author-banner
Valdemoro, Claudine
Valdemoro, Claudine
Author

Romane von Valdemoro, Claudine

THE HOUSE THAT EATS MEMORIES

THE HOUSE THAT EATS MEMORIES

MysteryContemporaryDramaIndependentBetrayal
Sa Gingoog City, may isang bahay na bumubukas lamang ang pinto para sa mga taong may alaalang gusto nang mamatay. Hindi sila humihingi ng pera. Hindi rin sila hinihingan ng kapalit na dugo o buhay. Isang alaala lang. Dalawampu’t anim na taong gulang si Mara Dela Cruz nang tumakas siya sa kanyang mapanakit na ama. Sa isang gabing binabayo ng ulan, napadpad siya sa Bahay ni Lola Celia—isang lumang bahay na amoy kape at lumang papel, kung saan ang mga garapon sa kusina ay may mga label na hindi niya dapat basahin: “Tawa ni Nanay,” “Unang Kabiguan,” “Huling Yakap.” Dito niya nakilala si Nico, ang tagapag-alaga ng bahay, at natuklasan ang lihim nito. Tinatanggap ng bahay ang mga taong gusto nang takasan ang kanilang nakaraan. Niluluto nito ang kanilang mga alaala hanggang sa maging kaya na nilang dalhin ang sakit. Ngunit may kapalit ang bawat alaala. Habang tumutulong si Mara, isang itim na guhit ang unti-unting gumagapang sa kanyang kamay. Kasabay nito, nagsisimulang magutom ang bahay—at tila may sarili itong pinipiling alaala. Hanggang isang gabi, dumating ang ama ni Mara. Napilitan si Mara na harapin ang nakaraan na buong buhay niyang tinatakasan. Dahil minsan, ang pinakamahirap kalimutan ay ang sakit na nagturo sa atin kung paano mabuhay.
Lesen
Chapter: CHAPTER 4.1 THE OFW
"Not every memories needs to be erased. Sometimes, we simply need to learn how to live without being afraid of them."[DAY 4 — 9:00 A.M. — GINGOOG CITY]Hindi na umulan pero basa pa rin ang kalsada. Nakasabit pa sa mga bubong ang tubig-ulan, at paminsan-minsan ay may patak na nahuhulog sa lupa.Nakaupo si Mara sa kusina, abala sa pagsusulat sa kanyang libro. Nasa Pahina 4 na siya.Naglingkod.Nagluto.Hindi para kalimutan.Para maalala nang tama.Nagbago.Matagal niyang tinitigan ang huling salitang isinulat niya.Nagbago.Hindi pa niya alam kung tunay ngang nagbago ang bahay o kung sandali lamang itong nagpapanggap na maamo. Pero matapos ang nangyari kagabi, alam niyang hindi na niya kayang bumalik sa dati.Sa tapat niya, tahimik na nagbabalat ng bawang si Nico.Hindi ito nagsasalita.Mula nang baguhin ni Mara ang recipe, parang may kung anong nagbago sa kanilang dalawa. Mas madalas nang mapatingin si Nico sa mga dingding. Paminsan-minsan, napapatigil din ito sa ginagawa, na para ban
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-10
Chapter: CHAPTER 3.2 THE RECIPE CHANGES
“Not forgetting anymore. Healing.”10:43 P.M. — KUSINAPatay na ang kalan.Pero mainit pa rin ang kawali.Nakasandal si Mara sa pader, nakaupo sa sahig. Nakatingin siya sa kamay niyang may itim na guhit, parang bakas ng isang paso.Hindi naman masakit pero naroon pa rin.Umupo si Nico sa tapat niya. May dala siyang dalawang tasa ng kape.Parehong itim.Walang asukal.“Hindi ka pa matutulog?” tanong ni Nico.Napailing si Mara.“Paano ako matutulog? Paulit-ulit pa rin sa isip ko ang boses ni Andrei.”Napapikit siya.Ma’am... lapis ko po.Muling umalingawngaw sa isip niya ang mahinang boses ng bata.Huminga siya nang malalim, pero hindi sapat iyon para mawala ang bigat sa dibdib niya.Tumango si Nico bago humigop ng kape.“Ganoon din ang nangyari sa akin noong una kong customer,” sabi niya. “Isang matandang babae. Gusto niyang kalimutan ang asawa niya. Limampung taon silang nagsama.”Sandali siyang natahimik, para bang may alaala siyang ayaw nang balikan pero hindi pa rin tuluyang makali
Zuletzt aktualisiert: 2026-10-10
Chapter: CHAPTER 3.1 THE SECOND COSTUMER
"Here, we don't erase what happened. We just cook it. So, it stop hurting every time you remember."It was morning.But there was no sunlight.Last night’s rain still clung to the roof, dripping steadily, over and over, as if someone inside the house were counting the seconds.Mara was awake before the lights had fully come on.She still wasn’t used to the bed.For three nights, she had been sleeping in the armchair, and somehow, her body had learned that it was the only place where she was safe.Nico was already in the kitchen.He always was.Apron. White shirt. Old burn scars across his hands as he chopped onions that didn’t seem to make him cry.“Good morning,” Nico said without looking back. “We have a customer later. Ten o’clock.”Mara walked toward the stove.The smell of coffee filled the kitchen.Not the kind of coffee you simply drank.This was the kind you only had to smell to feel, for a moment, that maybe you didn’t have to cry.“What’s hurting her?” Mara asked.Nico washe
Zuletzt aktualisiert: 2026-09-22
Chapter: CHAPTER 2.2 THE RECIPE FOR LETTING GO
"To forget your pain, you must first cook it.""Anong pangalan niyo, Lola?" tanong ni Nico. Iyong magalang na tono at professional."Aling Rosa," sagot ng matanda. Hinawakan niya yung payong niya. Mahigpit."60 years na akong may dala-dala.""Ano pong gusto niyong kalimutan?"Umiyak si Aling Rosa. Iyong iyak na walang tunog at patak lang ng luha ang makikita sa mga mata nito."Yung anak ko," bulong niya. "Namatay sya twenty years ago. Naaksidente siya. Pero tuwing Pasko, hinahanap ko siya sa palengke. At tuwing birthday niya, nagluluto ako ng paborito niyang pagkain. Pagod na ko, anak. Pagod na kong maalala sya."Lumapit si Nico sa estante. Kumuha siya ng isang libro. Asul. Manipis. At may pamagat na Uwi."Inyo na po to," sabi niya. Inilapag sa harap ni Aling Rosa. "120 pages. Basahin niyo. Hanggang dulo.""Magkano 'to?" tanong niya."Wala pong bayad ito pero kailangan niyo pong magbahagi ng isang alaala," sabi ni Nico. "Yung pinakamasaya. Iyon po ang magiging kapalit."Napapikit si A
Zuletzt aktualisiert: 2026-09-22
Chapter: CHAPTER 2.1 THE JAR OF FORGOTTEN THINGS
"She woke up in a house that cooks memories fo breakfast"Nagising si Mara sa tunog ng kutsara na dumadampi sa tasa.Clink. Clink. Clink.Mabagal. Parang metronome. Parang binibilang yung paghinga niya.Dilaw pa rin yung ilaw. Yung amoy ng kape mas malakas na ngayon. Hindi barako. Hindi 3-in-1. Ito yung amoy ng kape na may gatas, may konting asukal, at may... lungkot?Nakaupo pa rin siya sa tabi ng bintana. Nakatungo sa dibdib niya yung ulo.Sa kandungan niya, wala na yung libro. Takas. Nasa estante na ulit. Sa gitna. Parang naka-display."Gising ka na," sabi ni Nico.Nasa kusina siya. Likod lang yung nakikita ni Mara. Naka-white shirt pa rin. Nagbubuhos ng mainit na tubig sa isang tasa."Anong oras na?" tanong ni Mara. Puno ng laway at pagod yung boses niya."Umaga na sa labas," sabi ni Nico. "Pero dito... dito walang oras."Tumayo si Mara. Masakit yung batok. Masakit yung dibdib. Hindi dahil sa puyat. Dahil sa mga alaala nawala.Sinubukan niyang alalahanin ulit yung tatay niya sa bu
Zuletzt aktualisiert: 2026-09-22
Chapter: CHAPTER 1.2 THE HOUSE FOUND ME
" She ran from the people chasing her. She didn't know the house ask for more."Pahina 5.Pahina 6.Habang nagbabasa si Mara, pakiramdam niya ay unti-unti siyang hinihigop papasok sa mga pahina.Hindi na lamang mga letra ang mga salita.Naging mga daan ang mga ito.Naging ulan.Naging tunog ng sarili niyang mga yabag habang humahampas ang mga paa niya sa putik kanina.Sa pahina 7, nagtago ang babae sa isang eskinita. Amoy ihi at basura roon. Pero mas ligtas pa rin iyon kaysa sa labas.Totoo iyon.Doon mismo siya nagtago kanina.Sa pahina 8, narinig niya ang boses ng lalaking humahabol sa kanya.“Lalabas ka rin.”Iyon mismo ang sinabi sa kanya ni Roger sa telepono noong nakaraang linggo.Mas hinigpitan ni Mara ang pagkakahawak sa libro.Bakit?Bakit nakasulat dito ang buhay niya?Tumingin siya kay Nico.Patuloy pa rin itong nagsusulat na para bang walang kakaibang nangyayari.“Nico,” mahinang tawag ni Mara.“Hmm?”Hindi ito tumingala.“Bakit... bakit nandito ang kuwento ko?”Doon lama
Zuletzt aktualisiert: 2026-09-22
Das könnte dir auch gefallen
 Red Rose [Filipino/Tagalog]
Red Rose [Filipino/Tagalog]
Mystery/Thriller · Unbreeeykable
40.5K Aufrufe
NOTORIOUS
NOTORIOUS
Mystery/Thriller · Maybel Abutar
32.1K Aufrufe
Unexpected Royal
Unexpected Royal
Mystery/Thriller · AillexSkcy
27.3K Aufrufe
Disorder (Tagalog)
Disorder (Tagalog)
Mystery/Thriller · Thrinine
25.8K Aufrufe
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status