BLURB Hindi inakala ni Skylar Mariam Aquino na magigising siyang katabi ang dating kasintahan at ngayo’y galit at namumuhi sa kanya na si Jaxon Flinn Larrazabal—isang billionaire na tinatakbuhan niya sa loob ng limang taon. Dahil sa mapaglarong tadhana, napilitan siyang maging asawa nito. Tinulungan siya ni Jaxon maging makapangyarihan ngunit binalaan siya na hinding-hindi siya mamahalin. Ngunit nang magpasya si Skylar na makipaghiwalay, isinandal siya ni Jaxon sa pader at malamig ang boses na nagsalita, “Who told you that you can leave me? You belong to me, Skylar!” “Hindi mo naman ako mahal—” “I won’t marry you if I don’t love you, stupid woman!” Mahal siya ni Jaxon?
View MoreChapter 1: Cheap woman
NAKAHIGA si Skylar sa malaki at malambot na kama, pabiling-biling ang ulo. Kahit anong gawin niya ay hindi niya maibukas ang mga mata at ang tanging alam niya ay para siyang sinisindihan ng apoy sa sobrang init.
“Ang init… tubig. Pahingi ng tubig, please…” iyon ang namutawi sa bibig ni Skylar.
Kumakapa ang kamay niya sa kamang kinahihigaan pero wala pa rin siya sa tamang huwisyo.
At that moment, the door was harshly opened and a man got inside. Under the lights of the chandelier, it can be seen that the man has a tall and well built body. Pasuray-suray itong naglakad patungo sa kama, halata ang kalasingan.
Hinila ng lalaki ang necktie at inalis ito, kasunod ang paghubad din ng polo na kung saan na lang nito hinagis. Sa ilalim na ilaw ng chandelier, kitang-kita doon ang topless body ng lalaki, nadepina rin ang malinaw na linya ng walong abs nito – kung pagbabasehan naman ang itsura nito, mala Adonis na bumaba sa mundong ibabaw ang lalaki. Perpekto at halatang pinaburan ng Maykapal ang lalaki dahil kahit sinong makakakita rito ay isa lang ang masasabi nila, ubod ng gwapo.
He is Jaxon Flinn Larrazabal, king of the business world. Sa isang salita lang nito, kaya nitong pabagsakin o pagyamanin ang isang negosyo kaya maraming tumitingala sa lalaki.
Jaxon stumbled on the bed when he noticed something amiss. He smelled something sweet in the air that made him frown.
‘Is there a person staying here?’
Because of that, Jaxon looked around. At doon nga ay nakita nito ang isang babae na may suot na black mask. Ang buhok ng babae ay nakakalat sa unan na isang nakakaakit na tanawin sa kung sino mang makakakita rito.
Pilit na hinahatak ni Skylar ang manipis at maikling damit na nasa katawan dahil hindi niya malaman kung anong gagawin sa sarili.
“S-Sino ‘yan?”
Nang may dumating, nakaramdam si Skylar ng panganib kaya napadaîng siya. Sinubukan ni Skylar na magsalita ngunit paos at mahina ang boses niya. Nauuhaw din siya, naiinitan, at hindi mapirmis sa pagiging hindi komportable. Maybe she's going to die soon.
“So you're the ‘gift’, huh? You don't deserve to know my name, lady.” Malamig at may halong panunuya ang boses ni Jaxon.
Inabot ng mahabang daliri ni Jaxon ang makinis na pisngi na nagpabilis sa dagundong ng puso ni Skylar. Hindi mapigilan ay lumapit siya sa taong humahaplos sa kanya. May dalang lamig ito at nasa magulong isip ni Skylar na kapag yumakap siya rito ay maiibsan ang init na nadarama niya.
“Are all women so cheap like you? Ready to offer themselves like this?” Mas lalong malamig ang boses nito at bakas na sa salita ang pandidiri.
Cheap?
Anong… ibig sabihin ng taong naririnig niyang magsalita. Litong-lito siya at nag-aagaw sa utak niya kung nasa panaginip ba siya o totoo iyon. Pakiramdam niya ay sinisilaban siya ng apoy at may batong nakapatong sa mga mata kaya hindi siya makadilat. Butil-butil na rin ang pawis sa katawan niya.
“Tulungan mo ako, please. Naiinitan ako. S-Sobrang init na…” impit na sabi ni Skylar sa taong naroon, nasa isip ay matutulungan siya nito. Halos bulong na lang iyon na may pagsusumamo, ang boses niya ay nakakaakit.
“Then, how could I help you?” tanong ni Jaxon, may mapanuksong ngiti sa labi. Ang kamay nito ay pinaglandas sa balikat ni Skylar.
Hindi makasagot si Skylar ngunit mas lumapit siya sa nagsasalita. Ang mukha niya ay kiniskis niya sa matipuno at matigas na díbdib ni Jaxon. Dahil dito, hindi napigilan ni Jaxon ang sarili at hinàlikan ang mamula-mula at mainit na labi ni Skylar.
She tastes so sweet, so addicting.
Mas malalim at mas mainit ang naging hàlik ni Jaxon.
Unti-unting nagising ang pinakamalalim na pagnanasa sa loob ng katawan ni Skylar at buong puso siyang sumuko at sumunod sa bawat gawin ng lalaki sa kanya.
Hindi alam kung gaano katagal, ngunit si Skylar ay napapikit na lang noong marating ang r***k at sa sobrang pagod ay nawalan ng malay.
***
“HALA!”
Nagising si Skylar mula sa masamang panaginip at iyon ang naisigaw. Nanigas ang kanyang katawan sa takot nang makita ang pangmayamang presidential suite na malapalasyo.
Pinagtataka niya, paano siya napunta rito?
Hinawakan niya ang kumot sa kaba.
"Hmmm..." Nakarinig si Skylar ang ungol ng lalaki sa kanyang likuran.
Nanlaki ang mga mata niya sa takot at dahan-dahang inikot ang ulo sa direksyon ng tunog.
Si Jaxon ang kanyang katabi! Nang makita ang lalaki, mas lalong nilukuban ng takot si Skylar.
‘Paano nangyari 'to? Paanong kasama ko si Jaxon ngayon? Nananaginip ba ako?’ sigaw ng isipan ni Skylar.
Kukusutin sana ang mga mata nang tumama ang suot niyang maskara sa palad.
Nang alisin iyon, mas lalo siyang napalunok dahil iyong mask ay parang sexy! At nang bumaba ang tingin niya sa katawan, ni isa ay wala siyang saplot!
Ang sakit sa buong katawan niya na parang nasagasaan ng sasakyan. Lalo na sa gitnang bahagi noon!
‘Patay na! Totoo 'to. Hindi panaginip! Hindi lang ako basta kasama ngayon ni Jaxon, kundi may nangyari…’
Napalunok siya nang malalim at halos sapakin ang sarili. Naalala ni Skylar ang nangyari kagabi.
She's an entertainment reporter. Kagabi, inutusan siyang magpunta sa nightclub kasama ang co-worker niyang si Linda para kumuha ng scoop tungkol sa isang sikat na artista at sa ka-date nito na mysterious VIP.
Habang nasa nightclub, inalok siya ni Linda ng cocktail.
Natulala si Skylar nang hindi na maalala ang sunod na nangyari. Nanlamig ang buong pakiramdam niya at butil-butil ang pawis sa katawan. Napakagat siya ng pang-ibabang labi at hindi makapaniwala sa mga nangyari.
Kung tama ang hinala niya, she's drügged by Linda! May ginawa ba siyang masama kay Linda para ganto ang gawin sa kanya?
Nakarinig si Skylar ng kaluskos na nagpabalik sa huwisyo niya at naalala niya kung nasaan siya ngayon! Nanginginig si Skylar sa takot sa maaaring mangyari.
Hindi siya dapat tumagal rito! Masama kung magigising si Jaxon at siya ang makikita.
Sa pumasok sa isip at nilukuban ng takot, mabilis na bumaba si Skylar mula sa kama, hinanap ang mga damit sa sahig at agad itong sinuot.
Kabibihis niya pa lang nang biglang may kamay na humawak sa kanya mula sa kanyang likuran.
"Ah!"
"Are you going to escape?"
Hinawakan siya ni Jaxon sa likod at itinulak pabalik sa kama. Ang malamig nitong tingin ay parang yelo sa taglamig nang magtama ang mga mata nila.
“Who sent you here?!” malamig ang tono na nagtanong ito.
“A-Ah, ano…”
Hindi na naituloy ni Skylar ang sasabihin nang makita ang madilim na ekspresyon sa mukha ni Jaxon, para siya nitong kakàinin ng buhay! Nang maalis ang buhok na nakatabon sa mukha ni Skylar, natigilan naman si Jaxon noong makilala ang babaeng nasa ilalim.
“Skylar?! So, it's you…”
“O-Oo, a-ako ‘to. Sorry sa nang-nangyari, Jaxon. Sorry talaga,” nauutal na sagot ni Skylar, nanginginig ang boses sa sobrang takot. "Jaxon, ang nangyari kagabi, hindi ko sinasadya, please bitiwan mo na ako…”
Sa narinig na sinabi ni Skylar, mas lalong lumaki ang gitla sa noo ni Jaxon. Bumaba ang tingin nito sa katawan ni Skylar na may bakas pa ng ginawa nila kagabi. Mas lalong naging madilim ang ekspresyon nito sa mukha.
“I didn't know you're this cheap, Skylar. Others couldn't compete with your shamelessness!”
*
Chapter 242: Ikaw na ang mahalLASING si Jaxon at umakyat naman si Xenara sa itaas. Hindi ito magandang senyales.Medyo napakunot ang noo ni Skylar, dumilim ang tingin niya, pero agad siyang ngumiti ulit at tumingin kay Audrey na may pasasalamat. "Audrey, salamat sa paalala mo, aakyat na ako ngayon."Binitiwan ni Audrey ang kamay ni Skylar at muling pinaalalahanan ito. "Pagkaakyat mo, huwag ka nang bumaba. Mukhang masama ang mood ni Jaxon ngayon. Samahan mo na lang siya. Kami ni Jeandric, si Julia lang ang kasama namin.""Sige." Tumango si Skylar at tumayo na para umakyat.Nakapikit nang kaunti si Jeandric habang naglalaro ng baraha, saka tinanong si Audrey, "Sobrang concern ka kay Jaxon, hindi ka ba natatakot na magalit si Skylar?""Bakit siya magagalit?" matapang na sagot ni Audrey habang nakatitig."Kasi..." Napakamot si Jeandric, halatang naguluhan. Nabitin siya ng ilang segundo saka maingat na nagsalita. "Kasi 'yung sobra mong pag-aalala kay Jaxon, parang nagbibigay ng ideya na b
Chapter 241: WineSUNOD-SUNOD na inilagay ng mga katulong ang mga pagkain sa lamesa. Pumunta si Xenara sa gitna ng sala at tinawag ang lahat para maghapunan. Tinitigan niya ang pares ng berdeng, transparent, at kumikislap na jade bracelets na suot nina Skylar at Julia. Parang may apoy sa dibdib niya, at hindi na niya namalayang may dugo nang lumalabas sa gilid ng labi niya dahil sa pagkakakagat ng ngipin."Ninong, Ninang, handa na po ang pagkain, kain na tayo." Ngumiti siya habang pinipigilan ang sarili na sugurin si Skylar at agawin ang bracelet na suot nito.Agad tumayo si Jesse mula sa sofa at isa-isang tiningnan ang lahat. "Tara na, kumain na tayo."Nang marinig ito, nagsitayuan na rin ang lahat at sumunod sa mabagal na lakad ni Jesse papunta sa dining room.Si Xenara naman ay nasa pinakahuli at matalim ang tingin kay Skylar."Xenara!" Biglang lumingon si Jesse at tinawag siya. Napansin niya ang galit sa mata ni Xenara habang nakatitig sa likod ng ulo ni Skylar, kaya bahagya siyan
Chapter 240: Hindi tanggap na manugangNAKITA ni Yssavel ang gulat na itsura ni Julia kaya't tumaas ang kilay niya na halatang hindi natuwa.“Bakit, ayaw mo ba?”Tiningnan ni Julia ang mukha ni Yssavel na puno ng determinasyon at may halong inis na tanong sa boses, kaya bahagya siyang napakunot-noo.“Tiya, si Skylar ay buntis sa anak ni Jaxon. Apo n’yo iyon. Bakit hindi n’yo matanggap?”Pagkarinig noon, napangisi si Yssavel at ngumisi ng mapait. Isa-isa at mabagal niyang binigkas ang mga salita, “Dahil si Jaxon, hindi ko tunay na anak.”“Ano?!” Parang natulala si Julia at napangiti nang pilit.“Imposible 'yan. Para kasing mahal na mahal mo si Jaxon. Tsaka kung hindi mo talaga siya anak kundi anak sa labas ng iba, bakit walang kahit anong tsismis tungkol diyan? Tiya, huwag mo naman akong biruin.”Nainis si Yssavel sa ginagawa nitong kunwaring walang alam. “Kailangan ko pa bang biruin ka sa ganitong klaseng bagay?”Matinis ang boses ni Yssavel at seryoso ang ekspresyon niya. Hindi na na
Chapter 239: KondisyonHAWAK ni Skylar ang kamay ni Audrey habang tahimik silang lumabas ng bulwagan papunta sa hardin.Sumabay lang si Audrey sa lakad niya, habang tinitingnan siya sa gilid ng mata. Medyo nag-aalala siya dahil sa katahimikan ni Skylar. Natatakot siyang baka sandali lang ang pagkakasundo nila.“Skylar, ayusin na natin ’to,” si Audrey na ang unang nagsalita. Medyo nanginginig ang boses niya at halatang kinakabahan. “Huwag ka nang mag-alala, tinigilan ko na si Jaxon. Wala na akong nararamdaman sa kanya. Kaya sana ayusin na natin ’to. Huwag na tayong mag-away, please...”“Ahh...” malalim ang buntong-hininga ni Skylar at hinarap si Audrey. “Sa totoo lang, hindi naman talaga ako galit na galit sa ’yo. Hindi ko lang talaga matanggap na mahal mo si Jaxon, lalo na yung tawag mo nung araw na ’yon. Sabi ng butler, nasa meeting ka pero kinabukasan nagsinungaling ka. Dahil sa galit, hindi ko na alam ang ginagawa ko…”“Sorry…” mahigpit na hinawakan ni Audrey ang kamay ni Skylar. “
Chapter 238: Pagpapakumbaba"NINANG, bisita si Miss Julia, ako na po ang tutulong sa inyo." Nagbago bigla ang pakikitungo ni Yssavel kay Julia kaya hindi naging komportable si Xenara. Bigla siyang nagsalita para iparamdam na nandoon siya, dahil pakiramdam niya, kung hindi siya magsasalita, parang makakalimutan ng lahat na may ampon din palang anak ang pamilya Larrazabal."Hindi na kailangan, si Miss Julia ang kasama ko. Ikaw na lang ang pumunta sa kusina at bantayan sila. Sabihan mo na rin silang bilisan nila, naghihintay na ang lahat para sa hapunan." Malamig pero walang puwedeng itutol sa sinabi ni Yssavel kay Xenara, sabay ngiti kay Julia. "Halika, sumama ka sa akin."Tama ang hinala ni Julia, may gusto nga talagang sabihin si Yssavel nang sila lang.Napakuyom si Xenara sa sobrang inis. Gusto niyang magwala pero wala siyang lakas ng loob. Nang makitang lumalakad na palayo si Yssavel at Julia, galit siyang lumakad papuntang kusina."Audrey, Kris, Jeandric, halos isang taon na yata m
Chapter 237: ManugangPAGKASABI non ni Skylar, biglang natahimik ang buong lugar.Lahat ng mata ay nakatingin sa painting at kay Jesse, pabalik-balik, maingat na kinukumpara ang dalawa.“Sa totoo lang, kamukha talaga ni Uncle Jesse yung guwapong lalaki sa painting.” Mahinang bulong ni Jeandric kay Audrey.“Wag kang maingay.” Mahinang sagot ni Audrey kay Jeandric sabay lingon nang hindi sinasadya kay Yssavel.Tulad ng inaasahan niya, agad nag-iba ang mukha ni Yssavel nang makita ang painting. Kita sa mga mata niya ang galit habang nakatingin ng masama sa pipe na hawak ng lalaki sa painting.Kung sina Skylar at iba pa ay naghinala lang na baka si Jesse ang lalaki sa painting dahil sa magkamukha sila, si Yssavel ay siguradong-sigurado.Kasi may hawak si Jesse na pipe na kaparehong-kapareho ng nasa painting, parehong galing sa paborito niyang brand na Dunhill.Hindi lang dahil pareho ang itsura ng pipe sa painting at ng kay Jesse, kundi pati ang mga gasgas at hubog nito ay pareho rin. Hin
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments