Nakaupo at nakapatong pa sa tuhod ang baba ni Luna habang nakaharap sa mga manok at pato na pinapakain ng kanyang lolo sa kanilang bakuran. Mamasa-masa pa ang paligid dahil sa magdamag na naman na ulan. Tulog pa ang kanyang anak. Samantalang sila ng kanyang lola ay humihigop ng kapeng barako sa kusina. Bukas ang harapan ng kusina kaya makikita ang kanilang bakuran kung nasaan ang kanyang lolo. Nasanay s'ya sa kape na mano-manong ginawa ng kanyang lolo. Masarap kasi inumin sa umaga masyadong aroma. "Apo, hindi ka ba papasok sa trabaho mo?" nagtatakang tanong ng Lola Sonia niya. Magkaharap silang nakaupo sa upuang yari sa kahoy habang humihigop ng kape. May pagtataka ang rumehistro sa mukha nito. Naibaling n'ya sa mga manok ang kanyang tingin bago sumagot dito. "Mag-resign na ako sa hotel, La." diretso niyang sagot sa matanda. Naramdaman niya ang malungkot na tingin ng kanyang lola. "La, huwag mo akong tingnan ng ganyan. Iiyak ako sige ka. Maaga pa." natatawa na maiiyak niyang sa
Nagkatinginan ang mag-inang sina Arianna at Mercedes. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila ngayon sa kanilang harapan. Napalingon si Mercedes sa paligid. Marami ng mga taong dumarating papasok sa restaurant. Kung mag-iiskandalo sila ngayon dito ay mas lalong magagalit si Adrian sa kanyang anak. Nanlalambot ang katawan at ramdam n'ya ang pawisang mga palad. Dahan-dahan nilang sinalubong ang matandang lalaki na matalas ang tingin sa kanilang dalawa. Nanggigil si Mercedes dahil ang akala n'ya ay p*t*y na ang matandang ito. Ngunit matikas pa rin ang tindig nito na nakatayo sa kanilang harapan ngayon. Mabilis itong nakalapit sa kanila habang nakangisi. "Hayop ka! Ba't buhay ka pa? Ano na naman bang gusto mo?" galit niyang singhal sa lalaki. "Wala kang kasing sama! Alam kong ikaw ang bumaril sa akin! Magmaang-maangan ka pa? Hindi ko akalain na hindi mo tutuparin ang pangako mo sa akin, Mercedes. Pinabayaan mo ang nag-iisang anak ni Sir! Hindi kita mapapatawad! Pagbabayaran mo ang
The students in Dela Paz University, gathering at the expansive lounge at the moment. This is one of the most prestigious schools in the Philippines, located at Zion Avenue, Maharlika, Metro Manila.One of them is Luna and her two friends. Luna is fond of receiving a challenge from her friends. She don't care what other says. The important thing is that, she's capable in doing it. "Sige nga, kung kaya mong gawin 'yan diyan sa lalaking parating na may dalang order natin." Nanghahamong saad ni Beatriz kay Luna. There she goes again, bullying is one of her expertise. Nakaupo sila sa nakahilirang mga mesa't upuan, habang naghihitay ng order nila mula sa isang mamahaling restaurant. "Naku! Huwag mo akong hamunin Beatriz, hindi kita uurongan." tumatawang sagot ni Luna. "Okay, game! Ayusin mo gurl, kailangan yung tumatak sa isipan nilang lahat!" ngumuso ito sa mga estudyanteng nasa paligid nila. "You said, then. I'll do my best, total ga-graduate na tayo ilang buwan nalang." s
"No! This is impossible! Hindi puwedeng babagsak ang kompanya ni dad, pinaghirapan n'yang itayo ito!" Umiiyak na sigaw ni Luna. Kausap siya ng isa sa pinagkakatiwalaan ng kanyang ama sa kompanya. "Wala na akong magagawa pa iha. May malubhang sakit ang daddy mo. Halos nagpull-out na lahat ng investors kasi walang kasiguraduhan kung magiging stable pa ba ang takbo ng kompanya." Malungkot na saad ni Attorney Reyes kaibigan din ito ng kanyang ama. Nakaratay ang kanyang ama sa hospital halos tatlong buwan na rin, dahil sa sakit na lung cancer at may taning na ang buhay nito. Itinago ng kanyang ama ang karamdaman nito, dahil sa takot na patalsikin ito bilang Presidente ng Salvacion Construction Services Company. Hindi alam ni Luna kong ano ang gagawin. Nasa kompanya siya ng mga oras na iyon. Pinasadahan niya nang tingin ang opisina ng ama. Halos kasing-laki ito ng kwarto niya sa bahay. Napaka-simple ng opisina nito dahil isa din itong simpleng tao. Sa harap ng mesa nito, may sofa at lame
Nagulat si Luna dahil kahit ang atm card niya ay naka-freeze. Ano ba ang nangyayari? Naguguluhan s'yang napaupo sa bakanteng upuan sa tabi ng park. Pakiramdam ni Luna isa na siyang pulubi sa lansangan. Nag-scroll-up and down siya sa mga friend list niya at sinubukang tawagan, ngunit ni isa sa kanila walang sumasagot. Nawalan na siya ng pag-asa. Tumulo ang kanyang mga luha habang nakayuko at nilaro-laro ang kanyang mga daliri. Nag-iisip siya ng paraan, saka niya naalala ang mga gamit na pwedeng isanla at ibenta, ngunit hanggang magkano lang ang aabutin ng mga ito. Dahil alam n'yang tatawaran din s'ya ng mga buyers if ever na ibenta n'ya. Mayroon pang bill sa hospital ng kanyang ama na kanyang inaalala. 'Laban lang Luna makakaraos ka rin,' bulong niya sa sarili. Kakatapos lang na pirmahan ni Adrian lahat ng papeles sa mesa ng tumawag ang kanyang ina. "Mom! Napatawag po kayo?" "Son, can you come back home early tonight?" Pakiusap ng kanyang ina na si Jenny. "Bakit po anong meron mo
Nanatiling nakatitig si Adrian sa monitor ng CCTV sa kanyang computer, habang pinagmamasdan ang bawat galaw ni Luna. Halatang pumayat ito, kahit mukhang haggard ang mukha lumilitaw pa rin ang angking ganda nito. Napakurap si Adrian sa iniisip, nakalimutan mo na ba ang ginawa niya saiyo? Sigaw nang isipan niya, nakarinig siya nang mahinang katok sa pinto at bumungad ang kanyang secretary na si Josie Abad. "Sir Adrian, ready na po ang conference room." Wika nito sa kanya. "Okay, thanks Josie."Habang nasa gitna ng meeting hindi niya magawang makinig sa mga report ng mga managers, dahil ang babaeng 'yon ang laman ng isipan niya. Mula noong nakita niya ito sa park ay nakaramdam siya nang awa rito. Nakita niya itong nakaupo at nakatitig sa mga daliri nito. Nakaramdam siya nang konsensya dahil, inutusan niya ang manager ng restaurant na pahirapan ito. Hindi niya inaasahan na ganito kalala ang kahihinatnan ng dalaga. Natapos na lang ang monthly meeting, ngunit ni isa walang pumasok sa isi
Tiim bagang na napasunod ang kanyang paningin sa lalaki. Hindi siya makapaniwala na nakaharap siya nang ganitong lalaki sa buong buhay niya. Sabagay, sanay kasi siya na laging lalaki ang lumalapit at ibinibigay lahat ng kanyang gusto. Pero ngayon nagbago na ang panahon, siya na ang may kailangan. Kaya mahirap mang gawin kailangan niyang ibaba ang kanyang pride. Humakbang siya palapit dito. Nakaupo ito sa single chair malapit sa glass wall. "I'm sorry sir. Nabigla lang po ako. Hindi ko naman po kasi kasalan ang nangyari kanina. Nasa trabaho po ako pero pilit niyang idinadawit ang personal naming problema." Paliwanag niya sa lalaki na patuloy sa paglagok ng inumin nito. "I don't care about your personal problem. And please, next time be professional in front of our costumers. Hangga't kaya pa nang pasensya mo, pakibagayan mo sila." sagot nito sa kanya.Labag man sa kalooban, dahil hindi siya sanay na inaapakan siya wala siyang choice kundi umayon dito."Okay sir." "You can go
Maaliwalas ang mukha ni Adrian nang pumasok siya sa main building ng De Vera Holdings. Binati siya ng mga nakasalubong na mga empleyado ng kanilang kompanya. Nakasunod si Nikko sa kanya na pinagtitinginan din ng mga empleyado dahil sa kakisigan nito at gwapo na hindi pahuhuli kay Adrian. Wala silang imikan habang nasa elevator. Dalawa lang sila sa loob dahil nahihiyang sumakay ang mga babaeng empleyado na nag-aabang sa elevator. Pagdating nila sa malawak na opisina ni Adrian, mabilis niyang tinanggal ang kanyang suot na dark blue suit bago umupo sa kanyang swivel chair. Abala naman si Nikko sa pagbuklat sa mga hawak nitong files upang basahin ang schedule ni Adrian para sa araw na iyon. Nakatayo ito sa harap ng malapad na glass table ni Adrian. Hind nito napansin ang matalas na mga mata ni Adrian na nakatutok dito. "Huh!" Biglang nagsalita si Adrian na ikinagulat ni Nikko. Napahawak si Nikko sa suot na salamin sa mata nang mapansin ang kakaibang tingin ni Adrian sa kanya. "Is