author-banner
Mallory James
Mallory James
Author

Nobela ni Mallory James

Married to the Brokenhearted Billionaire

Married to the Brokenhearted Billionaire

Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Eliana “Yana” Ledesma. Biglang namatay ang ama, at lahat ng ari-arian nila misteryosong napunta sa kanyang malupit na madrasta. Pinalayas siya at ilang araw syang nagpalabuy-laboy sa kalsada. Isang gabi, muntik na siyang mapahamak… Mabuti na lang ay nailigtas siya ng isang estranghero. Si Adrian Villaverde. Siya ang kasalukuyang CEO ng Villaverde Group. Isang bilyonaryong laging nasa front page ng dyaryo. Hindi lang dahil sa galing niya sa negosyo kundi dahil sa misteryong bumabalot sa pagkawala ng dati niyang asawa na si Leira. Habang nakikituloy si Yana sa puder ni Adrian, nagulat siya nang bigla itong nag-abot ng kontrata na kailangan nilang magpakasal. Hindi kailangan magkaroon ng seremonya, sex, o kahit damdamin man lang. Sa papel lang talaga. Pero habang tumatagal ang pananatili niya sa mansyon, mas dumarami ang tanong kaysa sagot: Pinili ba sya ni Adrian pakasalan dahil kamukha niya ang ex-wife nito? Ano ba talaga ang dahilan ng biglaan na pagkawala ni Leira? At bakit sa bawat kilos ni Adrian, parang may pinipigilan itong sabihin? Kasabay ng paglalapit ng loob nila ni Adrian, isang bagay ang hindi maikaila ni Yana… Mas dumadami ang mga tanong kaysa sagot. Kailangan niyang maging mapagmatyag kung gusto niyang makasiguro na ang lalaking pakakasalan niya ay hindi isang halimaw na nagpapanggap lang.
Basahin
Chapter: KABANATA 5: Bagong Simula
YanaBinuksan ko ang pinto nang dahan-dahan.Nandoon si Adrian. Mukhang kakatapos niya lang maligo. Basa pa yung buhok sa may bangs. Fresh na fresh. At doon nagsimulang magwala ang sikmura ko.Hindi ko alam kung gutom ako o siya yung dahilan. Kasi tangina… bakit parang ang hirap huminga bigla?Inabot niya sa akin ang dalawang paper bags.“Good morning,” sabi niya. “Damit. Sakto sa size mo. Mag-ready ka ha. Sabay tayo mag-breakfast.”Hindi siya nakatingin diretso sa mukha ko. Ako rin.“Ah… sige,” sagot ko.Sinara ko ulit ang pinto at umupo sa kama, hawak ang mga paper bags.Pagkabukas ko nung una, ang bumungad sa akin ay mga designer clothes. Isang cream-colored na blouse, high-waist jeans, at isang set ng underwear.Wala akong idea magkano ’to pero malamang hindi bababa ng isang daang libong piso.Nilapag ko muna. Hinawakan ko yung second paper bag.Pagbukas ko, napahawak ako sa bibig ko.iPhone. Yung latest model.“...putang ina,” bulong ko, napapikit ako sa guilt.Sugar baby, bigl
Huling Na-update: 2025-12-03
Chapter: KABANATA 4: Di Malilimutang Gabi
YanaSino ba naman ako para tumanggi sa steak?Umupo ako sabay kumuha ng plato. Pagharap ko sa pagkain, parang nawala lahat ng pride ko sa buhay.Dinamihan ko ang sandok. Mashed potatoes, konting gravy, tapos sinunod ko yung steak, halos kalahati agad ng slice.Tapos… Bigla na lang ako nakonsensya. Mukha akong patay-gutom. Asan ang manners ko?Binalik ko ang serving spoon.“Sige lang,” sabi niya, hindi tumitingin nang direkta sa akin. “Alam kong gutom ka.”Hindi naman pala siya judgmental. Kinuha ko ulit ang kutsilyo. Wala na akong arte this time.Kinuha ko ulit ang kutsilyo. Wala na akong arte this time.Pagkagat ko sa steak, napa-igtad ako nang konti sa sarap.Malambot. Juicy. Perfect ang timpla.Bumilis ang kain ko na para bang may humabol sa’kin. Napatingin ako kay Adrian."Iyan ang paborito ko,” sabi niya. “Mukhang nagustuhan mo.”Tumango ako habang ngumunguya. Kasi sobrang sarap nga.“Anong pangalan mo?” tanong niya.Halos nabilaukan ako sa mashed potatoes.Napatingin ako sa ka
Huling Na-update: 2025-12-03
Chapter: KABANATA 3: Isang Marangyang Buhay
YanaHindi ko alam gaano katagal yung byahe namin. Pero nang bumagal ang kotse, iba na ang itsura ng paligid. Para akong na-transport sa ibang planeta… Sa mundo ng mga alta. Ni wala akong makitang jeepney, kariton, o sari-sari store man lang. Sa halip, puro matatayog na building at magagarang sasakyan ang napapansin ko.Pamilyar ang lugar. Dito kami minsan pumapasyal ni Papa noong buhay pa siya. Minsan naitanong niya noon: “Anak, gusto mo ba balang araw dito ka tumira?”Siyempre, excited akong tumango. Sino ba namang ayaw tumira sa ganito kagandang lugar?Nandito kami sa BGC.Huminto kami sa harap ng isang high-end na residential tower. May naka-engrave sa harapan: Greentown Estate Makati. Parang nanliit ako bigla sa kinauupuan ko. Bumukas ang gate nang hindi man lang siya nag-roll down ng bintana. Kilala na siya ng security, so dito siya talaga nakatira.Pumasok kami sa basement parking. Pinatay niya ang makina. “Baba na,” utos niya.Dahan-dahan akong bumaba.Nanaginip lang ba ako
Huling Na-update: 2025-12-03
Chapter: KABANATA 2: Ang Misteryosong Tagapagligtas
Yana“Boss, wag kang makisawsaw. Wala kang alam dito.” sabi ng isang sigbin. “Syota ko ‘to. Naglalaro lang kami.”Halos masuka ako sa narinig ko. Sinubukan niyang umakbay sa akin pero tinulak ko ang kamay niya. “Wala akong jowang panget!” sigaw ko.Lord, please sana lubayan na ako ng dalawang adik na ‘to, bulong ko sa aking sarili.Inambaan ako ng sigbin. “Aba! Matapang ka. Gusto mong masapak?”Napapikit ako at naghandang masuntok. Pero may humarang sa kamay niya.“Hindi ba tinuro sa iyo na wag manakit ng babae?” sabi ng misteryosong lalaki. “Tsk. Sa bagay ano pa bang aasahan ko sa mga bobong kagaya niyo?”“Ang yabang mo! Porket may kotse ka lang.” sabi ng isa. Tinuon nila ang pansin sa lalaki. “Baka gusto mong turuan ka namin ng leksyon…”Nag-unat-unat ang dalawa na parang nag-wa-warm up sa inter-barangay basketball game. Yung isa ay naka-fighting stance pa. Boxer yarn? Kung hindi lang nanginginig buong katauhan ko, baka natawa ako.Sumugod ‘yung unang sigbin. Diretso suntok papunt
Huling Na-update: 2025-12-03
Chapter: KABANATA 1: Ang Pagbagsak ng Buhay ni Yana
Yana“LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY KO! Magnanakaw!”Iyan ang sigaw sa akin ng aking madrasta na si Cora habang kinakaladkad ako palabas ng bahay.Ito na naman siya. Gumagawa ng eksena kakasikat pa lang ng araw.Wala ako magawa kundi magbuntong-hininga na lang.“Tiyang, wala akong alam sa sinasabi niyo,” ang malumanay kong paliwanag. “Ano ho ba ang tinutukoy niyo?Lalong umasim ang mukha ni Cora. Kumunot ang kilay at may kasama pang pamewang. Parang minalas na naman sa sakla kaya ako ang napagbubuntunan.“Wag ka magmaang-maangang bata ka!” sagot niya. “Ilabas mo ang ninakaw mong kwintas at singsing! Kakabili ko lang ng mga ‘yon sa Ongpin noong isang linggo.”“Kwintas at singsing?” tanong ko. Hindi ko talaga alam kung ano itong binibintang sa akin ng aking madrasta. “Baka nailagay niyo lang po kung saan. Wala po sa akin kahit kapkapan niyo pa ako.”Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa aking braso. Napailing ako sa sakit. “Aba sumasagot ka pa!” sigaw niya habang tinulak ako sa kalsad
Huling Na-update: 2025-12-03
Maaari mong magustuhan
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status