LOGINTahimik ang byahe ni Louissa.Sa loob ng sasakyan, nakatitig lang siya sa harapan habang pinagmamasdan ang mga gusali at taong dinadaanan niya. Karaniwan, ganitong oras ay abala siya sa kung anu-anong iniisip—mga plano, mga dapat gawin, o kahit simpleng pag-aalala sa asawa niya. Pero ngayon, iisa lang ang laman ng isip niya. Si Maximillian. Bahagyang napahigpit ang hawak niya sa manubela. Alam niyang wala na rin siyang pinagkaiba sa asawa, Pero sa tuwing naaalala niya ang anak ay hindi niya mapigilan ang sarili. Sa tuwing maalala niya ang mga litrato, ang asawa, pekeng kaibigan, at sa alalahaning buntis ito ay parang wala na rin siyang pake. Siguro tinatago na lang talaga ng isip niya ang sakit na nararamdaman. Napabuntong-hininga si Louissa, saglit na ipinikit ang mga mata habang mahigpit ang hawak sa manibela.Siguro nga.Siguro mas madali na lang para sa kaniya na gawing galit ang lahat kaysa aminin na nasasaktan siya.Muli siyang nagmulat ng mga mata at ibinalik ang tingin s
Hindi makatulog si Louissa. Dati, kahit maliit na tampuhan lang ay naiiyak siya, ngayon, parang may kung anong tuluyang namatay sa loob niya.Tahimik ang buong bahay, pero ramdam niya na gising pa rin si Miguel. Nasa labas ng guestroom na pinasukan niya nakatambay ang asawa. Hindi siya lumabas para sabihin sa lalaki na bumalik na ito sa kanilang kuwarto.Ayaw niya.Ayaw niyang makita ito, dahil baka sa sandaling makita niya ulit ang mukha nito ay tuluyan na siyang manghina. At hindi niya puwedeng hayaan iyon. Pinili niya ang magpakatatag, pinili niya ang worth niya, at pinili niyang maghiganti. Hindi niya hahayaang masira iyon ng dahil lang sa emosyon niya. Naalala ni Louissa si Maximillian. Napabangon si Louissa at napahawak sa labi nang maalala ang gabing puno ng init na pinagsaluhan nilang dalawa. Naalala ni Louissa na ilang araw na pala silang hindi nagkikita, parang bigla niya itong na-miss. Napatingin siya sa kaniyang phone nang tumunog iyon. May tumatawag. Si Maximillian
Hindi lumingon si Louissa. Kahit ramdam niya ang matalim na tingin ni Leandra sa likod niya, ay dire-diretso pa rin siyang naglakad palabas ng cafe. Bawat hakbang niya mabigat, hindi dahil sa panghihinayang, kundi dahil sa galit na pilit niyang kinokontrol.Paglabas niya ay agad siyang sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Saglit siyang huminto. Mahigpit ang hawak niya sa envelope. Mariin siyang napapikit, at doon niya hinayaang maramdaman ang lahat. Ang sakit, ang galit, at ang pagkadismaya. Pero saglit lang. Tahimik ang buong bahay pagkadating ni Louissa. Bukas ang lahat ng ilaw dahil nasa loob pa ang mga katulong. Maabutan n niya ang asawa na tahimik na umiinom ng wine sa sofa, parang ang lalim ng pinoproblema nito.Napatingin ito kay Louissa at agad na napatayo. "Mahal," Walang emosyong lumapit si Louissa sa asawa at binigay ang hawak na envelope dito. Napatigil si Miguel at napatingin sa envelope. "Ano 'to, Mahal?" "Buksan mo." Napatitig si Miguel sa kaniya 'tsaka d
Tahimik ang cafe na napili ni Leandra. Hindi iyon basta-basta lugar, isa iyon sa mga mamahaling cafe sa bansa na kadalasang pinupuntahan ng mga taong gustong umiwas sa mata ng publiko. Mahina ang ilaw, may mahinahong musika, at halos pribada ang mga mesa. Dumating si Louissa. Nadatnan niya si Leandra na nakaupo sa sulok. Lumapit siya sa babae kaya napatingin ito sa kaniya. Umupo siya sa kaharap nitong upuan. "Ano ang gusto mong mag-usapan?" Panimula ni Louissa, walang emosyon ang mukha ng babae. May hunch si Louissa sa kung ano ang maaaring pag-uusapan nila ng pekeng kaibigan.Hindi nagsalita si Leandra. May kinuha itong envelope at binigay sa kaniya. Kalmado ang ekspresiyon ng babae at parang may hinihintay na reaksiyon mula sa kaniya.Walang salitang tinanggap ito ni Louissa at binuksan. Sa loob ay maraming litrato nila Leandra at Miguel na magkasama. Mukhang mag-asawa pa ang dalawa kaysa sa kanila dahil sa pinapakita ng litrato at meron pang litrato na nakahubad ang dalawa a
"MAY NAMAMAGITAN BA NA AWAY SA KANILA?"Netizens are now talking after billionaire lawyer Atty. Maximillian Monteverde Dela Vega and his nephew, a millionaire businessman, Miguel Santiago Monteverde, were spotted at the same church—where things reportedly turned uncomfortably intense between the two. Basa ni Louissa sa isang post sa blue app tungkol sa kaniyang asawa at sa tito nito. Sa baba ay ang stolen picture ng dalawa na hindi maganda ang tinginan sa isa't isa kaya madaling nakahakot ng atensiyon. Kita rin silang dalawa ni Leandra sa litrato. Umani ng maraming views ang post at halos nasa 300 thousands ang reacts dito. Ang comment section ay patuloy na dumarami dahil maraming na-intriga sa alitan ng dalawa. In-open ni Louissa ang comment section at nagbasa ng mga comments. Una niyang binasa ang nangunguna sa comment section. 'Parang may scandal na papalapit. Abang-abang lang tayo.' 'Business world conflict lang 'yan, baka may hindi lang pagkakaintindihan. Normal lang naman
Nanlaki ang mga mata ni Leandra at parang libo-libong karayom ang tumusok sa kaniyang dibdib. Hindi niya ito makapaniwalang tinignan. "Anong sabi mo? Ipalaglag?" Hindi napigilan ng babae ang mapaiyak. "Ipapalaglag mo ang sarili mong anak?" "May asawa ako Leandra!" Mahinang sigaw ni Miguel sa babae. Mahal ng lalaki ang asawa, hindi niya kayang siraan ang ilang taon nilang pagsasama para lang sa babaeng kaniya lang namang parausan. Nagngitngit sa galit at sakit si Leandra, hindi nito mapigilang tumaas ang boses. "Pero nagawa mong lokohin?!" Napahilamos ulit ng mukha si Miguel. "Umuwi ka na." "Ayoko." Mariing ani ni Leandra. Nagsusumamo itong tinignan ni Miguel, ayaw ng lalaki na dito pa sila mag-away. Kilala niya si Leandra, masyadong matigas ang ulo ng babae. "Please, Leandra, umawi ka na." "'Pag hindi mo ako pananagutan, sasabihin ko 'to kay Louissa." Napatitig si Miguel sa babae. Nanlalamig ang katawan ng lalaki. "'Wag mong idamay si Louissa," mariing sabi ni Miguel, pilot







