author-banner
Lady Rosé
Lady Rosé
Author

Lady Roséの小説

Her Innocent Baby

Her Innocent Baby

Third-Person POVContemporaryHidden IdentityBillionaireIndependentMisunderstandingRunaway with a BabyLove at First Sight
Rebecca Cervantes traded her chalk for a headset, working BPO night shifts to redeem their mortgaged land. She swallowed racist slurs and soul-crushing calls every night, all to give her family the comfort they deserved. So no one would look down on them anymore. Especially the rich. Eca learned to hate the rich people when she once loved a man from a wealthy family. But his love couldn’t protect her from his own family’s attacks. His mother and relatives shamed her in public countless times. And he never once stood up for her. He turned a blind eye to all the disrespect she suffered. Until she reached her breaking point. She broke up with him and vowed to never associate herself with his kind again. But then she met Frost Hiro Del Fuentes, a billionaire heir. Tinago nito ang sariling katauhan para lamang mapalapit sa kaniya. Nagpanggap itong walang pera para patuluyin niya sa kaniyang apartment. By the time Eca found out his lies, she ran. She was determined to cut him off from her life. But… he got her pregnant. She wasn’t ready for another responsibility. Lalo na’t maselan ang kaniyang pagbubuntis. Pero pinili niya pa ring maging isang ina. Her parents found out that she was pregnant out of wedlock. Her father demanded that a wedding take place immediately. And just like that, she was promised to Fortis– a man whose identity remained a mystery to her. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang umuwi sa kanila. But at the bus stop, Hiro waited with a marriage certificate with both their names, revealing that he had already married her.
読む
Chapter: Chapter 8
“C’MON! We still need to go to the wet market,” wika ng dalaga saka siya tinalikuran. Kaya nakangusong sumunod siya rito. Maya’t maya ang pagsulyap niya sa kamay nito. Gusto niya talagang hilahin pabalik sa buhok niya.Sa wet market ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Eca ang paninitig ng mga nakakasalubong nila sa kasama niya. Halos magkandahaba-haba na nga ang mga leeg ng kababaihan masundan lang ng tingin ang gwapong binatang nakasunod lagi sa kaniya.“Ate, kalahating kilo nga po nitong hipon,” sabi niya sa tindera na sa kasama niya nakatitig. Nairita siya bigla. Para kasing nagdi-day dream pa ang babae at hindi agad kumilos para asikasuhin ang gusto niyang bilhin. “Ate, huwag niyo masyadong titigan ang kasama ko baka matunaw siya bigla,” naiinis na wika ni Eca at sinukbit ang kamay sa braso ng binata. Nagulat si Hiro sa paghawak ni Eca kaya nawala ang pagkakanguso niya. Pinigilan niyang mangiti kasi ang lapit ng dalaga sa kaniya. He always liked it whenever she held him.“Pasensya
最終更新日: 2026-10-13
Chapter: Chapter 7
“DITO na lang ako, Ate. H-Hindi naman po ako p-pasaway eh,” nagmamakaawang wika ni Hiro. Ayaw niya talagang umalis. Noong sumama siya kay Eca, wala na siyang intensyon na iwan pa ito. Hindi na siya lilipat ng tirahan pa. “Magbibigay po ako ng ambag sa upa, pangako 'yan. Huwag mo na po akong paalisin. Wala akong pupuntahan. Ateee…” dagdag pa niya. Nagpapaawa niyang tiningnan ang dalaga. Nakanguso pa siya para cute.Nanlaki naman ang mga mata ni Eca. Kulang nalang kasi ay lumuhod si Hiro sa harapan niya. Kahabag-habag na kasi ang hitsura nito at hindi lang iyon. Para itong nagpapa-cute? Mukha naman effective ang pagpapa-cute nito kasi napako na ang mga mata ni Eca sa nakausli nitong labi.Napalunok si Eca dahil kung ano-ano na ang naiisip niya. Tinampal niya nang mahina ang mukha nito para mawala ang pagkakanguso nito sa kaniya.“Tumigil ka nga sa kaiiyak. Ang pangit mo na, hindi ka na gwapo. Hindi naman kita pinapaalis. I was just asking you. I didn’t know that you will misunderstood t
最終更新日: 2026-10-13
Chapter: Chapter 6
HINDI naman makagalaw si Hiro sa kinatatayuan niya. Namumula ang buong mukha niya hanggang leeg. Tila nga nanuyo ang lalamunan niya sa nangyari kanina dahil sa kaba. Ramdam niya pa rin ang ginawang marahang paghaplos ni Eca sa buhok niya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng tuwa. Hindi niya mapigil ang ngiti na gumuhit sa kaniyang labi dahil doon. Naririnig niya pa rin ang malakas na pagtambol ng kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Pero hindi niya maitatanggi na nagugustuhan niya tuwing tinatawag siya nitong baby. “Anong oras ba ang klase mo, Hiro?” Nabalik siya sa diwa niya nang marinig ang tanong na iyon ni Eca mula sa sarili nitong kwarto. Nagkukumahog naman siyang ayusin ang sarili at lumapit sa pinto ng dalaga. Nakita niya itong pinaplansta ang polo niya. Napangiti siya at lumamlam ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa dalaga.“Uy Hiro! Tinatanong kita,” untag nito sa kaniya. Napatikhim siya bago sumagot. “Eight o’clock pa naman po ang klase k
最終更新日: 2026-10-12
Chapter: Chapter 5
EVERYONE in the production was busy taking calls. Each agent was handling a customer’s concern. Even though they felt tired and hoarse, they couldn't rest because so many customers were still in the queue. “Hello, thank you for calling! How may I help you with your residential and mobility services?” bati ni Eca sa customer niya sa kabilang linya. Alas-singko na ng madaling-araw at nasa trabaho siya ngayon. Forty-five minutes na lang ang natitira bago matapos ang shift niya. Halos lahat ng bad calls ay napunta yata sa kaniya. Sunod-sunod ang nakakairita niyang customers na kung makalait ay tila ba binili na ang kaniyang kaluluwa.“You are charging me for a long distance call that I didn’t make! This is unacceptable! I will not pay this fucking bill!” bulyaw ng customer sa kabilang linya. Halos mabingi si Eca sa boses ng customer na ito. “Tangina! Eh di ‘wag ka magbayad! Bakit ka tumawag dito?” naiinis na wika ni Eca. Naka-mute naman ang microphone niya kaya hindi siya maririnig ng
最終更新日: 2026-09-27
Chapter: Chapter 4
“ITO na ang mga susi, Hijo. Ang isa sa main door, at ang isa naman ay sa kwarto mo,” wika ni Mang Yusop at binigay ang susi kay Hiro. Tila nagtataka naman si Hiro na tiningnan siya. Ang apartment kasi na inuupahan niya ay tila bahay na may dalawang kwarto. Siya lang mag-isa roon at naghahanap talaga siya ng makakasama para may kahati siya sa upa. Iyong binanggit niya kay Mang Yusop noong nakaraan na makakasama niya sana sa apartment ay biglang nag-back out. “Sige po, Manong. Salamat po. Ako na pong bahala sa kaniya,” sabi naman niya dahil ayaw na niyang magtagal pa roon. Antok na antok na siya. Eca led the way to her apartment. Nasa likod ito ng bahay ni Mang Yusop. Isang four storey building at nasa second floor ang apartment niya. Isang pamilya ang nangungupahan sa first floor na bihira makita ni Eca dahil na rin sa oras ng kaniyang trabaho. “Kapag nagpadala na ang Tatay mo, pwede ka nang lumipat ng matitirahan. Pansamantala, dito ka muna,” wika niya kay Hiro. Binuksan niya a
最終更新日: 2026-09-27
Chapter: Chapter 3
One and a half years later, Taguig City, Metro Manila, PhilippinesIT was half past five in the morning. Twenty-four-year-old Rebecca Cervantes was quietly walking home to her apartment. The morning breeze was gently caressing her skin. She folded her arms when she felt the cold. Hindi niya napigilan ang mapahikab dahil sa antok habang nilalakad niya ang tila napakahabang daan pauwi sa kaniyang apartment. Kagagaling niya lamang sa kaniyang shift sa trabaho at wala pa siyang tulog. Bumibigat na rin ang talukap ng kaniyang mga mata, tanda na kailangan na niyang magmadali para makauwi na siya.“Ate!” tawag ng isang lalaki. Agad na napakunot ang noo niya. ‘Ako ba ang tinatawag?’ takang tanong niya sa sarili. Mabigat ang mga paa na napalingon siya sa nagsalita.Isang lalaki na may napakaamong mukha ang kaniyang nakita. May bitbit itong napakalaking backpack na mukhang punong-puno ng mga gamit. Nahihiya itong ngumiti sa kaniya. “Ate, pwede po magtanong?” wika ng lalaki. Napakamot pa ito s
最終更新日: 2026-09-27
あなたも気に入るかもしれません
ARRANGED MARRIAGE WITH THE BILLIONAIRE
ARRANGED MARRIAGE WITH THE BILLIONAIRE
Romance · TheScribblersPen
2.7K ビュー
Love Beyond Sundown
Love Beyond Sundown
Romance · Tearsilyne
2.7K ビュー
One Night to Contracted One
One Night to Contracted One
Romance · Foreveryoung1206
2.7K ビュー
Deceiving the Heir
Deceiving the Heir
Romance · naiad
2.7K ビュー
Marry me, Mr. Wrong
Marry me, Mr. Wrong
Romance · Cherish-telle
2.7K ビュー
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status