Share

Chapter 116

Author: Winter_sorrow
last update Last Updated: 2025-10-12 18:22:30

“The pleasure was ours,” gumanti rin ng ngiti si Marion sa mga bago nilang kasosyo sa project nila.

“By the way, hindi pa ba babalik si kumpadre? Gusto sana namin na magkaroon ng hangout sa Macau bukas ng gabi, baka gusto niyang sumama?” tanong ni Mr.Chiu habang inaayos ang papeles na kailangan nitong pirmahan.

“Well… Ayaw niya pa daw pong umuwi dahil nagbabakasyon sya ngayon sa Milan. Pero babanggitin ko pa rin po sa kanya ang invitation nyo,” iyon na lang ang sinabi niya kahit alam niyang hindi pupunta ang Daddy niya sa Macau dahil sa nangyari nitong nakaraan lang sa kanilang pamilya.

“That would be nice…” hirit ni Mrs.Elizalde

“Oh… Interesado ka bas a casino Mrs. Elizalde?” tanong ni Mr.Chiu, isa sa mga kumpadre ng Daddy niya na malakas gumastos sa mga casino at bar.

“Of course. Six months na yata simula no’ng huling nakapag-unwind ako sa Macau. Okay lang ba na sumama ako sa inyo?” malambing ang tanong ng babaeng nasa mid 50’s na ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 116

    “The pleasure was ours,” gumanti rin ng ngiti si Marion sa mga bago nilang kasosyo sa project nila. “By the way, hindi pa ba babalik si kumpadre? Gusto sana namin na magkaroon ng hangout sa Macau bukas ng gabi, baka gusto niyang sumama?” tanong ni Mr.Chiu habang inaayos ang papeles na kailangan nitong pirmahan. “Well… Ayaw niya pa daw pong umuwi dahil nagbabakasyon sya ngayon sa Milan. Pero babanggitin ko pa rin po sa kanya ang invitation nyo,” iyon na lang ang sinabi niya kahit alam niyang hindi pupunta ang Daddy niya sa Macau dahil sa nangyari nitong nakaraan lang sa kanilang pamilya. “That would be nice…” hirit ni Mrs.Elizalde “Oh… Interesado ka bas a casino Mrs. Elizalde?” tanong ni Mr.Chiu, isa sa mga kumpadre ng Daddy niya na malakas gumastos sa mga casino at bar. “Of course. Six months na yata simula no’ng huling nakapag-unwind ako sa Macau. Okay lang ba na sumama ako sa inyo?” malambing ang tanong ng babaeng nasa mid 50’s na ang

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 115

    May 7,2027 ang nakalagay sa kalendaryo sa telepono ni Marion. Mahigit isang buwan simula noong nangyaring k*dnapping incident ni EJ. Kagaya ng ipinangako niya kay Abel, binigyan niya ito ng pera at sinigurong hindi ito magkakaroon ng kahit na anong record sa pulisya. Bukod doon, pinili niyang bigyan ito ng trabaho bilang utility aide sa isang branch ng FD Bank na malapit sa tinitirhan nito. Kahit paano, nawala na ang iniisip na dalahin ng lalaki dahil naipagamot na nito ang may sakit na kapatid. Hindi man direkta, pero pinaalam pa rin ni Romeo ang totoo kay Marion, sa pamamagitan ni Francis. Ito na mismo ang nangako sa kaniya na hindi na nito hahayaan pang magkaroon ng panibagong kakaibang ideya ang madrasta niya. Sa tuwing naiisip niya ang hirap at pagod ng kaniyang anak, nandoon ang kagustuhan na saktan din ang babae. Ganoon pa man, alam din niya na kahit kailan, hindi nito maiintindihan ang takot at pasakit na ibinigay nito sa kaniya. Hindi nito malalaman ang pakiram

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 114

    Hindi na kailangan pang tingnan ni Romeo ang pulso ni Oscar. Sa dami ng tumalsik na dugo mula sa ulo nito, imposibleng maisalba pa ito. Ang napakahabang mga litanya nito ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Minabuti ni Oscar na tapusin ang sarili kaysa naman sa dumating sa puntong hindi na rin nito malaman kung hanggang saan ba dapat ito hihinto. Sino nga ba ang dapat na sisihin sa kanilang sitwasyon? Si Peterson, na nagawang magpakasal kay Diana kahit hindi siya sigurado sa nararamdaman para rito? Si Diana, na hindi nagawa at nagampanan ang bagay na gustong makuha ng pamilya Viray? Si Melinda, na pilit na tinalikuran ang marangyang buhay na nakaabang dito kung sakali man na maisilang nito nang matiwasay ang batang nasa sinapupunan? O si Oscar, na isang pobreng estudyante na literal na nakasandal at nakasalalay sa kamay ng isang pamilya ang pag-ikot ng buhay? Nagbuga ng malalim na buntong hininga si Peterson, isinandal ang pagod na likod sa malambot na sofa.

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 113

    Naghari ang katahimikan sa loob ng silid nang tuluyang makalabas si Marion. Hawak ni Oscar ang armas sa mga kamay nito. Iyon na lamang ang natitira nitong kakampi noong mga oras na iyon. Tahimik lang na nakamasid ang mga tauhan ni Peterson sa mga nangyayari. Saksi ang mga ito sa melodrama na nangyayari ngunit walang makikitang emosyon mula sa mukha ng mga ito. “Bakit mo naman ginawa iyan kay Diana, kumpadre? Ang akala ko pa naman… Magkatuwang kayo sa mga plano niyong ito?” may himig ng pangungutya si Peterson. Nagtatangis ang mga bagang ni Oscar dahil sa matinding iritasyon. “Nakahandusay sa harapan mo ngayon ang babaeng nakasama mo ng maraming taon. Ilang dekada din kayong kasal ni Diana. Iyan lang ang sasabihin mo sa kanya?” Ngumisi lang si Peterson. “Sayo pa talaga nanggaling ang mga salitang iyan? Para mailigtas mo ang sarili mo, inilaglag mo si Diana. Hindi mo man lang ba naisip kung gaano sya nasaktan sa ginawa mong pagtataksil sa kanya?” “Pwede ba!

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 112

    Imbes na magpakita ng takot, gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Oscar. “Ano ngayon? Wala akong pakialam kahit p*tayin mo ko sa lugar na ito. Ganoon din naman ang mangyayari sakin kapag napunta ako sa mga kamay ng Daddy mo. Sigurado akong didispatsahin niya na ko nang tuluyan. Bakit pa ko matatakot? Pero kung magagawa kong isama sa hukay ang pamilyang pinakamamahal niya, makakaganti rin ako sa kaniya kahit paano. Ano sa tingin mo?” Itinaas ni Marion ang safety pin ng hawak nitong armas. Isang kalabit lang ng gatilyo at mawawala na ang lalaki sa kaniyang harapan. Ngunit dahil sa hawak nitong device sa kamay nito, nag-aalangan siya. Hindi niya alam kung bluff lang ang sinasabi ni Oscar. Pero hindi niya kayang gumawa ng ganoon katinding paghamon sa kaniyang swerte. Wala siyang pakialam kahit bumaligtad ang buong Pilipinas kung sakaling mawala ang mga importanteng guests na naroon sa barkong iyon. Pero hanggat hindi niya nasisigurong ligtas ang mga ito, hindi siy

  • One Hundred Billion Pesos Baby   Chapter 111

    “Pasaway ka talagang bata ka…” Hinawakan ni Marion ang ulo ng kaniyang anak at masuyong ginulo iyon. “Pero seryoso, Mister Abel… Mas magiging maganda para sayo kung susunod ka sa hinihiling ko sayo. Sa ngayon, walang ibang pwedeng makatulong sayo kundi ako. Baka mamaya nga, ang alam ng Boss mo, isa ka sa mga nabaril sa pier ngayon.” “Huwag po kayong mag-alala. Sigurado naman na mas mabait ang Mommy ko kaysa sa kanila…” makahulugang sambit ni EJ. Tumingin siya sa anak at pasimpleng kumindat dito. Ramdam niyang gustong iligtas ng bata ang lalaking tumulong sa kanila kaya ganoon na lamang ang ginagawa niyang pagkumbinsi rito. Kung siya lang ang masusunod, balewala lang sa team nila Francis kung sakali mang mawala ang lalaking iyon. Pero para kay EJ, handa siyang magbigay ng excemption para kay Abel. “Alam mo kasi… Hindi ko masasabing naging perpekto ang security team namin kaya nga nagawang ma-kidnap ng grupo niyo ang anak ko. Pero ngayon, ikaw na lang mag-i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status