LOGINAng mainit na pagkakamaling gabi ni Grace Santiago at Jeff Cruz na siyang magbabago sa buhay ni Grace. Ang naging dahilan ng kaniyang pagkabulag matapos ipanganak ang Quadruplets. Ngunit, kailanman ay hindi alam ni Jeff na nagkaroon siya ng mga anak. At kailanman hindi nakilala ng mga bata ang kanilang ama. Dahil, limang taon ang nakalipas ay hindi na nagpakita si Grace. Muli kayang mabubuo ang kanilang pamilya? Ano kaya ang magiging saysay ng mga bata sa buhay ni Grace at Jeff. Abangan ang kapa-kapanabik na kwento.
View MoreGRACE POINT OF VIEW
"Walang hiyang bulag! Umalis ka rito! Nagiging malas na ang bahay namin dahil sa 'yo! Ni kahit piso ay wala ka manlang maibigay? Tapos nag-anak ka pa talaga ng apat na batang papalalamunin! Aba! Bakit hindi mo gawin' hanapin ang ama ng mga batang 'yan at doon ka tumira!" tuloy-tuloy na sigaw sa akin ni Tita. Hindi ko man makita ang kanilang mga reaksyon, ramdam na ramdam ko naman ito. "Ano ka ba naman ma, malay ba natin kung saan ng galing ang mga batang pinanganak niya? Tsk! Baka mga sa mga random na lalaki niya 'yan nabuo! Kaya dapat lang palayasin na 'yan dito. Baka mamaya may malubhang sakit na siya. Baka mahawaan pa tayo dito," pangigigil ni Anie, ang anak ni Tita. Ito ang naging almusal ko ngayong umaga. Sigaw at mga panglalait nila. "Pwede ba Anie, huwag ka magsalita nang ganyan. Hindi totoo 'yan." Pinanatili kong kalmado ang boses ko. "Ano? Sumasagot ka pa talaga no? Bakit, sino ba ang ama ng mga batang 'yan, huh? Kasi kung talagang may ama ang mga bata, malamang nandoon na kayo sa puder niya. Hindi dito, nagiging pabigat lang kayong lima!" Puno ng panglalait ang kaniyang tinig. "Hindi po kami pabigat. Lahat naman ng pera ni mommy, kinuha niyo na. Tapos ngayong wala ng pera si mommy, pinapalayas niyo na kami. Mga masasama kayo, pera lang ang habol niyo kay mommy." Agad akong napahawak sa balikat ng anak ko na nasa tabi ko. Hindi ko man ito makita, ngunit sigurado akong si Juliana ito. "Mommy, gusto ko lang po kayo ipagtanggol," wika pa nito kahit wala pa akong sinasabi. Natutuwa naman ako dahil may anak akong handa akong ipagtanggol. Ngunit, natatakot ako na baka saktan lamang sila ng mga walang hiyang tao rito. "Aba! Rinig mo 'yang anak mo?! Bata pa sumasagot na! Baka naman ganyan ang ugali ng ama! Bastos!" sigaw muli ni Tita. Naririndi na ako sa mga salitang binibitawan nila. "Tita, hindi ganyan ang anak ko mas lalo na ang ama ng mga anak ko." Pinipilit ko pa rin pakalmahin ang aking tinig at ang sarili ko. Dahil alam kong hindi ako makakalaban dahil sa pagiging bulag ko. Hindi ko makikita kung ano ang pwedeng gawin nila sa mga anak ko. "Tita? Hoy babae! Hindi mo na ako Tita sa ngayon! Dahil pinapalayas ko na kayong mag-ina!" galit na galit nito. Naramdaman ko ang paghagis ng mga bagay malapit sa amin. Saan na kami pupunta nito? Kapag palayasin kami, wala kaming bahay na mapupuntahan. Naisip kong bumalik sa pamilya ko. Ngunit, hindi maaari, hindi pwedeng malaman ni Daddy na naging ganito ang buhay ko, mula nang umalis ako sa bahay. Pagkat, alam ko kung ano ang mga kaya niyang gawin. Baka mamaya, hindi lang isang buhay ang mawala sa lugar na 'to. "Kahit ngayon' araw na lang. Pakiusap, hayaan niyo pa kaming matulog dito mamayang gabi. Maghahanap ako ngayon ng matutuluyan namin bukas." Wala akong magawa kundi ang magmakaawa para sa mga anak ko. "Mommy, no po. Magiging maayos po kami kapag nasa maayos ka rin po," singit ni John, ang panganay sa apat kong mga anak. "Opo mommy, nandito lang po kami at maayos kapag kayo po ang kasama namin," dagdag pa ni Juliana. Habang naririnig ko sila, hawak-hawak nila ang kamay ko. Subalit, naramdaman ko na wala rito ang dalawang kambal ko. "Asan ang dalawang kapatid niyo?" labis kong pag-aalala. Napatahimik silang dalawa. "Ayan baka naman nilayasan ka na ng dalawa, dahil masyado ka ng pabigat na ina! Sino ba naman ang mananatili sa piling ng isang bulag! Kahit nga kami rito ay hindi ka na kayang tiisin pa!" muling sigaw na naman ni Tita. Kumirot ang puso ko. Ngunit, alam ko na hindi 'yon magagawa ng mga anak ko. Akmang magsasalita pa sana ako. Ngunit, bigla akong inunahan ng mga anak ko. "Kilala namin ang mga kambal namin. Hindi nila kami basta-basta iiwan. Mahal na mahal nila kami," tugon ni John. "Opo, hindi nila kami iiwanan," dagdag pa ni Juliana. "Ah talaga ba? Bakit? Nakakasiguro ba kayo? Tsk! Palamunin lang naman ang mommy niyo! Kaya, kung ako sa inyo, iwanan niyo na lang 'yan. Wala naman magagawa ang babaeng 'yan, kasi nga bulag! Mahihirapan lang kayong magkambal!" Ramdam na ramdam ko ang pang gigil ni Tita. Kaya naman, takot akong napahawak sa mga kamay ng mga anak ko. Hindi ko kakayanin na mawala sa akin ang mga anak ko. "O hindi naman kaya, mamili kayo. Sumama sa bulag niyong ina? O manatili na lang dito? Ako ang bahala makipag-usap kay mama. Pero syempre, kayong magkambal ay magtratrabaho para sa amin." Mas lalo akong kinakalibutan sa sinabi ni Anie. "Kahit na kailan ay hindi namin iiwanan si mommy!" sabay na sigaw ni Juliana at John. Dahil dito, kahit paano ay napangiti ako. Kalaunan, bigla na lamang tumahimik ang paligid saglit. Mukhang, wala nang masabi sina Tita. Sa puntong ito tila'y hindi na talaga mapakiki-usapan sila Tita. Kailangan na namin umalis ng mga anak ko. Kailangan kong mahanap ang dalawang anak ko. Dahil, hindi ako papayag na may mawala sa apat."Gusto niyo ba maglibot-libot muna tayo sa buong school?" aniya ni John upang pigilan ang tahimik na bumabalot sa kanila. "Oo kuya, tara maglibot-libot muna tayo," tuwang-tuwa na sagot ni Gia. Pumayag naman ang iba pa. Kaya agad din silang mag-ayos ng kanilang mga gamit. Mga bata pa sila pero ang kanilang mga utak ay tila may mga edad na. "Saan tayo unang pupunta? Sa kaliwa o sa kanan?" pagtataka ni Gia. Sabay-sabay silang lima na lumingon sa kanan at matapos naman ay sa kaliwa. Masyadong .alamin ang paaralan kaya maaari din silang maligaw sa loob. Pero, kahit na gano'n ay may mga nagbabantay pa rin naman sa mga bata. Napag-usapan ng mga bata na sa kanan na sila unang lalakad. Sa kanan sila papasok at sa kaliwa sila lalabas. Tahimik lang silang naglalakad habang pinagmamasdan ang paligid. Maingay, maingay ang ibang kabataan habang naglalaro ang mga ito. "Baka hanapin tayo ni Dad kapag makarating na siya dito eh. Ano ang gagawin natin? Magtatagal pa ba tayo sa paglilibot
QUADRUPLETS AND DARYLL POINT OF VIEW ( Sa loob ng Private School) "Oii, may bago tayong mga kaklase. Grabe naman ang papanget naman nila! Hahah!" isang nakakainsultong singit ng isang batang lalaki na halos ka-edad lang ng mga bata. Dahil sa bungad nito. Nasira ang tawanan ng quadruplets kasama si Daryll habang naka-upo sila sa ilalim ng puno. Agad na nagalit si Gia kaya matapang itong tumayo. At agad rin na sumunod sa kaniya ang mga kambal niya at si Daryll. "Hoy! Tabatchoy! Ang talas naman ng dila mo. Tingnan mo nga nang mabuti kung sino ang panget sa atin?! Ikaw ang mas panget dahil ang taba mo! Ang yabang mo pa!" palaban na sigaw ni Gia. Napa-sapo na lang sa noo ang mga kapatid niya dahil sa tapang niyong pinakita. Gayunpaman, hindi natuwa ang batang mataba. "Hindi ako si tabatchoy! Ako si Lucas! At higit sa lahat, healthy lang talaga ang katawan ko. Ikaw nga diyan, maliit na! Payat pa! Bleee!" inis si Lucas na inilabas ang kaniyang dila. Subalit, kalmado lang ang mga kap
GRAVE POINT OF VIEW Naaalala ko ang sarili ko noong araw na nanganganak ako. Pero, iba ang araw na 'yon kaysa ngayon. Dahil, wala akong kamag-anak na kasama. Hirap na hirap si Lisa sa panganganak niya ngayon. Bilang isang babae ay naiintindihan ko ito lalo na ito ang una niyang anak. Ang dapat na ibigay ko sa kaniya ay ang suporta para mas lalo pa siyang lumakas at magkaroon ng energy. Lahat kami ay gustong maging maayos ang kalagayan ng batang nasa sinapupunan niya. At ngayon, ito ang unang beses kong makita si kuya Jayson na nag-aasikaso ng isang pasyente. Ang pangarap kong makita kung pano gumalaw si kuya bilang doctor na hindi ko nakita noong mga bata pa kami. "Ahhh! Hoo! Hoo!" daing ni Lisa. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Dwane. Habang pinipilit na mailabas ang bata. Samantalang si Dwane ay pinapalakas niya si Lisa. Kahit sa simpleng himas sa ulo at halik ni Dwane sa noo ni Lisa ay malaking tulong na rin ito. "Honey, kaya mo 'yan. Pangarap natin alagaan ang an
"Pwede bang tumigil kayong dalawa? Masyado kayong maingay." Buong boses na binabalutan ng lamig ni Jackson. Nanginig ang buong katawan ni Julian at Liam ng tinitigan nila si Jackson. Dahil sa nanlilisik na mga mata nito na puno ng galit. "Ku-kuya, muk-mukha ka ng halimaw. Pwe-pwede bang dahan-dahanin mo lang ang titig sa amin?" nanginginig na tono ng pananalita ni Julian dahil sa takot. "Grabe talaga ang kuya mo. Parang gusto niya tayong kainin. Ayos lang naman sa akin kasi gano'n talaga ako kasarap. Walang makakatanggi sa sarap kong taglay," nanginginig na pabirong sanaysay ni Liam. "Baliw ka talaga Liam. Umayos ka nga baka sunggaban niya tayo," bulong ni Julian kay Liam. Ngunit, sa kanilang pag-uusap. Malamig at galit pa rin ang titig ni Jackson sa kanila. "Sinasabi ko sa inyo huwag kayo masyadong maingay. Ang sakit niyo sa tenga. At isa pa, kung walang maayos na salitang lalabas sa bibig niyo. Tumahimik na lang kayong dalawa. Kung ayaw niyo na ako mismo ang bubunot sa mga
"Mga anak, itago niyong mabuti ang mga cards na binigay sa inyo ahh. Huwag na huwag niyo ibibigay sa iba. Dahil, importante ang mga bagay na 'yan," maayos na pagpapaliwanag ko sa mga anak ko. "Opo mommy, kami po ang bahala. Don't worry po," sagot ni Gerald. Ramdam ko ang kanilang pagngiti sa pama
GRACE POINT OF VIEW Nahihirapan akong maglakad dahil sa sitwasyon ko. Kahit inaalalayan ako ng dalawang anak ko. Punong-puno ako nang pag-aalala na baka ay tuluyan nang nawala sa akin sina Gerald at Gia. "Juliana, John, nakikita niyo na ba ang mga kambal niyo? Nandiyan na ba sila?" pag-aalalang
JEFF POINT OF VIEW "Ayan ka na naman lolo ehh, pwede bang tumigil ka na diyan," aniya ko kay lolo sabay buntong hininga ko. "Jeff, wala ka bang balak na magkaroon ng tagapagmana sa mga ari-arian mo? Matanda na ako, gusto ko nang magkaroon ng apo. Kaya naman, bigyan mo na ako." Labis ang panggi
Grace Point of view. "Walang hiyang bulag! Umalis ka rito! Nagiging malas na ang bahay namin dahil sa 'yo! Ni kahit piso ay wala ka manlang maibigay? Tapos nganak ka pa talaga ng apat na batang papalalamunin! Aba! Bakit hindi mo gawin' hanapin ang ama ng mga batang 'yan at doon ka tumira!" tuloy-












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore