ANMELDENNanlaki ang mga bilugang mata ni Djiwa sa hindi makapaniwala nang makita niya ang kanyang repleksyon sa salamin. Ang dating itim na hibla ng kanyang buhok ay mayroon nang blonde highlights matapos itong i-bleach, dahilan upang mas magmukha siyang isang babaeng may lahing mestiza.Hindi agad nakapagsalita si Orlinda pero kita naman sa kanyang mukha ang malinaw na reaksyon—ang paghanga.‘’Ano'ng… Ano'ng tawag sa ginawa mo sa buhok ko, France?’’ curious niyang tanong, ramdam ang pagkamangha. Si France, na nakatayo sa likuran niya, ay napangiti nang may kasiyahan habang kinukuskos ang dulo ng buhok ni Orlinda gamit ng curling iron. ‘’Ang tawag dito ay Partial Highlights, my dear. Ang kombinasyon ng itim at blonde ay eleganteng tingnan.’’ Tiningnan ni France si Orlinda sa salamin. ‘’Tingnan mo, Linda. Bagay na bagay sa ‘yo. Nagustuhan mo ba ang ginawa ko sa buhok mo?’’ Kumurap si Orlinda ng ilang beses, nakatitig sa kanyang repleksyon—hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.‘’Gustong-gus
Naunang pumasok sa loob ng salon si Orlinda nang pagbuksan siya ng pinto ni Christian. Gaya ng unang beses siyang makapasok sa salon, ganoon pa rin ang itsura ng salon sa ikalawang pagbisita niya rito.Sa sandaling makapasok na silang dalawa ay sabay silang napalingon sa direksyon ng may sumigaw. ‘’Tian Tian!’’Ang sumigaw ay isang matangkad na lalaki, halos kasing-tangkad ni Christian, maaliwalas ang mukha, hindi kagwapuhan gaya ni Christian pero ma-appeal. Kapansin-pansin lang ang paggalaw ng lalaki, malambot ang paglakad gaya ng isang babae. Tumayo ang lalaki sa harapan ng dalawa. Iniuwang nito ang bibig para magsalita nang mapansin nito si Orlinda. ‘’Hello, Miss,’’ masayang bati ng lalaki kay Orlinda.Gumanti ng pagbati si Orlinda na may matamis na ngiti sa labi. ‘’Hello din po, Sir.’’‘’Sir?’’ ulit ng lalaki, napahawak sa dibdib niya na para bang labis na nasaktan. ‘’H'wag mo akong tawaging ‘Sir’. Ako si France. Pwede mo akong tawaging Fran o simpleng France na lang. Bahala k
‘’Ginawa mo talaga ‘yon?’’ Napatakip ng bibig si Grace, hindi makapaniwala sa ginawa ng hipag na si Sheila. ‘’Sa gan'on mo siya ginantihanda?’’ Suminghal si Sheila, habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib. ‘’Oo! Kung makikita mo lang ang mukha ng Linda na ‘yon. Asang-asa talaga siya na ginawan ko siya ng damit,’’ inis na sabi nito. ‘’Ba namang isumbong niya ko ng isumbong kay Chris, dapat lang ‘yan sa kanya,’’ dagdag nito. Napakagat ng labi si Grace, bakas sa mukha ang halo-halong emosyon ng gulat at takot. ‘’Paano kung malaman ‘to ni Mom at magalit sa ‘yo? Alam mo naman na sa ‘yo niya ipinagkatiwala ang damit na isusuot nating lahat,’’ aniya, bakas ang pagkakaalala sa tono nito. Sandaling tumikhim si Grace bago nagpatuloy. ‘’O, baka naman… Tinatago mo lang talaga yung damit ni Linda para magmukha lang siyang t*nga sa paghahanap?’’ Mabilis na umiling ang ulo ni Sheila, nakangisi. ‘’Hindi ‘no. Matapos akong pagalitan ng ilang beses ni Chris tapos gagawan ko pa siya ng damit?
Habang nasa malalim na pag-iisip kung paano tutugon ay narinig niyang magsalita si Christian. ‘’Sheila, hinahanap ka ni Linda. Mukhang may problema sa damit na ibinigay mo sa kanya,’’ sabi nito. Natuyo ang lalamunan ni Sheila. Pero pinilit niyang ngumiti—isang pilit at kabadong ngiti.‘’Anong problema, Linda? May problema ba sa damit na itinahi ko para sa ‘yo? Masyado ba ‘tong malaki? O… Mali ang sukat kaya maliit?’’Huminga nang malalim si Orlinda bago inilabas ang laman ng paper bag. Hindi isang yaring-damit ang laman kundi ilang piraso lang ng tela na ginupit-gupit at mukhang hindi man lang nahawakan ng karayom.‘’Gusto ko lang ibalik sa ‘yo’ to, Ate Sheila. Mukhang namali ka ng nalagay sa paper bag,’’ mahinang sabi ni Orlinda, ngunit haslatang dismayado. Agad na umakto si Sheila na parang walang alam. Tinakpan niya nang madiin ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga daliri, nagkunwaring gulat.‘’Hala! Pa'no nangyari ‘yon?’’ Kinuha niya mula sa kamay ni Orlinda ang piraso ng te
“Ano bang tinatawa-tawa mo mag-isa, Sheila?’’ Dahil sa matinding gulat, napatalon sa kinauupuan si Sheila. Mabilis siyang napalingon.Agad na sumimangot si Sheila. ‘’Don’t you ever knock?’’ she demanded.Sandaling nanlaki ang mata ni Christian nang marinig sinabi ng asawa bago ito magtaas ng isang kilay.“Why would I knock on my own bedroom door?” he questioned back.‘’Ba’t ba kasi ang tahimik mo at hindi mo man lang sinabi na kasama pala kita sa kwarto natin?’’ muling tanong ni Sheila sa asawa, may inis pa rin ang tono. ‘’Kakapasok ko lang naman,’’ sagot ni Christian. ‘’Pumasok ako dahil sa labas pa lang ng kwarto natin ay naririnig ko ng tumatawa ka. Akala ko kausap mo si Grace kaya ka masaya pero nang silipin ko mag-isa ka lang,’’ dagdag nito.‘’Ganoon ba…’’ aniya.Maya-maya, mahinang humagikgik si Sheila bago nagsalita muli. ‘’Kaya ako tumatawa kasi kakatapos ko lang kausapin sa cellphone ang kaibigan ko. Tapos na kami mag-usap pero hindi pa rin makalimutan ang ikinuwento niya s
Dahil nakuha na ang damit na para sa kanya, hindi na nagtagal sa sala si Orlinda at umakyat na ng hagdan pabalik sa sariling silid-tulugan.Hindi na siya nagpaalam pa kay Evelyn na pabalik na rin sa kwarto nito.Isa-isa ring umalis ang iba pang miyembro ng pamilya.Si Angelo na naroon din ay nagdesisyon na ring bumalik sa kwarto. Sumabay na siya sa asawa niyang si Orlinda nang makita itong paalis.Pagpasok nilang mag-asawa sa kanilang kwarto, nagtanong si Orlinda.“Angelo, may problema ba sa hotel?” Agad na natigilan si Angelo nang marinig ang sinabi ng misis. Umikot siya para harapin ito.“Bakit mo naitanong?” balik-tanong niya, nakakunot ang noo.“Na-curious lang kasi ako… Kaya natanong ko,” sagot niya. “Kanina kasi—sa sala—napansin kong nakatitig ka kay Ate Grace. Kaya napaisip ako na baka may problema sa hotel,’’ dagdag niya.Natahimik si Angelo. Mariin itong nakatitig sa mukha ng asawa, binabasa ang ekspresyon ng mukha nito. Binabasa niya kung may alam na ba si Orlinda, o baka n
Angelo scoffed. “It’s good that you know your place,” he said.Matapos sabihin ito ay kumuha ng damit na isusuot si Angelo at naglakad pabalik ng banyo para doon magbihis kagaya ng kinagawian nito.Nang sumara ang pinto ng banyo ay parang lumuwag ang dibdib ni Orlinda.Napahimas siya sa kanyang dib
Alas-onse na ng gabi ng matapos sa paglilinis ng mga pinagkainan ng gabing iyon si Orlinda. Iniwan na niya ang ilang maliliit na natitirang gawaing bahay gaya ng pagpupunas ng mahabang mesa na siyang kinakainan ng pamilya Tan sa mga kasambahay.Dahil sa pagod at bigat ng eksena kanina sa hapag sigu
"Linda!" galit na bulalas ni Evelyn, namumula ang mga mata sa pagngangalit. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na ayusin mo ang trabaho mo?! Simpleng pagputol lang ng kuko ay hindi mo pa magawa nang maayos!"Dahil sa nangyari, mabilis na kumakabog ang dibdib ni Orlinda sa takot. Sa pananaw niya, wala nam
‘’Angelo…’’ mahinang tawag ni Orlinda sa asawa. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pinulot ang business card sa carpet, nanginginig ang mga kamay. ‘’Bakit ba pilit mong pinapagawa ‘to sa ‘kin? Ano bang ginawa kong kasalanan?’’‘’Bakit?’’ Tumalim ang mga mata ni Angelo. ‘’Ahh… Akala mo siguro nagb







