LOGIN“Inihahayag ko kayong mag-asawa sa harap ng Diyos at ng inyong mga mahal sa buhay. Ngayon, bilang tanda ng inyong sumpaan at pagmamahalan, maaari na mo na halikan ang iyong asawa, Josiah,” masayang sabi ng judge.
Nanginginig ako dahil hindi ko pa naranasan ang mahalikan ng isang lalaki. Walang pinalampas na oras si Josiah at kinabukasan ay dinala niya ako sa kilala niyang judge upang ikasal kami.
Malamig ang tingin ni Josiah sa akin na parang pilit niyang pinapasok ang aking pagkatao. Napalunok ako dahil sa klase ng tingin niya.
Naramdaman ko ang paghalik ni Josiah sa aking labi. Matagal iyon at halos hindi na ako makahinga. Halos sakupin ni Josiah ang labi ko at parang may gusto pa itong angkinin.
Tumikhim ang judge dahil sa matagal na paghalik ni Josiah sa akin. Namula naman ang mukha ko dahil nahihiya ako sa nangyari.
“You're my wife now, Ayen, and you're mine,” bulong ni Josiah.
Dinala ako ni Josiah sa mansyon ng mga Celerio. Napangiwi ako nang nakita ko ang pagiging elegante ng mga miyembro ng pamilyang Celerio.
“Josiah, hindi namin akalain na talagang pinakasalan mo pa ang babaeng 'yan?” sarkastikong sabi ni Annabeth, ang pinsan ni Josiah.
Napayuko naman ako dahil sa sinabi ni Annabeth, pakiramdam ko ay ayaw ng mga Celerio sa akin. Masama niya akong sinulyapan saka ngumisi na parang hinahamon ako.
“Galing ka sa mahirap na angkan. Siguro naman hindi naman masama na pagsilbihan mo kami,” madiin na sabi ni Annabeth.
Muntikan nang manginig ang kamay ko dahil natatakot ako sa titig ni Annabeth. Pakiramdam ko ay kaya niya akong patayin kung kinakailangan.
“Annabeth, tumahimik ka na muna,” pagsuway ni Julio sa kanyang pamangkin.
Tumingin nang seryoso si Julio sa akin. Mataman niya akong pinagmasdan na parang kinikilala niya.
“Ayen, asawa ka na ng anak ko. Gusto ko lang sabihin sa'yo na may nag-iisang batas dito sa pamamahay namin,” mahinang sabi ni Julio. Kinuha nito ang kopita ng alak saka marahan na tinikman ang mamahalin na alak na nakalagay roon.
“Ang nangyayari sa loob ng bahay ay dapat nasa loob lang. Hindi namin gusto na may nakakaalam na ibang tao,” malamig na sabi ni Julio.
Nakaramdam ako ng kaba dahil pakiramdam ko ay nagkamali ako ng pamilyang pinasukan. Pakiramdam ko ay may mali sa pamilyang Celerio para ganito sila umasta.
“Dad, don't scared her,” malamig na sabi ni Josiah nang makita niya ang pagiging aligaga ko.
Tumawa si Julio saka sumulyap sa akin nang may mainit na tingin. Ilang minuto ay naging seryoso si Julio habang nakatingin pa rin sa akin.
“Nagbibiro lang naman ako, pero sabi nga joke are half meant true. Ayen, hindi namin hinahayaan na ang mga impormasyon sa bahay ay lalabas at malalaman ng ibang tao. Sana naintindihan mo ang ibig kong sabihin,” walang emosyon na sabi ni Julio saka tinikman ang pagkain na nasa kanyang plato.
Napalunok ako. Sigurado akong isa 'yong pagbabanta para sa akin. Pakiramdam ko ay may tinatago ang pamilyang Celerio kaya ganito magsalita si Julio.
“Late na ba ako?” biglang may nagsalita kaya napalingon kami sa lalaking bagong dating.
“Priam,” nakangiting tawag ni Annabeth sa lalaking bagong dating.
Napasulyap ako sa lalaking bagong dating. Ang lalaking ito ay kahawig ni Josiah, ngunit ito'y palangiti. Kung si Josiah ay parang ang mahal ng bawat ngiti nito ang lalaking ito naman ang kabaliktaran ng aking asawa.
Naramdaman ko ang pagkahawak ni Josiah sa aking bewang. Madilim na naman ang itsura nito bago tumingin sa akin gamit ang matalim niyang mga mata.
“Ayaw ko nang tumititig ka sa kapatid ko, Ayen,” bulong ngunit pagalit na sabi ni Josiah sa akin.
Pinilit kong ngumiti kahit nagmukha na iyong ngiwi sa mata ni Josiah. Hindi ko akalain na seloso si Josiah kahit nasa kontrata lamang ang lahat.
“Wow! Totoo pala na nagpakasal ka na, Josiah,” nakangising sabi ni Priam. Napatitig ito sa inosente kong mukha na nakatingin lamang sa kawalan.
“Sabagay kung ako ang unang nakakita sa kanya ay baka pakasalan ko siya. We, The Celerio loves those who are innocent,” dagdag ni Priam.
Masamang tumingin si Annabeth sa akin dahil sa pagpuri ni Priam sa akin. Ako ang nag-iisang babae sa Montecarlo ngunit mukhang wala na sa akin ang spotlight dahil unti-unting mag-aasawa na ang mga lalaking Montecarlo upang makuha ang mamanahin sa ama nilang si Julio.
Lumapit si Priam sa akin at saka muling tinitigan ang maganda kong mukha. Nakangisi ito ngunit ang mata nito ay walang emosyon.
“Nice meeting you, Ayen,” malambing na sabi ni Priam. Hinawakan niya ang aking kamay at saka pinatakan ng halik iyon.
Hindi ako makapaniwala nang naramdaman ko ang pasimpleng pagdila ni Priam sa aking kamay na ikinalaki ng aking mga mata. Hindi ko akalain na wala siyang modo, kaya binawi ko ang aking kamay saka pinunas sa aking damit ang basang parte ng aking kamay.
“Hmm.. I love it,” mahinang bulong ni Priam sa akin saka lumayo na upang umupo sa bakanteng upuan.
“Priam, ikaw ba ay kailan mag-aasawa?” tanong ni Julio sa kanyang panganay na anak.
“Malapit na daddy. Ipapakilala ko siya sa inyo sa oras na magkaroon siya ng bakanteng oras. Galing siya sa mayaman na angkan kaya naiintindihan ko na masyado siyang busy,” nakangiting sabi ni Priam. Tumingin ulit ito sa akin nang may pang-aakit kaya tumungo ako dahil hindi na ako komportable sa ginagawa nito.
“Kung ganoon ay humahanga ako sa'yo, papuntahin mo siya para naman makilala namin siya, anak,” nakangiting sabi ni Julio.
Nakasimangot naman ang mukha ni Annabeth ngunit hindi na nagkomento. Sumulyap ito sa akin na nakatungo lamang at hindi tumitingin sa kanila.
‘Bakit ba ang babaeng basura na ito ang pinili ni Josiah?’ galit na tanong ni Annabeth sa kanyang isip. Nagngingitngit siya sa galit na may isang basura ang nakapasok sa mansyon ng mga Celerio.
Laking pasasalamat ko nang matapos na ang hapag-kainan. Maglalakad na sana ako upang sumunod kay Josiah nang tawagin ako ni Annabeth.
“Hugasan mo ang pinagkainan natin, isa kang basura na kinuha lamang ni Josiah kaya magsilbi ka rito bilang katulong namin,” galit na sabi ni Annabeth saka inirapan ako.
Binangga pa ni Annabeth ang balikat ko nang malakas kaya muntikan na akong matumba. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang aking sarili.
‘Magtiis ka, Ayen. Para kay nanay ito, kailangan niyang gumaling at magkaroon ng magandang kinabukasan,’ bulong ko sa aking isipan.
Hinanap ko ang kusina at nakita ko ang mga katulong na inaasikaso ang mga ginamit namin nang kami'y kumain.
“Mga ate, ako na po ang maghuhugas,” mahinang sabi ko. Napalingon ang mga katulong sa akin at mukhang alangan ang mga ito.
“Young lady, Ayen, hindi po yata maaari na kayo ang maghugas dahil baka kami'y masisante,” natatakot na sabi ng katulong.
“Ang sabi ni Annabeth ay ako na ang maghuhugas kaya pabayaan niyo na ako,” nakangiting sabi ko.
Tumulong ako sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin ngunit ang mga katulong ay itinuro naman sa akin kung paano ang proseso. Magiliw naman akong sumunod sa sinasabi ng mga katulong sa akin.
“Woah! Natapos din tayo! Grabe ang dami pala ng ginagamit nila,” usal ko na ikinabungisngis ng mga katulong.
“Maselan po ang pamilyang Celerio sa kanilang mga gamit. Dapat po ito ay malinis dahil talaga aalisin nila sa trabaho kapag hindi malinis ang trabaho,” kuwento ng katulong sa akin.
Masyadong inosente ang mukha ko kaya naging madaldal na ang katulong sa akin. Napasulyap ako sa may tasa na mukhang mamahalin.
“Sino ang gumagamit ng tasa na 'yon? Mukhang mamahalin,” aniya ko.
“Si sir Julio po,” sagot ng katulong. Ngumiti naman ako saka sumulyap ulit sa tasa na nandoon. Natuwa ako dahil lubos akong nagagandahan sa tasang iyon.
“Maselan nga sila, kaya siguro halos hindi naalikabukan ang tasa na 'yon,” biro ko na ikinatawa naman ng mga katulong.
Pagkatalikod ko ay ngumiti ako nang simple ngunit biglang sumeryoso ang aking mukha. Naglakad ako papunta sana sa magiging kwarto naming dalawa ni Josiah ngunit hindi ko alam kung nasaan na 'yon.
Nakarinig ako ng malakas na kaluskos at isang malakas na lagabog na nagbigay ng malakas na kaba sa akin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang naglalakad.
‘Ano 'yon?’ tanong ko sa aking sarili.
Ito ang unang araw ko sa mansyon ng mga Celerio ngunit pakiramdam ko ay haunted mansion ang mansyon na ito. Dahan-dahan akong naglalakad ngunit napigilan ko ang pagtili nang makarinig na naman ako ng lagabog. Narinig din niya ang isang malakas na hampas sa isang bagay. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso, pakiramdam ko ay may tinatago talaga ang mga Celerio sa labas ng mansyon.
"Ahh!" isang malakas na sigaw ng isang babae. Ngunit mukhang hindi ito nasasaktan dahil sa klase ng pagsigaw nito.
Napatakbo ako dahil sa sobrang takot ngunit biglang may tumakip ng aking bibig na ikinalaki ng aking mga mata.
“Saan ka galing? Kanina pa kita hinihintay sa kwarto,” galit na sabi ni Josiah.
Nakaramdam ako ng ginhawa nang si Josiah pala ang lalaking 'yon. Hinila niya ako papunta sa kanilang kwarto ngunit madilim ang itsura nito.
“Pasensya na po, inutusan kasi ako ni Annabeth na maghugas ng pinagkainan kaya natagalan ako,” dahilan ko.
Binuksan ni Josiah ang pintuan ng aming kwarto saka pumasok doon habang hila-hila pa rin ako. Nagkaroon ako ng paghanga dahil sa magandang kwarto ni Josiah.
“Nakaligo na ako. Maligo ka na rin,” malamig na sabi ni Josiah.
Napalunok naman ako dahil alam ko na kung ano ba ang gagawin namin ni Josiah. Hindi naman na ako bata upang hindi maintindihan ang gusto nito.
Parte ng kontrata na kailangan kong paligayahin si Josiah sa kung ano man ang gugustuhin nito kasama na ang pagpapaligaya sa kama.
Tumango lamang ako saka sinunod ang sinabi ni Josiah na maligo ako.
Lumipas ang ilang oras ay lumabas na ako galing sa banyo. Nanginginig ako habang naglalakad dahil kinakabahan ako.
Napasulyap ako sa malaking kama ng aking asawa at hinihiling na sana ay tulog na lamang ito.
“Bakit may takip ka pa rin?” biglang sabi ni Josiah. Nakatago lamang pala ito sa madilim na bahagi ng kanyang kwarto.
Naglakad ito nang dahan-dahan papalapit sa akin. Malamig ang mukha nito at saka marahan na hinaplos ang aking mukha.
“There's no turning back, Ayen. Alam mo naman 'yon hindi ba?” malamig na sabi ni Josiah. Napapikit ako dahil sa marahan na paghaplos ni Josiah sa aking mukha.
Mas lalong lumakas ang pintig ng aking puso na parang pinagbabantaan ako ni Josiah na hindi na ako puwedeng umurong dahil nandoon na ako sa pamilya Celerio.
“Parte ng kontrata na kailangan mong tiisin ang lahat ng gagawin ko sa'yo, tama ba? You're my property, Ayen,” may bahid na galit sa boses ni Josiah. Unti-unting tumango ako dahil tama naman ang asawa ko.
Naglakad papalayo si Josiah sa akin saka may kinuha na alak. Nakangiti ito ngunit walang emosyon ang kanyang mga mata. Ibinigay niya sa akin ang isang kopita ng alak.
“Uminom ka kasama ko,” malamig na utos ni Josiah.
Napalunok ako dahil hindi ko pa naranasan ang uminom ng alak. Natatakot ako na baka ako'y malasing.
“Ito ang paborito kong wine, nagkakahalaga ng 5 million para sa isang bote,” malamig na sabi ni Josiah. Saka tinikman ang wine na nasa kanyang kopita.
“Inumin mo na ang 'yan, Ayen. Utos iyon na kailangan mong sundin,” dagdag ni Josiah.
Pakiramdam ko ay napipikon na si Josiah sa akin. Dahan-dahan kong tinungga ang wine na ibinigay niya.
‘Kailangan mo siyang sundin, Ayen. Parte ng kontrata,’ paalala ko sa aking sarili.
Napangiti naman si Josiah nang ubusin ko ang wine na nasa aking kopita. Ngunit naging madilim ang mukha nito habang nakatingin sa akin.
“Good girl, Ayen. Ngayon, mag-umpisa ka nang maghubad. Gusto kitang hubo't hubad ngayong gabi,” utos ni Josiah na ikinalunok ko.
“Mag-uumpisa ka na sa paghuhubad, Ayen,” pag-uulit ni Josiah sa kanyang utos.Nanginginig akong inalis ang pagkakabuhol ng roba na suot ko. Dahan-dahang bumaba ang roba sa aking katawan. Nakaramdam ako ng takot nang makita ko ang pagdilim ng mukha ni Josiah habang nakatitig sa aking katawan. Napalunok ako nang hagurin niya ako ng tingin at saka ito ngumiti nang kaunti.“Ayen, you're a good girl. I expect you to follow my orders, and I find it offensive when you try to disobey me,” malamig na inihayag ni Josiah.Humakbang palapit sa akin si Josiah. Kinuha nito ang wine bottle saka nilagyan ulit ng wine ang kanyang kopita. Dahan-dahan niya itong tinungga habang hindi inaalis ang tingin sa aking katawan.“You must be a virgin, right? I thought you looked too pure the first time I met you in the café. You look likely innocent, Ayen,” dagdag ni Josiah. Hindi niya inialis ang kanyang mga mata sa aking katawan.Tanging ang malakas na tibok ng puso ko ang naririnig ko. Kinakabahan ako dahil p
“Inihahayag ko kayong mag-asawa sa harap ng Diyos at ng inyong mga mahal sa buhay. Ngayon, bilang tanda ng inyong sumpaan at pagmamahalan, maaari na mo na halikan ang iyong asawa, Josiah,” masayang sabi ng judge.Nanginginig ako dahil hindi ko pa naranasan ang mahalikan ng isang lalaki. Walang pinalampas na oras si Josiah at kinabukasan ay dinala niya ako sa kilala niyang judge upang ikasal kami.Malamig ang tingin ni Josiah sa akin na parang pilit niyang pinapasok ang aking pagkatao. Napalunok ako dahil sa klase ng tingin niya.Naramdaman ko ang paghalik ni Josiah sa aking labi. Matagal iyon at halos hindi na ako makahinga. Halos sakupin ni Josiah ang labi ko at parang may gusto pa itong angkinin.Tumikhim ang judge dahil sa matagal na paghalik ni Josiah sa akin. Namula naman ang mukha ko dahil nahihiya ako sa nangyari.“You're my wife now, Ayen, and you're mine,” bulong ni Josiah.Dinala ako ni Josiah sa mansyon ng mga Celerio. Napangiwi ako nang nakita ko ang pagiging elegante ng m
“I'm so sorry, Ayen... ngunit hindi matutuloy ang operasyon ng inyong ina kung hindi niyo babayaran ang bayad sa operasyon,” malungkot na sabi ng doktor sa akin. "Kailangan niyo muna mabayaran ang tatlong daan piso."Pakiramdam ko ay nanghihina ako sa sinabi ng doktor. Kailangan ng aking ina ang maoperahan sa puso ngunit saan ako kukuha ng ganoon kalaking pera.“Doc, baka naman po puwede na operahan po muna siya? Babayaran ko naman po kahit ilang taon pa 'yan. Hindi po ako tatakbo, pangako,” pagod na sabi ko sa doktor.Tumingin lamang nang may simpatya ang doktor sa akin saka umiling. Kaya napahawak ako sa aking ulo dahil pakiramdam ko ay babagsak ang lahat ng pag-asa na pilit kong inipon.“Hindi takaga kita mapagbibigyan, Ayen. Kailangan mo muna talaga magbayad upang maoperahan ang 'yong ina. Ngunit 'yong doctor's fee hindi mo na kailangan bayaran 'yon dahil libre na ang gagawin kong serbisyo para sa iyong ina. Kailangan natin sundin ang protocols ng hospital,” mahinang paliwanag sa







