Mag-log inWala nang mahihiling pa si Allyana dahil nasa kanya na ang lahat. Kagandahan, Kayamanan, pagmamahal at higit sa lahat, ikinasal siya sa lalaking mahal niya. Subalit, matapos ang kasal ay natuklasan niya ang kataksilan ng lalaking mahal niya at ang bestfriend niyang si Keane.
view moreMasayang binabati ng mga bisita ang bagong kasal na sina Sebastian at Allyana. Hindi man makapaniwala ang iba na ikinasal muli si Allyana ay nalaman rin naman ng mga ito ang dahilan sa nangyari sa kanila ni Dylan. Ganoon pa man ay makikita sa mga ito ang tuwa at saya para sa kanilang dalawa. Noong kunin ni Seb ang kamay ni Allyana sa harapan ng magulang niya ay walang naging totol ang mga ito at sa halip ay natutuwa pa para sa kanilang dalawa. Wala na rin silang balita kay Keane at Dylan. Naisip niyang tinupad ng mga ito ang kagustuhan niya, kaya magaan na rin ang loob at balang araw ay mapapatawad rin niya ang mga ito. Naging made of honor naman si Chelsea sa kanilang kasal, habang si Dion rin ang naging partner nito. Hindi pa rin maiwasang mag asaran ang dalawa, ngunit, nakikita nila Allyana na higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sa dalawa. Para kay Allyana ay matutuwa siya kung magkatuluyan ang mga ito, tulad nila ni Seb. Sa reception ng kasal, naging abala ang bagong kasal s
Matapos mailipat ng magkahiwalay na kwarto sina Keane at Allyana ay halos ayaw namang umalis ni Seb sa tabi ni Allyana. Hinihintay niya itong magising at nais niyang siya ang unang makita nito kapag nagising. Hinahayaan na lamang siya ng magulang ni Allyana at tila naiintindihan nito ang kanyang nararamdaman dahil nalaman na rin naman nila kung anong mayroon sa kanila ni Allyana. Nakikita nila ang saya sa mga ni Seb habang nakatingin kay Allyana at nakikita rin nila kung gaano nito kamahal ang kanilang anak.Sa mga oras na iyon ay hinayaan na muna ni Dion si Seb sa gusto niya at siya na ang kumilos para tugisin si Albert. Nalaman niya mula kay Dylan na siya ang huling nakakita dito at sinabi rin nito kung anong ginawa niya kay Albert. Hindi naman nagreklamo si Dion sa ginawa nito at naiintindihan kung anong nararamdaman ni Dylan. Hinanap nila si Albert at nalaman nilang nasa isang hospital ito at nag aagaw buhay dahil sa natamo nitong mga tama ng baril. Nakita niya pa kung p
Nang malapit na sina Seb sa lokasyon kung saan naroon sina Allyana ay pinahinto niya saglit ang kotse at sinabing hahanap siya ng daan patungo sa building. Hindi agad sumang ayon si Dion, ngunit, desidido si Seb sa kanyang nais gawin kaya wala na siyang nagawa pa. Napag usapan nilang maghiwa-hiwalay bago makarating sa gate. Sina Dion na ang bahala sa pagpasok nila sa gate, habang sina Dylan naman ay naghanap rin ng daan para makapasok sa loob ng building, ganoon rin si Seb na dumaan sa kabila, kasama ang ilang tauhan nito.Nang nasa gate na sina Dion ay inutusan niya ang isa niyang tauhan na pasabugin ang malaking gate. Ginawa naman iyon ng kanyang tauhan at naghagis ng dalawang granade, kasunod noon ang malakas na pagsabog. Sinundan agad nila ito ng magkasunod na putok ng baril at ang ilan niyang kasama ay nagsimula nang pumasok sa loob, habang nagpapaputok. Narinig niyang nagpaputok na rin ang tauhan ni Albert. Mabilis ang naging kilos nila, hanggang sa nagtago sila sa gilid
Sabay na napatingin sina Seb at Dion, sa taong biglang dumating. si Dylan. Pareho silang napakuno't noo at lumapit dito."Bakit ka nandito? At paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ni Seb."Hindi na kailangan kung paano ko nalaman ang lugar na ito. Napagkasunduan namin ni Keane na tumulong sainyo," tanging sabi ni Dylan at kumuha ng baril na nakalatag sa mesa, kung saan naghahanda sila para sa pag alis."Nasaan si Keane?" tanong ni Dion at lumapit rin dito.Hindi agad nakapagsalita si Dylan at tila maging siya ay hindi sang ayon sa kung anumang ginawa nito."Pumunta siya kay Albert. Iniwan ko lang siya saglit pero bigla siyang nawala. Nag iwan lang siya ng sulat na pupuntahan niya si Albert upang malaman kung saan naroon sina Allyana. Maging ito ay iniwan niya," sabi ni Dylan at may nilapag na isang maliit na device sa mesa. Agad na nakilala iyon nina Seb."Sabi sa sulat, malalaman natin ang kinaroroonan nila at tatawag siya upang siguraduhin na nasa lugar siya kung saan naro












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
RebyuMore