Chapter: CHAPTER 67"What do you think Babe?" tanong ko habang inaayos ang suot ko.Ngayon ang schedule ng interview ko at halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sobrang kaba. Tinawagan ko pa si Nikka para magpatulong kung ano ang maganda na susuotin ko kasi gusto ko magbigay ng magandang impresyon. Sa mga pinasahan ko ng resume ito pa lang ang tumawag para sa interview kaya naman ganoon na lang ang tuwa ko. Magkahalong excitement, kaba at kaunting takot ang nararamdaman ko mula pa kahapon. Kahit alam kong hindi sang-ayon si Axel sa paghahanap ko ng trabaho ay hindi naman niya ako pinagbawalan o pinigilan. "Babe, okay na ba Ito?" tanong ko at hinintay ko ang reaksyon niya."Babe," malambing na tawag ko sa kanya at hindi pa rin siya nagpatinag."Axel Maverick Rodriguez!" tawag ko sa kanya pero mas malakas at may diin. Tiningnan niya ako at sinenyasan ko siya na tingnan muna ako. Binaba niya ang binabasa niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakangiti na umikot pa ako para mas makita
Last Updated: 2025-09-14
Chapter: CHAPTER 66Pinilit ko tanggalin sa isip ko lahat ng mga narinig ko sa banyo kanina. Ilang beses naman na pinaalala sa akin ni Nikka na may maririnig talaga ako na hindi maganda tungkol sa amin ni Axel kaya dapat ihanda ko ang sarili ko. Kung ano man ang nasa isip at sinasabi nila ay opinyon nila iyon. Ayoko masira ang gabing ito at gusto ko lang na mag-enjoy kami ni Axel dahil ito ang unang pagkakataon na pinakilala niya ako sa lahat. Hindi ko naramdaman na kinakahiya niya ako kapag pinapakilala niya ako. Hangga't maari ay ayoko na mag-aalala si Axel at makadagdag pa sa isipin niya. "Nasaan po si Axel?" tanong ko kay Ms. Sales pagbalik ko sa table namin pagkatapos ko siya hanapin sa paligid.Hindi ko namalayan na matagal pala ako nawala. Nagtaka ako ng hindi ko siya makita sa pwesto namin kaya tumingin ako sa paligid para hanapin siya. Hinanap ko rin ang Papa ni Axel at nakita ko siya na may kausap sa hindi kalayuan kaya kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala ko. Ramdam ko kasi ang tensyon sa
Last Updated: 2025-08-22
Chapter: CHAPTER 65Habang ipinapakilala ako ni Axel sa mga staff ng foundation ay ramdam kong nakasunod ang mga mata ni Charmaine sa amin. Hindi talaga umalis sa tabi ko si Axel at halos ayaw na niya bitawan ang isang kamay ko. Napansin ko na pasimpleng umiiwas si Axel sa dalaga kaya kahit paano ay nabawasan na ang inis na nararamdaman ko kanina. Tuwang-tuwa ako sa mga beneficiary ng foundation lalo na sa mga bata na halatang malapit na malapit kay Axel. Sobrang dami ng natulungan ng foundation at bakas sa mga mukha nila ang saya. Bukod kasi sa medical assistance ay binibigyan din ng scholarship ang mga bata para makapag-aral at ang iba naman ay binigyan ng trabaho sa kumpanya. Nakakatuwa isipin na ang iba sa mga staff ay mga nakapagtapos sa tulong ng foundation at ngayon ay sila naman ang tumutulong sa iba. "Sana Althea ay makabisita ka rin sa amin para naman makita mo ang foundation. Matutuwa rin ang mga bata na makasama ka nila," sabi ni Ms. Sales ang in-charge sa foundation at napatingin ako kay Ax
Last Updated: 2025-08-11
Chapter: CHAPTER 64"Where here, Babe!" narinig ko na sabi ni Axel at napatingin ako sa kanya.Dahil sa sobrang kaba ko hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa Hotel. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon na hindi ko maipaliwanag. Ramdam kong pinagpapawisan ang mga palad ko sa sobrang kaba. Sumisikip din ang dibdib ko at ang bilis ng tibok nang puso ko. Pakiramdam ko ay bumaliktad ang sikmura ko na hindi ko maipaliwanag. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito."Babe," kinuha niya ang dalawang kamay ko saka pinisil iyon at huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko."I understand if you don't want to go. We can just go back and forget this -"Okay lang ako Babe. Kinakabahan lang ako kasi ngayon lang ako makaka-attend sa ganitong event bilang guest," putol ko sa sinasabi niya at nag-aalala na tiningnan niya ako."Okay lang talaga ako Babe," nakangiti na sabi ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko."Huwag kang mag-alala dahil kasama mo naman ako at hindi ako aalis sa tabi m
Last Updated: 2025-07-31
Chapter: CHAPTER 63"Huwag na kayo ako tumuloy?" puno ng alanganin na tanong ko habang nakatingin sa salamin at tiningnan ako nang masama ni Nikka.Gusto niyang makasigurado na okay ang itsura ko kaya nagpumilit siya na pumunta sa bahay habang inaayusan ako. Siya rin ang naghanap ng mag-ayos sa akin at pumayag naman si Axel. Sa tingin pa nga ni Axel ay magandang ideya iyon. Kaya ko naman mag-ayos pero gusto ni Nikka na maging perfect ang kalalabasan. Hindi ko tuloy Alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto sa ginawa niya."Gusto mong kalbuhin ko ang kilay mo?" nakataas ang isang kilay na tanong niya at huminga ako nang malalim.Kakaalis lang ng mga kaibigan niya na nag-ayos sa akin. Tinanong ko siya kung magkano pero sinabi niya na si Axel na ang nagbayad. Sobrang galing nila at talagang napaka-professional nila. Kagabi pa talaga ako hindi mapakali pero pinipilit ko iyon itago kay Axel dahil aam ko na totohanin niya ang sinabi niya na hindi siya pupunta kung hindi ako sasama. Nabanggit sa akin ni Mr. Jay ku
Last Updated: 2025-07-22
Chapter: CHAPTER 62Ngayon lang ulit kami magkikita ni Nikka at sigurado na marami kaming pag-uusapan. Naging busy na kami siya sa work at ako naman sa paghahanap ng trabaho. Pagkalipas ng ilang oras ay nasa labas na ako ng building at naghihintay ng taxi papunta sa Mall kung saan kami magkikita ni Nikka. Habang nakasakay ako sa taxi ay nakatanggap ako ng message galing kay Nikka kung saan kami magkikita para hindi na ako mahirapan na hanapin siya. Pagpasok ko sa restaurant ay nakita ko na agad siya kaya naglakad na ako papalapit sa kanya."Kanina ka pa?" tanong ko pagtapik ko sa balikat niya.Nakangiti na lumingon siya sa akin saka tumayo para batiin ako. Nagbeso na muna kami saka nagyakapan na para bang ang tagal-tagal na naming hindi nagkita. Ang huling pagkikita namin ay noong mismong araw na umalis ako sa kumpanya. Tinulungan niya ako sa mga gamit ko at kumain kami sa labas bago ako umuwi. Hindi naman kami nawalan ng communication dahil lagi niya ako kinakamusta."Kadarating ko lang naman," tugon ni
Last Updated: 2025-07-11
Chapter: Chapter 90 “Nakalima na tayo siguro naman sure na iyan,” sabi ni Joshua habang naglalakad ako pabalik-balik sa kwarto at banyo.“Pwede ba Queen tumigil ka sa paglalakad mo nahihilo na ako sa pinaggagawa mo,” sabi naman ni Danica at tumigil ako saka huminga ng malalim.Ilang araw na kasi na kakaiba ang nararamdaman ko at ng sabihin ko sa kanila ay agad sila bumili ng pregnancy test. Natawa pa nga ako sa naging reaksyon nila. Sinabi ko na imposibleng mangyari dahil gumagamit kami ng proteksyon pero bigla ko naalala ang isang gabi na nakalimutan namin. Kauuwi lang niya galing Hong Kong at dahil halos isang linggo siya roon ay sobrang na miss namin ang isa't isa. Hindi na kami nakapag-kontrol at nakalimutan naming gumamit ng proteksyon. Binalewala ko lang iyon dahil minsan lang naman iyon nangyari. Irregular naman ako kaya hindi ko rin pwedeng gawin na basehan ang menstruation ko. Napansin ko kasi na madalas masama ang pakiramdam ko at lagi akong pagod kahit wala naman ako masyadong ginagawa. Naging
Last Updated: 2024-10-07
Chapter: Chapter 89“Babe, what time nga ba ang dating nila?” tanong ko habang nasa banyo ako.“After lunch pa Babe ang dating nila,” narinig ko na sagot niya.Dito sa Boracay namin napili na mag-honeymoon pero next month ay plano namin pumunta ng Singapore para magbakasyon kasama si Queennie. Doon namin i-celebrate ng birthday niya at tuwang-tuwa siya ng sabihin namin sa kanya. Gusto namin samantalahin ang panahon dahil ilang buwan na lang ay papasok na si Queennie. Tinotoo talaga ni Mark ang sinabi niya na babawi siya sa akin dahil pang dalawang araw na namin dito pero halos nasa loob lang kami ng room. Napag-usapan na susunod sina Danica, Dominic, Joshua, Jack, Nanay Salud at Queennie para naman magkakasama kami na magbakasyon. Maaga kami gumising para may oras pa kami na asikasuhin ang lahat bago sila dumating. Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko si Mark na inaayos ang breakfast namin. Nilapitan ko siya at yinakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. “Sige ka Babe baka mas
Last Updated: 2024-10-04
Chapter: Chapter 88“You look stunning!” sabi Joshua habang nakatingin habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.Sobrang bilis ng mga pangyayari dahil sa loob lang ng anim na buwan mula ng mag-propose si Mark sa akin ay ang dami ng nangyari. Inasikaso muna namin ang pagbili ng mga gamit sa bahay na lilipatan namin. Gustong-gusto na kasi ni Queennie na makalipat na kami ng bahay kayo iyon muna ang inuna namin. Tinanong ako ni Mark kung gusto ko ba mag-hire ng interior designer para hindi na ako mahirapan sa pag aasikaso pero mas gusto ko na kaming tatlo ang mag-decide kung anong gamit ang bibilhin namin. Nahirapan lang naman ako sa pagpili dahil lahat ng suggestions ko ay oo lang ang sagot ni Mark. Pinaubaya niya sa akin ang lahat mula sa mga design at mga kagamitan. Sa loob ng isang buwan ay makumpleto namin lahat ng kailangan sa bahay pati na rin ang konting renovation. Apat ang kwarto plus dalawa ang guest room sa bahay, may malaking receiving area at malaking kusina. Pagkatapos namin ipa-bles
Last Updated: 2024-10-03
Chapter: Chapter 87“Congratulations sa inyong dalawa sobrang saya namin dahil sa wakas ay magiging masaya na kayo,” sabi ni Danica at niyakap ko siya ng mahigpit.Sobrang saya ng araw na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Buong akala ko ay mag-dinner lang kaming tatlo pero may iba pala siyang plano. Napansin ko na ang kakaibang kinikilos ni Nanay Salud pati na rin ang mga kaibigan ko pero hinayaan ko lang sila. Nagulat ako ng makita ko ang singsing at susi sa box na inabot niya. Saglit ako natigilan dahil iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya pero mas nangibabaw ang kasiyahan. Nakaramdam din ako ng alinlangan kasi inisip ko na ginagawa lang niya ito dahil sa bata. Kalaunan ay tinanggap ko dahil iyon ang sinasabi ng puso ko at kahit ano pa ang dahilan niya ay gusto ko mabuo ang pamilya ko. Hindi ko na maitatanggi na mahal na mahal ko pa rin siya at ayoko ng itago pa ang nararamdaman ko. Ayokong pakawalan ang pagkakataon na ito na makasama
Last Updated: 2024-10-01
Chapter: Chapter 86“Pa, what do you think?” tanong ko at nakangiti na tumango siya.“Sobrang saya ko dahil nakikita kon na masaya ka na ulit. Nag-aalala talaga ako dahil buong akala ko Hindi na kita makikita na ganyan kasaya. Ano man ang maging desisyon mo nandito lang ako para suportahan ka. You are a great person Mark don't make the same mistake I did before,” sabi niya at yinakap ko siya ng mahigpit. Pagkalipas ng halos anim na buwan ay natapos ba rin ang pinagawa kong bahay. Matagal ko na siyang plano ipagawa pero naiisip ko na useless kung ako lang mag-isa ang titira pero nagbago iyon ng makilala ko si Queennie. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng malaman ko na anak ko siya. Nakaramdam din ako ng galit, sakit at lungkot ng malaman ko mula sa private investigator ang tungkol sa kanya. Pero higit sa lahat ay nangibabaw sa akin ang saya at mas may dahilan na ako para makasama ulit si Queensley. Kilala ko siya the more na pipilitin ko siya the more na lalayo siya sa akin kaya pumayag ako sa lahat ng k
Last Updated: 2024-09-28
Chapter: Chapter 85“Mommy pwede po ba kami maglaro ni Daddy sa playground?” paalam ni Queennie pagpasok niya sa kusina at napatingin ako sa kanya.Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga gulay na gagamitin sa lulutuin na ulam mamayang tanghali. Katatapos lang namin mag-almusal at abala na ang lahat sa mga nakatoka na gagawin. Lahat ng bata sa bahay ampunan ay tinuruan ng gawaing bahay kaya hindi na sila kailangan utusan dahil alam na nila ang mga gagawin. Nakakatuwa dahil namumunga na ang mga tinanim na gulay ni Eugene sa mini garden niya kaya kahit paano ay nakakatipid sa gastusin. “Okay Baby kapag dumating siya,” nakangiti na sagot ko.Parang on cue ay biglang pumasok si Mark at nagkatingin kaming dalawa. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya umiwas agad ako ng tingin. Mahigit isang buwan na ang lumipas mula noong nalaman niya ang tungkol kay Queennie at almost every other day ay nandito siya. Minsan nga ay binibiro pa siya ni Nanay Salud dahil kulang na lang ay dito na siya tumira. Hi
Last Updated: 2024-09-26