LOGINLove is an overrated word, and just like a spell that brainwashes our system, people are bound to search for their true love -- but not in Marion’s case. Her adoptive family, together with her biological father, wants her to have a child of her own. And when the dazzling one hundred billion pesos inheritance is on the line, she will trample her beliefs and desperately search for a man that will give her outstanding genes for her ‘one hundred billion pesos baby.’
View More“Happy birthday, anak! Kailan ka mag-aasawa?” bungad ng nanay niya kahit kakagising niya lang. “Tumayo ka na riyan. Nagluto ako ng spaghetti para sa ‘yo.”
Iminulat ni Samantha ang mga mata niya habang nagmumura nang sunod-sunod na ipinababawal na mga salita sa kaniyang isipan. Dalawampu’t siyam na taon na siya ngayong araw. Walang asawa, walang boyfriend, walang manliligaw, at wala man lang siyang kalandian sa chat pero tinatanong siya ng nanay niya kung kailan siya mag-aasawa. Mas gusto niyang manood ng cat videos kaysa gumawa ng account sa dating apps, masama ba iyon?
“Talaga ba, ‘Nay? Iyan kaagad ang bungad niyo sa ‘kin?” Kinamot niya ang buhok niya sa likod at tamad na tamad na bumangon.
“Bakit kasi hindi ka pa mag-asawa? Ang tanda mo na kaya! Kita mo nga ‘yong kaklase mo noon na si Anne, buntis na sa pangatlong anak nila. Ikaw, hindi ka man lang maka-isa. Anong balak mo? Gusto mong bulukin ‘yang bahay-bata mo hanggang sa matuyot ka na lang? Mahirap tumanda nang mag-isa. Ikaw rin ang kawawa. Walang mag-aalaga sa iyo,” halos taon-taon, pare-parehas ang speech ng nanay niya kaya alam na ni Samantha kung ano ang sunod nitong sasabihin. “Ikaw na ang bahalang bumili ng ulam natin mamayang tanghali at hapunan. Malaki ka na kaya dapat ikaw na ang gumagastos sa handa mo.”
“Nanay naman, wala naman po kasi akong sinasabi na gusto kong maghanda --”
“Bibili ka ng paborito kong wamport na lechon sa Harry’s o papaluin kita nitong hawak kong tambo?” Ipinakita pa ng nanay niya ang s*****a nito kaya nawalan na siya ng lakas para magreklamo.
“Opo… Aalis na ko. Maliligo lang ako sandali.” Tumayo na si Samantha mula sa higaan niya at sinimulang ayusin ang pinaghigaan niya kung ayaw niyang mapalo ng tsinelas sa mukha kahit birthday niya.
“Bumili ka na rin ng cake saka ice cream para naman may makakain akong matamis mamaya,” request ng tatay niya na abalang naglalagay ng keso sa ibabaw ng spaghetti nito.
“Sus! Matamis? Paano kung tumaas na naman ang sugar niyo? Gusto niyo bang maturukan ng insulin sa tiyan araw-araw?” depensa ni Samantha. Umaandar na naman kasi ang pagiging kuripot niya.
“Minsan lang naman. Isang beses sa isang taon ka lang magbi-birthday at manlilibre. Dapat lang na may request kami ng nanay mo,” pamimilit ng tatay niya.
Lumabas na si Samantha ng kwarto niya para kunin ang tuwalya niya na nakasabit sa sampayan sa kusina. Pero nang ibigay sa kaniya ng tatay niya ang spaghetti na maraming keso sa ibabaw, napilitan siyang umupo sa lamesa para kumain. Bumili ng tinapay ang mga magulang niya na nilagyan ng margarine bilang palaman. Umupo rin ang mga magulang niya para samahan siyang kumain. Alam niyang kanina pa nag-almusal ang mga ito dahil alas-nueve na ng umaga sa orasan sa dingding pero hindi siya hinahayaan ng mga ito na kumain nang mag-isa.
Bunso si Samantha at mayroon siyang nakatatandang kapatid na lalaki na nagtatrabaho sa Maynila bilang foreman ng kakilala nilang engineer. Trenta anyos na ito nang mag-asawa at may tatlong taon na anak na babae na ngayon. Dahil maraming pangangailangan ang bata, maliit lang ang naipapadala nitong pera sa kanila. Ang mga magulang niya na sila Danny at Nora ay parehas nang senior citizen kaya naman may nakukuha na silang pension buwan-buwan. Si Samantha naman ay kumikita bilang manunulat sa isang publishing house. Kakapirma lang niya ng bagong kontrata para mailimbag ang libro niya sa South Korea at mailalathala iyon sa Hangul o alpabetiko ng South Korea.
Pagkatapos niyang kumain, inilagay na ni Samantha ang plato sa lababo. Kailangan na talaga niyang umalis dahil kapag naubusan siya ng tindang lechon, baka tsinelasin siya ng nanay niya sa mukha pagdating niya. Mawi-withdraw na niya ang kita niya mula sa bago niyang kontrata kaya maganda ang gising niya. Mabuti na rin na mabili niya ang pinapabili ng mga ito para hindi na muling buksan bilang topic ang lovelife niya.
Nang pumasok siya sa banyo, halos sumigaw siya ng masasamang mga salita dahil sa sobrang lamig ng tubig. Pero dahil wala siyang choice, kailangan niyang bilisan ang pagbubuhos nang matapos na kaagad ang paghihirap niya. Nagtapis siya ng tuwalya bago nag-sepilyo sa harap ng lababo sa loob pa rin ng banyo. May salamin doon kaya kitang-kita niya na nangingitim na naman ang bandang ilalim ng mga mata niya. Hindi ganoon kalaki ang kinikita niya bilang manunulat sa isang traditional publishing house kaya kailangan niyang magtrabaho bilang ghostwriter ng kung sino-sinong foreign client. Malaki ang bayad sa ganoon kaya wala siyang reklamo kahit hindi niya pangalan ang nakalagay sa mga iyon. Ang importante, bayad ang serbisyo niya.
Nang lumabas siya sa banyo, dumiretso na siya sa kwarto niya para magbihis. Dahil siguro matanda na siya kaya hindi na niya maramdaman ang excitement kapag birthday niya. Nagsuot si Samantha ng maong na short na ilang pulgada ang iksi mula sa tuhod, itim na tshirt na kasya ang isa pang tao dahil sa sobrang luwag, at pares ng tsinelas na medyo mamahalin naman ang tatak para naman hindi siya magmukhang basahan kapag lumabas siya. Cellphone, pera, at ATM card lang ang kailangan niya kaya wallet na kasya ang mga iyon ang gamit niya.
“Tatay, ‘Nay, alis na po ako,” paalam niya sa mga magulang kahit hindi pa siya tapos magsuklay ng kaniyang buhok.
“Bumili ka na rin ng grocery. Paubos na ang kape at mga sabon rito,” pahabol ng nanay niya.
Napabuntong-hininga na lang si Samantha. Siya ang nagwi-withdraw ng pera ng mga magulang kaya nasa kaniya ang ATM card ng mga ito. Iyon din ang rason kaya siya ang dapat bumili ng grocery, maintenance medicine, at pagkain nila para sa ilang araw. Minsan, may mga naglalako ng isda sa lugar nila kaya karne lang ang binibili niya palagi. Maraming ipinagbabawal na pagkain sa mga magulang niya pero matigas ang ulo ng mga ito. Mabuti na raw ang ma-stroke dahil sa lechon, hindi dahil sa gutom.
Umalis na siya ng bahay nila dahil lalo pa siyang tatanghaliin kapag hindi pa siya lumarga. Sumakay na siya ng jeep at sinadya niyang umupo sa tabi ng driver para hindi makipagsiksikan sa mga nasa loob. Payat na babae lang din naman ang katabi niya kaya hindi siya masyadong nasisikipan. Umandar na ang sasakyan at binagtas ang diretsong daan papunta sa bayan. Samantala, napunta naman sa side view mirror ang atensiyon ni Samantha. Kapansin-pansin na hindi niya masyadong kamukha ang mga magulang niya, kahit ang kuya niya. Alon-alon ang buhok niya na hanggang siko pero unat na unat ang buhok ng mga magulang nila. Katamtaman ang laki ng mga mata niya na may maiksing pilikmata na natural ang kurba pataas, kumpara sa kuya niya na mahaba at diretso ang pilikmata. Maliit at hindi masyadong katangusan ang ilong niya na palagi niyang pinipisil sa dulo noon para magaya sa tatay niya. Kahit ang mga labi niya na bahagyang manipis sa ibabaw, ginusto niyang maging makapal iyon kagaya sa nanay niya. Hindi lang niya sinasabi sa pamilya niya pero matagal na niyang insecurity iyon… Gusto niyang itanong kung ampon lang ba siya. Pero dahil malabong mangyari iyon dahil hindi naman siya isang bida sa pelikula o nobela, pilit niyang kinalimutan ang iniisip niya… Na baka ampon siya.
Dalawampung minutong byahe sa jeep ang kinailangan para makapunta siya sa palengke. Pagdating roon, mabilis siyang bumili ng lechon na nire-request ng nanay niya. Pagkatapos, karne ng baka, baboy, at manok naman ang sinunod niya. Bumili na rin siya ng mga sibuyas at kung ano-anong sahog sa mga binili niya. Grocery, bakeshop at ice cream shop -- iyon ang mga pinuntahan ni Samantha kaya naman nang tingnan niya ang oras at makitang alas-diyes y’ medya na ng umaga, hindi na siya nagtaka kung bakit pagod na pagod na siya kakaikot.
“Grabe… Pagod na nga ako, ang laki pa ng ginastos ko.” Sa sobrang mahal ng mga bilihin, nalagas kaagad ang mahigit tatlong libo mula sa sinahod niya samantalang wala pa siyang nabibili para sa sarili niya. Tatlong malalaking plastic bag at kahon ng cake ang bitbit niya kaya halos hindi na siya makahagulapay.
Pumunta na siya sa terminal ng jeep upang makasakay. Halos kalahati pa lang ang mga pasahero na naroon. Pero dahil sa sobrang dami ng dala niya, siningil siya ng dobleng pamasahe. Dahil sa pagod at pagkainip, pumayag na lang siya para tapos na. Makalipas ang limang minuto, napuno na ang sasakyan at umalis na. Karamihan sa mga kasabayan niya ay galing din mula sa pamamalengke kaya sanay na siya sa ganoong eksena. Halos wala kang mapaglagyan ng mga paa at binti mo dahil puro sako at kahon ang nasa gitna.
“Manong, para po!” Bahagyang tinuktok ni Samantha ang kahoy na kisame ng jeep. Biglaan ang naging pagtapak ng drayber sa preno kaya halos magpalitan sila ng pwesto sa loob. Nasa bandang gitna ang upuan niya kaya halos madapa siya habang naglalakad sa gilid.
Sinalubong naman siya ng tatay niya na naghihintay pala sa kanto. Nakalimutan niyang mag-text para magpasundo pero awtomatiko pa rin siyang sinundo ng ama. “Akin na itong kahon ng cake, baka matapon mo pa.” Iyon talaga ang unang kinuha ng tatay niya.
“Salamat po. Kanina pa po ba kayo rito?” Alam naman niya na cake at ice cream talaga ang sinundo ng tatay niya pero nagpatay-malisya na lang siya.
“Hindi. Kakarating ko lang, anak. Bilisan na natin, alas-onse na. Tanghali na. Dapat kasi gumising ka nang maaga para mamalengke,” hindi pa sila nakakauwi sa bahay nila pero pinapagalitan na si Samantha ng tatay niya.
“Sorry na po… Ilalagay ko na kaagad sa freezer itong binili kong ice cream. Binili ko pa naman ang paborito niyong flavor, ube ice cream.”
Tila nagliwanag ang mga mata ng matanda. “Talaga ba, anak? Salamat, ha.” Lalong ginanahan si Danny kaya pinagbuksan pa niya ng gate ang anak.
“Nay, nandito na po ako,” anunsiyo niya.
Kinuha ni Samantha ang ice cream sa plastic at inilagay sa freezer. Mabilis naman na kinalkal ng Nanay Nora niya ang mga pinamili niya para ihiwalay ang mga karne. Nakahain na ang tanghalian nila, pritong manok, kaya inilagay na ni Danny ang cake sa ibabaw ng lamesa. Umupo naman si Samantha sa harap ng lamesa. Nagsalin siya ng tubig sa baso at uminom muna nang biglang may kumatok sa pintuan nila.
“Sino iyon? May bisita ba tayo?” tanong ni Samantha sa mga magulang niya. “Uuwi raw ba ngayon si kuya?”
“Wala naman siyang sinabi. Tingnan mo na lang Sam, baka mamaya magbibigay lang ng electric bill. Hindi pa kasi nadating,” utos ng nanay niya.
Namimintig na ang mga hita at binti ni Samantha pero wala siyang magagawa. Abala sa pagtatanggal ng kahon ng cake ang tatay niya kaya siya na lang ang tumayo. Hindi tumitigil ang bisita nila sa pagkatok kaya naiirita na siya. Nang buksan niya ang pinto, tatarayan niya sana ‘yong taong dumating pero nang mapansin niyang hindi niya kilala ang lalaki sa harapan niya at may kasama pa itong apat na lalaki; nawala ang lahat ng katarayan niya.
“Sino po sila?” tanong niya, baka kasi naliligaw lang ang mga ito sa lugar nila.
“Ikaw ba si Samantha Reyes?” tanong din ang isinagot sa kaniya ng lalaki. “My name is Peterson Viray, your biological father.”
“Parang masarap ‘yong mga dessert nila. Gusto mo ba?” Sinusubukan tingnan ni Eclaire ang nasa bandang kaliwa ng buffet table pero nahaharangan iyon ng maraming bisita. “Kumuha ka na kasi Ate. ‘Wag mo na kong idamay.” Hindi man lang itinaas ni EJ ang tingin nito mula sa nilalaro nitong game sa Ipad. Bahagyang siyang sumilip sa gadget ng kapatid at bahagyang nagulat nang makita na naglalaro ito ng Fruit Ninja. Isang laro na nauso ilang taon na ang nakakaraan – 2010, taon na literal na wala pa ang kapatid niya dahil 2022 ito pinanganak. Kumunot ang no oni Eclaire at hindi napigilang magtanong. “Bakit iyan ang nilalaro mo?” “Ano ba dapat? Roblox? O kaya ini-expect mo na manonood ako ng Coco Melon?” “Bakit nga kasi iyan ang nilalaro mo? Luma na iyan. Isang taong gulang pa lang ako nung lumabas iyan. Alam mo ba iyon?” Umiigkas pataas ang kilay ni Eclaire dahil hindi niya masakal ang bunso nila. Lumuwang ang ngiti ni EJ nang ma-clear nito ang level na nila
“Pumasok na kayo sa kotse mga bata, baka ma-late pa tayo. Anong oras na ba?” Hawak ni Seojun ang susi ng kotse. Silang mag-asawa ang uupo sa harapan at ang dalawa nilang mga anak naman sa likuran. “Eclaire, paki-check ang seatbelt ng kapatid mo. Alam mo na ang gagawin.” “Yes Dad, ito na po.” Nagmamadali si Eclaire dahil ito na ang huling nakasakay. Naiwan pa kasi nito ang wallet nito sa loob ng mansion. Sinabi na nilang wala namang problema kahit maiwan iyon pero makulit pa rin ang dalaga. Hindi daw ito sanay na walang dalang pera kapag lalabas. “Six-forty na po, Daddy,” si Ej ang sumagot sa tanong ng ama. “Okay na, Hon. Bumalik ka na sa driver’s seat para makaalis na tayo,” untag ni Marion sa asawa. Kagaya ng nakasanayan nito, palagi itong pumupunta sa passenger’s seat para lang ma-secure na hindi siya mauuntog kapag sumakay o bumaba. Isang beses lang nangyari iyon dahil siniguro ni Seojun na hindi na iyon mauulit pa. “Wala nang nakalimutan, ha
Pagtuntong ng alas-singko y’ medya, magkakaharap na sa hapag kainan sina Marion, Eclaire at EJ. Kahit sabihin na hindi naman talaga magsisimula ang event ng saktong alas-syete ng gabi, hindi naman sila pwedeng mahuli nang sobra na mauuna pa ang mga bisita nila kaysa sa kanila. Halos nangangalahati na siya sa sinandok niyang kanin nang biglang dumating si Seojun. Halatang galing pa ito sa site dahil sa alikabok sa pantalon at sapatos nito. “Sorry, na-late ako Hon. Grabe yung traffic sa may Tagaytay area kanina. Marami kasing tourist doon kapag ganitong summer. Alam mo naman, hindi pwedeng hindi ko daanan ang paborito ng mga anak mo.” Inilagay ni Seojun ang dala nitong isang box ng custard egg pie sa lamesa bago nito hinila ang upuan na nasa gawing kaliwa niya. “Olivia, pasuyo na lang ako nitong dala ko para makakain ang mga bata nitong dessert.” “Dad, kanina pa kayo hinihintay ni Mommy. Alam niyo namang gusto niyan na palagi tayong sumusunod sa schedule niya.” H
Bahagyang iginalaw ni Irene ang mga balikat nito – pataas at pababa – bago ito sumagot. “Hindi ko rin po alam Maam. Basta ang sabi sakin, ibigay ko daw po sa inyo ito. Kayo na daw po ang bahala.” Lumapit ito sa lamesa ni Marion at inilagay ang hawak nito. Pagkatapos no’n, nagpaalam na rin kaagad ito na babalik na ulit sa trabaho. Mabilis niyang binulatlat ang mga pahina. Doon niya napansin na karamihan sa mga arrangements ay maayos na. Para itong ibinigay lamang sa kaniya upang siya ang kumuha ng credits kung magiging successful ang party. Kaagad siyang tumayo at dumiretso sa opisina ng Manager nila. Hindi siya mahilig sa kumprontasyon pero isa ito sa pinaka-ayaw niya – pinaparamdam sa kaniya na nandoon lang siya para magpasikat ang magpabango ng pangalan para sa Daddy niya. Umiiksi talaga ang pasensya niya kapag naramdaman niyang minamaliit siya nang wala sa lugar. Magkaharapan lang ang mga opisina nila. Paglabas niya ng pintuan, nandoon din naman ang opisina
Naghari ang katahimikan sa loob ng silid nang tuluyang makalabas si Marion. Hawak ni Oscar ang armas sa mga kamay nito. Iyon na lamang ang natitira nitong kakampi noong mga oras na iyon. Tahimik lang na nakamasid ang mga tauhan ni Peterson sa mga nangyayari. Saksi ang mga ito sa melodrama na
Imbes na magpakita ng takot, gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Oscar. “Ano ngayon? Wala akong pakialam kahit p*tayin mo ko sa lugar na ito. Ganoon din naman ang mangyayari sakin kapag napunta ako sa mga kamay ng Daddy mo. Sigurado akong didispatsahin niya na ko nang tuluyan. Bakit p
“Pasaway ka talagang bata ka…” Hinawakan ni Marion ang ulo ng kaniyang anak at masuyong ginulo iyon. “Pero seryoso, Mister Abel… Mas magiging maganda para sayo kung susunod ka sa hinihiling ko sayo. Sa ngayon, walang ibang pwedeng makatulong sayo kundi ako. Baka mamaya nga, ang alam ng Boss m
Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews