author-banner
Winter_sorrow
Winter_sorrow
Author

Nobela ni Winter_sorrow

One Hundred Billion Pesos Baby

One Hundred Billion Pesos Baby

Love is an overrated word, and just like a spell that brainwashes our system, people are bound to search for their true love -- but not in Marion’s case. Her adoptive family, together with her biological father, wants her to have a child of her own. And when the dazzling one hundred billion pesos inheritance is on the line, she will trample her beliefs and desperately search for a man that will give her outstanding genes for her ‘one hundred billion pesos baby.’
Basahin
Chapter: Chapter 115
May 7,2027 ang nakalagay sa kalendaryo sa telepono ni Marion. Mahigit isang buwan simula noong nangyaring k*dnapping incident ni EJ. Kagaya ng ipinangako niya kay Abel, binigyan niya ito ng pera at sinigurong hindi ito magkakaroon ng kahit na anong record sa pulisya. Bukod doon, pinili niyang bigyan ito ng trabaho bilang utility aide sa isang branch ng FD Bank na malapit sa tinitirhan nito. Kahit paano, nawala na ang iniisip na dalahin ng lalaki dahil naipagamot na nito ang may sakit na kapatid. Hindi man direkta, pero pinaalam pa rin ni Romeo ang totoo kay Marion, sa pamamagitan ni Francis. Ito na mismo ang nangako sa kaniya na hindi na nito hahayaan pang magkaroon ng panibagong kakaibang ideya ang madrasta niya. Sa tuwing naiisip niya ang hirap at pagod ng kaniyang anak, nandoon ang kagustuhan na saktan din ang babae. Ganoon pa man, alam din niya na kahit kailan, hindi nito maiintindihan ang takot at pasakit na ibinigay nito sa kaniya. Hindi nito malalaman ang pakiram
Huling Na-update: 2025-10-01
Chapter: Chapter 114
Hindi na kailangan pang tingnan ni Romeo ang pulso ni Oscar. Sa dami ng tumalsik na dugo mula sa ulo nito, imposibleng maisalba pa ito. Ang napakahabang mga litanya nito ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Minabuti ni Oscar na tapusin ang sarili kaysa naman sa dumating sa puntong hindi na rin nito malaman kung hanggang saan ba dapat ito hihinto. Sino nga ba ang dapat na sisihin sa kanilang sitwasyon? Si Peterson, na nagawang magpakasal kay Diana kahit hindi siya sigurado sa nararamdaman para rito? Si Diana, na hindi nagawa at nagampanan ang bagay na gustong makuha ng pamilya Viray? Si Melinda, na pilit na tinalikuran ang marangyang buhay na nakaabang dito kung sakali man na maisilang nito nang matiwasay ang batang nasa sinapupunan? O si Oscar, na isang pobreng estudyante na literal na nakasandal at nakasalalay sa kamay ng isang pamilya ang pag-ikot ng buhay? Nagbuga ng malalim na buntong hininga si Peterson, isinandal ang pagod na likod sa malambot na sofa.
Huling Na-update: 2025-07-09
Chapter: Chapter 113
Naghari ang katahimikan sa loob ng silid nang tuluyang makalabas si Marion. Hawak ni Oscar ang armas sa mga kamay nito. Iyon na lamang ang natitira nitong kakampi noong mga oras na iyon. Tahimik lang na nakamasid ang mga tauhan ni Peterson sa mga nangyayari. Saksi ang mga ito sa melodrama na nangyayari ngunit walang makikitang emosyon mula sa mukha ng mga ito. “Bakit mo naman ginawa iyan kay Diana, kumpadre? Ang akala ko pa naman… Magkatuwang kayo sa mga plano niyong ito?” may himig ng pangungutya si Peterson. Nagtatangis ang mga bagang ni Oscar dahil sa matinding iritasyon. “Nakahandusay sa harapan mo ngayon ang babaeng nakasama mo ng maraming taon. Ilang dekada din kayong kasal ni Diana. Iyan lang ang sasabihin mo sa kanya?” Ngumisi lang si Peterson. “Sayo pa talaga nanggaling ang mga salitang iyan? Para mailigtas mo ang sarili mo, inilaglag mo si Diana. Hindi mo man lang ba naisip kung gaano sya nasaktan sa ginawa mong pagtataksil sa kanya?” “Pwede ba!
Huling Na-update: 2025-04-20
Chapter: Chapter 112
Imbes na magpakita ng takot, gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Oscar. “Ano ngayon? Wala akong pakialam kahit p*tayin mo ko sa lugar na ito. Ganoon din naman ang mangyayari sakin kapag napunta ako sa mga kamay ng Daddy mo. Sigurado akong didispatsahin niya na ko nang tuluyan. Bakit pa ko matatakot? Pero kung magagawa kong isama sa hukay ang pamilyang pinakamamahal niya, makakaganti rin ako sa kaniya kahit paano. Ano sa tingin mo?” Itinaas ni Marion ang safety pin ng hawak nitong armas. Isang kalabit lang ng gatilyo at mawawala na ang lalaki sa kaniyang harapan. Ngunit dahil sa hawak nitong device sa kamay nito, nag-aalangan siya. Hindi niya alam kung bluff lang ang sinasabi ni Oscar. Pero hindi niya kayang gumawa ng ganoon katinding paghamon sa kaniyang swerte. Wala siyang pakialam kahit bumaligtad ang buong Pilipinas kung sakaling mawala ang mga importanteng guests na naroon sa barkong iyon. Pero hanggat hindi niya nasisigurong ligtas ang mga ito, hindi siy
Huling Na-update: 2025-02-09
Chapter: Chapter 111
“Pasaway ka talagang bata ka…” Hinawakan ni Marion ang ulo ng kaniyang anak at masuyong ginulo iyon. “Pero seryoso, Mister Abel… Mas magiging maganda para sayo kung susunod ka sa hinihiling ko sayo. Sa ngayon, walang ibang pwedeng makatulong sayo kundi ako. Baka mamaya nga, ang alam ng Boss mo, isa ka sa mga nabaril sa pier ngayon.” “Huwag po kayong mag-alala. Sigurado naman na mas mabait ang Mommy ko kaysa sa kanila…” makahulugang sambit ni EJ. Tumingin siya sa anak at pasimpleng kumindat dito. Ramdam niyang gustong iligtas ng bata ang lalaking tumulong sa kanila kaya ganoon na lamang ang ginagawa niyang pagkumbinsi rito. Kung siya lang ang masusunod, balewala lang sa team nila Francis kung sakali mang mawala ang lalaking iyon. Pero para kay EJ, handa siyang magbigay ng excemption para kay Abel. “Alam mo kasi… Hindi ko masasabing naging perpekto ang security team namin kaya nga nagawang ma-kidnap ng grupo niyo ang anak ko. Pero ngayon, ikaw na lang mag-i
Huling Na-update: 2024-12-31
Chapter: Chapter 110
Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para mapasukan ng gamot nang hindi mapapansin ng biktima. Nang magising siya, nakasakay na siya sa eroplano at may dalawampung minuto na lang bago bumaba ng Macau. Medyo groge pa siya pero pinilit niyang bumangon. Kung hindi dahil sa announcement ng piloto, hindi pa siya magigising. Pumunta siya sa banyo na naroon sa malapit at sinubukang mag-shower para tuluyang mawala ang kaniyang antok. “Ang walang hiyang Romeo na iyon… Isusumbong ko talaga siya sa Daddy ko!” asik ni Marion. Kung tutuusin, dapat siyang magpasalamat sa ginawa nito dahil iyon lang ang paraan para mapakalma niya ang kaniyang sarili noong mga oras na iyon. Dahil kung mauuna ang init ng ulo niya, baka tuluyang m
Huling Na-update: 2024-10-20
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status