Chapter: Chapter 3“Mag-uumpisa ka na sa paghuhubad, Ayen,” pag-uulit ni Josiah sa kanyang utos.Nanginginig akong inalis ang pagkakabuhol ng roba na suot ko. Dahan-dahang bumaba ang roba sa aking katawan. Nakaramdam ako ng takot nang makita ko ang pagdilim ng mukha ni Josiah habang nakatitig sa aking katawan. Napalunok ako nang hagurin niya ako ng tingin at saka ito ngumiti nang kaunti.“Ayen, you're a good girl. I expect you to follow my orders, and I find it offensive when you try to disobey me,” malamig na inihayag ni Josiah.Humakbang palapit sa akin si Josiah. Kinuha nito ang wine bottle saka nilagyan ulit ng wine ang kanyang kopita. Dahan-dahan niya itong tinungga habang hindi inaalis ang tingin sa aking katawan.“You must be a virgin, right? I thought you looked too pure the first time I met you in the café. You look likely innocent, Ayen,” dagdag ni Josiah. Hindi niya inialis ang kanyang mga mata sa aking katawan.Tanging ang malakas na tibok ng puso ko ang naririnig ko. Kinakabahan ako dahil p
Last Updated: 2025-12-08
Chapter: Chapter 2“Inihahayag ko kayong mag-asawa sa harap ng Diyos at ng inyong mga mahal sa buhay. Ngayon, bilang tanda ng inyong sumpaan at pagmamahalan, maaari na mo na halikan ang iyong asawa, Josiah,” masayang sabi ng judge.Nanginginig ako dahil hindi ko pa naranasan ang mahalikan ng isang lalaki. Walang pinalampas na oras si Josiah at kinabukasan ay dinala niya ako sa kilala niyang judge upang ikasal kami.Malamig ang tingin ni Josiah sa akin na parang pilit niyang pinapasok ang aking pagkatao. Napalunok ako dahil sa klase ng tingin niya.Naramdaman ko ang paghalik ni Josiah sa aking labi. Matagal iyon at halos hindi na ako makahinga. Halos sakupin ni Josiah ang labi ko at parang may gusto pa itong angkinin.Tumikhim ang judge dahil sa matagal na paghalik ni Josiah sa akin. Namula naman ang mukha ko dahil nahihiya ako sa nangyari.“You're my wife now, Ayen, and you're mine,” bulong ni Josiah.Dinala ako ni Josiah sa mansyon ng mga Celerio. Napangiwi ako nang nakita ko ang pagiging elegante ng m
Last Updated: 2025-12-08
Chapter: Chapter 1“I'm so sorry, Ayen... ngunit hindi matutuloy ang operasyon ng inyong ina kung hindi niyo babayaran ang bayad sa operasyon,” malungkot na sabi ng doktor sa akin. "Kailangan niyo muna mabayaran ang tatlong daan piso."Pakiramdam ko ay nanghihina ako sa sinabi ng doktor. Kailangan ng aking ina ang maoperahan sa puso ngunit saan ako kukuha ng ganoon kalaking pera.“Doc, baka naman po puwede na operahan po muna siya? Babayaran ko naman po kahit ilang taon pa 'yan. Hindi po ako tatakbo, pangako,” pagod na sabi ko sa doktor.Tumingin lamang nang may simpatya ang doktor sa akin saka umiling. Kaya napahawak ako sa aking ulo dahil pakiramdam ko ay babagsak ang lahat ng pag-asa na pilit kong inipon.“Hindi takaga kita mapagbibigyan, Ayen. Kailangan mo muna talaga magbayad upang maoperahan ang 'yong ina. Ngunit 'yong doctor's fee hindi mo na kailangan bayaran 'yon dahil libre na ang gagawin kong serbisyo para sa iyong ina. Kailangan natin sundin ang protocols ng hospital,” mahinang paliwanag sa
Last Updated: 2025-12-08