My Boss Offer Marriage

My Boss Offer Marriage

last updateLast Updated : 2025-12-08
By:  nananoamimiUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
3Chapters
22views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Napilitang kumapit ni Ayen sa isang bagay na wala siyang alam kung ano ang magiging kinalabasan sa kinahaharap. Para mapagaling ang ina na nanganganib ang buhay sa hospital, tinanggap niya ang alok ng bilyonaryong boss na magpakasal.

View More

Chapter 1

Chapter 1

“I'm so sorry, Ayen... ngunit hindi matutuloy ang operasyon ng inyong ina kung hindi niyo babayaran ang bayad sa operasyon,” malungkot na sabi ng doktor sa akin. "Kailangan niyo muna mabayaran ang tatlong daan piso."

Pakiramdam ko ay nanghihina ako sa sinabi ng doktor. Kailangan ng aking ina ang maoperahan sa puso ngunit saan ako kukuha ng ganoon kalaking pera.

“Doc, baka naman po puwede na operahan po muna siya? Babayaran ko naman po kahit ilang taon pa 'yan. Hindi po ako tatakbo, pangako,” pagod na sabi ko sa doktor.

Tumingin lamang nang may simpatya ang doktor sa akin saka umiling. Kaya napahawak ako sa aking ulo dahil pakiramdam ko ay babagsak ang lahat ng pag-asa na pilit kong inipon.

“Hindi takaga kita mapagbibigyan, Ayen. Kailangan mo muna talaga magbayad upang maoperahan ang 'yong ina. Ngunit 'yong doctor's f*e hindi mo na kailangan bayaran 'yon dahil libre na ang gagawin kong serbisyo para sa iyong ina. Kailangan natin sundin ang protocols ng hospital,” mahinang paliwanag sa akin ng doktor. Tinapik niya ako sa balikat upang iparamdam sa akin ang pakikipagsimpatya nito.

Bagsak ang balikat ko nang pumunta ako sa pinagtatrabahuan kong coffee shop bilang part-time waitress. Halos pagurin ko na ang aking sarili upang makapag-ipon ngunit kulang pa rin talaga.

“Magandang umaga, sir!” pilit kong pinasaya ang aking boses nang narinig ko ang pagtunog ng bell.

Nakayuko lamang ako habang nagpupunas ng lamesa nang narinig ko ang pasimpleng paghagikhik ng aking mga kasamahan. Napalingon ako at nakita ko ang seryosong mukha ng loyal customer namin. Sa pagkakaalam ko ay galing ito sa mayaman na angkan mula sa lalawigan namin.

Napasulyap sa akin ang lalaking si Josiah Celerio gamit ang seryosong mga titig nito. Hindi ko alam kung bakit parati ko siyang nakikita na nakatingin sa akin. Sa kada-araw na pumapasok ako ay palagi ko rin siyang nakikita na bumibili ng kape sa mismong coffee shop namin.

Lumipas ang ilang araw ngunit malapit na ang due date ng operasyon ng aking ina kaya mas lalo akong naging problemado. Napatulala na lamang ako habang nginunguya ang pagkain na ibinaon ko pagkagaling ko sa hospital upang bantayan ang aking ina.

“Ayen, tama?” sambit ng baritonong tinig.

Napalingon naman agad ako nang narinig ko na naman ang swabeng boses ni Josiah Celerio. Umupo ito sa kabilang upuan saka marahan akong tinitigan. Seryoso pa rin ang gwapo niyang mukha at walang ka-emo-emosyon.

“Nalaman ko na kailangan mo ng pera para sa medical expenses ng iyong ina,” malamig na sabi ni Josiah sa akin. Tumango naman ako sa sinabi ng lalaking nasa harapan ko.

Nahihiya ako na kahit ang mga katrabaho ko ay namomroblema rin dahil sa problema ko. Kahit pagsama-samahin ang mga sahod namin ay hindi pa rin kaya na mabuo ang kailangan na pera para sa operasyon.

“May alok ako para sa iyo. Bilang kapalit, susuportahan kita sa mga medical needs ng iyong ina. Wala ka nang dapat pang isipin tungkol sa pera,” dagdag ni Josiah.

Nakuha ni Josiah ang aking atensyon dahil sa sinabi nito. Gusto kong gumaling ang aking ina at kahit ano pa ang kapalit ay gagawin ko. Napalunok ako, paano kung hingin ni Josiah ang katawan ko? Makakaya ko ba na gawin ang bagay na 'yon? Kaya ko ba ang kumapit sa patalim?

Napatitig ako sa gwapong mukha ni Josiah. Mukha naman itong matino na tao kaya hindi naman siguro masama kung ito ang makakakuha ng virginity ko?

“Bilang kapalit, magpapakasal ka sa akin. Magiging asawa kita,” dagdag ni Josiah na ikinanganga ko.

“P-Pero bakit ako? Hindi naman ako kagandahan para pakasalan mo,” agad na tanong ko. Gusto ko nang i-grab ang opportunity, hindi dahil mayaman si Josiah kundi para sa aking ina na kailangan nang maoperahan.

“Nakikita ko na kaakit-akit ang iyong kadalisayan, kaya gusto kong maging asawa kita. Ngunit sasabihin ko ito... Dapat mong gampanan ang mga tungkulin ng aking asawa para sa akin,” sagot ni Josiah.

Napalunok ako, naiintindihan ko ang sinabi ni Josiah. Ang kapalit ay magpapakasal ako sa lalaki kapalit ng paggaling ng aking ina. Hindi one-night stand ang gusto nito kundi ang pangmatagalan na kontrata.

“Puwede ko po ba na pag-isipan? Hindi kasi madali anv hinihingi niyong kapalit,” inosenteng tanong ko sa lalaking nasa harapan ko.

Tumango naman si Josiah sa akin kahit puno ng init ang pagtingin niya sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang nang makita ko ang pagtitig ni Josiah sa akin.

“Siyempre, Ayen. Pero malapit na ang due date ng operasyon ng nanay mo kaya tawagan mo na lang siguro ako,” malamig na sabi ni Josiah. Kinuha niya ang kanyang itim na calling card at saka ibinigay iyon sa akin.

Napatitig naman ako sa mamahalin na calling card ni Josiah. Tinanggap ko naman agad iyon kaya ngumiti si Josiah sa akin.

“Kung nakapagdesisyon ka na, ipaalam mo sa akin para maihanda ko ang kontrata para pirmahan mo,” seryosong sabi ni Josiah bago niya ako iniwanan upang magpatuloy na ako sa pagkain.

Napatitig ako sa papalayong pigura ni Josiah, hindi ko alam kung maituturing ko ba itong blessing in disguise dahil isang Celerio ang gustong magpakasal sa akin. Sinimulan ko ulit ang kumain upang mabigyan ako ng lakas dahil magbabantay ako ulit sa hospital pagkatapos ng aking trabaho.

“Salamat, sir! Have a nice day!” masayang sabi ko sa paalis na customer. Nakita ko si Josiah na nakatitig na naman sa akin kaya nakaramdam ako ng ilang.

Bakit ba parati itong nakatitig sa akin? Pakiramdam ko ay binabasa nito ang aking kaibuturan.

“Nakita namin kayo ni sir Josiah na magkausap ah!” bulong ng aking kaibigan na si Aileen. Napangiwi naman ako dahil mukhang pinagtsismisan ako ng aking mga kasamahan.

“Anong sinabi niya sa'yo? I-share mo naman sa amin. Masama ang magdamot!” dagdag ni Aileen dahil hindi man lang ako nagsasalita.

Huminga ako nang malalim, alam ko naman na mapagkakatiwalaan si Aileen ngunit madaldal ito kaya nag-aalangan ako. Napanguso naman si Aileen habang nginunguso sa akin si Josiah na may kausap sa phone nito.

“Gusto niya akong tulungan sa operasyon ni nanay,” bulong na sagot ko.

Napalingon agad si Aileen sa akin saka napakunot ang noo na parang may iniisip.

“Kapalit ba ay ang katawan mo?” biglang tanong ni Aileen. May pag-aalala sa boses nito habang nakatingin sa akin.

“Parang, ngunit gusto niya na magpakasal kami,” sagot ko. Napangiwi na rin si Aileen dahil mukhang parehas kami ng iniisip.

“Papayag ka ba? Malapit nang operahan ang nanay mo,” tanong ulit ni Aileen.

“Gwapo si sir Josiah at kilala ang pamilya niya bilang pangalawang pinakamayaman sa lalawigan natin. Ngunit hindi pa rin sapat na dahilan 'yon para pumayag ka sa long-time commitment. Hindi natin sila kilala,” sabi ni Aileen sa akin.

Biglang nag-ring ang phone ko kaya mabilis ko na sinagot iyon nang nakita ko na number ng hospital ang tumatawag sa akin.

“H-Hello,” kinakabahan na sabi ko. Narinig ko ang maingay na paligid sa hospital at mukhang nagkakagulo ang mga tao roon.

“Ayen, kailangan mo po pumunta rito sa ospital ngayon na mismo. Nasa kritikal na sitwasyon po ang nanay niyo ngayon,” agad na sabi ng babae sa kabilang linya. Biglang napaluha ako dahil natatakot ako na baka mawala ang nanay ko sa akin.

Namatay ang tawag at pinayagan ako ng boss ko na umalis agad sa trabaho. Nanghihinayang man ako na baka maging half day ang bayad sa akin ay hindi ko na inisip iyon. Ang mahalaga sa akin ay mailigtas ang aking ina.

“Ihahatid na kita.”

Hindi ko alam na sumunod pala si Josiah sa akin. Seryoso ang mukha nito saka kinuha ang kanyang susi sa bulsa upang mabuksan ang mamahaling kotse nito.

“Bilisan mo para malaman natin kung ano nga ba ang nangyari,” aniya ni Josiah sa akin kaya nagmadali akong pumasok sa kotse nito.

Tanging pagluha na lamang ang nagawa ko habang nakatulala ako sa bintana. Mabilis naman ang pagmamaneho ni Josiah ng kanyang sasakyan papunta sa hospital.

“P-Paano mo nalaman na dito ang hospital na pupuntahan ko?” tanong ko. Umiwas naman ng tingin si Josiah sa akin saka hinila ako papasok ng hospital.

“Marami akong koneksyon at mayaman ako, kaya alam ko kung ano ang kailangang malaman tungkol sa iyo, Ayen. At ang iyong ina ay hindi isang exception,” malamig na sagot ni Josiah.

Pakiramdam ko ay hindi talaga ordinaryong tao si Josiah kaya bakit niya ako gusto na mapangasawa? Ngunit nawala ang lahat ng agam-agam sa puso ko nang sinabi na naman ng doktor na kailangan na ng pera upang bayaran ang operasyon ng nanay ko.

“Maging asawa ko, Ayen. At aalagaan ko ang anumang kailangan ng iyong ina,” bulong ni Josiah sa akin. Madilim ang mukha nito at nakatitig lamang sa akin. Hinihintay nito ang magiging desisyon ko.

“Kung papayag kang maging asawa ko, makukuha ng iyong ina ang operasyon na kailangan niya,” dagdag ni Josiah.

Umiiyak na napalingon ako sa gwapong mukha ni Josiah. Hindi ko alam kung bakit alinlangan at natatakot ako ngunit para sa aking ina ay handa akong tiisin kung ano nga ba ang magiging kapalit ng lahat ng iyon.

Tumango ako kaya napangiti si Josiah at mas lalo kong nakita ang mainit nitong titig sa akin.

“Good girl. Tama ako na masunurin ka,” bulong ni Josiah bago niya ako tinalikuran upang asikasuhin ang lahat ng kailangan ng aking ina.

Napakagat ako sa aking labi dahil sa biglaang desisyon ko sa buhay ko. Hinihiling ko na sana ay tama ang desisyon na pinili ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
3 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status