LOGINKapalit ng kanyang kapatid, siya ay ipinakasal sa isang lalaking kilala bilang tambay na madalas magsimula ng gulo. Namumuhay sila sa matinding kahirapan. Ngunit hindi niya akalain na isang araw, matutuklasan niya ang tunay na pagkatao ng kanyang asawa. Isa pala itong makapangyarihan at misteryosong bilyonaryo. Paulit-ulit na sinabi ni Xeline na imposible iyon. Pagbalik niya sa maliit nilang inuupahang bahay, agad siyang yumakap sa mga bisig ng kanyang asawa. “Ang sabi nila, ikaw daw si Sir Anderson Martin. Totoo ba ‘yon?” Marahang hinaplos ng asawa ang kanyang buhok. “Magkamukha lang kami.” Napasimangot si Xeline. “Napakasama niya! Pilit niyang sinasabi na asawa niya raw ako. Honey, puntahan mo nga siya at bugbugin mo!” Kinabukasan, humarap si Anderson Martin sa lahat na namamaga at pasa-pasa ang mukha, ngunit kalmado pa ring nakangiti. “Sir, ano’ng nangyari sa inyo?” tanong ng assistant. Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Anderson. “Gusto ng asawa ko na bugbugin ko si Anderson Martin. Siyempre, kailangan kong gawin tulad ng gusto niya.”
View MorePagdating sa bahay, nang gabing iyon, nakasandal si Xeline sa dibdib ni Noah habang magkasama silang nakahiga sa malaking kama. Gabi na, pero hindi pa rin siya makatulog. Napatingala siya sa liwanag na nanggagaling sa labas ng bahay nila at parang tumatagos sa kuwarto nila. Kumurap-kurap si Xeline habang nakatingin pa rin do’n. Parang matagal na rin mula nang magkaroon siya ng ganito katahimik na moment para mag-relax at i-appreciate ang ganda ng gabi. Dahil nag-aalala si Noah na baka naiinitan siya, marahan niya itong pinapaypayan gamit ang maliit na pamaypay. Habang nakatingin siya sa magandang mukha ng asawa, hindi niya napigilang makaramdam ng matinding pagnanasa. Tamad na pumihit si Xeline sa kanyang mga bisig at humarap sa kanya. Ngumiti ito sa kanya. Napagalaw ang lalamunan ni Anderson habang unti-unting kumakalat ang init sa kanyang katawan. Nang mapansin ni Xeline ang mga butil ng pawis sa dulo ng ilong niya, naalala niyang madalas niyang tipirin ang kuryente kaya bihira
Dahil sa pagtatanggol kay Dalia, nahatulan si Rafael ng krimeng pananaksak. Walong taon siyang nakulong. Habang nag-aaral sa university, hindi mabilang ang mga pagkakataong binisita siya ni Dalia sa kulungan. Ngunit iisa lang palagi ang malamig na sagot ng mga guard. “Ayaw ka niyang makita.” Sa huling pagbisita niya, katatapos pa lamang ni Dalia sa university. Nakatanggap siya ng alok na trabaho mula sa isang company at gusto niyang si Rafael ang unang makaalam ng magandang balitang iyon. Kinakabahang nakatayo siya sa labas ng room kung saan lang puwedeng pumasok ang mga dumadalaw sa mga preso, nang marinig niya ang malakas na pagbukas ng bakal na p***o. Nakita niya si Rafael na nakaupo sa kabilang parte, habang may makapal na salaming nakaharang, gusgusin at halatang hirap na hirap. Hindi na napigilan ni Dalia ang pag-agos ng kanyang mga luha. “Huwag kang umiyak.” Iyon ang una at huling sinabi ni Rafael sa kanya. “Hindi ka dapat umiiyak para sa isang taong katulad ko.” Pagkasabi
May lungkot sa mga mata ni Xeline habang tinitingnan si Dalia na nakahiga sa kama. Hindi niya napigilang mangilid ang kanyang mga luha habang marahang hinahaplos ang likod nito. Mula nang makauwi sila, wala ni isang salitang binitiwan ni Dalia. Pagpasok na pagpasok niya sa bahay, ikinulong niya ang sarili sa kuwarto. Kanina pa siyang tulala. “Ate Dalia, nagugutom ka na ba?” Naghahanap si Xeline ng anumang paraan para makausap siya. “Nasa labas sina Dr. Cody at Noah. Puwede ko silang pakiusapang magluto ng makakain mo. Anong gusto mong kainin?” Bahagyang gumalaw ang mga talukap ng mata ni Dalia. Isang patak ng luha ang tumulo mula sa gilid ng kanyang mata. Nasaktan si Xeline nang makitang nahihirapan ang kaibigan niya. Ang Dalia na kilala niya ay palaging masigla at matapang, parang isang tigre na walang takot na humaharap sa kahit anong problema. Para bang walang pagsubok sa mundong ito ang hindi niya kayang lampasan. Pero ngayon… Matapos ang mahabang sandali, huminga nang mala
Nakaupo si Rafael sa loob ng kotse. Kahit nasa pinakamababang temperature na ang aircon, hindi pa rin mawala-wala ang pagtulo ng pawis niya sa galit at inis . Mariin niyang minasahe ang pagitan ng kanyang mga kilay at bahagyang nabawasan ang sakit ng ulo niya. Pero lalo namang tumindi ang sakit ng kanyang dibdib. Mula pa noong unang araw ng pagkakakulong niya, alam na niyang hindi na sila ni Dalia magkakaroon ng iisang mundo. Hindi niya ito kayang alagaan habambuhay. Ang tanging magagawa niya ay humanga rito mula sa malayo, mangulila rito, at gawin ang lahat para matiyak ang kaligtasan nito. Kaya nang makita niyang may kaugnayan si Dalia kay Noah, nakaramdam siya ng pagkabigla at takot. Dahil alam na alam niya kung anong klaseng tao si Noah. Hinding-hindi niya hahayaang samantalahin ng isang gaya nitong kriminal ang pagkakataon para saktan si Dalia. Kung may sinumang magbabanta sa kaligtasan niya, gagawin niya ang lahat para alisin ang taong iyon sa landas niya. Iyon din ang






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore