Binayaran si Emerald upang paibigin at sirain ang engagement ni Lucian Monteverde sa kasintahan. Dala ng pangangailangan at lihim na pag-ibig sa binata ay pumayag siya. Matagumpay ang misyon ngunit naging kapalit ang buhay ng babaeng pinakamamahal nito. Hindi siya nakahanda sa matinding galit at ganti ng bilyonaryong CEO. Pinakasalan siya nito at pinagmalupitan. Pinagbayaran niya ang lahat ng kasalanan hangang sa puntong tapusin niya ang sariling buhay. Makalipas ang dalawang taon ay muling nag-krus ang kanilang landas. Iba naman ang pagpaparusang ginawa ng asawa, naging possessive at obsessed ito sa kanya! Ayaw siya nitong pakawalan ngunit hindi siya babalik kailanman. Wala sa plano niyang ulitin ang katangahan. Gusto niyang mabuhay ng malaya at may kapayapaan ng isip. Ngunit bakit ayaw mapatid ang gahiblang tila sinulid na nag-uugnay sa kanilang dalawa?
View More“Masayang hapon! Ano po ang order nila?” ani Emerald nakangiting inangat ang mukha upang pagsilbihan ang sumunod na costumer sa coffee shop.
Napalis ang ngiti niya at tila nag-teleport siya sa impyerno ng makita ang mukha ng asawang si Lucian na dalawang taon niyang hindi nakita.
Bakas ang sindak sa mukha nito. Nakabuka ang bibig nito ngunit walang lumalabas sa bibig.
“E-Eme- Emerald? Ikaw ba ‘yan?”
Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Tila nais matiyak na totoo ba siya o aparisyon lamang. Ibig niyang matawa sa itsura nitong parang nakakita ng multo na apparently totoo naman dahil akala nito ay patay na siya.
“Naaalala mo ba ako? Kilala mo ba ako? Akala ko patay ka na!” bulalas nitong manghang mangha.
Huminga siya ng malalim. Kung hindi lang niya kilala ang masamang ugali ni Lucian Monteverde ay iisipin niyang masaya itong makita siyang muli which is so impossible! Mamumuti ang uwak ngunit never itong matutuwang makita siya.
Magpapanggap ba siyang may amnesia? O hindi kaya ay nababaliw? Itatanggi ba niya na siya ang asawa nito? Papahirapan lang niya ang sarili kapag ginawa niya iyon. Alam niyang kaya nitong ungkatin kung sino siyang talaga. Balik siya sa orihinal na plano sa sandaling magkita sila.
“Ako nga. Emerald Diaz. Walang ng iba at oo naman kilala kita, mahal kong asawa, Lucian Monteverde,” aniyang parang wala lang ngunit tila jelly ang kanyang tuhod sa panlalambot. Muntik niyang palakpakan ang sarili sa galing ng akting.
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. “Bakit mo ako niloko?!”
“Sir, may I take your order, please,” aniya ng mapatingin ang katabing cashier.
“Black coffee. Kasing itim ng budhi mo at kasing tapang ng sikmura mong lokohin ako at palabasing patay ka na!” gigil ang boses nito at tiim ang bagang.
Napalingon siya sa paligid. Mabuti na lamang at konti pa ang costumer ng oras na iyon.
“Anything else, sir? Lason?” mahina niyang sabi sa huling salita.
“Oo, para ipapainom ko sa’yo!”
Napansin niyang may nakapila na sa likod nito.
“Sir, maupo po muna kayo at ako mismo ang maghahatid ng order sa table ninyo. Salamat po!” matamis ang ngiti sa labi niya.
Tumalikod siya at mabilis na nagtungo sa banyo. Nanginginig ang kanyang buong katawan. Binasa niya ng tubig ang mukha. Hindi niya inasahan na makikita niya sa maliit at mahirap na bayan ng San Isidro si Lucian. Isa itong isla na kailangan pang sumakay ng bangka upang marating. Hindi siya nagtatago dahil maliit ang tsansa na makita niya ito. Magkaiba ang mundong kanilang ginagalawan. Naging sekretarya siya nito at kabisado niya ang mga lugar na pinupuntahan nito. Ngunit hindi siya natatakot. Haharapin niya ito! Patay na si Emerald Diaz na asawa nito!
Tinapik niya ang mukha at pinunasan. Haharapin niya ang dating asawa. Tuwid at buo ang loob na naglakad siya palapit dito dala ang black coffee.
“Enjoy your coffee, sir.”
“Maupo ka, mag-usap tayo.” Madilim ang anyo ni Lucian. Nahagip ng tingin niya ang ilang kababaihang tila mga bulateng inasinan sa kinauupuan at nagpapapansin sa asawa. May nagpipicture pa nga. Hindi niya masisi ang mga ito dahil kung panlabas na anyo lamang ay tunay na napakagwapo nito na may makisig na pangangatawan at magandang tindig. Idagdag pa ang pagiging bilyonaryo. Ngunit kung may time machine lamang siya, hinding hindi siya mag-aaply sa kumpanyang pag-aari nito na naging dahilan na nakilala niya ito.
“Wala tayong dapat pag-usapan,” aniyang nakatayo pa din.
“Baka nakakalimutan mong mag-asawa tayo! At hindi mo ako matatakasan! Hindi ka pa bayad sa napakalaking kasalanan mo! Sumama ka sa akin! O papasabugin ko itong restaurant na ito!”
Nanlilisik ang mga mata nito na tila magbubuga ng bolang apoy anumang oras. Ngunit walang makakalusaw sa puso niyang tila bloke na ng yelo sa Antarctica sa tigas at lamig na hindi niya hahayaang muling madurog.
Sinaklit nito ang pulsuhan niya ng nagtangka siyang tumalikod.
“May problema ba, Em?” anang baritonong tinig ni Cayden, ang kasosyo niya sa negosyo.
Napatayo si Lucian at hinarap ang lalaki. “Huwag kang makialam dito! Usapang mag-asa-”
“Huwag kang mag-eskandalo dito. Hintayin mo ako sa parking lot. Magkita tayo at tapusin ang problema,” aniyang hindi na pinatapos sa pagsasalita ang dating asawa. Hinila niya si Cayden palayo at tinanggap ang bulaklak na dala nito. Makulit din ang lalaki kahit ilang beses na niyang sabihang huwag ng magbigay ng bulaklak.
Tila siya susugod sa giyera ng puntahan si Lucian sa parking lot. Nakita niya itong nakasandal sa mamahaling kotse at naninigarilyo. Madalang niya lang itong makitang naninigarilyo noon. Kapag lamang stress o malaki ang problema. Baka naman habit na nito ngayon na wala na siyang pakialam.
Itinapon nito ang upos ng sigarilyo sa basurahan ng makalapit siya. Binuksan nito ang kotse at hinila siya papasok. Binawi niya ang kamay.
“Bumalik ka na sa bahay! Wala akong pakialam kung ano ang ginawa mo sa loob ng dalawang taon pero asawa pa din kita at hindi ka pa bayad sa kasalanan mo!”
“May dalawa kang papamilian. Una, palayain mo ako. Pangalawa, mapabalik sa buhay mo na isa ng bangkay.”
“Napakatapang mo na ah! Sinong ipinagmamalaki mo? Ang lalaki kanina? Kaya ko kayong durugin parehas sa isang pitik lang ng daliri ko.”
“Alam ko ‘yan. Ikaw ba naman ang pinakamayaman sa bansa. Huwag kang mandamay ng ibang tao sa problema nating dalawa.”
“Alam mo palang hindi ka makakalaya sa akin!”
Binuksan niya ang bag at may kinuha sa loob. Inabot ang cable wire.
“Ano ‘to?” kunot ang noong tanong nito.
“Nakikita mo ang CCTV na nakatutok sa atin? Sira ‘yan kaya huwag kang mag-alala. Dahil wala akong planong sumama ng buhay sa’yo, sakalin mo ako gamit ‘yan.”
“Anong pinagsasasabi mo?!” anitong itinapon ang wire sa basurahan.
Hinding hindi siya babalik sa impyernong buhay niya sa piling nito. May kinuha ulit siya sa bag at inilagay sa palad nito.
“Lanseta ‘yan. Mahaba ‘yan. I*****k mo sa leeg ko o sa dibdib. Ilang ulit para sigurado bago mo ako iwan diyan sa gilid.”
Nakita niya ang paglukot ng mukha ni Lucian na tila hindi maarok ang mga sinasabi niya.
Napatigil si Henry. “Sir? Okay lang po ba kayo?”“Walang tawag, walang meeting.” Inubos ni Cayden ang laman ng baso, saka agad nagbuhos muli.Tahimik na tumango si Henry.Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, biglang bumulong si Cayden habang nakatitig sa baso."Henry, paano mo mababawi ang isang pagkakamaling halos sirain ang buhay ng taong mahal mo?”Hindi agad sumagot si Henry. Lumapit ito at marahang inilapag ang clipboard sa gilid ng mesa.Hinilot ni Cayden ang sentido niya.“Pinaniwalaan ko ang mali. Tinalikuran ko si Mayumi. Sinaktan ko ‘yung taong totoo kong mahal. Sinayang ko ang pagkakataong protektahan siya. Bagkus ay sinaktan ko pa.”Huminga siya nang malalim, pinipigilan ang panginginig ng boses.“Paano ko babawiin ‘yon, Henry? Paano ako makakabalik sa buhay ni Mayumi?”Tahimik lamang si Henry. Pagkatapos ng ilang sandali, marahan siyang nagsalita.“Sir, hindi ko po alam ang lahat ng detalye. Pero kung talagang mahal po ninyo si Mayumi, gagawin ninyo ang lahat para ip
Tahimik si Cayden habang nasa loob ng kanyang opisina matapos ang ilang araw na hindi pagpasok, hawak ang isang tasa ng kape na baka makatulong sa hangover niya. Ngunit hindi niya iniinom kaya lumamig na. Halos hindi siya nakatulog mula nang malaman niyang buntis si Mayumi. Gulo pa rin ang isip niya, mga tanong, hinanakit, at ang bigat ng pagkakabigo.Biglang tumunog ang kanyang telepono. Unknown number.Nagdalawang-isip siyang sagutin, pero pinindot din niya ang accept.“Hello, good morning po. Sir Cayden Villamor?”“Speaking.”“This is Carla from customer service sa Central Mall. A wallet was found at the lost and found section. May calling card po kayo sa loob kaya po namin kayo natawagan.”Napatayo siya. “Wallet? As in… Hermes black leather wallet?”“Yes po, sir. Naiturn over po ito matagal na. Kung gusto n’yong kunin, anytime po kayo makakadaan.”“Thank you. Pupuntahan ko ngayon sa assistant ko.”Ilang oras ang lumipas ng papuntahin niya si Henry. Hindi na niya inasahang makikita
Kumabog ang dibdib ni Mayumi sa isiping magpapang-abot ang dalawa. Nagtutulakan na ang mga ito.Ngunit ilang saglit lang bago pa siya makaawat, unti-unting lumabo ang paningin niya. Uminit ang kanyang katawan, sumikip ang dibdib, at hindi na siya makapagsalita, napahawak siya sa ulo at buti na lang ay nasalo siya ni Justin bago bumagsak sa sahig.Humingi sila ng tulong upang maisugod sa ospital si Mayumi. Dumating ang service vehicle. Dali-daling isinakay ang dalaga. Sa loob ng sasakyan, parehong sumama sina Cayden at Justin.Habang inaasikaso ng mga nurse si Mayumi, naglalakad-lakad si Cayden sa labas ng ER, nakasalubong ang galit na si Justin na galing sa admission.“Bakit sinusundan mo pa din si Mayumi? Ikakasal ka na pero ginugulo mo pa siya! Tignan mo ang nangyari!”“Negosyo ang habol ko at hindi babae!”“Kung ganoon, umalis ka na. Ako na ang bahala kay Mayumi! Hindi ka niya kailangan. Kapag may nangyaring masama sa kanya, mananagot ka sa akin!”Biglang bumukas ang pinto ng emerge
Napansin marahil ni Don William ang pag-aalangan sa mukha ni Mayumi.“Alam kong hindi madali. Pero hindi ko ito iniaalok dahil anak kita. Iniaalok ko ito sa’yo dahil nakita kong may kakayahan kang mamuno, tumayo sa harap ng kahit sino, at ipaglaban ang prinsipyo mo. Napakagandang training din na makatrabaho mo ang kagaya ni Mr. Villamor.”Saglit na katahimikan. Ramdam ang kabigatan sa loob niya. Takot at alinlangan, ngunit may halong sigla ng hamon. Para sa ama ay tatanggapin niya ang proyekto.“Sige po. Tatanggapin ko,” aniyang marahang tumango.Ilang araw ang lumipas. Dumating si Cayden sa Aragon Tower. Tahimik siyang nagbabasa ng report.“Effective today, ako na ang bagong Project Director ng Alta Verde. Magkakasama tayo sa trabaho. Pero kagaya ng sabi mo trabaho lang at walang personalan. Professional ka naman at ganoon din naman ako kaya wala akong nakikitang problema,” bungad niya.“Of course, Ms. Aragon. Business lang at walang personalan.”***Unang joint site visit nina Mayumi
Lahat ng tao sa conference room ay napatingin kay Mayumi. Natigilan siya. Anong alam niya sa ganito? Nakinig siya kaso hindi siya handang mag-comment agad. Napatingin siya kay Don William na nakangiti sa kanya. Kinuha niya ang kopya ng proposal na Villamor Realty Corporation.“Yes, it’s i- it’s promising pero may ilang bagay akong hindi nagustuhan. Hayaan ninyo munang pag-aralan kong mabuti ang proposal bago ako magsalita sa inyong lahat,” aniyang muntik ng matumba sa kinakatayuan. Bihasa si Cayden sa ganitong bagay. Wala siyang laban. Nakita niya ang pagtaas ng kilay nito.“Alright, Ms. Aragon. I would like to hear from you tomorrow. We really need to review all the proposals thoroughly,” anang Chairman.Nakahinga siya ng maluwag. Kailangan niyang araling mabuti ang proposal. At hanapan ng butas. Napapadyak siya paglabas ng conference room. Mukhang perfect ang proposal. Naalala niya ang proyektong ito noong nagtatrabaho pa siya sa Villamor Realty Corporation. Hindi lang niya inasahan
Ang babaeng inakala ni Cayden na gold digger ay siya palang tunay na anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa.“Paano nangyari ito? Kailangang malaman ‘to ni Mama. Nakakagulat naman,” palatak ni Naomi at bakas ang inggit sa mata.Si Cayden, tahimik na nakatingin kay Mayumi.“Magandang gabi sa inyong lahat. Ikinagagalak kong makasama kayo sa kaarawan ng aking ama. Ang hiling ko lamang ay mahabang buhay at mabuting kalusugan para sa aking Daddy William.”Palakpakan ang mga bisita at pinapalibutan na siya ng mga kaanak, kaibigan, at mamamahayag. Pinilit niyang makibagay sa mga taong naroon.Katatapos lamang ng selebrasyon, palabas na ang mga bisita. Napansin niya si Cayden na nakatayo sa gilid, hindi pa ito umaalis.Nakita nitong lumabas siya sa may side door, papunta sa veranda. Tahimik siyang naglalakad, kailangan niya ng hangin at hindi siya sanay sa mga ganitong pagtitipon.Agad na sumunod si Cayden. Ngunit bago pa ito makalapit, dalawang bodyguard na naka-itim ang humarang sa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments