author-banner
Ellise
Ellise
Author

Nobela ni Ellise

THE CLEANING LADY OF MR. MILLIONAIRE

THE CLEANING LADY OF MR. MILLIONAIRE

SYNOPSIS Si Fiona Angelyn Perez ay nabuhay sa isang perpekto at masayang pamilya kasama ang kanyang mga magulang at dalawang kapatid na sina Piolo at Ferlyn. Ngunit sa isang iglap, gumuho ang kanyang mundo nang isang vehicular accident ang kumuha sa buhay ng kanyang mga magulang. Sa gitna ng labis na pagdadalamhati, napagtanto ni Fiona na may dalawang bata pang umaasa sa kanya. Lalo pang sumubok sa kanyang katatagan nang magkasakit ang tatlong taong gulang na si Ferlyn. Upang matustusan ang panggamot at pangaraw-araw na pangangailangan, iniwan ni Fiona ang kanyang pag-aaral at pumasok bilang isang cleaning lady sa mansyon ng bilyonaryong si Miles Lawrence Martinez. Si Miles ay isang malamig, walang puso, at mapang-aping lalaki na naniniwalang lahat ng babae ay mukhang pera. Agad niyang pinag-initan si Fiona, ginawa itong miserable, at itinuring na isang gold digger. Subalit habang tumatagal, unt-unting natutuklasan ni Miles ang katotohanan sa likod ng mga sakripisyo ni Fiona. Sa halip na matuwa, natakot si Miles sa namumuong nararamdaman dahil hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Bumalik siya sa pagiging masungit at mapang-abuso, hanggang sa isang gabi ay magawa niya itong saktan nang pisikal at pagsamantalahan. Hindi na nakayanan ni Fiona ang impiyernong buhay kaya tumakas siya mula sa mansyon, bitbit ang isang sikretong hindi niya alam siya ay nagdadalang-tao. Tatlong taon siyang hinanap ng nagsisising si Miles. Nang sa wakas ay mag-abot ang kanilang mga landas, haharapin ni Miles ang isang matigas at galit na Fiona na handang protektahan ang kanilang anak mula sa kanya. Makuha pa kaya ni Miles ang kapatawaran ng cleaning lady na unti-unting bumihag sa kanyang pusong bato?
Basahin
The Thrill That Make Me Love You

The Thrill That Make Me Love You

Si Kasandra Natividad ay isang bubbly Education student, band vocalist, at certified party girl. Sa kabila ng masayang buhay, may isang pangarap siyang tila imposibleng maabot ang mapansin ni Nathan Caleb Gadon. Si Nathan ay isang seryosong Architecture student at tanging tagapagmana ng Gadon Firm. Dahil sa magkaibang mundo, akala ni Kasandra ay hanggang tingin na lang siya sa lalaki. Ang hindi niya alam, secretly amazed na si Nathan sa kanya mula pa noong unang beses nitong marinig ang boses niya sa kanta. Umikot ang mundo nila nang mag-cross ang landas nila sa taunang University Cheering Foundation, kung saan bigla silang naging matinding magkalaban sa kompetisyon. Sa gitna ng sigawan, tensyon, at ingay ng drums, unti-unting lalabas ang totoong naramdaman nila para sa isa't isa. Mapapatunayan ba nilang ang tunay na kilig ay nanggagaling sa pinakamagulong sitwasyon?
Basahin
The Billionaire's Forgotten Heir

The Billionaire's Forgotten Heir

Limang taon na ang nakararaan, nagising si Elira Marquez sa ospital na sugatan, buntis, at may hawak na waiver—isang dokumentong may pirma ng kaniyang billionaire boyfriend na si Azriel Monteverde, na nag-uutos na ipalaglag ang kanilang anak kapalit ng limampung milyong piso para sa nalalapit nitong arranged marriage. Para maprotektahan ang sanggol, gumawa ng paraan si Elira sa tulong ng kapatid niya. Gumamit sila ng pekeng Death Certificate para palabasing patay na ang bata, bago sila tuluyang nagtago. ​Dahil sa problema sa pamilya, bumalik si Elira sa Maynila para maging financial auditor sa kumpanya ni Azriel. Sa muling pagkikita nila, napilitan siyang tumira sa mansyon nito dahil sa isang kasunduan. Isang lumang locket ang magiging susi sa katotohanan. Sa loob nito, may larawan ng isang limang taong gulang na batang lalaki na kamukhang-kamukha ng bilyonaryo. Ngayong alam na ni Azriel na buhay ang kaniyang tagapagmana, hanggang saan kayang panindigan ni Elira ang kaniyang mga naging kasinungalingan? At paano haharapin ni Azriel ang katotohanang ang kaniyang sariling dugo at laman ay pinalaki bilang isang lihim ng nakaraan?
Basahin
Mr. Billionaire Sinful Obsession

Mr. Billionaire Sinful Obsession

SYNOPSIS Si Shantall "Talla" Aguilar, isang dalawampu't anim na taong gulang na resilient na babae, ay tumakas mula sa kanyang mapang-abusong pamilya na itinuring lang siyang pambayad para sa utang sa sugal. Sa kanyang paghahanap ng kalayaan at independence, nakakuha siya ng trabaho bilang Personal Assistant ng kinatatakutang bilyonaryo na si Kalix Luiz Herrera ang bente-nuwebe anyos na dominant, bossy, at brutally cold na CEO ng Herrera Enterprises. Mula sa kanilang unang pagkikita, isang matinding atraksyon at sinful obsession ang sumiklab kay Kalix, kung saan tinitigan niya si Talla nang may purong pagnanasa at lust, habang itinatago ito sa likod ng kanyang masungit na corporate mask. Nang mahanap muli si Talla ng kanyang pamilya at makatanggap ng mga bantang text, nakialam si Kalix gamit ang kanyang kapangyarihan. Upang maprotektahan at makontrol ang sitwasyon, pinuwersa niya si Talla na lumipat sa kanyang marangyang penthouse sa BGC. Habang nagiging mas personal ang kanilang setup, pumasok sa eksena ang selos ni Kalix nang mag-alok ng tulong ang abogadong si Tristan Villaflor. Sinabayan pa ito ng paninira ng socialite na si Anastasia Lopez na tinawag si Talla na panandaliang aliw lang. Sa gitna ng matinding selos at kapusukan, hinarap ni Kalix ang isang malaking giyera sa kanyang sarili, pagnanasa lang ba talaga ang nararamdaman niya, o tuluyan na siyang nahuhulog sa kanyang magandang assistant?
Basahin
The CEO's Hidden Son

The CEO's Hidden Son

​Matapos mahuli ni Sophia Elaine Rivera na nagtataksil ang kaniyang fiance, halos mabaliw siya sa sakit. Sa sobrang iyak at kalasingan nang gabing iyon, maling hotel room ang napasukan niya—isang pagkakamali na naging dahilan ng kaniyang pagkabuntis. Para iwasan ang tsismis at mga tanong ng mga tao, nagpasya siyang lumipat sa probinsya para mag-isang palakihin ang anak niyang si Cael. Pagkalipas ng limang taon, napilitan siyang bumalik ng Maynila dahil sa kakapusan sa pera. Nag-apply siya bilang Executive Secretary sa Cortez International Holdings nang hindi nalalamang ang bago niyang boss na si Enzo Matteo Cortez—isang suplado at mayamang negosyante—ay ang mismong lalaking nakasama niya nang gabing iyon. ​Hindi siya nakilala ng CEO, pero nagbago ang lahat nang makita nito ang batang si Cael—na kamukhang-kamukha niya, mula sa ngiti hanggang sa mga mata. Habang unti-unting nabubunyag ang totoo at muling nanggugulo ang mga taong galit sa kanila, gagawin ni Enzo ang lahat para makuha ang mag-ina na hindi niya akalaing makukumpleto sa buhay niya. ​Mananatili na lang kaya itong sikreto, o mas magkakagulo lang sila kapag nalaman ng lahat ang katotohanan?
Basahin
Maaari mong magustuhan
Strawberries and Cigarettes
Strawberries and Cigarettes
Romance · Yzachariah
5.3K views
One Passionate Night
One Passionate Night
Romance · CAASIISAAC
5.2K views
Exclusive For Him
Exclusive For Him
Romance · BM_BLACK301
5.2K views
HOT DESIRES ENCOUNTERS
HOT DESIRES ENCOUNTERS
Romance · Red Room Stories
5.2K views
Love Replacement
Love Replacement
Romance · Fochacy
5.2K views
Lies After Marriage
Lies After Marriage
Romance · iamangielou
5.2K views
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status