyang baba, pilit na inaangat ang kanyang ulo upang magkatagpo ang kanilang mga mata. Habang marahang hinihimas ng hinlalaki nito ang kanyang labi, nagsalita ito sa paraang nagpatindig ng lahat ng balahibo niya.

"Minna, huwag na huwag mo nang babalakin pang iwan ako. Dahil hindi kita papakawalan kahit pa kamatayan ang kalaban. You will die right here… in my bed."

Biglang nag-init ang pisngi ni Minna, hindi niya alam kung dahil ba iyon sa galit o hiya. Ngunit pinigilan niya ang nararamdamang galit at pagkamuhi sa lalaking ito. 

Alam niyang wala siyang laban sa lalaki. Kapag pumalag siya, mas lalo lang siyang masasaktan. Mas mabuti ng ganto dahil alam niyang sa huli ay siya lang naman ang talo. 

Yumuko na lamang siya at nagsimulang tumulo ang luha sa kanyang pisngi. Nahalata rin naman yun ng lalaki.

"Bakit ka umiiyak?" dinig niyang tanong ng lalaki, naging malambing ang boses nito, bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ng binata. "Ayaw mo ba talaga sa akin?"

Pumikit ng mariin si Minna, kumi-kibot din ang mapupula niyang labi habang nanginginig ang kanyang katawan. 

"Bakit? Sino nga ba ang gusto mo? Sabihin mo sa akin ngayon din!" Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. "Buksan mo ang mga mata mo. Tumingin ka sa akin habang kinakausap kita!"

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, napakarahas ng lalaki at sobrang nasasaktan ang puso niya. "Wala... wala a-akong ibang gusto," halos pabulong niyang sabi at nagmamakaawa pa sa lalaki. “Uncle Nikolaj, parang awa niyo na… Pakawalan niyo na ako, please?” 

Nang marinig ng lalaki ang sinabi niya ay nandilim ang mga mata nito. At sa halip na maawa ito sa kanya, binuhat siya nito ng walang kahirap-hirap. Isinubsob pa nito ang mukha sa leeg niya at garalgal na nagsalita. 

“Uncle? Hindi ba’t sinabi ko sa’yong huwag na huwag mo akong tawagin ng ganyan? Hindi mo ako uncle at hindi ‘yan ang gusto kong sagot mo sa tanong ko! Ang sabihin mo, ako lang ang gusto mo! Say it! Sabihin mong ‘Si Nikolaj lang ang gusto mong makasama habang buhay’, say it or else!” 

Wala nang nagawa si Minna kung ‘di ang tumango. "Gusto kita, Nikolaj. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay…"

Isang ngisi ang sumilay sa labi ng lalaki bago ito naglakad at ibinagsak siya sa malambot na kama sa loob ng silid. 

“Masarap ba? Mas masarap ba ang ginagawa ko sa’yo kaysa sa kanya ha?” 

Napabalikwas si Minna nang maramdaman niyang may yumuyogyog sa kanyang balikat. 

“Miss Minna, okay ka lang? Nanaginip ka ata ng masama,” tanong ng assistant niyang si Sofia. 

Hingal na hingal na nagising si Minna habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Punong-puno na rin ng pawis ang kanyang noo dahil sa sobrang sama ng kanyang panaginip. 

"Ma'am, may masakit po ba sa inyo? Anong nararamdaman niyo?" nag-aalalang tanong din ng flight attendant na lumapit sa kanila. Nilibot ni Minna ang kanyang paningin saka napahinga ng malalim. Nasa eroplano pa pala sila. 

Nanunuyo na rin ang kanyang lalamunan ngunit hindi man lang niya ininda iyon bagkus pinilit niyang magsalita. 

"W-Wala. Okay lang ako, salamat," iling niyang sabi saka bumaling sa kanyang assistant. "Ayos lang din ako, Sofia. Nanaginip lang ako ng masama, siguro dahil sa pagod na rin sa pag-re-revise ng script kagabi…"

Subalit palusot lang naman ang tungkol sa pag-re-revise dahil ang totoo hindi talaga siya nakatulog noong nakaraang gabi dahil sa sobrang pag-aalala. Sobrang pag-aalala dahil babalik na siya ng Pinas. 

At iyong panaginip niya kanina? Hindi lang yun basta bangungot, talagang nangyari yun sa kanya. Iyon ang nakaraan at alaalang pilit niyang kinakalimutan magpa hanggang ngayon.  

Ala singko na ng hapon nang makarating sila sa Pinas. Papalubog na rin ang araw sa mga oras na iyon. Namumula na rin ang kalangitan at uunti na lang ang mga tao sa labas. Ramdam na rin niya ang lamig ng simoy ng hangin na tumatagos pa sa kanyang buto. 

Napahinga siya ng malalim at nilanghap ang pamilyar na simoy ng hangin sa paligid. Hindi niya akalaing babalikan pa niya ang bansang ito makalipas ng anim na taon. Kumusta na kaya ang lalaking yun? 

Si Nikolaj… 

Maraming tao ang takot na takot kay Nikolaj Carreon, isa sa pinaka sikat na businessman sa buong Asya. Marami ang iwas sa lalaki dahil sa pagiging malupit nito. Subalit kung may mas pinakatakot man siguro sa lalaki, masasabing siya ang taong yun. Siya ang number one sa listahan. At sa sobrang takot niya rito sinumpa niyang hindi na siya babalik pa sa bansang ito para hindi lang makita ang lalaki ngunit napilitan siyang bumalik ngayon. 

Oo, napilitan katulad noong nangyari walong taon na ang nakalipas. Nang pilitin siya nitong tumira sa hotel nito, dalawang taon rin siyang nasa impyerno kasama ng lalaking yun. 

Kahit na ilang taon na ang nakalipas, sariwang-sariwa pa rin ang sa kanyang alaaala ang nangyari noon. Ang araw na isinakripisyo niya ang sarili para iligtas lang si Nikolaj. Sinalo niya ang saksak na para dapat sa lalaki. At yun ang naging dahilan kung bakit siya nakalaya. Iyon ang naging kabayaran para lang makatakas siya sa lalaking yun at makamit ang kalayaan. 

Naaalala pa niya yung araw na umalis siya. Ganun din ang ang oras noon pati na ang kalangitan ay mapula rin. Nakatayo si Nikolaj sa ilalim ng isang puno. Nakapamulsa habang tinitingnan niya. Kitang-kita niya ang makinis nitong mukha na nasisinagan ng papalubog na araw. Nandidilim din ang mga mata nito na para bang isang demonyong handa siyang lapain. 

"Minna," marahang sambit nito. "Sige. Papakawalan kita ngayon pero sa oras na umalis ka, huwag ka nang magpapakita at babalik sa akin. Naiintindihan mo?"

Tumango siya at mahinang sumagot. "Salamat, Mr. Carreon. Makakaasa ka na hinding-hindi na ako magpapakita sa’yo’t babalik sa Pinas. Pangako."

Natawa siya ng mahina nang maalala ang eksaktong sinabi niya sa lalaki. Ang ironic lang dahil heto siya ngayon sa lugar na isinusumpa niya. Kinain niya ang mga salita niya noon. 

Sobrang na-stress siya dahil sa takot na magkita ulit sila ni Nikolaj. Kaya nga siya binangungot kanina, natatakot siya na baka makontrol na naman siya ng lalaki. Bata pa lang siya noon, sobrang inosente… Hindi niya pa na-re-realize noon kung gaano ito ka-possessive at ka-controlling sa kanya. Dalawang taon din siyang naging laruan nito at hindi na yun mauulit.

Iiwasan na niya ang lalaking yun at baka maipit siya sa ulit sa gulo nina Nikolaj at pamangkin nitong si Khalil. Ayaw na rin niyang pag-agawan ng dalawa na para bang isa siyang laruan o bagay na walang buhay at halaga.  

Mabuti na lang at wala na siyang koneksyon kay Nikolaj o kahit na sa pamangkin nito. Puro lang naman problema ang binibigay ng mga ito sa kanya. Parehong mga sakit sa ulo. 

Matapos siyang umalis noon sa Pinas ay pumunta siya ng Paris. Nagtrabaho siya roon as a writer sa isang film or entertainment company na nagngangalang ‘Tiangco Media Works’. Ipinakilala siya sa kompanyang iyon ng kanyang matalik na kaibigan at kaklase noong college na si Inka, na siyang director ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. 

Subalit hindi naman sa pagmamayabang, kahit siguro hindi siya ni-recommend ni Inka ay talagang makakapasa siya sa screening noon dahil magaling naman talaga siya. Confident siya sa kanyang abilidad at yun ang ikinaka-proud niya na kahit sinubok man siya ng panahon at tadhana noon hindi pa rin nawawala ang kakayahan niya sa pagsusulat. 

Noong nakaraang buwan nga ay ang-produce sila ng panibagong series na talaga namang sumikat sa buong mundo. Dahil doon marami ang may gustong mag-invest sa kanila at yun ang dahilan kung bakit siya narito sa Pinas. 

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
4 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status