Remarried to a Powerful Bachelor:Bound by Vows Freed by Love
Dalawang taong kasal sa isang lalaking may mahal na iba. Isang pagsasamang walang init, walang yakap, walang halik. Isang arranged marriage, isang kasal na hindi sila ang pumilli.
Si Sofia Ramirez, tahimik na asawa na palaging nasa gilid, at natutong magtiis sa malamig na relasyon kasama ang kaniyang asawa na si Marco Villanueva ngunit isang babae lang gusto, iyon ay ang dati niyang kasintahan na si Ria Santos.
Muling ikakasal si Sofia sa isang makapangyarihang lalaki, at doon magbabago ang lahat. Mararanasan niya ang tunay na pagmamahal at pag-aalaga na hindi niya akalaing mararanasan pa niya.
Sa gitna ng mga lihim, selos, at intriga ng mayayamang pamilya, malalaman ni Sofia na minsan, ang kasal na nagsimula sa peke ay maaaring humantong sa pinakatotoong pag-ibig.
Read
Chapter: CHAPTER 23: Ibibigay ko Ang Buong Buhay ko SayoNang magising si Sofia kinabukasan, agad niyang napansin ang coat ni Marco na nakakalat sa sofa.Umuwi pala siya kagabi.Lumapit si Sofia sa pintuan, marahang pinihit ang doorknob, at bumukas ito. Sandaling nag-atubili, saka mabilis na bumalik sa kuwarto, hinila palabas ang maleta na matagal nang nakahanda. Plano niyang umuwi muna sa bahay ng tiyuhin at saka maghanap ng sariling matitirhan.Nasa ospital pa ang kanyang tiyo, at ayaw niyang dagdagan ang alalahanin ng tiyahin at tiyuhin sa ganitong kritikal na panahon. Pero kung magpapatuloy ito, hindi niya alam kung muling ikukulong siya ni Marco sa bahay.Hinila niya ang maleta papunta sa pintuan, yumuko para magpalit ng sapatos, at handa nang lumabas nang biglang tumunog ang doorbell. Sumilip si Sofia sa peephole, at nandoon si Madam Felisa.Bakit siya narito nang ganito kaaga?Muling tumunog ang doorbell. Wala nang nagawa si Sofia kundi itago ang maleta sa cabinet sa may entrance, nagpalit muli ng tsinelas, at binuksan ang pin
Last Updated: 2026-07-26
Chapter: Chapter 22: I Want DivorceMagkalayo ang puwesto nina Sofia at Marco sa sofa, may ilang upuan pang pagitan sa kanila. May hawak si Sofia na tasa ng mainit na tubig, samantalang si Marco ay nakasandal sa sofa, malamig ang tingin sa kanya.Maingat na inilapag ni Sofia ang tasa sa mesa, saka dahan-dahang nagsalita, “Alam kong hindi mo ako minahal. Noon, napakabobo ko. Mali na ang kasal na ito una pa lang.”Bahagyang kumunot ang noo ni Marco, halos hindi halata. Tahimik na dagdag ni Sofia, “Alam ko naman noon pa, si Ria ang mahal mo. Naiintindihan ko na mahal n’yo ang isa’t isa, kaya gusto ko kayong maging masaya.”Sandali siyang huminto, saka nagpatuloy,“Hindi ko na gustong makulong tayong tatlo sa ganitong sitwasyon. Ako na ang aatras. Pwede na kayong maging malaya at maging tapat sa nararamdaman ninyo para sa isa’t isa.”Nanlamig ang tingin ni Marco, hindi namamalayang naka-kuyom na ang kanyang mga daliri. Tinitigan siya ni Sofia, hindi maunawaan ang reaksyon. “Bakit? Marco, hindi ka ba masaya?”Nag-i
Last Updated: 2026-07-25
Chapter: Chapter 21: Wala na Akong Pakialam SayoPagkatapos ng hapunan, umuwi muna si Adrian kasama si Sofia upang kunin si Nemo. Nang maisuot ang tali ay iniabot niya ito kay Sofia. Masayang tinanggap ni Sofia, hinaplos ang mabalahibong ulo ng aso. “Halika, maglalakad tayo.” Naglakad sila sa tabi ng ilog na may mga bulaklak, hanggang sa umabot sa maluwang na pampang. Nauuna si Nemo, habang magkatabi silang naglalakad, nag-uusap ng kung anu-ano. “Adrian, naaalala ko na. Noong high school, palagi kang naka-mask. Kaya hindi kita agad nakilala kasi hindi ko man lang nakita ang mukha mo noon.” “May problema ako noon sa baga, sabi ng doktor kailangan nakamask ako palagi” Tumango lang si Sofia “Ah.” Gusto sanang itanong ni Sofia kung siya ba ang batang tumulong sa kanya laban sa anim na bully noon, ngunit pinili niyang manahimik. Sa di kalayuan, nakarinig sila ng kantahan. Sa hagdanan ng pampang, may kabataang nakaupo, nakikinig sa isang gitarista na kumakanta ng kantang tungkol sa pag-ibig. Hawak ng lahat ang kanilang cell
Last Updated: 2026-07-23
Chapter: Chapter 20: You're Husband is a Good ManPagbalik mula India, agad dinala ni Sofia ang gamot sa ospital sa opisina ng Director.Ngunit nang marinig nitong generic drug lang ang nakuha niya, mariin ang naging pagtanggi nito. Wala siyang nagawa. Kahit anong pilit niya sa Director may patuloy pa rin itong tumatanggi. Ayon dito ang Villanueva Hospital ay hindi gumagamit ng generic drug sa kahit na sinong pasyente. Nagmungkahi si Adrian na ilipat ng ibang ospital ang kanyang uncle sa isang foreign owned na hospital kung saan may mas magagaling na doktor at bukas sa paggamit ng mga bagong gamot. Kung ito ang tanging paraan para mailigtas ang kanyang uncle ay gagawin niya ito. Agad niyang ipinaalam sa kanya tiyo at tiya ang mungkahing iyo ni Adrian. "Tita, Tito, kailangan nating lumipat ng ibang ospital, doon sa ospital na mas mapapabilis ang paggaling mo."Nagkatinginan ang mag-asawa."Bakit? Maayos naman tayo dito." nagtatakang tanong ng kanyang tiya "May nakuha kaming bagong gamot galing si India ngunit ayaw ng ospital na g
Last Updated: 2026-07-22
Chapter: Chapter 19: Sa Gitna ng Libo-libong Tao, Ikaw Lang ang Nakita KoAng pharmaceutical factory ay nasa Old Delhi. Makikitid ang kalsada, magkahalo ang tao at sasakyan, walang tigil ang busina. Magulo parang Tondo sa Manila. Para kay Sofia eto na lang ang kanyang huling pag-asa. Ang merkado ng generic drugs ay puno ng problema, may mga pabrika na walang lisensya, mga patagong paglalabas ng gamot. Kung uuwi silang walang dala, wala nang oras para sa kanyang uncle. Tahimik na nakaupo si Adrian sa tabi niya, nakatutok sa mga dokumento. Huminto ang kotse sa harap ng isang gusaling halos hindi pansinin, may simpleng metal sign lang sa pintuan. Sinalubong sila ng technical director, isang matandang Indian na may puting buhok at mabigat na accent. Hiniling ni Sofia na makita muna ang laboratoryo. Sandaling nagdalawang isip ang matanda, ngunit pinapasok rin sila nito.Hindi kalakihan ang laboratoryo, ngunit moderno ang kagamitan. Maingat na sinuri ni Sofia ang bawat instrumento, nagtanong tungkol sa proseso. Ang mga sagot ng matanda ay malinaw, may dato
Last Updated: 2026-07-21
Chapter: Chapter 18: India, Kasama si AdrianAng loob ng private jet ay parang marangyang reception room, bawat detalye ay nagpapakita ng yaman at mataas na status ng may-ari. Hindi pangkaraniwan kung sino man ang may-ari nito.Kakaupo pa lang ni Sofia nang tumunog ang kanyang cellphone, si Marco. Hindi niya ito sinagot. Sa kabilang banda, nakayuko si Adrian, nagpadala ng WeChat kay Dominic, "Ms. Solis?""Haha, master wala ka namang gender issues 'di ba. Siya lang kasi naisip ko." pang-asar nito kay Marco “Amm Adrian, nakasakay ka na ba rito dati?” tanong ni Sofia. Itinagilid niya ang panta-type sa kanyang phone, tumingin sa kanya. “Hindi pa. It's my first time.” “Oh.” Napakagat si Sofia sa labi. “First time ko rin kasi sa private jet. May rules ba dito?” “Ano kaba, huwag kang masyadong kabahan isipin mo nasa bahay ka lang.” nakangiting sabi nito“Ha?” Hindi mapakali sa sofia dahil sa kaba. Hindi niya first time sumakay ng sasakyang panghimpapawid nakasakay na siya ng eroplano pero iba pala ang pakiramdam kapag nasa
Last Updated: 2026-07-21