UNCLAIMED VOWS

UNCLAIMED VOWS

last updateLast Updated : 2025-12-18
By:  ERINE A. CAPARIÑOUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
27views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Matapos mahuli ang fiancé niyang may ibang babae at mawalan ng trabaho sa loob lamang ng isang linggo, handa na si Amelie Mitchell na magtago sa mundo, hanggang sa isang alok ang biglang nagbigay sa kanya ng pag-asa. Isang kasunduan. Isang kasal. Isang kasinungalingang magliligtas sa kanyang pamilya. Ang nag-alok? Si Elijah Chen, matalino, at sikat na Neurosurgeon. Tagapagmana ng isang bilyong dolyar na imperyo. Simple lang ang usapan.. Pakakasalan niya ito. Gagampanan ang papel. At mababayaran ang lahat ng problema niya. Pero gumuho ang lahat nang makaharap niya ang half-brother nito— si Dylan Luis Suarez Chen, ang unang binatang kanyang inibig, ang iniwan niya para tuparin ang pangarap, ang lalaking ayaw na ayaw na sana niyang makita muli. Ngayon, kailangan niyang pakasalan ang isang kapatid… Habang ang sigaw ng kanyang puso ay ang isa. At sa pamilyang punô ng lihim, kapangyarihan, at ipinagbabawal na pag-ibig, isang maling hakbang ay maaaring magwasak sa kanilang tatlo.

View More

Chapter 1

Chapter 01 : Binasag Na Umaga

(Amelie’s POV)

Maaga pa pero malambing ang liwanag na gumigising sa akin, dahan-dahang sumasayaw sa aking puting kumot, para bang nag-aanyaya na bumangon ako at huminga nang panibago. Kadalasan, paggising ko, kabog ng dibdib ang sumasalubong, mga deadlines, mga tawag, mga e-mail na kailangan kong habulin bago pa man ako makalunok ng unang kape. Pero ngayong umaga… kakaiba.

Tahimik.

Magaan.

Para bang may himig ng pag-asa sa hangin, na baka, kahit minsan, may magandang mangyayari sa akin. Mayroon nga ba talaga o baka gusto ko lang umasa.

Umupo ako at huminga nang malalim, pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Bahagyang maga ang mata ko, pero buo pa rin ang determinasyon na laging nasa likod ng bawat pagbangon ko.

“Isang araw pa, Amelie,” bulong ko sa sarili. “Kaya mo pa.”

Nagpatuloy ako sa routine na halos nakaukit na sa kaluluwa ko, mabilis na shower, sleek blouse, pencil skirt, at ang suwerteng itim na takong na nakasuporta sa bawat hakbang ko kahit ilang ulit na akong muntik sumuko sa trabaho.

Paglabas ko ng apartment, ramdam ko agad ang gising na gising na Velmore City, usok ng bus, aroma ng kape mula sa sidewalk café, tawanan ng mga tindera, at ang binubuo-buong pangarap ng mga taong kasing pagod ko pero lumalaban pa rin.

Sumakay ako ng bus, nakatingin sa bintana. Sa kakaibang dahilan, hindi ako kinakabahan ngayon. Hindi ako nag-aabang ng masama. Siguro dahil pagod na ako sa kakaisip ng masama. O siguro… gusto ko lang maniwalang may magandang mangyayari kahit isang beses lang.

Pagdating ko sa Vérité & Co., napatingala ako sa gusaling tila palasyong gawa sa salamin. Ilang taon ko nang pinipilit mapanatili ang posisyon ko rito bilang assistant ng Creative Director. Hindi glamorous ang lahat.. oo, may mga event, may mga eleganteng photoshoot, pero mas madalas puro pressure, ego, at intriga.

May mga nagmamahal sa trabaho ko. May mga nagtatangkang ibagsak ako. At may iilang nagiging halimaw dahil sa inggit.

Pero wala akong choice. Kailangan ko ng pera para kay Sam, ang kapatid kong gustong makapagtapos. Para kay Mama, na humihina bawat linggo dahil sa kondisyon niya sa utak. Para sa maliit naming batchoy house sa Santa Catalina, na pilit umaahon kahit hindi talaga sapat ang maliit na kita sa dami ng expenses.

Ako ang sandalan ng pamilya.

Ako ang tanging may kaya.

Kaya hindi ako pwedeng matalo.

Pagdating ng tanghali, limang beses ko nang tinawagan si Alex. Wala. Hanggang hapon, wala pa rin.

Hindi siya gano’n. Hindi siya biglang naglalaho.

May kumikirot na kaba sa sikmura ko, unti-unting nagiging alakdan na kumakagat sa loob.

Pagsapit ng alas-singko, hindi ko na kaya.

Kung ayaw niyang sumagot… ako ang pupunta.

Bumili ako ng roast chicken, paborito ni Alex, at dalawang malamig na beer. Pinilit kong maging kalmado sa elevator, pero nanginginig ang kamay ko.

Pagharap ko sa pinto ng condo niya, tumigil ang mundo ko.

Isang pares ng pulang high heels ang nakatambak sa tabi ng pinto.

Hindi akin. Lalong hindi kay Alex. Hindi dapat nandito.

“Hindi. Baka tropa lang…” bulong ko sa sarili. Kahit alam ko, sa ilalim ng bawat salita, na nagkakandapilipit na ang utak ko sa pag-iwas sa katotohanan.

In-enter ko ang code. Bumukas ang pinto. Madilim ang sala. Tahimik.

Ibinaba ko ang pagkain sa counter.

At doon ko narinig.

Isang ungol.

Naglakad ako papunta sa kwarto nang mabagal, parang inaantay na lamunin ng lupa.

At pagtingin ko…

Si Alex.

Hubad. Pawisan.

Nakasampa sa isang babaeng hindi ko kilala, parehong wala ni pirasong hiya.

Para akong sinampal ng sampung taon ng kahihiyan.

Parang tinuhog ang puso ko at iniwan doon na tumutulo.

“Alex…” halos wala nang boses ang lumabas sa bibig ko.

Napatigil siya, nanlaki ang mata, pero huli na. Lahat nahuli ko na.

Tinanggal ko ang engagement ring, nanginginig ang kamay ko, kumawala ito at tumama sa dresser, isang tunog na parang pako sa kabaong ng relasyon namin.

“Tapos na tayo,” bulong ko, pero parang sumisigaw ang puso ko.

“Tapos na.”

Tumakbo ako palabas. Hindi ko na narinig ang paliwanag, wala na akong pakialam. Bumaba ako ng hagdan na parang hinahabol ng sarili kong pagkabagsak.

Pagdating sa kalsada, doon ko lang naramdaman ang bigat.

Para akong binagsakan ng mundo.

Tinawagan ko ang kaibigan kong hindi nagkulang kahit kailan, si Marie.

“Marie…” garalgal ang boses ko. “Ayoko na…”

Isang oras ang lumipas at nasa harap ko na siya sa madilim na bar, nag-aalok ng whiskey at yakap na parang tahanan.

“Oh, girl… lalaki talaga,” sabi niya habang hinihimas ang likod ko. “Masuwerte ka pa..Buti nga nakita mo bago ka pa ikinasal.”

“Hindi ako maswerte, Marie… parang akong isinumpa,” sagot ko. “Lagi na lang ako ang nasasaktan.”

Sinabi ko sa kanya lahat...failed relationsips ko simula pa sa US.

yung first love ko na iniwan ko para sa Harvard,

ang pangarap na muntik ko nang maabot,

ang karerang unti-unting gumuho,

at ngayon si Alex, ang huling pagsubok na hindi ko kinaya.

“You’re not cursed,” sabi niya. “You’re just human.”

Pero pakiramdam ko?

Sumpa.

“Siguro dapat bumalik na lang ako sa US,” sabi ko. “Tanggapin ko na lang yung offer sa akin ni baklang Ken sa Los Angeles. At makapagsimula ulit.”

“If that’s what you want… susuportahan kita.”

Kinabukasan, umuwi ako sa Santa Catalina.

Ang amoy ng dagat. Ang ingay ng mga tindero. Ang batchoy ni Mama.

Para akong bata na umuwing sugatan.

Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ni Mama, napapangiti kahit halatang mahina.

“Anak… ano nangyari?”

Ni hindi ko masabi.

Niyakap ko lang siya, mahigpit.

Doon ko napagtanto kung gaano ako kadurog.

Samantala, si Marie, supermom, wedding coordinator, businesswoman, ay nakaipit sa malaking problema. At ang problemang iyon… nagdala sa akin sa pamilyang Chen.

Si Dr. Elijah Chen. Neurosurgeon sa Zurich, Switzerland. Graduate din ng Harvard. Matalino. Mayaman. Walang oras sa lovelife dahil busy sa career.

At kailangan ng isang babaeng gagampan sa papel ng ex-fiancée niyang si Sophia Redford. Na lingid pa sa kaalaman ng kanyang pamilya ang paghiiwalay nila at hindi pa nga nila ito nakikilala ng personal o kahit sa picture lamang.

Kailangan niya ng stand-in bride.

At sabi ni Marie… perfect daw ako.

Noong araw na nagvideo call sya, hindi ko alam kung tatawa ako o maiinis.

“Girl, nasaan ka?! Pupunta ako d’yan. Hindi ka pwedeng tumanggi.”

“Marie… kasal? Pretending to be someone else? Ano ka ba…”

“Yes! At kikita ka! Hay naku, let me explain in person!”

Nagpatalo ako. “Fine… see you.”

Nasa Raventon ako noon,ang syudad na madadaanan papuntang Santa Catalina. Galing ako sa pagkuha ng gamot ni Mama. Umupo ako sa café, hangang matapos ang video call namin ni Marie.

At paglingon ko sa counter…

natigilan ako.

Kasi naroon siya.

Ang lalaking ayaw ko nang makita.

Ang alaala na pilit kong nilimot.

Ang iniwan ko noon para sa aking pangarap.

Si Dylan.

At sa pagbalik niya…

nagbago ang ikot ng aking mundo.

Nagsimula nang magbago ang lahat.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status