LOGINSYNOPSIS Si Fiona Angelyn Perez ay nabuhay sa isang perpekto at masayang pamilya kasama ang kanyang mga magulang at dalawang kapatid na sina Piolo at Ferlyn. Ngunit sa isang iglap, gumuho ang kanyang mundo nang isang vehicular accident ang kumuha sa buhay ng kanyang mga magulang. Sa gitna ng labis na pagdadalamhati, napagtanto ni Fiona na may dalawang bata pang umaasa sa kanya. Lalo pang sumubok sa kanyang katatagan nang magkasakit ang tatlong taong gulang na si Ferlyn. Upang matustusan ang panggamot at pangaraw-araw na pangangailangan, iniwan ni Fiona ang kanyang pag-aaral at pumasok bilang isang cleaning lady sa mansyon ng bilyonaryong si Miles Lawrence Martinez. Si Miles ay isang malamig, walang puso, at mapang-aping lalaki na naniniwalang lahat ng babae ay mukhang pera. Agad niyang pinag-initan si Fiona, ginawa itong miserable, at itinuring na isang gold digger. Subalit habang tumatagal, unt-unting natutuklasan ni Miles ang katotohanan sa likod ng mga sakripisyo ni Fiona. Sa halip na matuwa, natakot si Miles sa namumuong nararamdaman dahil hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Bumalik siya sa pagiging masungit at mapang-abuso, hanggang sa isang gabi ay magawa niya itong saktan nang pisikal at pagsamantalahan. Hindi na nakayanan ni Fiona ang impiyernong buhay kaya tumakas siya mula sa mansyon, bitbit ang isang sikretong hindi niya alam siya ay nagdadalang-tao. Tatlong taon siyang hinanap ng nagsisising si Miles. Nang sa wakas ay mag-abot ang kanilang mga landas, haharapin ni Miles ang isang matigas at galit na Fiona na handang protektahan ang kanilang anak mula sa kanya. Makuha pa kaya ni Miles ang kapatawaran ng cleaning lady na unti-unting bumihag sa kanyang pusong bato?
View MoreFIONA ANGELYN PEREZ POV
"Ate, masakit po ang tyan ni Ferlyn..." Iyan ang boses na gumising sa akin sa madaling-araw. Pagmulat ng aking mga mata, nakita ko ang labindalawang taong gulang kong kapatid na si Piolo, hawak hawak ang kamay ng aming bunsong kapatid na si Ferlyn na noon ay umiiyak na naman habang namimilipit sa sakit. Agad akong bumangon mula sa aming manipis na kutson at binuhat ang tatlong taong gulang kong kapatid. Ang init niya. Sobrang init. Gusto kong maiyak, pero pinigilan ko. Simula nung gabing mamatay sina Mama Sarah at Papa Roger sa isang malubhang car accident isang taon na ang nakalilipas, ipinangako ko sa sarili ko na bawal na akong umiyak. Ako na ang tatay, ako na ang nanay. Ako na ang lahat para sa dalawang kapatid ko. I was 25 then, incoming senior sa kolehiyo, may mga pangarap. Pero sa isang iglap, lahat ng iyon ay nagbago. Kailangan kong tumigil sa pag-aaral. Kailangan kong maging matatag dahil kung bibigay ako, paano na ang mga kapatid ko? "Piolo, kunin mo yung maligamgam na tubig at bimpo sa kusina, dali," utos ko sa aking kapatid habang hinahaplos ang likod ni Ferlyn. "Shh... tahan na, baby Angel ko. Nandito si Ate. Hindi ka pababayaan ni Ate." Matapos mapunasan si Ferlyn at mapainom ng natitirang gamot na nireseta ng doktor sa pampublikong ospital, dahan dahan din siyang nakatulog. Umupo ako sa gilid ng higaan, nakatitig sa dalawa kong kapatid na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Maraming bayarin sa ospital. Ang maintenance na gamot ni Ferlyn para sa kanyang congenital heart disease ay napakamahal. Ang mga ipon nina Mama at Papa mula sa insurance, naubos na lahat sa ospital nung nakaraang buwan lang. Baon na rin kami sa utang sa mga kapitbahay. Kailangan ko ng trabaho na malaki ang kita, kahit anong trabaho, basta marangal. Kaya naman, nang mag-umaga, hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Tinawagan ko si Aling Marites, ang kapitbahay naming nagtatrabaho bilang kusinera sa isang malaking mansyon sa Forbes Park. Sabi niya kasi nung nakaraang linggo, naghahanap sila ng bagong cleaning lady doon dahil umalis ang dating katulong. Malaki daw magpasweldo ang may-ari, ang pamilya Martinez, pero may isang malaking babala si Aling Marites sa akin. “Fiona, anak, malaki ang sweldo roon, sapat para sa gamot ng kapatid mo at pangaraw-araw niyo. Pero babalaan na kita... ang batang amo roon na si Sir Miles Lawrence Martinez, napakahirap pasamahan. Masungit, suplado, at parang walang puso kung magsalita. Kaya mo ba?” Naalala ko ang sinabi ko sa kanya noon: “Kahit maghugas po ako ng paa ng demonyo, Aling Marites, gagawin ko. Para sa mga kapatid ko.” At ngayon, heto na ako. Nakatayo sa tapat ng naglalakihang gintong gate ng Martinez Mansion. Sobrang laki ng bahay. Para itong kastilyo na nakikita ko lang sa mga teleserye. Kulay puti ang mga pader, may malawak na garden, at may mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa gilid. Kumaba ang dibdib ko, pero hinawakan ko nang mahigpit ang luma kong bag na naglalaman ng aking biodata. "Diyos ko, gabayan Niyo po ako. Para sa mga kapatid ko," bulong ko sa sarili bago pumasok sa maliit na pinto sa gilid ng gate kung saan ako pinapasok ng security guard. Sinalubong ako ni Aling Marites sa may dirty kitchen at dinala ako sa loob ng mansyon. Lalo akong namangha at natakot nang makita ang loob. Ang sahig ay gawa sa mamahaling marmol na pwedeng pwedeng gawing salamin sa sobrang kintab. May mga naglalakihang chandelier na nakasabit sa kisame. "Mag-antay ka lang dito, Fiona. Pababa na si Sir Miles. Siya ang mag-iinterview sa'yo dahil siya lang naman ang nakatira dito ngayon. Ang mga magulang niya ay nasa Amerika kasama ang mga kapatid niya, kaya siya ang may-ari ng buong mansyong ito," bulong ni Aling Marites bago mabilis na bumalik sa kusina para magluto. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng malawak na sala. Sobrang awkward ng pakiramdam ko. Ang suot ko lang ay lumang t-shirt at maong na pantalon na may kaunting kupas na. Ramdam na ramdam ko ang pagiging mahirap ko sa lugar na ito. Makalipas ang ilang minuto, nakarinig ako ng mabibigat na yabag ng sapatos pababa ng engrandeng hagdanan. Agad akong napatuwid ng tayo. At doon ko siya unang nakita. Miles Lawrence Martinez. He was undeniably handsome. Matangkad, may perpektong hubog ng panga, at ang kanyang buhok ay maayos na naka-style na parang isang modelo sa magazine. Ang suot niyang mamahaling black suit ay lalong nagpatingkad sa kanyang pagiging bilyonaryo. Pero ang pinakanapansin ko ay ang kanyang mga mata. Puno ito ng lamig. Walang kahit anong emosyon. Nang magtagpo ang mga mata namin, parang biglang bumaba ang temperatura sa loob ng kwarto. Lumakad siya palapit sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kanyang pantalon. Huminto siya ilang hakbang mula sa akin, at mula ulo hanggang paa ay tinignan niya ako na parang isa akong dumi sa kanyang mamahaling sahig. "So, you are the new cleaning lady Marites was talking about?" ang lamig ng boses niya, parang may kasamang yelo. Ingles na Tagalog, pero ang accent niya ay halatang galing sa mataas na lipunan. "O-Opo, Sir. Ako po si Fiona Angelyn Perez. 26 years old po," sagot ko, pilit na pinatatatag ang aking boses sabay abot ng aking biodata. Kinuha niya ito gamit ang dalawang daliri, na tila ba diring-diri siyang hawakan ang papel na galing sa akin. Tinignan niya ito nang mabilisan bago ihagis sa ibabaw ng glass table na nasa gilid namin. Bahagya akong napaigtad sa ginawa niya. "College undergraduate? At bakit ka tumigil? Let me guess..." Lumapit pa siya sa akin nang isang hakbang, dahilan para mapaurong ako nang bahagya. May amoy siyang mamahaling pabango, pero ang presensya niya ay nakakatakot. "You need money. standard story ng mga katulong na pumapasok dito. Gagawa ng kung ano anong kaawa awang kwento para makakuha ng advance na sweldo, tapos kapag nakuha na ang gusto, magnanakaw o kaya naman ay mang-aakit ng amo. Am I right?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Ramdam ko ang biglang pag-init ng aking mga pisngi, hindi dahil sa hiya kundi dahil sa galit at sakit. Paano niya nagagawang humusga ng tao nang hindi pa ako kilala? "Sir, hindi po ako ganyang klaseng tao. Pumasok po ako dito para magtrabaho nang marangal. Kailangan ko po ng sweldo para sa mga kapatid ko, lalo na sa bunsong maysakit, pero hinding hindi ko po magagawang magnakaw o mang-akit ng kung sino," may diin kong sagot habang direktang nakatingin sa kanyang malamig na mga mata. Isang mapait at nakakalokong tawa ang lumabas sa kanyang mga labi. Ang tawang iyon ay puno ng pang-uuyam. He was a bully, and he enjoyed seeing me get defensive. "Matapang ka rin pala, huh? well, see this? Lahat ng sulok ng bahay na ito, kailangang walang kahit isang butil ng alikabok. Kung may makita akong dumi, babawasan ko ang sweldo mo. clear?" Lumapit siya sa mukha ko, sapat na para maramdaman ko ang kanyang hininga. "And let me remind you, Perez. options are limited for girls like you. Huwag na huwag kang aarte-arte sa harap ko o susubukang kumuha ng atensyon ko, dahil alam ko ang mga galawan ng mga gold diggers na katulad mo. You mean nothing to me but a pair of hands to clean my mess." Gusto kong isampal sa mukha niya ang natitirang pride ko. Gusto kong talikuran ang mansyong ito at sabihing hindi ko kailangan ng pera niya. Pero biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Ferlyn na namimilipit sa sakit, at ang mukha ni Piolo na umaasa sa akin. Para sa mga kapatid ko, Fiona. Lunukin mo ang pride mo. Kaya mo 'to, paulit-ulit na utos ng isip ko sa aking sarili. Huminga ako nang malalim at ibinaba ang aking tingin. "Opo, Sir Miles. Malinaw po. Gagawin ko po ang trabaho ko nang maayos." "Good. Mag-umpisa ka na ngayon. At siguraduhin mong hindi ko makikita ang pagmumukha mo kapag naglalakad ako sa hallway. I hate seeing dirt," malamig niyang sabi bago tumalikod at naglakad paalis ng sala, na tila ba wala siyang tinapakang dignidad ng isang tao. Nang tuluyan siyang makapasok sa kanyang library, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Nanginginig ang aking mga tuhod. Napakapit ako sa sandalan ng sofa. Sobrang sakit ng mga salita niya. Hindi ko akalaing may mga tao palang kasing-sama niya ang ugali. Pilit niyang dinudurog ang pagkatao ko sa unang araw ko pa lang.Pero hindi ako susuko. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko gamit ang likod ng aking palad, tsaka kumuha ng basahan at timba sa stockroom. Ito na ang simula ng bagong buhay ko—isang cleaning lady sa ilalim ng isang bilyonaryong walang pakiramdam. Kung ito ang kailangan kong pagdaanan para mabuhay ang mga kapatid ko, titiisin ko. Haharapin ko ang kahit anong isalubong niya sa akin, kahit gaano pa kahirap makasama ang isang Miles Lawrence Martinez.
Miles Lawrence Martinez’s POVNakatayo ako sa harap ng malaking floor-to-ceiling mirror sa loob ng aking dressing room, maingat na inaayos ang lapel ng aking dark navy suit. Sa loob ng napakaraming taon ng aking buhay, ang pagsusuot ng ganitong uri ng mamahaling damit ay parang pag-aarmas para sa isang walang katapusang giyera sa mundo ng negosyo. Ang pananamit na ito ang aking baluti laban sa mga taong gustong magsamantala sa kumpanya ang simbolo ng aking lamig, kapangyarihan, at kawalan ng awa.Ngunit ngayong umaga, habang tinititigan ko ang aking repleksyon sa salamin, alam kong hindi ako naghahanda para sa isang seryosong board meeting o para sakupin ang panibagong korporasyon."Daddy! Look, I fixed my coat like yours!"Lumingon ako at agad na napawi ang anumang seryosong porma sa aking mukha. Nakatayo sa pintuan si James Lawrence, ang aming anim na taong gulang na anak. Nakasuot siya ng munting miniature version ng aking dark suit. Pilit niyang inaayos ang kanyang maliit na red b
Fiona Angelyn Perez POV Isang taon ang mabilis na lumipas matapos ang pagsilang sa aming munting prinsesa na si Sophia. Ngayong umaga, pinalitan namin ang maingay at abalang buhay sa lungsod ng payapang simoy ng hangin sa aming rest house sa Tagaytay. Ang bahay na ito ay hindi kasing-laki o kasing-lamig ng mansyon sa Forbes Park. Ginawa ito ni Miles na may malalaking bintanang salamin, may malawak na veranda na nakaharap sa bulubundukin, at may malaking patag na damuhan kung saan malayang nakakatakbo ang mga bata. Nakatayo ako sa gilid ng veranda habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsokolate. Nakasuot ako ng simpleng white floral sundress, nakalugay ang aking buhok habang hinahayaan ang malamig na hangin ng Tagaytay na humalik sa aking pisngi. Sa malawak na damuhan sa aming harapan, nakikita ko ang pinakamagandang tanawin sa buong mundo. Si Miles, na nakasuot lamang ng simpleng grey t-shirt at maong shorts malayo sa kanyang pormal na ayos bilang Chairman ng Martinez Global ay
Fiona Angelyn Perez POV Apat na buwan ang mabilis na lumipas matapos ang pagsasalo-salo ng aming pamilya sa bakuran. Ngayon, ang buong siyam na buwan ng aking ikalawang pagdadalang-tao ay dumating na sa pinakamagandang hantungan. Nakatayo ako sa gitna ng pamilyar na suite room ng St. Luke's Medical Center. Ang sikat ng araw sa maagang umaga ay banayad na sumisilip sa malaking bintana, nagbibigay ng gintong liwanag sa buong silid. Sa aking mga braso, nakabalot sa isang malambot at kulay-rosas na kumot, ay si Baby Sophia Lawrence Perez-Martinez ang aming ikalawang biyaya. Napakatahimik ng aming munting prinsesa. May manipis at maitim siyang buhok, mahabang mga pusa ng mata, at tulad ng kanyang kuya na si James, ang hugis ng kanyang mga labi ay nakuha rin niya mula sa kanyang ama. "Napakaganda mo, anak," pabulong kong sabi habang marahang hinahalikan ang kanyang munting noo. Ang amoy ng isang bagong silang na sanggol ay muling nagpuno sa aking puso ng isang matinding kagaanan at ligay
FIONA ANGELYN PEREZ POV Ilang linggo na rin ang nakalipas mula noong ikalimang anibersaryo ng aming foundation, ngunit hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang init at ligaya sa aming tahanan. Ngayong umaga, maagang gumising ang buong mansyon. Kahit medyo mabigat na ang aking pakiramdam dahil sa limang buwang pagdadalang-tao kay Baby Sophia, masigla pa rin akong bumaba sa kusina upang tulungan si Aling Marites sa paghahanda ng almusal. Ito ang isa sa mga bagay na hindi ko kailanman pinalitan o kinalimutan. Kahit ako na ang donya at misis ng pinakamayamang bilyonaryo sa bansa, ang pagpasok sa kusina, ang pag-aayos ng hapag-kainan, at ang paghalo ng kape para kay Miles ang mga simpleng gawaing nagpapaalala sa akin kung saan ako nagmula. "Ate Fiona, ako na po riyan," maingat na pigil sa akin ni Aling Marites habang kukunin ko sana ang tray ng mga tasang pampalit. "Baka mapagod ka. Baka pagalitan pa ako ni Sir Miles kapag nakita niyang nagbubuhat ka ng mabigat!" Natawa ako nang mah






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.