Chapter: Chapter 5Paalis nalang sila nang maka-receive ng tawag si Vera. Pagbalik nito ay hindi maganda ang timpla ng mood nito.“Nakakainis naman yung boss ko, on vacation pa rin ako pero gusto daw akong ma-meet today dahil may importante itong sasabihin.”“Baka urgent. Puntahan mo na muna, you can use my car.” Suhestiyon ni Honey.“Paano ka? Hindi ka pa naman sanay mag-commute.”Tumingin si Honey kay Zion.“Your brother will drive me home.”Nanlaki ang mata ni Zion sa narinig, parang bigla siyang nakaramdam ng panganib.“Are you sure? Pwede namang magpahatid nalang ako kay Zion sa meeting place namin ng boss ko.”“Mamomroblema ka pa sa pag-uwi. Just use my car, sa bahay ka pa rin naman uuwi mamaya, hindi ba?”Saglit na nag-isip si Vera. Lumipat ang tingin nito kay Zion, nagbabatang pinanliitan nito ng mata ang lalaki.“Make sure to drive Honey home, Zion. Huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan.”“Ano bang akala mo sa akin, ate? Lahat gagawan ng kalokohan?” Angal ni Zion.“Hindi nga ba?” Singit ni H
Last Updated: 2026-05-25
Chapter: Chapter 4Nang makarating sa corner kung saan walang tao ay buong pwersang hinila ni Honey ang kamay ni Zion at marahas na isinandal nito ang lalaki sa pader. Dahil sa pagkabigla at hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na natangay si Zion.“What the heck did we just do? I slept with a student and…my sister’s bestfriend?” Singhal ni Honey kay Zion.Sobrang lapit nila na naaamoy na nila ang scent ng isa’t isa, pumikit si Zion para langhapin ang mabangong amoy ni Honey.“Open your eyes, Zion. I’m talking to you. Don’t you dare think of other things while I’m infront of you.”Dumilat si Zion na may malapad na ngiti sa mga labi.“Hindi ko alam na may pagka-possessive ka pala, ate.”Tumaas baba ang balikat ni Honey, nagpipigil na huwag sumabog sa galit.“Magtino ka nga. Hindi ako nakikipag-biruan.”“Fine, fine. Calm down, ate. Ano bang problema kung college student palang ako?”Umawang ang bibig ni Honey, hindi makapaniwalang tila walang ideya ang lalaki sa maaring consequences kapag nalaman ng kah
Last Updated: 2026-05-25
Chapter: Chapter 3Akala ni Honey ay puro masasamang pangyayari nalang ang mararanasan niya nang buwan na yun, pero paggising niya kinaumagan ay halos magtatalon siya katitili nang maka-receive siya ng email mula sa inapplyan niyang school. Napabalikwas naman ng bangon si Vera na natutulog pa at nagising lang dahil sa gulat.“Anong nangyari? Akala ko kung napano kana.” Sita ni Vera kay Honey.“Sorry. Natuwa lang ako ng sobra, naalala mo yung sinasabi kong school na pinasahan ko ng application last month?”Saglit na nag-isip si Vera.“Yung gusto mong lipatan kasi mas malapit dito sa place mo at mas malaki ang sahod?”Honey’s face lit up. “Oo, iyon nga! Nag-email sila ngayon sa akin, akala ko hindi na ako matatanggap kasi noong nag-apply ako ay mayroon na silang napiling candidate for the role. Pero ito na nga ang good news, mayroong nag-resign na teacher at kailangan nila ng immediate replacement, since isa daw ako sa mga qualified noon ay ako na ang pinili nilang kunin.”Nagtilian ang dalawa matapos mar
Last Updated: 2026-05-25
Chapter: Chapter 2Nakailang tingin na si Zion sa kanyang relo habang hinihintay ang bestfriend ng ate niya, kanina pa silang naghihintay sa western restaurant na ni-reserve nila.“Ang tagal naman ng kaibigan mo, ate. Darating pa ba yun?” Hindi na nakatiis na tanong ni Zion sa kanyang ate.“Darating yun. Maghintay pa tayo, maaga pa naman.”“Mga ilang oras pa? Nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan, baka hindi na sisipot yang kaibigan mo ate.”“Hindi basta nagca-cancel ng plano yun na walang valid reason, saka nagsasabi yun kung sakaling hindi makakarating.”Makaraan ang isang oras, nakatanggap ng message ang ate ni Zion, agad nito iyong tiningnan. Naghihintay naman si Zion nang update, iniisip na baka ang hinihintay nilang kaibigan ng ate niya ang nag-message. At mukhang hindi nga siya nagkamali, nagsalubong kasi ang kilay ng ate niya at medyo nalungkot.“See? Tama ako ‘no? She stood us up?”Masama ang tinging ipinukol ng ate ni Zion sa kanya.“Shut up. Mag-order kana ng pagkain, pupunta pa tayo sa cond
Last Updated: 2026-05-25
Chapter: Chapter 1Nagising si Honey sa sikat ng araw na pumapasok sa bintana, parang pinipiga ang kanyang ulo sa sobrang sakit kaya naman tinatamad pa sana siyang bumangon.Napalingon siya sa kanyang cellphone nang may notification na nag-pop up sa screen. Mabilis niyang kinuha yun at tiningnan ang bagong mensahe sa kanya.VERA: Hi, babe. I’m back! Nasa airport na ako, sleepover at your place later. See ya.Kumunot ang noo ni Honey pagkabasa sa chat ng bestfriend niyang si Vera. Nag-bakasyon ito sa Japan at ngayon ang flight pabalik ng Pilipinas, nawala na sa kanyang isipan iyon dahil sa sobrang gulo ng kanyang utak kahapon.HONEY: Welcome back. Sleepover agad? Baka gusto mo munang mag-hi sa pamilya mo, para malaman man lang nilang buhay kang nakabalik.Ibinalik na ni Honey ang cellphone sa side table, gusto pa kasi sana niyang bumalik sa pagtulog. Natigilan lamang siya nang may gumalaw sa tabi niya. Dahan dahan siyang lumingon sa kaliwang side ng kama.“AHHHHHH!”Nagising ang lalaking nasa tabi ni Hon
Last Updated: 2026-05-25