author-banner
Nightshade
Nightshade
Author

Nobela ni Nightshade

Ang Haplos Ng Bilyonaryo

Ang Haplos Ng Bilyonaryo

“Isang gabi ng pagkakamali sa piling ng estrangherong asawa at isang gabing magpapabago sa kanyang tadhana.” ​Tatlong taon nang kasal si Elena sa isang misteryosong bilyonaryong si Dante Valderama, isang kasalang papel lamang para iligtas ang negosyo ng kanyang pamilya, at isang lalaking hindi pa niya kailanman nakita. Sa gabing desidido na siyang tapusin ang lahat, nagtungo siya sa hotel suite ng kanyang asawa para humingi ng diborsyo. Ngunit dahil sa alak at isang pagkakamaling hindi na mababawi, nauwi ang kanilang paghaharap sa isang mapangahas at mapusok na gabi sa dilim, isang gabing hindi nila alam kung sino ang kanilang kaharap, tanging init at pagnanasa lamang ang nag-uugnay sa kanila. Tumakas si Elena, bitbit ang takot at lihim ng gabing iyon. Ngunit para kay Dante, ang babaeng nagmulat sa kanya ng kakaibang pagnanasa ay hindi basta palalampasin. Hahanapin niya ito, kahit hindi niya alam na ang babaeng hinahabol niya ay ang asawang matagal na niyang binalewala.
Basahin
Chapter: KABANATA 73
ELENA POV Ang apat na anino ng mga French Rafale ay tila mga tanod ng kamatayan sa gilid ng aming bintana. Ang kanilang presensya ay nagdulot ng isang kakaibang uri ng pressure—hindi ang marahas na pag-uga ng turbulence, kundi ang malamig na katotohanan na ang aming buhay ay nakasalalay na ngayon sa dulo ng isang missile trigger. “Mendoza, ibigay mo sa akin ang comms,” utos ni Dante. Ang kanyang boses ay nagbago. Wala na ang pagod na Dante na sugatan at hinihingal; ang boses na lumabas ay ang boses ng isang tagapagmana ng imperyo. Itinindig niya ang kanyang likod, inaayos ang kanyang gusot na kuwelyo na tila ba nasa loob siya ng isang boardroom sa halip na sa isang naghihingalong cockpit. “French Air Command, this is Dante Valderama of Valderama Global Holdings,” panimula niya sa radyo. Ang kanyang French ay diretso, matatas, at puno ng awtoridad na tila hindi nagtatanong, kundi nag-uutos. “I am currently on a non-sanctioned emergency flight.
Huling Na-update: 2026-01-30
Chapter: KABANATA 72
ELENA POV Ang boses ni Sofia sa radyo ay nag-iwan ng isang malapot na katahimikan sa loob ng cockpit. Sa screen ng laptop, ang imahe ni Maya na nakagapos sa kama ng isang sterile na pasilidad sa Geneva ay tila isang sumpa. Bawat pitik ng monitor, bawat kurap ng mga medikal na sensor na nakakabit sa aking kapatid, ay paalala na ang aming kalayaan ay nakatali sa isang napakanipis na sinulid. “Dante…” bulong ko, ang aking tinig ay halos hindi marinig sa gitna ng ugong ng mga makina. Hindi sumagot si Dante. Nakatitok lang siya sa screen, ang kanyang panga ay nakakuyom nang husto. Alam ko ang tumatakbo sa isip niya. Ang digital drive na nakuha niya sa cargo bay ang tanging alas namin para pabagsakin ang Obsidian Circle sa boardroom, pero ang kapalit niyon ay ang buhay ni Maya at ng sanggol na dinadala nito. Ngunit sa gitna ng bigat ng sitwasyon, napansin ko ang pagbabago sa ikinikilos ni Dante. Hindi siya nakatingin kay Sofia, o sa radar, o sa akin
Huling Na-update: 2026-01-29
Chapter: KABANATA 71
ELENA POV Ang bawat pag-uga ng Airbus A380 ay tila isang babala ng kamatayan. Sa labas ng bintana, ang pakpak ng Gulfstream ni Sofia ay parang isang talim na sumasayaw sa hangin, pilit na ginugulo ang aming stabilizer. Hindi sapat ang lakas ng aming makina para takasan sila sa ganitong altitude; para kaming isang higanteng balyena na pinaglalaruan ng isang mabilis na pating. “Mendoza, hindi natin sila kayang ilagan sa manual!” sigaw ni Dante habang pilit na pinapanatiling pantay ang eroplano. “Naglalaro siya ng aerodynamic chicken,” sagot ni Mendoza, ang mga kamay ay nanginginig sa control yoke. “Kung hindi sila aatras, mawawalan tayo ng lift at tuluyan tayong mag-i-stall.” Hinarap ako ni Dante. Ang kanyang mga mata, sa kabila ng dugo at pagod, ay nagniningas sa determinasyon. “Elena, ang laptop sa ilalim ng observer seat. Kunin mo. Ngayon na.” Mabilis kong kinapa ang bag ni Leo na ipinuslit namin sa cockpit. Sa loob nito ay isa
Huling Na-update: 2026-01-28
Chapter: KABANATA 70
ELENA POV Ang kadiliman sa loob ng cockpit ay hindi lamang kawalan ng liwanag; ito ay isang bigat na tila gustong pumigtas sa aking hininga. Habang ang radar ay patuloy sa pag-alingawngaw ng babala ng papalapit na missile, ang aking malay ay dahan-dahang sumusuko sa manipis na hangin. Ngunit ang tunog ng pagbukas ng pinto—ang kalansing ng bakal na tumama sa sahig—ang nagsilbing kape sa aking nanunuyot na sistema. “Elena…” Isang bulong. Paos, basag, at puno ng dugo, ngunit iyon ang pinakamagandang musikang narinig ko sa buong buhay ko. Nilingon ko ang pinto. Doon, nakasandal sa frame, ay si Dante. Ang kanyang mukha ay halos hindi makilala dahil sa uling at dugo na dumadaloy mula sa isang malalim na sugat sa kanyang anit. Ang kanyang kaliwang balikat ay nakalaylay, at ang kanyang polo shirt ay punit-punit na. Ngunit ang kanyang mga mata—ang mga matang laging nagpapakalma sa akin—ay nakatitok sa akin nang may halo ng pait at pasasalamat. “Dante!” Pilit akong tumayo, muntik nang
Huling Na-update: 2026-01-27
Chapter: KABANATA 69
ELENA POV Ang putok ng baril na umalingawngaw mula sa intercom ay tila tumagos sa aking sariling dibdib. Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa loob ng cockpit, ang mga daliri ko ay nakabaon sa gilid ng upuan ni Captain Mendoza. Ang katahimikan na sumunod ay mas masakit kaysa sa anumang pasabog. "Dante? Dante, sumagot ka!" sigaw ko, ang boses ko ay basag at puno ng desperasyon. Tanging static ang sumagot. Walang yabag ng paakyat, walang ubo, walang pamilyar na boses na magsasabing 'Elena, okay lang ako.' Ang tanging naririnig ko ay ang sarili kong mabilis na paghinga sa loob ng oxygen mask. "Miss Villareal, kailangang manatili tayo sa controls!" babala ni Mendoza, ang kanyang mga mata ay nakatutok sa radar. "Ang Gulfstream ni Sofia ay nag-u-u-turn. Mukhang balak nilang magpakawala ng isa pang electronic surge para tuluyang patayin ang systems natin." "Babarilin ko ang pinto!" sabi ko, kinuha ang ceramic blade at sinubukang lumabas ng cockpit. Pero bago ko pa mahawakan ang handle,
Huling Na-update: 2026-01-26
Chapter: KABANATA 68
ELENA POVAng static sa radyo ay tila isang babala na unti-unting pumupunit sa katahimikan ng cockpit. Hawak ko ang headset nang ganoon na lamang kahigpit, sapat para mamuti ang aking mga buku-butil. Sa kabilang linya, ang boses ni Sofia ay tila isang multo mula sa nakaraan, isang boses na akala ko ay ibinaon ko na sa mga kalsada ng Madrid."Sofia, itigil mo na ito," ang boses ko ay mababa pero puno ng diin. "Hindi ito ang paraan para manalo. Ang dalawang daang tao sa likod ko ay walang kinalaman sa laro niyo ni Victoria."Narinig ko ang mahinang tawa niya. Isang tawa na walang kaluluwa. "Games? Oh, Elena. You were always the idealistic one. Noong nasa Universidad Complutense pa tayo, ikaw ang paboritong 'proyekto' ni Victoria dahil madali kang utuin. Akala mo ba naging magkaibigan tayo dahil sa tadhana? Victoria paid for my tuition just to keep an eye on you."Napapikit ako. Ang bawat alaala ng aming pagsasama sa Spain, ang mga gabi ng pag-a
Huling Na-update: 2026-01-24
The Mafia King's Deadly Bargain

The Mafia King's Deadly Bargain

The moment you saw my face, you lost your freedom. Now, you only have two choices, Be my wife... or be a corpse." — Kalix Valerio Si Isla Moretti ay isang simpleng pastry chef na ang tanging pangarap ay mapalago ang kanyang maliit na bakery. Ngunit ang tahimik niyang buhay ay magugulo nang aksidente siyang makapasok sa isang hotel suite na pagmamay-ari ni Kalix Valerio, ang kinatatakutang “Reaper” ng underworld. Nakita ni Isla ang isang bagay na hindi dapat makita ng kahit na sino. Sa mundo ng Mafia, ang mga saksi ay pinatatahimik... permanenteng pinatatahimik. Ngunit sa halip na tapusin ang buhay ni Isla, isang mapanganib na deal ang inalok ni Kalix. Dahil sa gulo sa loob ng kanyang organisasyon at ang banta ng pag-agaw sa kanyang posisyon, kailangan ni Kalix ng isang alibi, isang asawang magsisilbing “front” niya sa harap ng kanyang mga kaaway. Ang kundisyon? Magpapanggap si Isla na asawa ni Kalix sa loob ng anim na buwan. Kapalit nito ay ang kanyang kaligtasan at ang pondo para sa kanyang pangarap. Mabubuhay kaya si Isla sa isang mansyong puno ng baril at sikreto? O magagawa niyang paamuhin ang isang demonyo na ang tanging alam ay pumatay? Sa mundong puno ng traydoran, matutuklasan ni Kalix na ang pinakamalakas niyang kalaban ay ang sarili niyang puso na unti-unting sumusuko sa kanyang inosenteng asawa. ﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋ Welcome to the dark, seductive world of The Mafia King’s Deadly Bargain. Follow an ordinary woman caught in a dangerous criminal empire, filled with high-stakes action and a slow-burn romance. If you love possessive alphas and strong, witty heroines, this is for you! Don't forget to add this to your library and leave a comment. Happy reading!
Basahin
Chapter: CHAPTER 38: THE NIGHT OF THE KNEADING KNIVES
Isla Moretti POV Akala ko nung nakaraang gabi, nakuha ko na lahat. 'Yung barilan sa warehouse, 'yung pagsabog, 'yung kaba na hindi matatapos. Pero iba pala kapag malapit. Iba kapag naririnig mo 'yung hinga ng taong malapit nang mamatay at amoy mo 'yung malansang amoy ng dugo sa sarado at mainit na kwarto. Nasa isang abandonadong bodega kami sa dulo ng pier. Maingay 'yung alon sa labas, humahampas sa mga kinakalawang na poste, pero sa loob, masakit sa tenga 'yung katahimikan. Amoy langis, amoy kalawang, at amoy pawis. Nakatali sa isang silya sa gitna ng kwarto 'yung isa sa mga tauhan ni Marco Greco. 'Yung lalakeng nakita namin sa listahan na may hawak ng payroll. Duguan na 'yung mukha niya, basag ang labi, pero tumatawa pa rin siya nang mahina habang nakatingin sa sahig. "Wala kayong makukuha sa akin, Valerio," sabi nung lalake. Paos na 'yung boses niya, parang may nakabara na kung ano sa lalamunan niya. Nakatayo si Kalix sa harap niya. Walang emosyon 'yung mukha niya, para l
Huling Na-update: 2026-01-29
Chapter: KABANATA 37: COLD RETALIATION
Isla Moretti POV Hindi ako nakatulog. Pagpikit ko, nararamdaman ko pa rin 'yung tadyak ng baril sa balikat ko at 'yung tunog ng pagbagsak nung hitman sa semento ng simbahan. Pagdilat ko naman, nakikita ko si Kalix na nakatayo sa tapat ng bintana ng safehouse, naninigarilyo habang nakatingin sa labas. Galit siya. Ramdam ko 'yung init na lumalabas sa katawan niya kahit malayo ako. Galit siya dahil muntik na kaming makuha, at mas galit siya dahil kailangan ko pang pumatay para lang makalabas kami doon nang buhay. "Kalix," tawag ko. Lumingon siya. Pinitik niya 'yung upos ng sigarilyo sa ashtray bago lumapit sa akin. Hinawakan niya 'yung pisngi ko. Magaspang 'yung palad niya pero mainit. "Magpahinga ka na, Isla. Maaga tayo bukas." "Saan tayo pupunta?" "Uubusin ko sila," maikli niyang sagot. "Lahat ng warehouse ni Greco na nakasulat doon sa listahan, susunugin ko." Umupo ako sa gilid ng kama. "Hindi pwedeng basta sugod lang, Kalix. Nakita mo naman kanina, 'di ba? Alam nila kung nasaa
Huling Na-update: 2026-01-28
Chapter: KABANATA 36: THE UNEXPECTED ALLY
Isla Moretti POV Ang gabi ay balot ng panganib habang mabilis na binabaybay ng aming convoy ang kalsada patungo sa lumang simbahan sa labas ng siyudad. Sa loob ng sasakyan, mahigpit ang pagkakahawak ko sa holster ng aking baril. Ang bawat streetlight na dumadaan sa bintana ay tila mga mata ng mga Greco na nagmamasid sa dilim. "Isla, sigurado ka ba rito?" tanong ni Kalix. Nakatitig siya sa akin, ang kanyang mga mata ay puno ng pagduda pero naroon din ang respeto. "Informants are dangerous. Lalo na ang mga taong nagsasabing tinalikuran nila ang sarili nilang amo." "Sabi ni Dante, ang taong 'to ay dating tauhan ng mga Santos. Nakatakas siya nung nilusob ang asukal mill," sagot ko, pilit na pinatitatag ang aking boses. "He knows who gave the order to kill Mang Carding. Hindi lang ito basta panggugulo, Kalix. This is a coordinated execution of everyone I know." "I don't like it. Meetings in churches are for funerals," bulong ni Kalix habang kinakasa ang kanyang baril. Ang tunog ng
Huling Na-update: 2026-01-27
Chapter: KABANATA 35: THE FIRST STRIKE
Isla Moretti POV Ang amoy ng pulbura ay dumidikit na sa aking balat na parang isang bagong uri ng pabango. Tatlong oras na kaming narito sa loob ng firing range ng The Vault. Ang bawat putok ng aking baril ay hindi na nagdudulot ng panginginig sa aking balikat. Sa halip, bawat bang ay nagbibigay sa akin ng kakaibang kontrol. "Ulitin mo, Isla. Huwag mong isipin ang recoil. Isipin mo ang target," utos ni Kalix. Nakatayo siya sa likuran ko, ang kanyang presensya ay parang isang pader na nagpoprotekta sa akin mula sa mundong unti-unti ko nang kinatatakutan. BANG! BANG! "Better," tipid niyang komento. "Pero masyadong mabilis ang pagbitaw mo sa trigger. Patience is a weapon, too." Ibinaba ko ang baril at tinanggal ang headphones. "Kalix, tao ako, hindi makina. Kanina pa ako nakatayo rito at nakatitig sa papel na 'yan. Pagod na ang mga mata ko." Lalapit sana siya para kuhanin ang baril mula sa akin—isang simpleng galaw na alam kong paraan niya ng pag-aalaga—nang biglang mag-vibrate an
Huling Na-update: 2026-01-27
Chapter: KABANATA 34: TARGET PRACTICE (WITH A DASH OF FLOUR)
Isla Moretti POVSabi nila, ang pagbe-bake ay isang sining. Kailangan ng tamang timpla, tamang temperatura, at higit sa lahat, matinding pasensya. Pero habang nakatayo ako sa loob ng underground firing range ng The Vault, suot ang dambuhalang noise-canceling headphones at protective goggles, pakiramdam ko ay mas madali pang magpaalsa ng isang libong soufflé kaysa itama ang punyitang target na nasa harap ko."Stance, Isla. Huwag mong labanan ang recoil. Maging bahagi ka ng baril," utos ni Kalix. Nakasandal siya sa pader sa likuran ko, nakahalukipkip at pinapanood ang bawat maling galaw ko."Ang bigat kaya! Akala ko ba lightweight 'to?" reklamo ko habang pilit na itinataas ang aking Sig Sauer. "At bakit kailangang ganito ang tayo? Para akong iihi sa kanto!""It's called a stable base. Kung hindi matigas ang tayo mo, itatapon ka sa likod ng pwersa ng bala," paliwanag niya, sabay lapit uli sa akin para itama ang pagkaka-kuba ng balikat ko. "Focus. Isipin mo, 'yung target ay hindi lang pap
Huling Na-update: 2026-01-24
Chapter: KABANATA 33: THE VAULT AND THE LESSON
Isla Moretti POVKung akala ko ay sapat na ang "harina tactics" para maging ligtas kami, nagkamali ako. Habang binabaybay namin ang kalsada palayo sa nagbabagang labi ng bakeshop ko, ramdam ko ang bigat ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi ito ang katahimikang komportable; ito ang katahimikan bago ang isang malakas na pasabog."Dante, take the long route. Clear the tails," malamig na utos ni Kalix.Tumigil kami sa isang lumang bodega sa labas ng siyudad. Mukha itong abandonado, puno ng kalawang at alikabok, pero nang pindutin ni Kalix ang isang button sa kanyang relo, ang isang bahagi ng semento sa sahig ay dahan-dahang bumukas. Isang elevator."Welcome to The Vault," ani Kalix habang hinihila ako papasok.Pagbaba namin, bumungad sa akin ang isang underground facility na mukhang kinuha sa pelikula ni James Bond. High-tech, malamig ang aircon, at puno ng mga screen na nagpapakita ng iba't ibang CCTV feeds. Pero higit sa lahat, ang isang dingding ay puro armas, mula sa maliliit na
Huling Na-update: 2026-01-24
Falling For The Billionaire CEO

Falling For The Billionaire CEO

𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘮𝘰 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘬 𝘬𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢? Si Aya Dizon, 23 years old, ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Alvero Grand Hotel para matulungan ang pagpapagamot sa kapatid niyang may malubhang sakit. Dito niya nakilala ang tinaguriang "Ice King" na si Lucius Alvero na isang CEO na kilala sa pagiging walang puso at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Sa simula, pinahihirapan lang ni Lucius si Aya dahil sa kanyang pagiging tyrant, pero magbabago ang lahat nang malaman niya ang isang madilim na sikreto...ang yumaong tatay ni Aya pala ang driver na itinuturong pumatay sa bunsong kapatid ni Lucius sampung taon na ang nakalilipas. Dahil sa galit, lalo pang naging mahirap ang buhay ni Aya sa kamay ni Lucius. Pero paano kung mali ang paniniwala ni Lucius, at may sabwatan pala ang pamilya Montenegro? Kapag nalaman na inosente ang ama ni Aya, paano babawiin ni Lucius ang bawat sakit na idinulot niya? Kaya bang hilumin at bawiin ang pusong kusa niyang dinurog...at matutunton kaya nila ang daan pabalik sa isa't-isa?
Basahin
Chapter: KABANATA 86
AYA’S POV Mabilis nagbago ang panahon sa Batanes. Kaninang umaga lang, ang tirik ng araw, pero bandang alas-tres ng hapon, biglang nagdilim ang langit. Tapos, ayun na—bumuhos ang ulan na parang gripo na nasira. Malalaki ang patak, at dahil nasa dulo kami ng bangin, sobrang lakas ng tunog ng ulan na humahampas sa bubong at sa mga salamin ng resthouse. Nasa sala ako, nakasilip sa bintana. Ang ganda tingnan nung dagat sa labas, parang nakikipag-away yung mga alon sa ulan. "Ang lakas, 'no?" Napatalon ako nang bahagya nang marinig ko yung boses ni Lucius sa likuran ko. Naka-short lang siya at t-shirt na puti. Mas relax na siya ngayon, hindi na siya masyadong namimilipit kapag gumagalaw. "Oo nga eh. Ganito rin sa Laguna minsan, pero dito, iba yung tunog. Parang mas galit," sabi ko habang nakatingin pa rin sa labas. Binuksan ni Lucius yung sliding door papunta sa malawak na beranda. Pumasok agad yung malamig na hangin at yung wisik ng ulan. Lumabas siya at tumayo sa ilalim ng roof exte
Huling Na-update: 2026-01-29
Chapter: KABANATA 85
AYA’S POV Maingay ang alon sa labas pero mas maingay ang tiyan ko. Alas-otso na ng umaga nang magising ako. Pagmulat ko, wala na si Lucius sa tabi ko. Kinabahan ako sandali, pero naalala ko—nandito kami sa Batanes. Malayo sa Laguna, malayo sa mga baril. Safe na kami. Bumangon ako at dumeretso sa kusina. Ang ganda ng kusina rito, puro puti at mukhang mamahalin ang mga gamit, pero wala pang luto. Nakita ko si Lucius sa may balcony, nakatayo lang habang nakatingin sa dagat. Naka-sweater siya na itim para siguro matakpan 'yung benda sa tagiliran niya. "Gising ka na pala," sabi niya nang mapansin ako. Lumingon siya at ngumiti nang tipid. Mukha na siyang tao ngayon, hindi na 'yung parang bangkay na hila-hila ko sa gubat nung isang araw. "Gutom na ako," prangka kong sabi. "Magluluto ako. Ano'ng gusto mo?" "Kahit ano, basta luto mo," sagot niya habang naglalakad papasok. Medyo paika-ika pa rin siya, pe
Huling Na-update: 2026-01-29
Chapter: KABANATA 84
AYA’S POVAng Hidden Paradise ay hindi lang isang resthouse. Para itong kuta na nakatayo sa dulo ng isang matarik na bangin sa Batanes, kung saan ang malalakas na alon ng Dagat Pasipiko ay walang tigil na humahampas sa mga batuhan sa ibaba. Modernong Ivatān ang disenyo nito—matitibay ang mga pader, kayang salagin ang kahit pinakamalalakas na bagyo, pero sa loob ay may karangyaang halatang personal na pinili ni Lucius Alvero.Nang pumasok kami sa loob, sinalubong kami ng amoy ng bagong linis na kahoy at sariwang hangin ng dagat. Pagkatapos ng tatlong araw sa loob ng madilim at mabahong yungib, ang bawat sulok ng bahay na ito ay tila isang paraiso.Inalalayan ng dalawang private medics si Lucius patungo sa master’s bedroom. Kahit na pilit siyang nagpapakita ng lakas sa harap ko, alam kong ang biyahe mula sa Laguna hanggang dito ay naging matindi para sa kaniyang sugatang katawan."Ma'am Aya, handa na po ang inyong pagkain at ang inyong silid," magalang na sabi ng isang matandang babae n
Huling Na-update: 2026-01-28
Chapter: KABANATA 83
AYA’S POV Ang ikatlong araw namin sa loob ng yungib ay nagsimula sa isang kakaibang katahimikan. Wala na ang ulan, at ang tanging naririnig ay ang banayad na agos ng ilog sa ibaba. Ngunit ang katahimikang ito ay biglang binasag ng isang malayo ngunit pamilyar na ugong—isang helicopter. Mabilis akong tumayo at lumapit sa bukana ng yungib. Sa asul na kalangitan, nakita ko ang isang itim na chopper na may markang pamilyar sa akin. Hindi nagtagal, narinig ko ang kaluskos ng mga sapatos sa labas, ang tunog ng mga kagamitang metal, at ang mga boses na tumatawag sa isang pangalan. "Sir Lucius! Aya!" "Nandito kami!" sigaw ko nang buong lakas. Halos mawalan ako ng balanse sa pagtakbo palabas. "Nandito kami!" Mula sa masukal na bahagi ng kagubatan, lumitaw ang isang grupo ng mga lalaking naka-tactical gear. Sa gitna nila, humahangos at pawisan, ay si Mark. Nang makita niya ako, rumesponde ang kaniyang mukha ng matinding relief, ngunit agad din itong napalitan ng kaba nang makita ang dumi a
Huling Na-update: 2026-01-28
Chapter: KABANATA 82
AYA’S POV Nang sumikat ang araw, ang liwanag na pumasok sa siwang ng mga bato ay tila isang mapanghusgang daliri na nagpapakita sa akin ng tunay na kalagayan namin. Tuyot na ang ulan, pero ang paligid ay nananatiling maputik at madulas. Tiningnan ko si Lucius. Kahit papaano ay bumaba na ang kaniyang lagnat, pero ang kaniyang katawan ay lantang-lanta pa rin. Ang benda na itinali ko kagabi ay may bakas na ng tuyong dugo. Kailangan niyang kumain. Kailangan naming uminom. Dahan-dahan kong inalis ang kaniyang kamay na nakapulupot sa akin. Isang mahinang ungol ang kumawala sa kaniya, pero hindi siya nagising. Lumabas ako ng yungib, ang aking mga paa ay agad na naramdaman ang lamig ng basang lupa. Ang gubat sa paligid ng ilog ay masukal, pero dahil lumaki ako sa probinsya at palaging kasama ni Tatay sa paghahalaman, pamilyar sa akin ang ilang ligaw na prutas at halaman. Hindi ako pwedeng lumayo; kailangan ko lang humanap ng kahit anong makakapagbigay ng enerhiya sa amin. Naglakad-lakad
Huling Na-update: 2026-01-26
Chapter: KABANATA 81
AYA’S POV Ang gabi ay tila walang katapusan sa loob ng madilim na yungib. Ang tanging nagpapaalala sa akin na lumilipas ang oras ay ang unti-unting paghupa ng ingay ng ulan sa labas, ngunit sa loob, ang tensyon ay nananatiling mataas. Nanatili akong nakayakap kay Lucius, ipinapahiram ang bawat hibla ng init ng aking katawan sa kaniyang nanginginig na balat. Maya-maya, naramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang mga daliri sa aking braso. Isang mahinang ungol ang kumawala sa kaniyang lalamunan, tuyot at puno ng hirap. "A-aya..." Mabilis akong bumangon nang bahagya, sapat lamang upang masilip ang kaniyang mukha sa ilalim ng malamlam na sinag ng buwan. Ang kaniyang mga mata ay bahagyang nakadilat, ngunit malabo ang tingin ng mga ito—lunod sa tindi ng lagnat. Ang kaniyang noo ay basang-basa ng malamig na pawis, at ang kaniyang mga labi ay halos kasing-puti na ng papel. "Lucius, nandito ako. Huwag kang malikot," pabulong kong sabi, hinahaplos ang kaniyang pisngi. Ang kaniyang balat ay par
Huling Na-update: 2026-01-26
Sold To The Ruthless Billionaire

Sold To The Ruthless Billionaire

"I didn't buy you to be a wife, Clara. I bought you to be my toy. To watch your life crumble, just like what your father did to mine." Para maisalba ang kanyang ama sa pagkakakulong at mabura ang bilyon-bilyong utang ng kanilang pamilya, tinanggap ni Clara Santos ang pinakadelikado na deal sa kanyang buhay, ang maging "property" ng pinakamapanganib na bilyonaryo sa bansa—si Sebastian Vergel. Si Sebastian Vergel ay gwapo, makapangyarihan, at may pusong matigas at malamig na parang bato. Sa bawat gabi na kailangang pagsilbihan ni Clara ang asawang kinatatakutan niya, unti-unti niyang nararamdaman ang bagsik ng paghihiganti nito. Pero sa likod ng mga malamig na titig at malupit na haplos ni Sebastian, may mga lihim na pilit itinatago ang mansyong Vergel. May tagong art studio, isang painting ni Clara noong bata pa siya, at isang misteryosang pasyente sa Switzerland na tila may hawak ng susi sa kanilang nakaraan. Habang lumalalim ang ugnayan nina Clara at Sebastian, ang poot ay dahan-dahang napapalitan ng isang mapanganib na pagnanasa. Ngunit paano iibig si Clara sa lalaking nagsabing sisirain siya? At ano ang gagawin ni Sebastian kapag ang babaeng dapat niyang paghigantihan ay siya palang babaeng matagal na niyang pinangakong poprotektahan? Sa mundong puno ng kasinungalingan, ang pag-ibig ba ang magpapalaya sa kanila, o ang katotohanan ang tuluyang tatapos sa kanilang dalawa?
Basahin
Chapter: CHAPTER 10: The Forced Dinner
Clara Santos POV “Ayusin mo ang mukha mo, Clara. You look like you’re going to a funeral,” bungad sa akin ni Sebastian pagpasok niya sa kwarto. Nakatitig lang ako sa salamin habang kinakabit ng stylist yung huling hikaw ko. Suot ko yung champagne gold gown na pinili niya kanina. Maganda ako, oo. Pero yung pakiramdam na parang decoration lang ako sa sala, hindi nawawala. “Kailangan ba talaga ‘to?” tanong ko habang tumatayo. Medyo sumasakit na yung likod ko sa bigat ng gown at sa sikip ng corset. “Mr. Arnaiz is my biggest investor. He’s old school. Gusto niya ng business partners na ‘stable’ ang family life. So tonight, you’re the loving wife. Isang mali mong galaw, Clara, alam mo kung anong mangyayari sa tatay mo.” Hindi na ako sumagot. Hinawakan niya ang siko ko at hinila ako palabas. Pagdating namin sa dining hall, nandoon na si Mr. Arnaiz. Akala ko matandang masungit, pero mukhang nasa late 30s lang siya, matangkad, at mukhang mabait—malayo sa aura ni Sebastian na parang l
Huling Na-update: 2026-01-30
Chapter: CHAPTER 9: The Golden Handcuffs
Clara Santos POV Tanghali na nang magising ako. Wala naman kasing dahilan para bumangon nang maaga. Walang pasok, walang trabaho, walang pwedeng kausapin. Nakatitig lang ako sa bintana. Mula rito, kitang-kita ko ang gate ng mansyon. Bukas-sara ito sa mga sasakyang labas-pasok, pero hanggang tingin lang ako. Labas-pasok ang lahat, maliban sa akin. Biglang bumukas ang pinto nang walang katok. Hindi na ako nagulat. Sanay na ako na walang respeto sa privacy ang mga tao rito. Pumasok si Manang Selya, kasunod ang tatlong babaeng hindi pamilyar sa akin. May dala silang mahahabang rack ng damit na halos pumuno sa kalahati ng kwarto. May mga bitbit din silang malalaking kahon na may tatak ng mga sikat na brand—Gucci, Dior, Chanel. Yung mga brand na sa magazine ko lang nakikita. “Ma’am Clara, sila po ang styling team na pinadala ni Sir Sebastian,” sabi ni Manang nang hindi tumitingin sa mata ko. “Kailangan niyo raw po mag-fit para sa Gala.” Gala. Oo nga pala. Yung event kung saan ipap
Huling Na-update: 2026-01-30
Chapter: CHAPTER 8: The Hospital Bill Evidence
Clara Santos POV Pagkaalis ni Sebastian, naiwan akong mag-isa sa gitna ng katahimikan na nakakabingi. Ang tunog ng pagsara ng pinto—’yung malakas na tunog ng pagsara—ay tila naging hudyat na wala na talaga akong takas. Pero sa kabila ng takot, may ibang bagay na mas gumugulo sa isip ko. Zurich, Switzerland. Alam ko na. Narinig ko na sa library noong isang gabi na siya ang nagbabayad sa ospital ni Papa at may itinatago siyang babae roon. Sinubukan kong ubusin ang steak na iniwan niya. Kahit bawat lunok ko ay parang may bumabara sa lalamunan ko, pinilit ko pa rin. Kailangan ko ng lakas. Kung gusto ni Sebastian na gawin akong laruan, kailangan kong maging matalinong laruan. Lumipas ang ilang oras. Siguro ay maghahatinggabi na nang muling bumukas ang pinto. Akala ko katulong na ang papasok para kunin ang tray, pero si Sebastian uli ang bumungad. Wala na siyang suot na vest at suit. Nakasuot na lang siya ng puting t-shirt na medyo hapit sa katawan niya at cotton pants. Mukhang p
Huling Na-update: 2026-01-29
Chapter: CHAPTER 7: The Silent Prison
Clara Santos POV May sariling tunog pala ang katahimikan. Sa loob ng tatlong araw na nakakulong ako sa kwartong ito, iyon ang natuklasan ko. Hindi siya zero sound. Maririnig mo ang mahinang ugong ng aircon, ang pag-atras-sulong ng pag-ikot ng liwanag at dilim sa dingding habang lumilipas ang oras, at ang sarili mong paghinga na habang tumatagal, parang lalong bumibigat. Ito na siguro ang impiyernong sinasabi ni Sebastian. Hindi kailangang saktan ang katawan mo pero sapat na ang burahin ang pagkatao mo sa pamamagitan ng pag-iisa. Noong unang araw, nagwala ako. Pinagbabayo ko ang pinto hanggang sa mamaga ang mga kamao ko. Sumigaw ako hanggang sa mawalan ako ng boses. Pero walang sumasagot. Ang mga katulong na nagdadala ng pagkain, parang mga robot. Papasok sila, ilalapag ang tray, tapos lalabas nang hindi man lang tumitingin sa akin. Bawal silang magsalita. Bawal nila akong pansinin. Para akong multo na pilit nilang hindi nakikita. Gabi na ng ikatlong araw. Nakaupo lang ako sa
Huling Na-update: 2026-01-28
Chapter: CHAPTER 6: The Price Of Curiosity
Clara Santos POVAng mga salita ni Sebastian ay tila bombang sumabog sa pandinig ko. “Winasak ko siya bago ko pa malaman ang pangalan niya?”“Ano’ng sinasabi mo?” nanginginig kong tanong. “Hindi kita kilala noon, Sebastian! Ngayon lang tayo nagtagpo sa hotel. Paanong—”“Shut up!”Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko at marahas akong hinila palayo sa easel. Hindi siya nakatingin sa akin, kundi sa painting na muli niyang tinakpan ng maruming tela. Sa kabila ng galit niya, may nakita akong saglit na sakit sa kanyang mga mata—isang emosyong agad din niyang binura.Kinaladkad niya ako palabas ng art studio. Sinubukan kong pumalag, pero ang lakas niya ay hindi ko kayang tapatan. Isara niya ang pinto at mabilis na ni-lock ito gamit ang isang susi na kinuha niya sa kanyang bulsa.“Huwag mo na uling susubukang pumasok sa kwartong iyan,” banta niya. Ang kanyang boses ay parang galing sa ilalim ng lupa. “And if you think that painting means I care about you, you are more delusional than I thoug
Huling Na-update: 2026-01-25
Chapter: CHAPTER 5: The Unexpected Discovery
Clara Santos POVNagising ako na masakit ang buong katawan. Ang sikat ng araw na tumatagos sa kurtina ay tila nanunukso sa akin. Paglingon ko sa aking tabi, wala na ang bakas ni Sebastian. Ang tanging naiwan ay ang gusot na kumot at ang amoy ng kanyang pabango na tila ayaw humiwalay sa aking balat.Bumangon ako at dahan-dahang naglakad patungo sa banyo. Sa bawat hakbang, naaalala ko ang mga nangyari kagabi. Ang kanyang mga haplos, ang kanyang mga bulong na puno ng poot pero may halong pagnanasa. Napahawak ako sa aking labi. I surrendered. I gave him the only thing I had left, and he took it without mercy.Paglabas ko ng banyo, nakita ko ang isang tray ng pagkain sa ibabaw ng lamesa. May maliit na note sa tabi nito.“Stay in this room. Don’t even think about stepping out. The guards are stationed at your door. — S.V.”Niyukom ko ang papel sa mga kamay ko. Bilanggo pa rin ako. Kahit matapos ang nangyari kagabi, wala siyang balak na paluwagin ang gapos sa akin. Pero hindi ako pwedeng mau
Huling Na-update: 2026-01-25
Maaari mong magustuhan
Sebastian's Downfall
Sebastian's Downfall
Romance · pariahrei
670.8K views
Hiding the Billionaire's Daughter
Hiding the Billionaire's Daughter
Romance · Miranda Monterusso
664.0K views
Miracle Twins(Tagalog)
Miracle Twins(Tagalog)
Romance · B.NICOLAY/Ms.Ash
615.5K views
ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO
ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO
Romance · MikasaAckerman
609.7K views
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status