
My Husband's Betrayal: The CEO's Heir
Sa loob ng tatlong taon, naging asawa si Ylaine ng lalaking hindi naman siya kailanman minahal. Dahil sa isang arranged marriage, napilitan si Mike na pakasalan siya. Ngunit kahit malamig ang pakikitungo nito at paulit-ulit siyang tinatanggihan, patuloy pa rin siyang kumapit sa pag-asang balang araw ay mamahalin din siya ng kanyang asawa.
Ang tanging pangarap ni Ylaine ay magkaroon ng sariling anak at mabuo ang pamilyang matagal na niyang inaasam. Matapos ang tatlong bigong artificial insemination procedure, nagpasya siyang subukan ito sa ikaapat at huling pagkakataon. Sa wakas, pumayag din si Mike na magbigay ng sample.
Ngunit isang pagkakamali sa klinika ang tuluyang magbabago sa kanyang buhay.
Napagpalit ang sample ni Mike sa sample ni Adrian Alexander Montenegro, isang makapangyarihan at respetadong CEO na walang kamalay-malay na ang kanyang magiging tagapagmana ay maaaring lumalaki na sa sinapupunan ng isang babaeng hindi pa niya nakikilala.
Habang naghihintay si Ylaine sa resulta ng procedure, isang mas masakit na katotohanan ang sisira sa natitira niyang pag-asa. Ang kanyang asawa ay nakabuntis ng ibang babae—ang ampon ng sarili niyang tita, ang taong itinuring niyang kapamilya.
Sa isang iglap, nawasak ang lahat ng pinangarap niya kasama si Mike.
Ngunit sa likod ng kanyang mga luha at pagtataksil na naranasan, may isang lihim na unti-unting mag-uugnay sa kanya kay Adrian. Isang batang maaaring maging tagapagmana ng isang makapangyarihang angkan. Isang hindi inaasahang koneksiyon na magbabago sa kapalaran nilang dalawa.
Kapag tuluyan nang nabunyag ang katotohanan, pipiliin ba ni Ylaine na ipaglaban ang lalaking hindi niya sinasadyang maging ama ng kanyang anak, o uunahin na niya ang sarili at ang batang walang kasalanan sa lahat ng nangyari?
Dahil minsan, ang pinakamalaking pagtataksil ang nagiging simula ng isang bagong buhay.
Basahin
Chapter: Chapter 14“Arrange the meeting through the clinic,” sabi niya. “I don't want her to feel that I'm pressuring her. She deserves to know the truth just as much as I do.”“Understood.”Nang makalabas si Daniel, muling binasa ni Adrian ang pangalan sa report.Ylaine.Isang babaeng hindi niya kilala, na posibleng madamay sa isang pagkakamali na wala sa kanilang dalawa ang may kagustuhang mangyari.Hindi niya alam kung ano ang magiging epekto nito sa kanilang buhay.Pero isang na bagay ang sigurado siya hindi niya hahayaang mawala ang katotohanan sa gitna ng kaguluhan ito.Kinagabihan, bumalik si Ylaine sa bahay nila mag-asawa.Tahimik ang buong sala. Nasa sofa si Mike, nakatingin sa cellphone niya. Nang marinig ang pag bukas ng pinto, saglit itong tumingin sa kanya.“Saan ka galing?”Hindi sumagot ang babae, sa halip dumiretso siya sa hagdan ngunit muling nagsalita ang lalaki. “Ylaine, I'm talking to you, sumagot ka naman. Saan ka galing?”Huminto siya at humarap dito.“Sa clinic.”Biglang nagbago
Huling Na-update: 2026-10-27
Chapter: Chapter 13Hindi na dumiretso sa bahay si Ylaine matapos ang tawag ni Scarlett.Sa halip, ipinag-utos niya sa driver na dalhin siya sa clinic. Habang bumabyahe, hindi niya maiwasang balikan ang mga nangyari sa family meeting.Ang mukha ni Mike habang nakaupo sa tabi ng babaeng pinagpalit sa kanya. Ang katahimikan nito nang tanungin niya kung aamin ba ito kung hindi nabuntis ang babae. At ang mga salitang tila mas inaalala pa ng kanilang mga pamilya ang batang isisilang kaysa sa sakit na dinanas niya.Napahawak siya sa singsing na suot niya, dapat na ba niyang tanggalin iyon? Tatlong taon niya itong suot, tatlong taon din niyang pinanghahawakan ang kasal nila. Kahit paulit-ulit siyang tinatanggihan ni Mike, pinilit niyang maniwala na darating ang araw na magbabago rin ang lahat.Pero ngayon, alam na niya ang katotohanan. Hindi siya ang babaeng gusto ng asawa niya, at marahil kahit kailan ay hindi talaga siya nagustuhan nito. Nang makarating siya sa clinic, agad siyang sinalubong ng kanyang kaibig
Huling Na-update: 2026-10-27
Chapter: Chapter 12“Kung hindi siya nabuntis, sasabihin mo ba sa akin ang totoo?”Napatigil si Mike.“Mike?”Hindi ito sumagot, at sa katahimikan na iyon nakuha na niya ang sagot. Hindi ito aamin kung walang mabigat na dahilan, marahil magpapatuloy lamang ang lahat sa likod niya. Habang siya naman ay patuloy na umaasa sa isang pagmamahal na hindi naman pala nakalaan para sa kanya. Napahawak siya sa dibdib.“Akala ko, kahit hindi mo ako mahal, igagalang mo man lang ako bilang asawa mo.”“Ylaine, hindi ko naman ginustong mangyari ito.”“Hindi mo ginusto? Pero bakit hinayaan mong mangyari? Sa dami ng babae si Suzy pa talaga? Oo hindi mo ginusto pero pinili mo. Cheating is a choice, Mike”Hindi na siya sumigaw. Hindi na rin siya umiyak ng malakas.Pagod na pagod na siya.“May gusto pa ba kayong sabihin?” tanong niya sa lahat.Nagkatinginan ang mga nakatatanda.Sa huli, ang ina ni Suzy ang nagsalita.“Hindi namin maitatanggi ang nangyari. Pero dahil buntis na siya, kailangan ni Mike na panindigan ang respo
Huling Na-update: 2026-10-26
Chapter: Chapter 11Buong gabing hindi nakatulog ng maayos si Ylaine, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitawan ng asawa niya. Magkakaroon na ito ng anak sa ibang babae, ang masakit pa hindi lang basta ibang babae ang tinutukoy nito. Isa itong babaeng lumaki sa pamilya ni Mike, ang ampon ng mismong tiyan nito. Mula pagkabata, magkasama silang kumain, naglaro, at dumalo sa mga pagtitipon ng pamilya. Sa mata ng lahat, para silang tunay na magpinsan.Paano nila nagawang gawin iyon? Paano nagawa ni Mike na sirain ang kanilang pagsasama para sa isang relasyong alam niyang ikagugulat at ikasasakit ng sarili niyang pamilya? Hindi man lang ba nila naisip ang iisipin ng pamilya nila?At bakit parang siya pa ang kailangang mag-adjust?Napatingin si Ylaine sa singsing sa kanyang daliri. Tatlong taon na niya itong suot, umaasang balang araw ay magiging totoo rin ang pagmamahal na ipinangako ng kanilang kasal.Ngayon, parang wala na itong halaga.“Ma’am Ylaine, ready na po ang sasakyan,” ana
Huling Na-update: 2026-10-26
Chapter: Chapter 10"Is there someone else?" tanong niya sa wakas.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Mike."What?""May iba ka na ba?"Hindi agad sumagot ang lalaki. At sa katahimikang iyon, lalo lamang bumigat ang pakiramdam ni Ylaine."Mike, please. Kahit ngayon lang, sabihin mo sa akin ang totoo."Tumingin ito sa ibang direksyon bago muling humarap sa kanya."There's something you need to know."Naramdaman ni Ylaine na bumilis ang tibok ng kanyang puso."Ano iyon?"Huminga ng malalim si Mike."She's pregnant."Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid, halos hindi agad naintindihan ng babae ang sinabi nito. "Who's pregnant?"Hindi sumagot si Mike.Nagsimula nang manginig ang kanyang mga kamay."Mike, sino?"Ilang segundo pa ang lumipas bago nito ibinigay ang sagot na kinatatakutan niyang marinig."She's pregnant with my child."Napahawak si Ylaine sa gilid ng mesa, hindi niya alam kung paano siya nakahinga pagkatapos marinig iyon. Alam niyang may posibilidad na may ibang babae sa buhay n
Huling Na-update: 2026-10-25
Chapter: Chapter 9Magkasabay na pumasok pabalik ng conference room sina Ylaine at Adrian. Wala sa kanilang dalawa ang nakakaalam kung ano ang naghihintay sa kanila sa mga susunod na araw.Ngunit sa unang pagkakataon, hindi na lamang pangalan sa isang dokumento ang isa't isa.Nagkaharap na sila.At kahit wala pang malinaw na sagot sa kanilang mga tanong, may isang bagay nang nagbago.Natapos ang meeting ng walang ganap na kasiguraduhan.Nangako ang clinic na magbibigay ng karagdagang ulat matapos ang masusing pagsusuri sa mga rekord. Pinayuhan din si Ylaine na sundin ang iskedyul ng follow-up at makipag-ugnayan agad sa kanyang doktor kung may mga katanungang medikal.Bago umalis, nilapitan siya ng kinatawan."We'll contact you as soon as we have verified information, Ms. Ylaine.""Thank you."Paglabas niya ng clinic, sinalubong siya ng mainit na sikat ng araw. Huminga siya nang malalim at hinigpitan ang hawak sa kanyang bag. Wala pa rin siyang sagot sa pinakamahalagang tanong sa isip niya. Hindi niya a
Huling Na-update: 2026-10-25