author-banner
Juvy Pem
Juvy Pem
Author

Novels by Juvy Pem

Ang Lihim ni Anastasia

Ang Lihim ni Anastasia

Biktima ng magulong nakaraan. Pinaglaruan ng kapalaran. Dapat bang siya ang sisisihin sa lahat ng kasalanan na hindi naman siya ang may gawa?  Si Anastasia ay isang ampon. Masayahin at mapagpakumbaba sa lahat. Ngunit sinubok ng tadhana ang kanyang katatagan. Pinaglaruan ng kanyang tinuturing na kapatid. Ibinenta sa isang estranghero. Pinagtabuyan at nabuntis.  Paano kung isang araw, muling magkrus ang landas nila ng lalaking pilit niyang kalimutan. Makikilala kaya niya ito?  Paano kung ang taong kanyang pinagkakatiwalaan at inalayan ng kanyang buong pagmamahal ay itatakwil siya sa araw mismo ng kanilang kasal. Magawa niya pa kayang patawarin ito?  May kaugnayan kaya ang nakaraan nina Anastasia at Vance Michael Enriquez? Sino ito sa buhay ni Anastasia. 
Read
Chapter: Chapter 128 - Julianna's tomb
Sunod-sunod na tanong ang pinakawalan ni Amber bago paman makapagsalita si Ashton. Naiwang nakabuka ang kanyang bibig sa gulat dahil sa mga tanong na hindi niya inaasahang marinig. Hindi niya akalain na ganun kalawak ang nasa isipan ng dalaga. Hindi siya kaagad nakasagot bagkos huminga siya ng malalim saka humarap sa labas upang mag-ipon ng lakas ng loob para sagutin lahat ng katanungan nito. Wala naman siyang balak na maglihim kay Amber sadyang naghihintay lang siya ng tamang panahon dahil gusto niya na sabay nilang harapin ang lahat ng problema. Naduwag siya noon. Nagpadaig sa galit kaya minabuti niyang makinig kay Jane na idiin si Amber dahil sa ginawa nito upang ipaghiganti si Julianna. Dahil doon hinayaan niyang masira si Amber at pinagbawalan niya ang lahat na may balak imbestigahan ulit ang kaso maging ang kanyang ina na paulit-ulit siyang kinumbinsi noon na hindi si Amber ang tunay na salarin. *** "Bakit ba masyado kang nagtitiwala sa babaeng 'yon ma'! Kilala mo ba siya? Ano
Last Updated: 2026-10-13
Chapter: Chapter 127 - Let's get married
Mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo ng imulat ni Amber ang kanyang mga mata. Muli siyang napapikit dahil sa kirot na naramdaman kaya kusang gumalaw ang kanyang kamay para hilutin ang sintido. Ilang minuto siya na nanatiling nakapikit habang nasa ilalim ng makapal na kumot. Ramdam niya ang panunuyo ng kanyang lalamunan kaya dahan-dahan uli siyang dumilat. Bago paman mapansin ang kanyang paligid lumaki na ang butas ng kanyang ilong sabay amoy sa kumot na nakatabon sa kanyang katawan. Maging ang kumot ay makapal. Bigla siyang bumangon. “Gosh! Nasaan ako?” Namutawi ng kanyang bibig. Sinipat niya ang kanyang sarili kung may damit pa nga ba siya ngunit sa kasamaang palad ay ....nakasuot na siya ng ternong pangtulog. Inilibot niya ang paningin sa malaking kwarto masyadong malayo ang disenyo nito sa hotel. Ngunit teka ang kasama naman niya kagabi ay si .... Ashton! “You're awake?”Nakatapis lang ng towel ang ibabang parte ng katawan ni Ashton habang papalapit sa kanya galing ito sa ban
Last Updated: 2026-10-02
Chapter: Chapter 126 - Jessie's love life
Samantala halos nabibingi na si Jessie sa katahimikan na namamagitan sa loob ng sasakyan. Wala siyang balak na magsalita. Total hindi naman niya kasalanan ang lahat. Andun pa rin ang inis niya dahil kasalanan ng lalaking ito kung bakit nagka-letse letse ang buhay niya ngayon. May maayos siyang trabaho sa Aeris Entertainment iniwan niya dahil sa lalaking ito. Buong akala niya ay hindi na niya makita ang pagmumukha nito ngunit maliit pala ang mundong ginagalawan nila. Inis na sinulyapan niya ang lalaki na sa isang tingin ay nagpipigil ng ngiti. May gana pa siyang ngumiti sa oras na'to? Hiyaw ng kanyang isipan. Dahil abala ang isip niya sa pag-e emote hindi na niya napansin ang daan kung saan na siya dinala ng lalaki. “Drop mo lang ako sa may cold store sa kanto…” Napalinga-linga siya sa labas ng sasakyan. Bakit parang ibang daanan ata itong tinatahak nila? “Stop the car! Ibaba mo na ako rito!” Utos niya sa matigas na boses. Ngunit para atang walang narinig ang lalaki. “Jeremy!”Galit!
Last Updated: 2026-09-09
Chapter: Chapter 125 - the drunk Amber
Pagkatapos ng hindi inaasahang pagtitipon ng buong pamilya ni Ashton nag-aya sina Aaron at Jeremy pumunta ng club kaya pinaunlakan naman niya ito dahil bihira na lamang niyang makasama ang kapatid mula noong pumasok ito sa mundo ng basketball. Kailangan niya rin ang alak ngayon dahil sa bigat ng kanyang dibdib. Halos napapalingon ang mga kababaihan sa tuwing papasok sila ng Infinite Club. Napailing na lang siya dahil halos nag-aaway ang mga waiter para lang mag-unahan sa pagsilbi sa kanila. May tatlong babae ang lumapit at umupo sa kanilang tabi para aliwin sila at pagsilbihan ng maiinom. Hindi pa nga uminit ang kanyang pwet sa upuan ng may mahagip ang kanyang paningin ang babaeng may hawak na basong may laman na alak. Nakangiti habang nakikipag kwentuhan sa kanyang kaibigan. Ngunit sa mga ngiti nito hindi pa rin maitatago ang bigat na dala-dala sa dibdib. Matyaga niyang sinubaybayan ang dalaga hanggang sa may lalaking lumapit dito at nakahawak pa mismo sa balikat nito. Gumalaw ang pa
Last Updated: 2026-08-11
Chapter: Chapter 124 - she meet the mysterious caller
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Jessie sa kaibigan at sa gwapong lalaki na nasa kanyang harapan. Hindi naman pahuhuli ang kagwapohan ng lalaki kompara kay Ashton pero kung sa appeal mas malakas ang hatak ni Ashton lalo na sa hitsura at awra. Matangkad din ang lalaking ito ngunit medyo patpatin ang katawan. Ngunit pansin niya ang awra ng lalaki na may kakaiba siyang nababasa. Nag-aalangan ang kanyang isipan kung mapagkakatiwalaan ba ang lalaking ito. Alam niyang may tama nang alak ang kaibigan kaya't ayaw niya itong iwan mag-isa lalo na't hindi niya kilala ang lalaking nasa kanyang harapan. Gulat at pilit na ngiti ang nakita niya sa mukha ng kaibigan kaya kailangan niya itong bantayan. “J-Jason?”Narinig niyang bigkas ni Amber saka dahan-dahang tumayo.Tumaas ang mala kontrabidang kilay ni Jessie dahil ngayon niya lang nakita ang lalaking ito sa tagal ng panahon na magkasama sila ng kaibigan. “Mukhang nagkatuwaan kayo ah! Mind if I join?” Narinig niyang tanong ng lalaki.Bumaling ang
Last Updated: 2026-08-02
Chapter: Chapter 123 - Amber meet her friend
Nakangiting sinalubong ni Anastasia ang bunsong anak na si Aaron. Niyakap niya ito ng mahigpit. Mahigit isang buwan na rin kasing hindi ito umuwi sa kanila dahil sa training nito bilang isang sikat na basketball player. “Anak, mabuti at nakauwi ka.” Walang pagsidlan ang tuwa ni Anastasia dahil sa hindi niya inaasahan maging buo ang kanyang pamilya ngayong araw. Masayang hinaplos ni Aaron ang kanyang likod at inakay siya nito patungo sa sofa.Nakita niyang umikot ang mga mata ng kanyang anak. Batid niyang nanibago ito sa mga nakita. Nakalakihan kasi ng kanyang pamilya ang paborito niyang kombinasyon ng kulay na sage green at terracotta na nakakarelax sa mga mata at maging ang disenyo ng sala ay nagbago. Ang lahat ay pinalitan ng dark navy at gold. “Mahigit isang buwan lang akong nawala nagbago na ang lahat dito sa mansyon? Kelan mo pa na-appreciate ang gold mom? Sabi mo noon ayaw mo ng masyadong elegante na bahay.” Puna ni Aaron sa mga nakitang pagbabago sa paligid. Nagkatinginan
Last Updated: 2026-06-18
We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )

We'll Be Counting Stars ( The Billionaire Series 3 )

Walang kaawa-awang pinalayas ng kanyang step-mother si Luna, dahil hindi na sila mapapakinabangan nito. Ang ama niya ay nakaratay sa hospital dahil sa sakit na cancer. Kaya dahil dito biglang lumubog ang negosyo nila at nagkabaon-baon sila sa utang. Lumaki si Luna Marie sa magarbo at maluhong buhay, kaya hindi siya sanay sa biglang pagkalugmok ng kanyang buhay. Ang dating buhay prinsesa ngayon ay nasa lansangan na at hindi alam kung saan hihingi nang tulong.   Si Adrian De Vera ay minsan ng nakaranas ng pang-aalipusta mula mismo kay Luna at sa harapan pa ng mga kaibigan nito. Paano kung ang babaeng minsan nang nagpahiya sa kanya ay matagpuan niya sa lansangan at walang mapuntahan. Makakaya niya kayang pabayaan? O, 'di kaya'y kanyang tutulungan.    Si Luna ay walang kaalam-alam sa totoong pagkatao ni Adrian. Hihingi man siya ng tawad sa lalaki ngunit huli na ang lahat. Dahil ang lalaking minsan niyang pinagtawanan at kinutya ay malayo pala sa kanyang inakala ang katayuan nito sa buhay.  Paano paglapitin nang tadhana ang dalawang nilalang na may madilim na nakaraan. Huli na ba ang lahat para sa dalawa? At paano magbago ang isang katulad ni Luna na lumaki sa masaganang pamilya? Abangan ang kwento ni Adrian at Luna Marie. 
Read
Chapter: Chapter 45 - Mercedes meets Canor
Nagkatinginan ang mag-inang sina Arianna at Mercedes. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila ngayon sa kanilang harapan. Napalingon si Mercedes sa paligid. Marami ng mga taong dumarating papasok sa restaurant. Kung mag-iiskandalo sila ngayon dito ay mas lalong magagalit si Adrian sa kanyang anak. Nanlalambot ang katawan at ramdam n'ya ang pawisang mga palad. Dahan-dahan nilang sinalubong ang matandang lalaki na matalas ang tingin sa kanilang dalawa. Nanggigil si Mercedes dahil ang akala n'ya ay p*t*y na ang matandang ito. Ngunit matikas pa rin ang tindig nito na nakatayo sa kanilang harapan ngayon. Mabilis itong nakalapit sa kanila habang nakangisi. "Hayop ka! Ba't buhay ka pa? Ano na naman bang gusto mo?" galit niyang singhal sa lalaki. "Wala kang kasing sama! Alam kong ikaw ang bumaril sa akin! Magmaang-maangan ka pa? Hindi ko akalain na hindi mo tutuparin ang pangako mo sa akin, Mercedes. Pinabayaan mo ang nag-iisang anak ni Sir! Hindi kita mapapatawad! Pagbabayaran mo ang
Last Updated: 2023-10-20
Chapter: Chapter 44 - Adrian's back to Manila
Nakaupo at nakapatong pa sa tuhod ang baba ni Luna habang nakaharap sa mga manok at pato na pinapakain ng kanyang lolo sa kanilang bakuran. Mamasa-masa pa ang paligid dahil sa magdamag na naman na ulan. Tulog pa ang kanyang anak. Samantalang sila ng kanyang lola ay humihigop ng kapeng barako sa kusina. Bukas ang harapan ng kusina kaya makikita ang kanilang bakuran kung nasaan ang kanyang lolo. Nasanay s'ya sa kape na mano-manong ginawa ng kanyang lolo. Masarap kasi inumin sa umaga masyadong aroma. "Apo, hindi ka ba papasok sa trabaho mo?" nagtatakang tanong ng Lola Sonia niya. Magkaharap silang nakaupo sa upuang yari sa kahoy habang humihigop ng kape. May pagtataka ang rumehistro sa mukha nito. Naibaling n'ya sa mga manok ang kanyang tingin bago sumagot dito. "Mag-resign na ako sa hotel, La." diretso niyang sagot sa matanda. Naramdaman niya ang malungkot na tingin ng kanyang lola. "La, huwag mo akong tingnan ng ganyan. Iiyak ako sige ka. Maaga pa." natatawa na maiiyak niyang sa
Last Updated: 2023-05-09
Chapter: Chapter 43 - The Party
Biglang tumigil ang mundo ni Luna. Parang namanhid ang kanyang buong katawan. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. Pinaglalaruan ba s'ya ni Adrian? Bakit kailangan nitong gawin ang mga bagay na ito? Tahimik na ang kanyang mundo kasama ang anak. Mayroon s'yang maayos na trabaho sa hotel na ito para masuportahan ang kanilang anak. Pero bakit ngayon parang lahat ng ito ay unti-unting magbabago dahil lang sa lalaking ito? Naikuyom ni Luna ang kanyang kamao. Pigil-hininga na tinungga n'ya ang halos kalahating baso ng champagne sa lamesa. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa baso. Kulang nalang ay mabasag n'ya iyon sa galit. Hindi na n'ya pinatapos pa ang speech ni Adrian. Umalis siya sa kanyang kinatatayuan. Nag-aalala namang susundan sana s'ya ni Hazel ngunit pinigilan n'ya ang kaibigan dahil nais n'yang mapag-isa. Dinala s'ya ng kanyang mga paa sa harap ng malaking landscape sa bandang likod ng hotel. Hindi siya masyadong makita ng mga dumadaan dahil may naka
Last Updated: 2023-04-26
Chapter: Chapter 42 - The new owner
Halos nagdadalawang-isip na pumasok si Luna kinabukasan. Matamlay ang kanyang pakiramdam dahil hindi s'ya nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Maingat s'yang tumayo upang hindi magising ang kanyang munting prinsesa. Kinintalan muna n'ya ito ng halik sa noo bago s'ya tumayo mula sa kama upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Inilagay muna n'ya ang susuotin para sa party mamaya sa isang bag saka mabilis na naggayak. Habang sakay ng traysikel patungo sa sakayan ng jeep. Hindi n'ya mapigilan ang manalangin na sana ay walang mangyayaring katulad kagabi ngayong araw hanggang sa makauwi s'ya sa kanilang bahay mamayang gabi. Ayaw n'yang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang anak. Lalo na kapag si Adrian ang kanyang kaharap. Hindi pa nga dumating ang oras ng party ay kinakabahan na s'ya. Hindi n'ya maiwasang isipin na baka a-attend mamaya sa party ang lalaki. "Hey! Ready kana ba para sa party mamaya?" untag ni Hazel sa kanya habang abala s'ya sa pagtitipa sa kanyang computer.Nagkibit-balika
Last Updated: 2023-04-11
Chapter: Chapter 41 - She's surprised
Biglang nahipnotismo si Luna nang makitang nakatitig si Adrian sa kanya habang nakatayo ito sa kanyang harapan. Hindi n'ya naramdamang iginiya s'ya nito papunta sa sasakyan nito. Ngunit nahimasmasan s'ya bago paman s'ya nakapasok sa loob ng sasakyan. "T-Teka! Mr. De Vera! Anong ginagawa mo?" nabigla n'yang tanong sa lalaki.Ngunit sa halip na sagutin s'ya nito ay bigla s'yang itinulak papasok sa front seat ng sasakyan. Napangangang sinundan n'ya ng tingin ang lalaki na umupo sa driver seat. Kibit-balikat itong tumingin sa kanya ng makita s'yang nakaawang ang bibig. "I told you earlier right? So... here we are. We need to talk, okay? What do you want for dinner?" sunod-sunod nitong saad habang naglalagay ng seatbelt.Saka na n'ya naalala ang sinabi nito kanina. Ang buong akala n'ya ay nakalimutan na nito iyon ngunit ...maling akala lang pala ang lahat. Anong gagawin n'ya? Magsisigaw s'ya upang makakuha ng atens'yon at nang makatakas s'ya sa lalaking ito? No, no, no ! Mali, mali! B
Last Updated: 2023-02-21
Chapter: Chapter 40 - Long time no see
Nagulat si Luna nang may tumapik sa kanyang balikat. Bigla s'yang napalingon sa kanyang likuran. Nakita niya ang nagtatakang mukha ng kaibigang si Hazel. "Anyare saiyo? Bigla ka nalang natulala riyan?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "Ha? Eh! Naalala ko lang ang nangyari kagabi." palusot niya rito. Napailing ito. "Girl, hindi ka pa rin ba nakaka-move on doon? I'm sorry, okay? Hindi ko naman kasi alam na magkakilala kayo ng pinsan ko." bahagyang lumungkot ang mukha ni Hazel nang maalala ang ginawa nito sa kanya. "Haist, mamaya na yang pag-e-emote mo riyan. Sayang ang make-up mo. Mukhang may pinaghandaan ka pa naman." nakangisi niyang sagot sa kaibigan. "Oi girl! Alam mo bang sabi ng mga marites dito na kasamahan natin napakagwapo raw ng bisita natin ngayon. At bukod doon, binata pa raw!" excited nitong balita sa kanya. Nagkibit-balikat na lamang siya sa tinuran ng kaibigan. Ano naman ngayon kung gwapo. May mapapala ba siya roon? Hiyaw ng kanyang isipan. Pero bakit iba ata
Last Updated: 2023-02-15
You May Also Like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status