
UNCLAIMED VOWS
Matapos mahuli ang fiancé niyang may ibang babae at mawalan ng trabaho sa loob lamang ng isang linggo, handa na si Amelie Mitchell na magtago sa mundo, hanggang sa isang alok ang biglang nagbigay sa kanya ng pag-asa.
Isang kasunduan.
Isang kasal.
Isang kasinungalingang magliligtas sa kanyang pamilya.
Ang nag-alok?
Si Elijah Chen, matalino, at sikat na Neurosurgeon. Tagapagmana ng isang bilyong dolyar na imperyo.
Simple lang ang usapan..
Pakakasalan niya ito.
Gagampanan ang papel.
At mababayaran ang lahat ng problema niya.
Pero gumuho ang lahat nang makaharap niya ang half-brother nito—
si Dylan Luis Suarez Chen,
ang unang binatang kanyang inibig,
ang iniwan niya para tuparin ang pangarap,
ang lalaking ayaw na ayaw na sana niyang makita muli.
Ngayon, kailangan niyang pakasalan ang isang kapatid…
Habang ang sigaw ng kanyang puso ay ang isa.
At sa pamilyang punô ng lihim, kapangyarihan, at ipinagbabawal na pag-ibig,
isang maling hakbang ay maaaring magwasak sa kanilang tatlo.
Read
Chapter: CHAPTER 07 : Di Mapakaling Damdamin(Amelie / POV)Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na wala lang ‘yon.Na ang paninikip ng dibdib ko ay walang kinalaman sa kung paano bahagyang yumuko si Dylan palapit kay Jasmine Hernandez, o kung gaano siya ka-komportable roon. Maganda. Kumpiyansa. Walang takot ipakita na bahagi siya ng mundo ni Dylan.Paulit-ulit kong pinaniwalaan ang sarili ko.Pero mabigat ang kasinungalingan.At noong hapon na ‘yon sa mall, parang nakadagan ito sa bawat paghinga ko.Isang hakbang ang pagitan ko kay Yuri, kunwari’y interesado sa mga kotse, sa palakpakan, sa mga ilaw at kamera, kahit ang totoo, paulit-ulit bumabalik ang tingin ko sa kanya. Kay Dylan. Sa katahimikan ng kilos niya, sa awtoridad na hindi niya kailangang ipilit, dahil natural na sa kanya.At sa babae sa tabi niya.Ang kamay ni Jasmine sa braso niya ay parang doon na talaga nakalaan.Masyadong natural.Masyadong sanay.Tumingin ako sa ibang direksyon bago pa maging masakit ang pakiramdam.Wala kang karapatan, paalala ko sa sarili. M
Last Updated: 2025-12-18
Chapter: CHAPTER 06 : Hindi Ko Lugar( Dylan’s POV )Hindi ako naghintay ng pahintulot.Tumayo ako sa mismong sandaling binuksan ni Helena ang bibig niya, dahil alam kong kung nagtagal pa ako kahit isang segundo, baka may masabi akong hindi ko na kailanman mababawi.O mas masahol pa…baka tumingin ulit ako sa kanya.Ang matinis na kaskas ng upuan ko sa marmol ang pumutol sa katahimikan ng dining hall. Isang tunog na sapat na para ipaalala sa lahat na tapos na ako roon. Walang pumigil sa akin. Walang sumubok. Wala namang gumagawa noon, kahit kailan. Sa bahay na iyon, mas mabigat ang katahimikan kaysa sa kahit anong sigawan. At matagal ko nang natutunang mabuhay sa gitna ng pareho.Naglakad ako palabas ng silid, mahahaba at kontrolado ang mga hakbang, dumaan sa mahahabang pasilyo ng mansyon. Sa magkabilang dingding, nandoon ang mga larawan ng mga lalaking kapareho ko ng dugo, ngunit hindi kailanman kumilala sa akin bilang isa sa kanila.Parang buhay ang mga mata sa mga painting. Sinundan ako ng tingin, gaya ng lagi nilang g
Last Updated: 2025-12-18
Chapter: CHAPTER 05: Simula ng Pagganap(Amelie POV)Sumunod na umaga…Habang bumababa kami ni Yuri sa hagdan, kusa akong napabagal.Sa ibaba, malapit sa malalaking bintanang nakaharap sa hardin, nandoon si Dylan.Nakatiklop ang mga braso niya, suot ang dark at understated na damit na lalo lang nagpalayo sa aura niya. Walang emosyon ang mukha. Walang kahit anong bakas ng nangyari kagabi. Nang umangat ang tingin niya at tumama sa akin…Parang may humawak sa akin sa lugar.Malamig. Hindi nagpapatawad.At sa unang pagkakataon mula nang pirmahan ko ang kontratang ito, may takot na mahigpit na pumulupot sa dibdib ko.Dahil kung ano man ang pinaniniwalaan ni Dylan tungkol sa akin… Kung anong bersyon ng nakaraan ang hinuhusgahan niya…Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko. Wala akong depensa.At mas masakit pa…Hindi ko na rin alam kung ano ang tinatakbuhan ko.“Okay ka lang?” mahinang tanong ni Yuri sa tabi ko.Tumango ako, kahit hindi ako sigurado kung totoo.At saka….Naputol ang katahimikan.May umalingaw
Last Updated: 2025-12-16
Chapter: CHAPTER 04: Sophia Redford, Ang Babaeng Hindi Ako(Amelie POV)Pagkalipas ng dalawang araw, hindi na ako si Amelie Mitchell.Ako na si Sophia Redford.Lahat ng detalye ng bagong pagkatao ko ay inayos na, passport, IDs, personal profile, lahat, parang isang maingat ngunit nakakatakot na operasyon. Si Marie, kumilos na parang babaeng may deadline sa buhay at kamatayan. Walang sablay. Walang butas. Walang tanong na hindi nasagot.At ngayon…Nakatayo ako sa harap ng napakalaking bakal na gate ng Alderidge Heights, ang ancestral mansion ng pamilyang Chen.Hinaplos ng malamig na hangin ang balat ko habang ibinababa ng driver ang maleta ko. Ang mansyon ay nakatayo sa harap ko, malawak, elegante, at nakakatakot. Sa likod ng malalaking salamin, kumikislap ang mga chandelier na parang mata ng isang nilalang na nagmamasid. Kahit ang hangin dito, kakaiba.Mas mabigat.Mas matalim.Ito na ang simula.Ang unang araw ko bilang ibang tao.Ang unang araw ko bilang magiging asawa ni Elijah Chen.Ang unang hakbang ko sa isang buhay na wala akong ideya
Last Updated: 2025-12-13
Chapter: CHAPTER 03 : Ang Pangalan Na Hindi Ko Pinili( Dylan’s POV )Hindi ko in-expect na makikita ko pa siya ulit.Hindi sa ganitong paraan.Hindi sa café ko.At lalong hindi sa panahong pinaniwala ko na ang sarili ko na si Amelie Mitchell ay bahagi na lang ng isang chapter ng buhay ko na matagal ko nang ibinaon at isinelyo sa pinaka-malalim na parte ng alaala ko.Pero andoon siya.Nakatayo sa loob ng Café Bulle De Ciel na parang may karapatan siyang naroon. Parang hindi niya ako iniwan noon nang hindi man lang lumingon. Parang hindi lumipas ang sampung taon na iniukit ang pagkawala niya sa bawat bersyon ng pagkatao ko.Nang magtagpo ang mga mata namin, may kung anong marahas na pumilipit sa dibdib ko.Nararamdaman ko na agad bago ko pa maintindihan, matalim, pamilyar, at ayaw kong maramdaman. Parang muling binuksan ang sugat na hindi kailanman tuluyang gumaling. Unti-unting naglaho ang mundo sa paligid naming, ang sipol ng espresso machine, ang tunog ng baso at plato, ang mahinang usapan ng mga customer. Siya lang ang nakikita ko.M
Last Updated: 2025-12-13
Chapter: CHAPTER 02 : Ang Pitakang Hindi Ko Dapat NaiwanHindi ko man lang binigyan ang sarili ko ng chance na huminga.The moment na nagtagpo ang tingin namin ni Dylan sa café na ‘yon, automatic na nag-react buong katawan ko… panic, gulat, at ‘yung kirot na akala ko matagal ko nang nilibing sa nakaraan. Tumayo ako bigla, halos lumipad pa ‘yung upuan sa lakas ng pag-atras ko. Napabulong ako ng “sorry” sa barista habang nagmamadali palabas, kunwari may bigla akong importanteng pupuntahan.Kailangan ko lang makalayo.Layo sa kaniya.Layo sa alaala niya.Paglabas ko sa pavement, malamig ang hangin, at kahit half-way pa lang ako sa sidewalk, doon ko na-realize…Yung purse ko.Naiwan ko sa counter.“Dammit, Amelie…” bulong ko sa sarili, pero hindi ko maibalik ang mga paa ko sa café. Hindi habang nandoon pa si Dylan. Hindi habang nakatitig pa siya gamit ‘yung mga matang kayang tunawin ang lahat ng pader na itinayo ko for years.Naglakad ako..mabilis, sobrang bilis..umaasang malulunod ako sa dami ng taong nagdaraan.Pero syempre, ang tadhana… mahi
Last Updated: 2025-12-12