LOGIN"Blood may preserve the words, but only memory can keep them alive.”“SHK.”Unti-unting nabura ang kalahati ng salitang Nanay sa puting dingding.Agad na lumapit si Mara. Idiniin niya ang palad sa bahaging unti-unting nawawalan ng letra, na para bang kaya niyang pigilan ang pagbura sa pamamagitan lamang ng paghawak dito.“WAG!” sigaw niya.Sinubukan niyang haplusin ang mga letrang natitira.“Huwag mo siyang kunin,” mariin niyang sabi. “Hindi mo siya puwedeng basta burahin.”Walang sumagot.Tanging ang malamig na katahimikan ng silid ang bumalik sa kaniya.“WALANG KWENTA,” sabi ni Lolo Bura.“SHKK.”Sa isang iglap, tuluyan nang nawala ang salitang Nanay.Napatigil si Mara.May kung anong kumirot sa kaniyang dibdib. Sinubukan niyang balikan ang alaala ng babaeng matagal na niyang hinahanap sa isip.May babaeng nakatayo sa kusina.May amoy ng bagong saing na kanin at adobong kumukulo sa palayok. May mahinang tinig na tila may sinasabi sa kaniya habang abala sa pagluluto.Pero wala siyang
“The cruelest thing a house can steal is not your past, but the love that made it worth remembering.”ANG UNANG PAGKAKALIMOTWalang ilaw.Walang tunog.Walang anumang bagay na maaaring pagtuunan ng pansin ni Mara.Tanging ang sariling paghinga niya ang naririnig niya sa gitna ng kadiliman.Pagkatapos, muling umalingawngaw ang boses ng matandang lalaki.“ANO NGA ULIT ANG PANGALAN MO?”Mababa at mabagal ang tinig nito. Para bang matagal na itong naghihintay na marinig ang sagot.“...Mara,” mahinang sagot niya.Sandaling natahimik ang paligid.“MALI.”May kung anong gumalaw sa kadiliman.“WALA KANG PANGALAN.”Biglang sumakit ang ulo ni Mara.Napahawak siya sa sentido. Para bang may kung anong pilit na kumakapa sa loob ng kaniyang isip, naghahanap ng isang bagay na maaari nitong alisin.“Anak...”Napatingin siya sa kawalan.Sino ang tumawag?May isang salitang nais niyang sabihin. Isang tawag na pamilyar sa kaniya, ngunit hindi niya maalala kung kanino iyon dapat ibigay.“...na?”Napatigi
“If the world forgets you, will you still remember who you are?”ANG ABONakatayo silang tatlo sa gitna ng bakuran.Wala na ang pulang bahay.Wala na rin ang punong minsang naging kulungan ng napakaraming kaluluwa. Maging si Aling Ugat ay naglaho na, naiwan lamang ang pinong abong unti-unting tinatangay ng hangin.Tahimik ang paligid.Walang gumagalaw. Walang sumisigaw. Wala nang mga ugat na gumagapang mula sa ilalim ng lupa.Niyakap ni Ana si Mara nang mahigpit.“Tapos na talaga?” tanong nito.“Oo,” sagot ni Mara.Ngunit kahit sinabi niya iyon, hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng kaniyang mga kamay.Hindi niya alam kung dahil iyon sa takot, pagod, o sa mga pangyayaring hindi pa rin lubusang nagsi-sink in sa kaniyang isip.Ang alam lamang niya, nakalabas silang buhay.At sa pagkakataong ito, wala nang kaluluwang naiwan sa ilalim ng puno.---------------------------------------------------------------------------------------------------Isa-isang pinulot ni Mara ang mga litratong
“The roots held countless souls captive, but one name was enough to break their chains.”“DITO KA MAGSISIMULA,” sabi ni Aling Ugat.Gumalaw ang mga ugat na nakakabit sa kaniyang mga kamay. Dahan-dahan silang gumapang sa lupa, palapit kay Mara.Tuwid ang kanilang direksiyon.Sa kaniyang dibdib.Agad siyang hinila ni Nico palayo.“Huwag!”Ngunit hindi natinag si Aling Ugat. Nakatingin lamang ito kay Mara habang patuloy na gumagalaw ang mga ugat.“HULI NA KAYO,” sabi nito. “ORAS NA.”--------------------------------------------------------------------------------------------------Muling napatingin si Mara sa mga kaluluwang nakakulong sa ilalim ng puno.Nandoon pa rin ang batang may hawak ng papel. Nang magtama ang kanilang mga mata, kinawayan siya nito at itinuro ang pinakamalaking ugat sa gitna ng puno.Iyon ang ugat na naiiba sa lahat.Mas makapal, mas maitim, at tila may sariling tibok. Nakaamba itong kumalat sa buong katawan ng puno, na para bang iyon ang pinagmumulan ng lahat ng ib
“To escape the house, she devoured its heart. To become the house, she surrendered her own.”ANG ANINO“KUNG AYAW MO... AKO NA ANG GAGAWA.”Hindi na naghintay ng sagot si Aling Ugat.Inilapit niya ang kamay sa litrato ni Lola Celia. Hindi siya gumamit ng kutsilyo o anumang kasangkapan. Hinawakan lamang niya ang gilid ng larawan at marahang hinila ang tila nakadikit na anino sa loob nito.“SHHHHHHK.”May kung anong kumalas mula sa litrato.Unti-unting lumitaw ang isang anyong halos kahawig ni Lola Celia. Ngunit hindi ito buo. Malabo ang mukha, putol-putol ang mga braso, at tila may mga bahaging nawawala sa katawan nito.Para itong kopyang napunit at pilit na pinagdugtong-dugtong.Napaatras si Mara.“IYAN ANG KALULUWA NIYA,” paliwanag ni Aling Ugat. “PIRA-PIRASO.”Hindi makapaniwala si Mara sa nakikita. Ang aninong iyon ang kaluluwa ng babaeng matagal na niyang hindi nakilala, ngunit naging bahagi ng kasaysayan ng bahay na ito.At ngayon, unti-unti itong hinihila palabas.Pagkalabas ng
“Some houses do not want your memories or your name. They want the souls of those you love.”[THE GATE]Pula ang bahay.Hindi iyon ang karaniwang pulang nakikita sa mga dingding ng lumang tahanan. Masyado itong matingkad, halos kulay dugo, at tila mas lalong dumidilim kapag tinatamaan ng liwanag.Wala itong bubong.Mula sa bakuran, malayang nakikita ang kalangitan. Ngunit sa kabila ng kawalan ng bubong, hindi bumabagsak ang ulan sa loob. Para bang may kung anong hindi nakikitang harang na pumipigil dito.Lupa ang sahig. Hindi semento, hindi kahoy. Lupa na mamasa-masa at tila may kung anong gumagalaw sa ilalim.Sa gitna ng bakuran ay nakatayo ang isang malaking puno.Wala itong dahon.Wala ring bunga.Tanging mga sanga nitong tuyot at baluktot ang nakabuka sa paligid, na para bang mga kamay na naghihintay ng mahahawakan.Ngunit hindi iyon ang unang napansin ni Mara.May mga litrato sa mga sanga.Dose-dosenang litrato, marahil higit pa. Nakasabit ang mga ito gamit ang maiitim na sinulid







