author-banner
BunReverie
BunReverie
Author

Novels by BunReverie

Tito Maximillian's Obsession

Tito Maximillian's Obsession

Nahuli ni Louissa ang asawa na si Miguel katalik ang matalik niyang kaibigan na si Leandra, mismong sa gabi pa ng libing ng kanilang anak. Nadurog ang puso niya sa nasaksihan. Sa isang gabi, nawala ang lahat sa kanya—ang anak, ang tiwala, at ang pagmamahal na pinanghawakan niya nang matagal. Sa gitna ng matinding sakit, nagpakalunod siya sa alak at nagising na may katabi ng isang matipunong lalaki at pareho silang hubo't hubad. Kilala niya ang lalaki, kilalang-kilala niya, ngunit hindi niya inaasahang magkikita pa silang muli. Dahil ang lalaking iyon… ay ang tiyuhin ng sarili niyang asawa. Ang Tito Maximilian nito na isang bilyonaryo at kilalang abogado Sa harap ng dobleng pagtataksil, pinili ni Louissa na kalimutan ang dati niyang paniniwala. Kung nagawa siyang saktan ng asawa niya, bakit hindi rin siya gumanti? Sa isang laro ng puno ng tukso, lihim, at paghihiganti—hanggang saan siya handang bumaba para lang ibalik ang sakit na ipinadama sa kanya?
Read
Chapter: Chapter Nine - malamig na tagpo
Napamulat ng mata si Louissa at napatingin sa asawa na patuloy pa rin siyang nilalambing, wala itong pang-itaas na damit. Napatigil si Miguel nang agad ni bumaba si Louissa sa kama, iwas na iwas ito sa kaniya. "Mahal?" "Pagod ako ngayon, Miguel, lilipat muna ako ng kuwarto." Malamig na ani ni Louissa, maglalakad na sana siya palabas ng kuwarto nang agad na hinawakan ni Miguel ang kaniyang pulso, magkasalubong na naman ang kilay ng lalaki. "Matagal ko nang napapansin ang panlalamig mo sa 'kin, Louissa," mariin nitong ani. "Nagsimula lang 'yan no'ng makilala mo si Tito Maximillian." Humigpit ang hawak nito sa pulso niya dahilan para munti siyang masaktan. Sinubukan itong tanggalin ni Louissa ngunit mas lalo lang humigpit ang hawak ng lalaki. "Miguel, nasasaktan ako—" "Sabihin mo, may namamagitan ba sa inyo ng uncle ko?" Naiiyak na si Louissa dahil sa higpit ng hawak nito sa pulso niya at dilim ng ekspresiyon ng lalaki, pero hindi siya nagpatinag at kahit natatakot
Last Updated: 2026-04-09
Chapter: Chapter Eight - panlalamig
Pabalang na ipinasok ni Miguel si Louissa sa loob ng kaniyang kotse sa passenger seat, madilim ang ekspresiyon ng lalaki. "Miguel—" Hindi natuloy ni Louissa ang sasabihin nang agad na sinara ni Miguel ang pinto ng passenger seat at umikot. Pumasok si Miguel sa driver's seat na magkasalubong pa rin ang kilay. Naiintindihan ni Louissa ang galit ng asawa, pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ganito ito umakto kung gayong parehas naman nilang na huli ang isa't isa. "Miguel—" Hindi niya ulit na tuloy ang sasabihin nang sumabat ang lalaki—galit nitong pinaandar ang kotse. "Why are you with my uncle?" Hindi ito makapanwalang tinignan ni Louissa. Pero bilang isang mahinhin at tinaguriang submissive na asawa ay wala siyang magagawa kung hindi ay tumahimik lang at tanggapin ang galit ng lalaki. Ang asawa ang dahilan kung bakit guminhawa ang buhay niya at ng kaniyang pamilya, malaki ang naitulong nito sa kanila. Ayaw niyang galitin pa ito dahil baka isumbat nito ang nait
Last Updated: 2026-04-09
Chapter: Chapter Seven - bukingan?
Naninikip ang dibdib ni Louissa na nakatitig sa braso ng asawa na nakapulupot sa bewang ni Leandra. Agad binawi ni Miguel ang braso. "S-sinamahan ko lang si Leandra!" agad nitong palusot at lumapit kay Louissa at pinulupot ang kamay sa beywang nito. Nakatitig si Louissa sa kabit ng asawa, hindi din nagpatalo si Leandra at matapang siyang tinitigan. Tipid na ngumiti si Leandra at hinawakan ang mamahalin nitong kwentas na alam ni Louissa na galing sa asawa niya. "Nagpasama lang ako, Louissa," Napansin ni Louissa ang hickey nito sa leeg. Kahit kailan talaga ay tapang pa rin ang pinapairal nito kahit bisto na. "Talaga?" Walang emosyong ani ni Louissa. Lumingon siya sa asawa. "Bakit mo sinamahan?" Kinabahan si Miguel. "Why are you here, mahal?" Tanong nito, nakahanap ng balik na itatanong sa kanya—sinusubukang baliktarin ang sitwasyon. Pinigilan ni Louissa ang sarili na sampalin ang dalawa. "May sinamahan lang din ako," walang emosyon nitong sagot. Nagtaka ang asawa ni
Last Updated: 2026-04-08
Chapter: Chapter Six - hindi inaasahang pagkikita
Dinampian ni Maximillian ng halik ang noo nang natutulog na si Louissa habang nakatuko ang siko nito. Unang kita niya pa lamang sa babae ay tumibok na ng malakas ang puso niya, totoo ngang nagkagusto siya dito sa unang tingin pa lamang, at no'ng una, akala niya ay infatuation lang ito, pero habang tumatagal ay mas lalo siyang nahuhumaling sa babae, at alam niyang lalalim pa ito ng lalalim—handa siyang tanggapin iyon. Inayos niya ang nagulong buhok ni Louissa na natatakpan na ang mukha nito at dinampian ulit ito ng halik sa labi. "You're only mine, Louissa..." Nang-aangking bulong ng lalaki. "And even Miguel can't take you away from me. That b*st*rd doesn't deserve an angel like you. He doesn't deserve every part of you." "I can give you whatever you need, and I'll give you anything you want." Unti-unting pumungay ang mga mata nito habang nakatitig sa babaeng nagugustuhan. "Just please... stay with me... forever." Bumaba ito ng kama at kinuha ang phone sa bed side table.
Last Updated: 2026-04-08
Chapter: Chapter Five - mainit na tagpo sa isang hotel
Malalim na napabuntong-hininga si Louissa at tiningnan si maximillian—nakatitig lang sa kaniya ang lalaki, seryoso ang ekspresiyon nito. Akmang lalapit ang lalaki sa kaniya. Tinaas niya ang kamay para pigilan ito. "'Wag, nandito ang byenan ko." Tumigil si Maximillian at ibinalik ang kamay sa bulsa, seryoso itong nakatingin sa kanya. "Does she hate you?" tukoy nito kay Valentina. Mapait na napangiti si Louissa at tumango. "Oo..." Mas sumeryoso ang mukha ng lalaki. "Why?" Nagkibit-balikat si Louissa. "Dahil mukha akong pera? O dahil mahirap ako?" Napabuntong-hininga siya. "Ewan, basta parehong kasama sa reason. Ayaw niya naman sa'kin para sa anak niya, at sa totoo lang? Ayaw ko rin naman sa kanya. Maybe we're in the same boat?" Lumamlam ang tingin ng lalaki. "I hate that you've dealt with her for over a years." Napangiti si Louissa sa sinabi ng lalaki. "Natiis ko naman, at saka baka magdiwang na siya sa susunod dahil balak ko na ring i-divorce ang anak niya." Napangiti si
Last Updated: 2026-04-02
Chapter: Chapter Four - Valentina
Lumipas ang mga araw, at sa labas ay tila normal ang lahat. Naglalakad si Louissa sa bahay na may ngiti, ngunit sa loob ng puso niya ay nagliliyab ang galit, pait, at lihim na pagnanasa. Tuwing nakikita niya ang asawa, ang bawat halakhak, yakap, o pagtingin nito ay nagdudulot ng matinding kirot sa dibdib niya. Kirot na kailangan niyang ilabas—hindi sa harap ng iba, kundi sa sarili niyang paraan. Madalas na ring dumadalaw si Maximillian sa kanilang mansiyon. Ang rason nito ay dahil daw peaceful at tahimik sa bahay nila Louissa, kahit ang totoo ay si Louissa lang naman talaga ang sadya nito. At minsan nang may nangyari sa kanila sa loob mismo ng bahay na kanilang kinatatayuan. Isang hapon, dumalaw na naman si Maximillian sa bahay nila Louissa. Habang nag-aayos ng mga gamit sa sala, lumapit si Maximillian. Casual ang dating niya, hawak ang baso ng tubig, ngunit may halong pang-aakit sa bawat galaw. "You're busy?" tanong nito, hawak-hawak ang baso ng tubig, at tumayo malapit sa kan
Last Updated: 2026-04-02
You may also like
Explore with Me
Explore with Me
Romance · Darkwritesss
4.9K views
Loving the Rainbow
Loving the Rainbow
Romance · jenavocado
4.9K views
Love Replacement
Love Replacement
Romance · Fochacy
4.9K views
One Wild Night
One Wild Night
Romance · Mairisian
4.9K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status