Dahil sa kahirapan, mapipilitan na pumasok si Apolonia Marquez sa isang kasunduan nang alukin siya ng isang mayamang estranghera ng tulong pinansiyal upang maoperahan ang kanyang ama na may sakit sa puso. Ngunit kapalit niyon ay kailangan niyang gawin ang apat na sikretong misyon, isa na roon ang maging sekretarya ng pamangkin nitong bilyonaryo. Nakasaad sa kasunduan na kailangan niyang magawa ang apat na misyon, kung mabibigo siya ay kailangan niyang bayaran ang lahat ng nagastos ng ginang. Dahil wala siyang ibabayad dito ay ginawa ni Apol ang lahat upang magawa ang mga iyon kahit pa nga masungit, istrikto at may pagka-aloof ang kanyang amo. Tila umaayon naman ang pagkakataon at nagtatagumpay ang dalaga sa nakasaad sa kasunduan, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya namalayan na sa closeness na mayroon sila ay nahuhulog na pala ang loob niya sa mismong tao na subject sa kanyang misyon. Masarap sanang mangarap. Pero hindi sa katulad niya. Bukod sa malayo ang agwat ng kanilang estado ay hindi talaga siya nababagay rito dahil kahit na sabihin pang totoo na ang malasakit, pati na ang nadarama niya para sa binata ay hindi pa rin maikakaila na parte pa rin ng kanyang misyon ang mapalapit dito. Sabi nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag, paano na siya kapag nalaman nito ang tungkol sa kanyang sikreto na ito mismo ang kanyang misyon?
View MoreApolonia
Nakatulala ako habang nakaupo sa mahabang silya sa labas ng ICU, kakalabas ko lang mula roon, kasalukuyan kasing nasa loob ang aking ama dahil sa biglaang paninikip ng dibdib at nahirapang huminga kaya itinakbo namin kaagad ito rito sa ospital. Mabuti na nga lang at nasa bahay ako noong mangyari iyon. Hindi ko lubos maisip kung ano na ang nangyari rito kung wala ako, kaming dalawa lang naman kasi ang magkasama sa bahay.Noong isang araw pa kami narito, ngunit hindi pa kami hinahayaan na makalabas ng ospital dahil nanghihina pa ito at patuloy na inoobserbahan.Kulang na kulang ako sa tulog at hindi gaanong nakakakain nitong nakaraang dalawang araw, gulong-gulo na kasi ang utak ko, hindi ko na alam kung ano ang unang iisipin ko.Kung kailan kasi nag-uumpisa pa lang kaming bumangon at nagbabayad ng mga utang ay saka naman may dumating na pagsubok.Bukod sa pag-aalala ko sa kalagayan ng aking ama, ang isa ko pang inaalala ay ang gastusin namin dito sa ospital na sa bawat araw ay lumolobo.Frustrated na tinakpan ko ng kamay ang tapat ng mata ko noong magsimulang manubig ang mga iyon.Gusto kong sumigaw, parang sasabog na kasi ang dibdib at utak ko."What should I do now?" bulong ko.Kailangan namin ng pera, pero saan ako niyon kukuha?D*****g man ako ay wala akong dadaingan na pamilya dahil maagang sumakabilang buhay ang aking ina, wala rin akong kapatid, malayo ang aming mga kamag-anak at mahihirap din ang buhay katulad namin. Ang mga kaibigan at katrabaho ko ay nag-abot na rin ng tulong noong nagsidalaw kahit pa nga alam kong kapos din ang mga ito.Bukod pa roon ay ang dami na ng mga pinagkakautangan namin, kanino pa ako hihiram at lalapit ngayon?"Help me to get through this, Lord. Please!" mahinang hiling ko sa Panginoon.Ngunit natigil ako sa pag-iisip ng solusyon sa problema at napakurap ako noong may yumakap sa akin."Nai-stress at nag-iisip ka na naman, my loves..."Kaagad na inalis ko ang kamay ko sa tapat ng mata at nilingon ko kung sino iyon, nakita ko ang best friend kong si Vi.Pagkakita ko rito ay gumaan kahit na papaano ang bigat sa dibdib ko, ngunit kasabay niyon ay nag-init ang gilid ng mga mata ko.Hindi ko mapigilang maging emosyonal.Ito lang kasi ang tanging tao na hindi ko man kadugo ay palaging nasa tabi ko at palagi akong dinadamayan.Dahil wala naman akong kapalitan sa pagbabantay ay ito ang taga-kuha ko ng mga gamit sa bahay, sinasamahan din ako nito rito sa gabi, dito ito natutulog at pagdating ng umaga ay umuuwi ito upang pumasok sa trabaho.Sobrang appreciated ko ang mga ginagawa nito."Thank you, Vi," hindi ko napigilang sabihin.Nagtaas ito ng tingin. "Ha? Para saan?" nagtataka nitong tanong.Hinawakan ko at pinisil ang kamay nitong nakahawak sa braso ko habang nakayakap pa rin sa akin. "Sa pagsama mo sa akin palagi, hindi lang sa saya, kundi pati na sa malulungkot at mahihirap na parte ng buhay ko.""Ba't naman kita iiwan? Siyempre sasamahan kita, 'no? Gano'n ang mag-bestie. Best of friends tayo, hindi ba?"Bahagya akong nangiti. "Right. Masaya ako at ikaw ang naging best friend ko, maaasahan at hindi basta nang-iiwan."Huminga ito nang malalim. "Huwag mo nga akong bolahin. Nahihiya nga ako sa iyo, my loves," biglang sabi nito."Nahihiya? Bakit naman?""Kasi wala akong maitulong, hindi na rin biro ang halaga sa bills at gastusin ninyo rito sa ospital. Kung sana lang ay mayaman ako, ako na talaga ang sasagot sa lahat. Kaso isa lang ako poor-ita. Pagsama-sama lang ang kaya kong ibigay at idamay sa iyo."Bahagya akong natawa. "Grabe ka, my loves. Alam mo, 'yong presensiya mo lang ay napakalaking bagay at tulong na sa akin. Kung wala ka... hindi ko na alam, baka naloka na ako. Lalo na ngayon."Ito kasi ang nagsisilbing taga-libang ko sa tuwing may nangyayari na hindi maganda sa buhay ko at pumapawi sa lungkot ko, mula pa noong elementary kami, hanggang ngayon.Natutuwa nga ako na sa dami ng mga nagbago sa mundo at sa buhay ko, ito 'yong isa sa iilan na naging constant, hindi nagbago, hindi nawala at umalis."Naku, huwag na huwag kang mawawala sa katinuan, my loves. Lakasan at tatagan mo ang loob mo. Kailangan ka ni Popsy," paalala nito.Tumango ako. "Oo naman. Alangan namang sumuko na lang akong basta. Mahal ko si Popsy, gusto ko pa siyang makasama nang matagal.""Ganyan nga, gagaling si Popsy, okay? Manalig tayo. Hindi siya pababayaan ni Lord," anito, pinapalakas ang loob ko bago kumalas sa pagkakayakap at pinagmasdan ako."Nananalig naman ako sa Kanya. Iyon nga lang, paminsan-minsan ay hindi ko mapigilang mag-alala at panghinaan ng loob," amin ko."Naku. Basta tandaan mo na nandito lang ako, my loves. Kahit na ganda lang ang mayroon ako, hindi kita iiwan, okay?"Nailing-iling ako.Luka-luka talaga ito."O, bakit umiiling ka riyan? Hindi ka agree sa sinabi ko?" nakataas ang kilay na tanong nito."Agree. Sabi ko nga ang ganda mo, my loves. At mahal na mahal kita," ani ko at pagigil na pinisil ang pisngi nito.Nalukot ang mukha nito. "Aw naman! Pero totoo ba iyan?""Oo, mahal kita at hindi kita ipagpapalit, kahit na may pagkalukaret ka pa," natatawa kong sabi."Sus. Nagsalita ang hindi lukaret. Lukaret ka rin kaya, kaya nga tayo nagkasundo at naging mag-bestie, e. Feeling matino ito, huwag ka nga, oy!""Matino naman talaga ako."Iniikot nito ang mata. "Matino. Magtigil ka, imagination mo lang iyon, gutom lang iyan kaya akala mo matino ka."Hinawakan ko ang tiyan ko. "Speaking of gutom. Gutom na nga ako, ikaw na muna ang maiwan dito, bibili lang ako ng pagkain, kahit cup noodles lang."Pumalatak ito at pinigilan ako sa braso nang tatayo na sana ako."Sinasabi ko na nga ba. Ikaw talagang babae ka. Noodles na naman. Masusustansiya dapat ang kinakain mo. Maupo ka nga muna riyan at sasamahan kita sa cafeteria, tatawagan ko lang sina mother earth para sila na muna ang maiwan dito," tuloy-tuloy na sabi nito at tinawagan na nga ang mga magulang na nasa ibaba lamang.Agad namang dumating ang mag-asawa at niyaya na ako ni Vi sa cafeteria habang may bitbit na paperbag.Naunang pinaupo na ako nito at ito na ang nag-abalang um-order sa counter, ngunit nagulat ako nang pagbalik nito ay sandamakmak na junk food, ilang tinapay at dalawang bottled water naman ang binili nito."Akala ko ba masustansiya dapat?" nagtatakang tanong ko pagkaupo nito."Huwag kang ano riyan, sa akin ito. Heto ang sa iyo, may dala akong pagkain. Ipinadala ni mother earth, para sa iyo lahat ito, ipinagluto ka niya ng paborito mong spicy adobong babsy at pakbet. Nag-aalala kasi iyon sa iyo, baka mas mangayayat ka raw at magkasakit ka pa," ani nito at kinuha ang paperbag na bitbit nito kanina, ipinatong iyon sa mesa.Nakamasid lang ako rito, parang may mainit na bagay na humahaplos sa puso ko habang pinapanuod ko itong nagdidiwara.Habang nagsasalita kasi ito ay ito na rin mismo ang nag-asikaso sa pagbubukas sa lalagyan ng pagkain at ipinagtatapat iyon sa akin.Saktong natapos ang litanya nito ay isinalpak nito sa kamay ko ang kubyertos."O, ano pa hong itinatanga mo riyan? Gusto mo bang subuan pa kita, my loves?" mataray na tanong nito.Umiling ako at kahit naiiyak sa katuwaan na nadarama ay agad na akong sumubo ng masarap na putaheng dala nito.Hindi ko mapigilang maging emosyonal.Ang sarap lang kasi sa pakiramdam ng may nag-aasikaso, nagmamahal at nagmamalasakit, lalo na sa panahon na ito na kailangan na kailangan ko talaga ng makakasama at karamay, ipinaparamdam nito sa akin na hindi ako nag-iisa.Tumingala tuloy ako at pumikit kalaunan upang paurungin sana ang luha ko na malapit nang malaglag palabas ng mata ko, pinaypayan ko rin ang mukha ko bago nilunok ang laman ng bibig ko at suminghot, ngunit kalaunan ay bumagsak pa rin ang luha ko, patuloy naman ako sa pagkukunwari na dahil sa labis na anghang ng kinakain ko kaya ako naiiyak."W-Wew! Ang anghang!" sabi ko pa upang maging kapani-paniwala."Naku naman talaga, ang hilig mo kasi sa maanghang, e! 'Yan tuloy! Heto ang tubig. Mabuti na lang talaga, beautiful na nga e girl scout pa ang kaibigan mo. Palaging handa. Here, uminom ka." Inabot nito sa akin ang isang bottled water na binuksan na rin nito para sa akin pagkatapos magdiwara.Agad ko namang kinuha iyon upang uminom. Pagkatapos ko ay agad kong pinunas ng likod ng palad ko ang luha sa pisngi ko maging ang gilid ng mata ko bago ito nginitian.Pinigil ko ang panginginig ng labi ko. "S-Salamat," sinserong sabi ko, hindi lang patungkol sa tubig at pagkain na dinala nito ngayon, kundi higit pa roon at mas malalim pa... sa pagbibigay nito sa akin nang walang katumbas na pagmamahal, malasakit at suporta palagi kahit na hindi kami magkadugo at kahit hindi ko pa hilingin o hingin iyon dito."Hilig-hilig mo sa maanghang, ngayon lang kita nakitang naiyak. Sumobra ba sa anghang ang pagkakaluto ni mother earth? Tikman ko nga." Akma itong kukuha sa lalagyan ng ulam ngunit mabilis na inilayo ko iyon."Oy, akin lang ito. Bawal kang tumikim.""Napakadamot ng bruha. E 'di sa iyo na, kainin mo lahat at nang magkabilbil ka!"Hindi na ako kumibo pa, masaya at maganang ipinagpatuloy ko na ang pagkain."Hala, sige at kain pa. Damihan mo at ubusin mo 'yan nang magkaroon ka ng lakas, kaysa magkasakit ka. Wala pa namang mag-aalaga sa iyo at wala ka namang dyowa," biro nito sa dulo at tumawa pa nang nang-aasar.Sinamaan ko kaagad ito ng tingin. "Sayang-saya porke may dyowa, 'te?""Oo naman, ang saya talaga," sagot nito, mukhang nasa mood mambwisit."Saya now, iyak later sa sakit?" sarkastiko kong tanong para makapang-asar lang din."Oo, saya now at iyak later sa sakit... na may kasamang sarap," maharot nitong sabi at humagikgik na nakakagat labi pa nga, parang may kumikiliti at halatang may iniisip na kaberdehan."Landi mo, letse ka. Kung kurutin ko kaya 'yang p**e mo, ewan ko lang kung iyak later sa sakit na may kasamang sarap pa ang maging reaksiyon at masabi mo riyan.""Sus. Hindi mo kasi ako naiintindihan at wala ka naman kasing dyowa."I rolled my eyes. "O, e 'di ikaw na ang may dyowa."Nag-flip ito ng buhok bago maarteng nag-cross legs at nasipa pa nga ako. "Oo naman. Ako talaga.""Sus. Kay kiri. Paano ka naman nakakasigurado na aalagaan ka no'n kapag nagkasakit ka, aber?" duda kong tanong.Kumibot-kibot ang nguso nito. "Bakit naman hindi? Sa ganda kong ito?" Nag-flip na naman ito ng buhok na akala mo ay kay haba niyon."Haba ng hair? Ganda yarn?""Oo. Hindi mo lang alam kung paano ako inalagaan no'n noong nilagnat ako noong una kaming nag-"Sinenyasan ko agad itong tumigil gamit ang kamay ko dahil nahuhulaan ko na ang kasunod na sasabihin nito.Alam ko kung gaano ito kabulgar magsalita at kaberdeng mag-isip.Hindi na nga ako magtataka kung berde na rin ang dugong nananalaytay sa ugat ng babaeng 'to."What? Bakit mo ako pinatitigil?" tanong pa nito."Ampucha, huwag mo nang ituloy at baka ikuwento mo pa sa akin nang detalyado ang pribadong aktibidades ninyo ng dyowa mo, mawawalan ako ng ganang kumain, sayang itong niluto ni Auntie, parang awa mo na."Ngumisi pa nga ang loka."Pero sinasabi ko sa iyo, Olivia. Kapag may ginawa talagang kalokohan at pinaiyak ka niyang dyowa mong hilaw, ilalaga at ipiprito ko iyan para maluto at matusta," banta ko.Sumimangot ito. "'Yan ka na naman. Napakakontrabida mo sa love life ko. Masyado kang overprotective. Subukan mo naman kayang maging supportive bestie sa akin, my loves? Mahal ako no'n at mahal ko siya. Period. Kainis. Kumain ka na nga lang diyan," ani nito at nagbukas ng binili nitong junk food.Napailing-iling ako at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.Nang matapos na ako at nailigpit ko na ang pinagkainan ko ay bumalik na rin kami, nagpaalam naman ang mga magulang ni Vi na uuwi na.Papasok pa lang sana ako sa ICU nang sakto naman na lumabas mula roon ang cardiologist at cardiothoracic surgeon na tumitingin sa aking ama."Uy, sila Doc Pogi," ani agad ni Vi sa tabi ko, humaharot.Binantaan ko ito ng tingin upang mag-behave, itinirik naman ng loka ang mata at umismid pa sa akin bago lumayo.Ibinaling ko na ang atensiyon ko sa dalawang doktor na papunta na ngayon sa puwesto ko.Pagkalapit ay tumikhim ang cardiologist na si Doc Araneta bago nagsalita. "We need to talk about something serious concerning your father's condition, Ms. Marquez," seryosong sabi nito na nagtanggal ng saya ko kanina at nagbigay sa akin ng labis na kaba.ApoloniaNag-inat muna ako bago tuluyang bumangon at sinimulang lagpitin ang kumot at mga unan na ginamit ko.Nang matapos na ako ay binuksan ko naman ang bintana ng aking kuwarto, kaagad na gumuhit ang ngiti sa labi ko nang malanghap ang sariwang simoy ng hangin, huni ng mga ibon at ang ingay ng mga alagang manok ng kapitbahay na nagsisitilaukan.Nasa probinsiya na nga talaga ako at nakauwi na.Muli kong pinuno ng hangin ang dibdib ko."It feels good to be back home," pabulong na sabi ko habang nagmamasid sa bakuran namin. Ngunit nang maalala na kailangan ko nga palang maghanda ng umagahan para sa amin ni Popsy ay mabilis ang kilos na hinablot ko ang aking tuwalya at isinabit iyon sa balikat ko upang lumabas na ng kuwarto at makapaghilamos na muna.Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad at nagpupusod ng buhok papunta sa aming kusina.Medyo nagtaka man dahil hindi ko naabutan doon ang aking ama ay hindi ko na iyon masyadong pinansin pa, maaari kasing lumipat muna ito sa kabilang baha
ApoloniaMarahan na gumalaw ako bago hinatak ang mainit na bagay na hawak ko habang nakapikit at ipinatong doon ang kanan na pisngi ko, dahil sa init na nanggagaling doon at sa masarap na pakiramdam na ibinibigay niyon sa akin ay tila parang ihinehele at hinihila pa ako ng antok upang ipagpatuloy ang pagtulog.Ngunit kung kailan papaidlip na ako ay saka naman ako may narinig na mahinang ungol, kaagad naman na nangunot ang noo ko.Sino ba 'yon? May ibang tao ba sa kuwarto ko?Pero dahil inaantok pa talaga ako, sa halip na pansinin iyon at magdilat ng mga mata ay isiniksik ko ang pisngi ko sa mainit na bagay na hawak ko.Makalipas ang maikling sandali ay nagsimula ko na namang naramdaman ang init na ibinibigay niyon, unti-unti ay nagpalamon akong muli sa antok.Ngunit bago pa man ako tuluyang makatulog ay bigla namang gumalaw ang mainit na bagay na siyang kinapapatungan ng kanan na pisngi ko.Hindi ko na sana iyon papansinin pa at ipagpapatuloy na ulit ang naudlot na pagtulog ngunit hin
Druskelle Nameywang ako habang nag-iisip kung ano ba ang gagawin upang matakpan kahit papaano ang parte ng dibdib nito at ang undergarment na suot ng dalaga, hindi kasi ako mapakali na nakahantád lang iyon kahit pa nga sabihin na hindi naman totally na visible sa paningin ko ang buong dibdib nito. Lalaki pa rin naman ako, ang hirap lang sa part ko na tuwing titingnan ko ito ay hindi ko talaga maiwasan na bumaba roon ang mata ko at hindi makaramdam ng kakaiba, ang malala pa ay ang makapag-isip ng mga bagay na... Pambihirang buhay ito, bakit para kasing may magnet at kusang doon tumutuon ang mga mata ko?! Napasabunot ako sa buhok ko. Pilit kong pinipiga ang utak ko upang ilihis ang atensyon ko, pero napalunok ako nang sunod-sunod nang ang maisip lang na paraan ay ang isarado mismo nang maingat ang mga butones ng suot nitong damit, panigurado kasi na hindi rin uubra kung kumot ang itataklob ko rito o kung itatali ko ang mga kamay nito. Pero kaya ko nga bang isara ang mga butones?
DruskelleNapabuga ako ng hangin pagkatapos kong maibaba sa kama ko si Apolonia na hanggang ngayon ay tulog pa rin kahit nakarating na kami rito sa bahay ko.Ngunit nang mapatingin ako sa gawing paa nito ay nailing-iling muna ako bago pumunta roon upang tanggalin ang suot nitong sapatos, pagkatapos ay bumalik din ako sa gilid ng kama nang mapansin naman ang buhok nito na nakatabon sa halos kalahati na yata ng mukha nito. Ang lakas din ng loob maglasing ng isang 'to.Napapalatak ako bago hinawi ang buhok nito, pero nang tumambad na sa akin ang maamo nitong mukha ay parang nahihipnotismo na napatitig ako rito, hinayon ng mata ko ang parte ng mukha nito mula sa kilay nito na mukhang natural pa naman ang kapal, sa ilong nito na may kaliitan tingnan ngunit matangos, hanggang sa bumaba ang mata ko sa labi nito na bahagyang nakaawang at mamula-mula.Kalaunan ay kusang kumilos ang isang kamay ko at maingat na hinaplos ang makinis nitong pisngi.She looks so vulnerable and innocent, very far
Druskelle Natigil ako sa balak na pag-inom sana ng tubig nang mag-vibrate ang telepono ko, kaagad na bumaba ang tingin ko roon na nakataob habang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Sa halip na pansinin iyon ay itinuloy ko ang naantalang pag-inom ng tubig, ngunit patuloy pa rin iyon sa pag-vibrate kahit nakatapos na ako sa pag-inom. Nangunot ang noo ko. Makalipas ang ilang sandali ay nagpasya akong ibaba na ang basong hawak. Since, mukhang persistent talaga ang caller ay dinampot ko na ang teleponong hindi pa rin tumitigil sa pag-vibrate. Lalong nangunot ang noo ko nang tuluyang mabistahan ko na ang pangalan ng taong tumatawag. It was Draken. It's past midnight already. What does this jerk want? Sa halip na i-accept ang tawag ay tinitigan ko lang ang telepono hanggang sa tumigil iyon sa pag-vibrate. Wala na naman siguro itong magawa sa buhay kaya pati ako ay idadamay at pepestehin. Napailing-iling ako. Wala akong panahon sa mga kalokohan nito, gusto kong mamahinga, nagising at
Apolonia "Good morning po, Boss!" nakangiting bati at bungad ko kay Druskelle pagpasok nito ng opisina. Nagbabaka-sakali na baka lumipas na ang pagiging bad mood nito kahapon sa nagdaang magdamag. Ngunit mukhang mali ako sa naisip ko dahil hindi katulad ng mga nagdaang araw, tila bumabalik na naman ito sa dati, hindi man lang kasi ako nito ginawaran ng ngiti kahit tipid lang, tango lang ang naging tugon nito sa pagbati ko ngayon, tapos sulyap lang ang ginawa nito at tuloy-tuloy nang pumasok sa sarili nitong opisina na para bang napapaso ito na makita lang ako. Katulad kahapon ay nawe-weird-an na nasundan ko na lamang ito ng tingin lalo na noong isinarado nito ang pinto, maging ang blinds sa glass window ay hindi nito binuksan. Dahil hindi ko maintindihan ang inaasta nito ay napatitig na lang tuloy ako sa opisina nito. Ano ba ang nangyayari rito? Ako nga kaya ang salarin kaya ito nagkakaganito? It seems na may nagawa ako na hindi nito nagustuhan, pero kahit anong isip talaga ang
Apolonia"Teka nga lang, wait, and stop muna, my loves," pag-antala ni Vi mula sa kabilang linya sa masayang pagkukwento ko.Kanina pa kami nito magkausap sa telepono habang nag-aayos ako ng mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ko na kailangan kong papirmahan kay Druskelle mamaya.Napailing na lang ako dahil sa urgency sa tinig nito at tila gustong-gusto akong patigilin sa pagsasalita. "Hmm?""May napapansin lang kasi ako sa iyo.""Nako. Ano naman 'yon?""Huwag kang magagalit, ah? Observation ko lang talaga 'to sa iyo lately.""Sus. Ano ba kasi 'yon, my loves?""Napapansin ko lang na bukambibig mo na 'yang sir bossing mo, ah. I mean, yes, naikukuwento mo naman siya sa akin tuwing nagkakausap tayo. Pero parang may iba ngayon..."Nangunot ang noo ko.Ano ang ibig nitong sabihin?"Dati inis na inis ka kapag nagkukwento ka tungkol sa amo mo, pero nagbago na yata ang ihip ng hangin ngayon. Ilang araw na, pero 'yong usual na reklamo na naririnig ko sa iyo patungkol sa boss mo, nawa
DruskellePinigilan ko ang pagtaas ng sulok ng labi ko nang magtagumpay ako sa nais kong mangyari, makaraan na magulat kasi ay naalis ang masakit sa matang tanawin sa aking harapan, pagkatapos ay automatic na napabaling ang atensyon ng dalawa sa akin.Mabilis na inalis ko naman ang pagkakakunot ng noo ko, maging ang pagkakakuyom ng kamao ko. "Oh, sorry. May pumasok kasing langaw, umaaligid sa pagkain ko, binugaw ko lang," painosente kong dahilan.Nagkatinginan ang dalawa, hindi ko sigurado kung naniwala ba sa sinabi ko, sa halip na magsalita kasi ay nagkibit lamang ng balikat si Draken, umayos ito ng tayo pagkatapos ay tila balewalang ibinaling muli ang tingin kay Apolonia na parang walang nangyari.Pigil ang sarili ko na hampasin na naman ang lamesa nang makita kong tumaas ang kamay ng pinsan ko, hinaplos-haplos nito nang magaan ang buhok ni Apolonia, pagkatapos ay masuyo nitong tinitigan ang sekretarya ko habang may ngiti sa mga labi. "Na-miss kita, Apol."Nakaramdam ako ng inis.H
Druskelle"Good morning and happy Monday, Boss!" puno nang sigla na pagbati at bungad sa akin ni Apolonia nang tuluyan na akong makapasok ng opisina.Kaagad na nakaramdam naman ako nang tuwa nang masilayan ko ang nakangiti at kay aliwalas nitong mukha."Good morning din, Ms. Marquez," ganting pagbati ko naman dito.Napansin ko ang tila pagkagulat nito, marahil ay hindi inaasahan ang naging pagtugon ko, sa tuwina kasi ay tango lang palagi ang sagot ko sa pagbati nito.Nang makabawi ay lalong lumuwang ang pagkakangiti nito.Fck that smile of hers. Ang hirap mang aminin pero bakit nakakaengganyo at gusto ko yatang mahawa?Tumikhim ako upang pigilan ang aking sarili."Boss, may nalilimutan ka yata?"Nangunot ang noo ko at napaisip.Pumalatak ito. "Ay, nako naman. Lunes at kay aga-aga namang magkasalubong ng kilay mo. Smile, Boss. Smile. Aahitin ko 'yang kilay mo, 'pag di ka nag-smile, sige ka," banta nito, kasabay nang pagmuwestra ng dalawang daliri nito sa tapat ng labi nito at ngumiti.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments