author-banner
4STARS
4STARS
Author

Novels by 4STARS

Sa Bisig Ng Aking Bayaw

Sa Bisig Ng Aking Bayaw

Sa paningin ng iba, napakaswerte ni Orlinda. Subalit para sa kanya, isang bangungot ang pinasok niya matapos pakasalan si Angelo Tan—isang masamang panaginip na tila hindi na niya kagigisingan. Sa halip na ituring na manugang, itinuturing siyang hamak na katulong ng mapagmataas at matapobreng pamilya Tan. Sa kabila ng lahat ng kanyang pagsusumikap, tanging insulto at pagmamaliit lamang ang natatanggap ni Orlinda. Hanggang sa isang araw, may nagbigay sa kanya ng pagkakataong patunayan ang sarili—na hindi lamang siya para sa gawaing-bahay at mayroon pa siyang ibang kayang gawin. Nang alukin siya ng trabaho ng kanyang bayaw na si Christian Tan, nagdalawang-isip man ay tinanggap pa rin niya ito kalaunan. Labis ang pasasalamat ni Orlinda kay Christian, lalo na nang marinig niyang may tiwala ito sa kanya. Dahil dito, unti-unting nagbago ang kanyang pananaw sa kanyang bayaw. Ang desisyon kaya niyang ito ang simula ng panibagong bangungot, o daan sa isang nakatagong pagtingin na hindi naman nararapat?
Read
Chapter: Kabanata 76
Inabot ni France ang dalawang kamay ni Orlinda, malambing na hinawakan.“Hindi ka dapat mahiya. Dapat maging proud ka na napakaganda mo,” nakangiting saad ng lalaki. “At alam mo ba, mas may igaganda ka pa. Tara dito,’’ dagdag nito. Hinila siya ng lalaki pabalik sa harap ng salamin ng dressing table. Hindi na siya pinaupo ni France at nanatili siyang nakatayo. May kinuha ang lalaki mula sa drawer ng dressing table mabilis na bumalik kay Orlinda. ‘’Steady mo lang ulo mo… Huwag malikot…’’Nanatiling nakatayo si Orlinda, unat ang likod.Ilang segundo lang, lumayo ng bahagya si France. Sinipat ang itsura niya matapos ilagay sa ulo niya ang isang jade hairpin na may gintong bulaklak na bagay na bagay sa suot niyang ivory-white cheongsam na may mga sage green at kaunting gold—elegant, feminine at may marangyang dating. Halos maiyak si France habang pinagmamasdan mula ulo hanggang paa si Orlinda. Labis ang kasiyahan niya at hindi na masukat kung gaano siya ka-proud sa sarili matapos mapag
Last Updated: 2026-10-14
Chapter: Kabanata 75
“Tadaaa! How is it, my dear?”Matapos ang mahigit isang oras, natapos na si France sa pag-aayos—hindi lang ang buhok ni Orlinda, pati na ang pag-apply ng make up na lalo lamang nag-highlight sa natural na ganda ng babae.Kung kanina ay napapanganga si Orlinda dahil hindi makapaniwala sa pagbabago ng kanyang kulay at hairstyle, ngayon parang gusto na niyang pagdudahan kung siya ba talaga ang taong nasa repleksyon ng salamin.Napahawak sa pisngi, bawat anggulo ng kanyang mukha sinisilip sa salamin. “Ako ba talaga ‘to?” aniya, nagdududa pa rin.Lumingon siya. “Maraming salamat, France. Nagandahan ako sa ginawa mo sa ‘kin,” taos-pusong pasasalamat niya sa lalaki.Para sa kanya, si France ang nagpakita sa kanya ng kakaiba at bagong bersyon ng kanyang sarili.Ngumiti ng malapad si France.Gamit ang dulo ng daliri ni France, bahagyang inangat nito sa baba ang ulo ni Orlinda.“Maraming salamat rin sa ‘yo, Linda. Dahil sa magandang reaksyon mo, mas lalo lang akong naging proud sa pagpapaganda
Last Updated: 2026-10-12
Chapter: Kabanata 74
Nanlaki ang mga bilugang mata ni Djiwa sa hindi makapaniwala nang makita niya ang kanyang repleksyon sa salamin. Ang dating itim na hibla ng kanyang buhok ay mayroon nang blonde highlights matapos itong i-bleach, dahilan upang mas magmukha siyang isang babaeng may lahing mestiza.Hindi agad nakapagsalita si Orlinda pero kita naman sa kanyang mukha ang malinaw na reaksyon—ang paghanga.‘’Ano'ng… Ano'ng tawag sa ginawa mo sa buhok ko, France?’’ curious niyang tanong, ramdam ang pagkamangha. Si France, na nakatayo sa likuran niya, ay napangiti nang may kasiyahan habang kinukuskos ang dulo ng buhok ni Orlinda gamit ng curling iron. ‘’Ang tawag dito ay Partial Highlights, my dear. Ang kombinasyon ng itim at blonde ay eleganteng tingnan.’’ Tiningnan ni France si Orlinda sa salamin. ‘’Tingnan mo, Linda. Bagay na bagay sa ‘yo. Nagustuhan mo ba ang ginawa ko sa buhok mo?’’ Kumurap si Orlinda ng ilang beses, nakatitig sa kanyang repleksyon—hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.‘’Gustong-gus
Last Updated: 2026-10-11
Chapter: Kabanata 73
Naunang pumasok sa loob ng salon si Orlinda nang pagbuksan siya ng p***o ni Christian.Gaya ng unang beses siyang makapasok sa salon, ganoon pa rin ang itsura ng salon sa ikalawang pagbisita niya rito.Sa sandaling makapasok na silang dalawa ay sabay silang napalingon sa direksyon ng may sumigaw. ‘’Tian Tian!’’Ang sumigaw ay isang matangkad na lalaki, halos kasing-tangkad ni Christian, maaliwalas ang mukha, hindi kagwapuhan gaya ni Christian pero ma-appeal. Kapansin-pansin lang ang paggalaw ng lalaki, malambot ang paglakad gaya ng isang babae. Tumayo ang lalaki sa harapan ng dalawa. Iniuwang nito ang bibig para magsalita nang mapansin nito si Orlinda. ‘’Hello, Miss,’’ masayang bati ng lalaki kay Orlinda.Gumanti ng pagbati si Orlinda na may matamis na ngiti sa labi. ‘’Hello din po, Sir.’’‘’Sir?’’ ulit ng lalaki, napahawak sa dibdib niya na para bang labis na nasaktan. ‘’H'wag mo akong tawaging ‘Sir’. Ako si France. Pwede mo akong tawaging Fran o simpleng France na lang. Bahala ka
Last Updated: 2026-10-10
Chapter: Kabanata 72
‘’Ginawa mo talaga ‘yon?’’ Napatakip ng bibig si Grace, hindi makapaniwala sa ginawa ng hipag na si Sheila. ‘’Sa gan'on mo siya ginantihanda?’’ Suminghal si Sheila, habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. ‘’Oo! Kung makikita mo lang ang mukha ng Linda na ‘yon. Asang-asa talaga siya na ginawan ko siya ng damit,’’ inis na sabi nito. ‘’Ba namang isumbong niya ko ng isumbong kay Chris, dapat lang ‘yan sa kanya,’’ dagdag nito. Napakagat ng labi si Grace, bakas sa mukha ang halo-halong emosyon ng gulat at takot. ‘’Paano kung malaman ‘to ni Mom at magalit sa ‘yo? Alam mo naman na sa ‘yo niya ipinagkatiwala ang damit na isusuot nating lahat,’’ aniya, bakas ang pagkakaalala sa tono nito. Sandaling tumikhim si Grace bago nagpatuloy. ‘’O, baka naman… Tinatago mo lang talaga yung damit ni Linda para magmukha lang siyang t*nga sa paghahanap?’’ Mabilis na umiling ang ulo ni Sheila, nakangisi. ‘’Hindi ‘no. Matapos akong pagalitan ng ilang beses ni Chris tapos gagawan ko pa siya ng damit?
Last Updated: 2026-10-09
Chapter: Kabanata 71
Habang nasa malalim na pag-iisip kung paano tutugon ay narinig niyang magsalita si Christian. ‘’Sheila, hinahanap ka ni Linda. Mukhang may problema sa damit na ibinigay mo sa kanya,’’ sabi nito. Natuyo ang lalamunan ni Sheila. Pero pinilit niyang ngumiti—isang pilit at kabadong ngiti.‘’Anong problema, Linda? May problema ba sa damit na itinahi ko para sa ‘yo? Masyado ba ‘tong malaki? O… Mali ang sukat kaya maliit?’’Huminga nang malalim si Orlinda bago inilabas ang laman ng paper bag. Hindi isang yaring-damit ang laman kundi ilang piraso lang ng tela na ginupit-gupit at mukhang hindi man lang nahawakan ng karayom.‘’Gusto ko lang ibalik sa ‘yo’ to, Ate Sheila. Mukhang namali ka ng nalagay sa paper bag,’’ mahinang sabi ni Orlinda, ngunit haslatang dismayado. Agad na umakto si Sheila na parang walang alam. Tinakpan niya nang madiin ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga daliri, nagkunwaring gulat.‘’Hala! Pa'no nangyari ‘yon?’’ Kinuha niya mula sa kamay ni Orlinda ang piraso ng te
Last Updated: 2026-10-09
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status