author-banner
Crescent
Crescent
Author

Novels by Crescent

THE COWARD HUSBAND'S SHAME:THE OBEDIENT WIFE HE NEVER VALUED

THE COWARD HUSBAND'S SHAME:THE OBEDIENT WIFE HE NEVER VALUED

Dahil sa pag-ibig, isinuko ni Lily Delfin ang kanyang mga pangarap para maging mabuting asawa ni Gino Tan, ang lalaking minahal niya mula pa noong una. Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama, tiniis ni Lily ang malamig na pakikitungo at pangmamaliit ng kanyang asawa. Para sa kanya, sapat nang makasama ang lalaking mahal niya. Hanggang sa matuklasan niyang may ibang babae si Gino. Kaya niyang tiisin ang pagiging malamig nito, pero hindi niya kayang tanggapin na unti-unti nitong niyuyurakan ang kanyang dignidad bilang babae. Nang sabihin niyang gusto niya ng divorce, lalo lamang siyang minaliit ni Gino. “You are nothing without me, Lily. Kaya mo bang mabuhay nang wala ako?” Pumayag si Gino sa diborsyo, kumbinsidong babalik din ang asawa niya kapag nahimasmasan na. Ngunit matapos ang diborsyo, tuluyan nang nawala si Lily sa kanyang buhay. Sa halip na bumalik kay Gino, bumangon siya at muling binuo ang pangarap na minsan niyang isinuko para sa pag-ibig. Sa kanyang talento, determinasyon, at pagsisikap, naging isa si Lily sa pinakasikat na fashion designers sa bansa. At sa kanyang bagong buhay, natagpuan din niya ang isang lalaking tunay na nagmahal at nagpahalaga sa kanya. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Gino na ang babaeng minsan niyang itinuring na walang halaga ay isa nang matagumpay na designer, at magpapakasal na sa isang makapangyarihang business tycoon. Doon lamang niya napagtanto ang pinakamalaking pagkakamali ng kanyang buhay, para itong nabaliw na puno ng pagsisisi. Nang mawala si Lily, saka niya nalaman kung gaano siya kahalaga. Ngayon, handa si Gino na gawin ang lahat para mabawi ang kanyang dating asawa. Pero sa pagkakataong ito, hindi na si Lily ang dating babae na handang isuko ang lahat para sa pag-ibig sa kanya
Read
Chapter: CHAPTER 50
Nag-aalala si Lily para kay Hector; bawat dagdag na araw na ginugugol ni Hector sa bilangguan ay isang labis na pagpapahirap para sa kanya. Awang-awa siya kapatid ngunit ayaw niyang makitungo ng masyado sa pamilya Delfin. Kung hindi lang dahil sa kapatid niya, ayaw na niyang magkaroon ng ugnayan sa mga ito.Masyado ng naghirap ang kapatid niya at tiyak na mabubulok ito sa bilangguan kung wala siyang gagawin. Alam niyang kahit mag apila pa sila, alam niyang hindi sila titigilan ng pamilya ng namatayan. Lalong-lalo na ang mag-asawang Zamora.Kaya, kahit na hindi madali ang sitwasyon ay napagdesisyunan ni Lily na makipag-usap sa pamilya Zamora at makipag-areglo. Ngunit napagtanto niya na hindi madaling pakitunguhan ang pamilya Zamora.“Easy for you to say Miss Delfin, pero hindi ganun kadali ang lahat. Gusto mong makipag-areglo? Huh! Nawalan kami ng isang myembro ng pamilya, samantalang buhay na buhay ang kapatid mo at maliit na galos lang ang mayroon siya. Hindi kami makakapayag na ma
Last Updated: 2026-10-26
Chapter: CHAPTER 49
Sa loob ng dalawang taon, hindi kailanman hiniling ni Gino ang opinyon ni Lily. Those years naging sunod-sunoran siya sa lahat ng mga desisyon nito.At ngayon, sa unang pagkakataon, nawala ang karaniwang kalmado sa malinaw na itim at puting mga mata ng lalaki. Naging seryoso ang kaniyang ekspresyon, at sa likod ng tahimik niyang titig ay may matinding pagnanais na pilit nitong kinokontrol. Bahagyang napakurap si Lily sa nakikitang emosyon sa mga mata ni Gino. Sa isang iglap kumalabog ng malakas ang kanyang puso. “Lily,” anas nito sa pangalan niya.Parang napipi siya sandali at hindi makapagsalita, at basi sa mga titig ni Gino sa kanya, ang kanyang pananahimik ay nagpapahiwatig ng kanyang pag sang-ayon sa gusto nitong mangyari.Marahan itong lumapit sa kanya, at hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso habang palapit ito ng palapit.Hindi ito ang unang pagkakataon na tinukso siya ni Gino. Paminsan-minsan noon ay tinutukso niya ito sa kama, at nagsasabi ng ilang
Last Updated: 2026-10-24
Chapter: CHAPTER 48
Handa si Gino na magpakumbaba, kahit nangangahulugan iyon na kailangan niyang lunukin ang sariling pride.Ngunit inamin niya sa sarili na hindi siya masaya sa nangyayari. Sa halip, unti-unting dumilim ang kanyang mga mata. Sobrang lalim ng lungkot at bigat na sumilay roon, para bang anumang sandali ay maaari nang tumulo ang mga luhang matagal niyang pinipigilan.Handa ba talaga siyang tiisin ang ganitong kahihiyan? Ang ibaba ang kanyang sarili at isantabi ang lahat ng kanyang dignidad, para lang maibigay ang ang hinihingi nitong diborsyo?Sa sandaling iyon, hindi niya alam kung alin ang mas masakit, ang makita itong handang magpakumbaba, o ang malaman na ganoon na lamang katindi ang kagustuhan nitong tuluyang makawala sa kanya.Bahagyang naniningkit ang kanyang maitim na mga mata habang marahang kinuskos ang dial ng kanyang relo gamit ang kanyang mga daliri.Pagkatapos ng ilang sandaling pag-aalinlangan, sinabi niya sa mahinahong boses.“Before that, bago ko pirmahan ang mga papeles
Last Updated: 2026-10-23
Chapter: CHAPTER 47
Walang gaanong sasakyan sa kalsada nang gabing iyon, tahimik ngunit nakakakilabot ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaking mahinang nag-uusap sa kalye, pero dinig na dinig nila ang bawat isa.Biglang kinibot ni Gino ang gilid ng kanyang mga labi. Kahit nakangiti ito, pero kitang-kitang ang lamig sa mga mata nito.“Anong klaseng hilig ba mayroon si Mr. Sterling? He seems to have a particular fascination with visiting another man’s wife in the middle of the night. Hindi ba niya naiisip kung gaano ka-questionable ang ginagawa niya? What kind of man deliberately goes to a married woman’s house at such an hour, unless, of course, may iba siyang pakay?” mariing sambit ni Gino.Hindi man sila matagal na magkakilala at halos wala silang pinagsamahan noon, sapat na ang mariing pagbigkas ng pangalang “Mr. Sterling” para sa isang iglap ay magbago ang lahat. Na para bang mula sa pagiging magkaibigan ay naging magkaaway sila.“Gino Tan, bigyan mo naman siya ng kaunting kalayaan at pribadong buh
Last Updated: 2026-10-22
Chapter: CHAPTER 46
Medyo disappointed si Ms. Sarah sa nangyaring usapan nila ni Mr. Tan, ang buong akala nito ay napakataas lang ng standards nito kaya ganun ito kung magsalita, kaya hindi nito napansin na may mali o may kakaibang nangyayari. Na kaya hindi ito sumama ng magyaya ang girlfriend nitong si Maggie na kumain sa labas dahil lang sa busy ito sa trabaho. Pero si Maggie lang ang nakakaalam na nagmamadali si Gino dahil sa hinabol nito si Lily. Kanina pa nito napansin ang kakaibang tingin ni Gino kay Lily."Tara na sa loob,” aya ni Maggie kay Ms. Sarah ng makaalis si Gino.May pagka-taksilá at mayabang si Ms. Sarah, pero kailangan pa rin niyang pakisamahan ito. Alam niyang maaari niyang gamitin si Ms. Sarah para makontrol si Lily. Napansin din niyang mukhang hindi nito gaanong gusto si Lily, kaya kailangan niyang pagtiisan ang ugali nito at panatilihing maayos ang pakikitungo sa babae.“Okay, tara,” sagot ni Ms. Sarah at sabay silang pumasok sa loob ng restaurant.Samantala, mag-aalas-otso na n
Last Updated: 2026-10-21
Chapter: CHAPTER 45
Hindi alam ni Gino, pero sa tuwing pumapasok sa isip niya ang eksena noong nakaraang araw, kung saan ipinagtanggol ni Adrian Sterling si Lily ay hindi niya maiwasang makaramdam ng inis. Para bang may kung anong bagay sa tagpong iyon na hindi niya matanggap.Kahit hindi niya narinig ng malinaw ang mga salita nito, but he could still hear the gentleness of Adrian's voice, at ang pabulong na sagot ni Lily na parang may kakaibang lambing sa pandinig niya ay lalong nagpagalit sa kanya.Ibang-ibang sa malamig pakikitungo ni Lily sa kanya nitong mga nakaraang araw. “Tell me Lily, what's going on between you and Adrian Sterling. Is he the one pulling the strings behind your back?” wika nito sabay hablot sa baywang ni Lily.“Gino Tan! Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Bitawan mo nga ako. You are going too far,” singhal niya sa lalaki.Hindi inasahan ni Lily na susundan siya ni Gino sa kwarto para kumuha ng measurements.Nagpupumiglas siya, ngunit habang gumagalaw siya, lalo lang humihigpit
Last Updated: 2026-10-19
You May Also Like
Ang Lihim ni Anastasia
Ang Lihim ni Anastasia
Romance · Juvy Pem
49.0K views
The Betrayed Wife
The Betrayed Wife
Romance · MissRah
48.9K views
Riding My Father-in-Law (SSPG-TAGALOG)
Riding My Father-in-Law (SSPG-TAGALOG)
Romance · Kurdapya Fuentebella
48.8K views
Billionaire's Marriage Bid
Billionaire's Marriage Bid
Romance · Grecia Reina
48.7K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status