Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

By:  AVA NAH  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
25 Mga Ratings
27Mga Kabanata
20.3Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Dahil sawa na si Thea sa pagbubunganga ng ina. Napilitang mag-abroad ang dalaga. Graduate siya ng BS Tourism. Sa isang construction company siya nakakuha ng trabaho sa Dubai. Maliban sa pag-o-opisina, on-call cleaner din siya. Isang araw, tinawagan si Thea ng kaibigan para maglinis ng unit ng boss nito. Sa isang hotel and casino nagtatrabaho ang kaibigan. Wala siyang hinihindian na part-time, kaya umo-oo kaagad siya. Hindi sukat akalain ng dalaga, na ang sikat na miyembro ng banda, na si Keith Hernandez pala ang kanyang kliyente nang gabing iyon. Kilala ito sa tawag na KH. Hindi niya maiwasang hangaan ito ng sobra. Sa loob ng dalawang buwan na pamamalagi ng binata, siya lang ang bukod tanging naglilinis at cook nito. At, sa maikling panahon na iyon, natutunan ni Thea na mahalin si Keith. Naisuko pa niya sa binata ang iniingatang perlas ng silangan, kahit na may iba itong minamahal. Hanggang kailan siya magiging rebound? Ano kaya ang gagawin ni Thea kapag nalamang ikakasal na pala ang binata sa iba?

view more
Once Upon A Time In Dubai (Tagalog) Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Lhang Jane6 xddc62
very kilig.. very excitment ang story..
2023-12-07 06:47:40
0
user avatar
Rowena Bangoy
Binabalikbalikan KO talagang basahin to.. Ganda Ng flow Ng kwarto...️...️...️
2023-12-06 19:21:42
0
user avatar
Lanie Mazo Oabe
Maganda ang mga story. Yung kay Thor naman po. Thanks
2023-05-18 10:09:56
0
user avatar
Inday Aruray
Ang ganda! Kahit ilang beses ko na siyang binasa. Nanakilig pa din!
2023-04-28 13:47:02
0
user avatar
Joche3134s
ang gandang story Ni Keith at Thea
2023-03-04 16:14:31
2
user avatar
Lyn F. Caluttong
wow story pala ito nila Keith at Thea
2023-01-26 15:14:33
0
user avatar
Crizea Ley Morales
highly recommended ...
2022-12-17 23:52:06
0
default avatar
Katherine Elizabeth Reginaldo Alcid
ano po title ng story ni thor po?
2022-11-06 11:04:32
1
user avatar
Raige Schenette Sp
...️...️...️...️...️...️
2022-10-05 20:42:14
1
user avatar
myname
tgl ko n 2ng tpos. mganda
2022-10-03 06:00:20
1
user avatar
Rowena Bangoy
worth it to read..Basta gawa ni Ava Nah Writes ma inspire ka talaga magbasa..try nyo na..
2022-09-21 21:09:36
1
user avatar
Kaye-Rose Key Manrique Atale
dapat niyo mabasa to dto nagmula si Thor .........
2022-09-04 20:20:26
1
user avatar
Kaye-Rose Key Manrique Atale
Keith kantahan mo kmi.........
2022-09-04 20:19:33
1
user avatar
Sherill Joy Joson
ano po title ng story ni thor?
2022-08-29 19:05:40
1
user avatar
Rowena Bangoy
One of a kind story written by Miss Ava Nah..Ang Ganda talaga d kayo magsasawa..Kahit Uulit ulitin nyo sa Pagbasa di ka mauumay..
2022-08-17 20:54:54
1
  • 1
  • 2
27 Kabanata
Prologue
"Hell, no!" malakas na sigaw ni Keith sa kapatid na si Blake Kent. Gusto nitong siya ang mag-ayos ng problema sa isang branch ng hotel nila sa Dubai.Isang taon na, simula ng mag-merge ang Hotel de Astin sa Hernandez Group of Companies. Isa lamang sa nadagdag sa business nila ang hotel at casino. Halos lahat na yata ng business ay pinasok na nila."Dammit, Keith! Dalawang buwan lang ang hinihingi ko sa'yo! Hindi ko puwedeng pabayaan ang asawa ko na manganak ulit, na wala ako. Wala ako sa tabi niya nang ipanganak niya si Astin. Kaya sana maintindihan mo na gusto kong bumawi sa kan'ya sa ikalawang pagkakataon," may himig na pagmamakaawa ng kuya niya sa kaniya."Eh, 'di ako na lang ang magbabantay kay Kendra sa ngayon-""Fuck! Hanggang ngayon ba umaasa ka kay Kendra? Asawa ko na siya, Keith. Asawa ko na. Hindi ka mahal ng asawa ko, kaya nga hindi ka niya pinakasalan. Dahil ako ang mahal niya. Kaya tigilan mo na ang pag-iilusyon mo na 'yan! Marami pang babae d' yan. 'Wag mong isentro ang
Magbasa pa
Chapter 1
Mabilis na naligo si Thea para pumasok ng opisina. Inayos niya din ang mga babauning damit at pagkain. Pagkatapos kasi ng siyam na oras sa opisina, nagpa-partime cleaner din siya. Gusto niyang makaipon, para makabili siya ng sariling bahay. Para hindi na siya hamakin ng ina. Hindi pa sapat ang naipon niya. Nagde-deposit pa rin naman siya sa account ng magulang, bilang suporta sa mga ito. Kahit alam niyang may pera ang mga ito, galing sa sustento ng mga kapatid.Sa kabutihang palad, sinuwerte naman siya sa abroad. Ikalawang taon na niya dito sa Dubai ngayon.Yes, isa siyang OFW dito sa Dubai. Dahil lang naman sa kaibigan niyang si Vina kaya siya narito ngayon. At ang magulang niya ang naging dahilan kung bakit siya napapayag ng kaibigan na magtrabaho dito.Graduate siya ng BS Tourism, pero wala siya sa sariling field. Nasa isang construction firm siya ngayon nagtatrabaho bilang office staff. Pagkatapos ng graduation niya, nag-apply naman siya sa Pilipinas. Kaso hindi siya pinalad na ma
Magbasa pa
Chapter 2
Natampal ni Thea ang dibdib pagkaalis ni KH sa ibabaw niya. Hindi pa siya maka-get-over sa ginawa nito. Hanggang ngayon, nag-aalburuto pa rin ang dibdib niya. Ang lakas-lakas ng kabog talaga.Sa kisame lang siya nakatingin. Dinig na dinig niya ang sunod-sunod na paghinga ng binata sa tabi niya."What's your name?" tanong nito sa kaniya.Napalingon siya sa binata. Sa kisame din pala ito nakatingin.Bumangon siya kapagkuwan. Sinundan siya nito ng tingin kaya nahigit na niya ang comforter na nakalaylay sa sahig. Ibinalot niya iyon sa sarili."Thea po," magalang na sagot niya habang pinupulot ang bag na nasa sahig din."Thea..." Ulit nito habang hindi inaalis ang tingin sa kan'ya."Pasens'ya na po kayo, akala ko po kasi walang tao ngayon dito. Ako nga po pala ang maglilinis ngayong gabi dito. Sige po," nahihiyang sabi niya at lumabas ng silid na balot pa rin ang katawan ng comforter.Sinabunutan niya ang sarili nang makalabas na ng silid nito. Hindi niya akalaing doon pala ang inoukupang
Magbasa pa
Chapter 3
Napaayos si Thea ng tayo nang bumukas ang silid ni KH. May damit na ito."Sayang," bulong niya."Do you cook?" tanong nito sa kan'ya kapagkuwan. Palapit ito sa kinatatayuan niya.Napakunot-noo siya sa tanong nito. Bakit ba nito natanong iyon? H'wag nitong sabihing ipagluluto niya ito, imbes na ipaglinis ito?"Bakit po?" balik-tanong niya dito."Ako ang unang nagtanong, Miss Contreras. Yes or no lang ang sagot," anang binata sa masungit na himig.Napaawang siya ng labi. Hindi niya pinansin ang pagsusungit nito. Mas interesado siya sa kung paano nito nalaman ang apelyido niya."P-po?""Damn!" bulong nito pero dinig niya pa rin. "Marunong ka bang magluto?""O-opo," sa wakas ay nasagot niya."Good. You're hired," anito at iniwan siya.Natigilan siya saglit. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Anong hired ang pinagsasabi nito?Naguguluhang sinundan niya ito. Patungo ito ng kusina.Nang makarating ito ng kusina, nilingon siya nito. Akmang ibubuka nito ang labi para magsalita nang un
Magbasa pa
Chapter 4
Tatlong araw na mula ng mangyari ang mainit na tagpong iyon sa pagitan nila ni Keith. Hiyang-hiya siya pagkatapos. Hindi man lang siya kumontra, bagkos ay tinugon ito. Ngayon niya lang napagtantong, sobrang rupok niya pala. Bakit kasi ganoon ang epekto ng binata sa kan'ya? Kontrol-kontrol din, 'pag may time! ani ng isang tinig sa isip niya.Pagkagaling sa opisina, dume-derecho na siya sa HDA. Inaabala niya ang sarili sa paglilinis sa tuwing lumalabas ng silid ang binata. Hindi naman niya totally maiwasan ito dahil amo pa rin naman niya. Panay ang utos nito sa kan'ya, kahit wala namang kuwenta ang mga pinapagawa nito.Puro mabibilis lutuin ang iniluluto niya. Kung kumakain man sila ng sabay, hindi niya ito kinakausap at binibilisan din niya ang pagkain. Kailangan, siya ang umiwas. Siya ang dapat kumontrol. Napatingin siya sa gawi ng sala nang makarinig ng pag-strum ng gitara. Malapit na siyang matapos sa niluluto. Napangiti siya nang marinig ang sunod-sunod na pag-tugtog nito. Pamil
Magbasa pa
Chapter 5
Napangiti si Thea nang makitang nag-aayos na ang ibang katrabaho, para umuwi. Hindi niya pinahalata kay Clark na excited siyang mag-out ng opisina. Sabi niya kasi dito, wala siyang gusto kay Keith. At, alam na kasi nito, na nagtatrabaho siya sa gabi, bilang cook ng binata. Nakailang tanong pa ito kung wala ba talaga siyang gusto dito. Gusto lang talaga niyang panindigan ang sinabing, wala siyang gusto kay Keith. Natawa siya sa sarili nang maalala ang sarili kanina, hindi pa man time ng uwian ay panay na ang tingin niya sa orasan. Ilang beses pa siyang nagdasal na sana bumilis ang oras. Excited lang siyang makita ang binata at kung ano na naman ang gagawin nito. Parang gusto niyang matawa sa sarili. Para siyang teenager, hindi mawala-wala ang kilig. Kasi hanggang ngayon di mawala-wala sa isip niya ang ginawa ni Keith sa kan'ya. Una, tinawag siyang baby nito. Pangalawa ay hinalikan siya sa labi, at sa public pa. Pakiramdam niya, siya, ang pinaka-magandang babae ng mga sandaling iyon.
Magbasa pa
Chapter 6
PANAY ANG TINGIN ni Keith kay Thea habang nagmamaneho. Ano ba ang naisip nito at uminom ng ganoon karami? Hindi naman pala kaya, iinom-inom. Paano kung pagsamantalahan ito ng iba doon? Napailing na lang siya. Pinuntahan niya ito sa apartment nito pero wala ito doon. Tinawagan pa niya isa-isa ang binigay ni Zoe na mga numero, na posibleng kasama ng dalaga. Si Clark lang ang sumagot sa mga ito. Pinuntahan niya kaagad ang bar na sinabi nito.Maingat na binuhat niya ang dalaga hanggang sa penthouse. Akmang ilalapag niya ito sa kama niya nang maupo ito. Mukhang nasusuka, kaya binuhat niya ito ulit. Hindi pa man siya nakakarating ng banyo ng magsuka na nga ang dalaga."God, Thea!" inis na sambit niya dito. Nadamay kasi ang damit niya, sinukahan nito. "You'll pay for this!" gigil na bulong niya.Napatingin siya sa dalaga nang sumagot ito ng, hmmn. Napailing siya bigla."Then, expect when you are sober, baby," masuyong sambit niya at hinalikan ito sa noo sabay tulak sa pintuan ng banyo.Na
Magbasa pa
Chapter 7
Napadaing si Thea nang bigla siyang bumaling. Kasabay niyon ang pagmulat niya ng mata. Napatingin siya sa katabi. Natampal niya bigla ang sarili nang maalala ang nangyari sa kanila ni Keith. Ngayon lang rumagasa ang takot sa dibd*b niya. Wala namang kasiguruhan sa kanila ni Keith. Sinabunutan pa niya ang buhok ng ilang beses bago tumayo ng kama. Tulog na tulog ang binata. Kaagad na hinanap niya ang bag niya. Hindi siya umaalis ng apartment na walang extra, mula sa panloob hanggang sa damit. Napangiwi siya nang sumakit ang maselang bahagi niya ng masagi ng panty niya. Mas lalo na ng isuot ang leggings. Tinapunan niya ng tingin ang binata. Ganito pala ang pakiramdam na ma-divirginize, sarap sa una tapos sakit sa huli. Partida, pinagpala ang pa adonis na nakahiga sa malaking kama. Gumalaw si Keith kaya nagmadali siyang lumabas ng silid. Napatingin siya sa wallclock. Alas-kuwatro na pala ng umaga. Ano na lang ang sasabihin ng kan'yang mga kasamahan sa apartment. Kung saan-saan siya n
Magbasa pa
Chapter 8
Excited na lumabas ng opisina si Thea. Nagtext na kasi si Keith, na nasa baba na ito at naghihintay sa kan'ya. Parang mapupunit na ang bibig niya kaka-smile. Hanggang ngayon kasi hindi siya makapaniwala na nobyo na niya ito. Nangako pa ito sa kan'ya na iimbitahin siya nito sa concert ng banda nito. Kaso mga tatlong buwan pa. May ticket na nga siya. Halos tatlong linggo na rin pala niyang kilala ang binata ng personal. At hindi lang basta kilala, nobyo na niya ito. Naka-dalawang linggo na rin sila.Nakaramdam siya ng lungkot ng maalalang isang buwan na lang ito dito sa dubai."Baby..."Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Keith. Palapit na ito sa kan'ya. Hinapit siya nito kapagkuwan at mabilis na hinalikan sa labi."Madami ka bang ginawa? Mukhang biyernes santo ang mukha mo, eh." Sabay pa pisil ng pisngi niya."May naalala lang," sabi niya."Like?""Nothing. Saka na natin pag-usapan. Tara na, baka nagugutom ka na." Yakag niya sa nobyo."Okay, sabi mo, eh!" Inabot nito ang kamay ni
Magbasa pa
Chapter 9
Napatingin si Thea sa wallclock na nasa silid ng binata. Ala-una pa lang pala ng madaling araw. Akala niya umaaga na. Akmang tatayo siya nang higitin ni Keith ang beywang niya. "Where are you going, hmmn?" anitong nakapikit ang isang mata. "Magba-banyo lang. Ano ka ba? Matulog ka pa nga!" "Okay. Kiss muna," anito at ngumuso. Natatawang tinampal niya ito at tinulak pahiha. Nakangiti ito habang nakapikit ang mga mata. Binalot niya ang sarili ng comforter. Lumapit siya sa closet ng binata at naghanap ng damit nito. Napangiti siya nang makita ang boxer nito. Gamit na ang kinuha niya. Pagkatapos magdamit ay pumasok na siya ng banyo. Kakatapos niya lang maghugas ng sarili nang bumukas ang pintuan ng banyo. Iniluwa no'n ang binata. Napangiti ito nang makita siyang itinataas ang suot. "Ang bastos mo, Keith! Kita mo ng 'di pa ako tapos, 'di ba?" aniya sa mataray na himig. Natawa itong lumapit. "Eh, naiihi na rin ako." Bigla siyang tumalikod nang ilabas nito ang kahabaan at itinutok
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status