
I Married The Thug Billionaire
Kapalit ng kanyang kapatid, siya ay ipinakasal sa isang lalaking kilala bilang tambay na madalas magsimula ng gulo. Namumuhay sila sa matinding kahirapan. Ngunit hindi niya akalain na isang araw, matutuklasan niya ang tunay na pagkatao ng kanyang asawa. Isa pala itong makapangyarihan at misteryosong bilyonaryo.
Paulit-ulit na sinabi ni Xeline na imposible iyon. Pagbalik niya sa maliit nilang inuupahang bahay, agad siyang yumakap sa mga bisig ng kanyang asawa.
“Ang sabi nila, ikaw daw si Sir Anderson Martin. Totoo ba ‘yon?” Marahang hinaplos ng asawa ang kanyang buhok.
“Magkamukha lang kami.”
Napasimangot si Xeline. “Napakasama niya! Pilit niyang sinasabi na asawa niya raw ako. Honey, puntahan mo nga siya at bugbugin mo!”
Kinabukasan, humarap si Anderson Martin sa lahat na namamaga at pasa-pasa ang mukha, ngunit kalmado pa ring nakangiti.
“Sir, ano’ng nangyari sa inyo?” tanong ng assistant.
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Anderson. “Gusto ng asawa ko na bugbugin ko si Anderson Martin. Siyempre, kailangan kong gawin tulad ng gusto niya.”
Read
Chapter: KABANATA 82 (Part 1): Arranged Marriage “Oh, ikaw pala si Dr. Cody?” Biglang binawi ni Dalia ang kamay niyang nakikipagkamay pa rito. “Ang dakilang matchmaker nina Xeline at Noah?” Hindi napansin ni Cody ang biglaang pagbabago ng ekspresyon sa mga mata ni Dalia. Lagi niyang iniisip na ginamit s’yang instrument para magkakilala sina Noah at Xeline, at matagal na rin niyang pinaniniwalaang siya ang dahilan kung bakit nakatagpo si Noah ng babaeng para sa kanya. Kaya inayos niya ang suot niyang puting coat. May bahagyang pagmamalaki sa boses niya nang ngumiti siya kay Dalia. “You’re right, sa totoo lang, wala naman talaga ako masyadong naitulong. I believe they are truly destined to be together. Ako lang naman ang—” “You mean, hindi pa pagtulong ang tawag mo do'n?” putol ni Dalia, sabay taas ng boses. “Napaka-ignorant mo naman, Dr. Cody!” Kumunot ang noo ni Cody. Ngayon lang niya napansin ang kakaibang ekspresyon nito. “Dr. Cody, as what you just said, isa kang doctor. Ang pagkakaalam ko kasi, pagliligtas at paggamot sa
Last Updated: 2026-10-02
Chapter: KABANATA 81 (Part 2): Paano Ko Pipigilan Ito? Araw-araw namumuhay si Xeline kasama ang ganitong klaseng lalaki. Napaisip si Dalia kung paano kaya nakaka-adjust si Xeline. Bahagyang kumunot ang noo ni Dalia. Sakto namang bumalik si Xeline. May dala pa itong isang maliit na bouquet ng bulaklak. “Nakita ko sa maliit na flower shop sa tabi ng parking lot,” masigla niyang sabi. “Mas maganda sa kuwarto kapag may mga bulaklak, parang mas may buhay. Nakalimutan kong bumili noon dahil sobrang abala ako. Ngayon ko lang naalala!” Nakahanap siya ng isang glass vase, inayos ang mga bulaklak at inilagay sa windowsill. Pagkakita ni Noah sa kanya, agad na lumambot ang ekspresyon ng mga mata niya. Marahan nitong hinawakan ang kamay ni Xeline at hinila palapit sa kanya. Agad na nag-isip ng reason si Dalia para makalabas. Ayaw niyang maging napakalaking third wheel dito! Bahagyang namula ang mukha ni Xeline. Hinila niya pabalik ang kamay niya at tahimik na tumingin kay Noah gamit ang namimilog niyang mga mata. “Hindi ka naligo kahapon,
Last Updated: 2026-10-01
Chapter: KABANATA 81 (Part 1): ‘Wag Mong Sasaktan si Xeline Hindi nawala ang pagdududa ni Dalia. Habang tinitingnan niya ang nurse, lalo siyang nakaramdam na may mali. “Xeline, tingnan mo ang suot niyang nurse uniform… Bakit parang iba sa mga nurse kanina?” “Ang ikli rin ng palda niya. Ganoon kaikling palda ang isusuot niya papunta sa kuwarto ng asawa mo, tapos sasabihin niyang iche-check niya lang ang vitals ni Noah?” “Hindi pwedeng gano’n, Xeline. Gusto mo bang tanungin natin s’ya?” “Ate Dalia…” Napailing si Xeline, hindi niya malaman kung matatawa o maiinis ba siya. “Kung hindi siya nagpunta roon para i-check ang asawa ko, ano naman ang gagawin niya do’n? Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano!” Hindi ugali ni Xeline ang magduda sa iba, hindi siya yung tipo ng asawa na mabilis mag-overthink tungkol sa mga ganitong bagay. At kahit pa may ibang babae talagang magkagusto kay Noah, hinding-hindi naman iyon papatulan ni Noah. One hundred percent and tiwala niya sa loyalty ng asawa niya. “Maganda ka, matalino at magaling sa lahat
Last Updated: 2026-10-01
Chapter: KABANATA 80 (Part 2): Anong Ginagawa Mo Rito? Biglang nag-angat ng tingin si Noah. Nakatingin din sa kanya ang nurse. Halata sa ekspresyon ng mukha niya ang mapanunukso. Sa isang iglap, kinuha nito ang syringe at itinutok sa kanya. Mabilis ang reaksiyon ni Noah. Agad niyang hinawakan ang wrist nito. Ngunit hindi rin nagpatalo ang nurse. Gamit ang kabilang kamay, nakipagtalo siya kay Noah. Mabilis at maliksi ang kanyang mga galaw. Pero matapos ang ilang segundo, napasuko rin siya ni Noah. Madali nitong pinilipit ang dalawang kamay ng babae sa likod nito. Kalahati ng katawan niya ay napadikit sa kama at hindi makagalaw. "Aray, masakit!" sigaw ng dalaga. "Bitawan mo ako!" Biglang hinila ni Noah ang face mask nito. "Hindi na ako nakikipaglaro. Ayoko na!" Inis na nakatingin sa kanya "Pati sa akin, seryoso kang laging lumalaban, hindi mo man lang ako pinagbibigyan!" Bahagyang napangiti si Noah bago siya binitawan. Mabilis na tumayo ang dalaga at lumayo sa kanya. Ang dalawang malalaking mata nito ay punong-puno ng pagtata
Last Updated: 2026-09-30
Chapter: KABANATA 80 (Part 1): Ang Nurse ni Noah Nagkibit-balikat si Matthew. “Hindi ko rin sigurado, bro, e. Paano ko naman malalaman ang tungkol do’n? Siguradong family member niyo lang ang mas nakakaalam ng mga ’yon. ” “Pero nitong mga nakaraang araw, naririnig ko na pabago-bago ang mood ng lolo mo. Nagpadala siya ng mga tauhan sa Australia para palihim na imbestigahan ang limang malalaking consortium na connected sa maternal grandpa mo. Pagbalik nila, parang napagalitan pa niya ang daddy mo…” Naging madilim ang ekspresyon ni Noah bago napataas ang gilid ng mga labi niya. Sa pamilyang Martin, nakasanayan nang masunod ang lahat ng sinasabi ng kanyang lolo. Isa rin itong taong malalim mag-isip at higit na malalim ang pagdududa. "Kung gano'n," nakakunot-noong sabi ni Ethan Navarro, "Bro, mas mabuting maglaan ka ng oras para bumalik ng Manila. Mas maganda kung mag-uusap kayong mag-lolo para magkaliwanagan at maipaliwanag mo nang maayos ang lahat. Hula ko, baka tungkol ito sa kasunduan ninyong magpakasal sa pamilyang Manr
Last Updated: 2026-09-30
Chapter: KABANATA 79 (Part 2): Mananalo Ako Next Time“Seryoso ako, Noah. Puwede bang seryosohin mo naman ang mga sinasabi ko?” Tinitigan siya ni Xeline. “Ilang beses na ba kitang sinabihan? Hindi ka naman nakikinig!”“Alam mong wala akong pakialam sa kahit na ano, safety mo lang ang mahalaga sa ’kin. Kaya please naman.”Bihirang magpakita ng ganitong emosyon si Xeline. Madalas lang siyang mahinahon at kalmado, kaya gustong-gusto ni Noah na makitang nag-aalala siya. Tahimik niya itong tinitigan at bahagyang itinaas ang gilid ng kanyang labi. Isa rin iyon sa iilang moments sa buong buhay niya na totoo at walang halong pag-aalinlangan ang ngiti niya.Sa sandaling iyon, bigla niyang naisip na sabihin kay Xeline ang true identity niya. Sinabi nito na kahit anong mangyari, mag-asawa pa rin sila. Kung malaman kaya nito na hindi siya si Noah kundi si Anderson Martin, tatanggapin pa rin kaya siya nito?Huminga siya nang malalim at pinigilan ang sarili. Hindi siya dapat magpabigla-bigla. Siguradong magiging matagal at mahirap ang laban niya kay H
Last Updated: 2026-09-29