Share

CHAPTER 68

last update Last Updated: 2025-09-19 21:55:46

"Napatawag ka Niks?" tanong ko pagkasagot ko sa tawag ni Nikka.

"Gusto ko lang kumustahin kung natuloy ka," tugon niya at napakakunot-noo ako.

"Nakasakay na ako ng taxi at sana lang hindi ako abutan ng traffic. Bakit naman hindi ako matutuloy?" nagtataka na tanong ko sa kanya.

"Ano pala reaksyon ni Papa Axel?" tanong niya pagkalipas ng ilang segundo na katahimikan.

"Ayun parang bata na ayaw magpaiwan hindi ko nga alam kung maiinis ba ako sa kanya o matatawa. Ewan ko ba doon magtatatrabaho lang naman ako Pero kung makaasta akala mo mawawala ako," natatawa na sagot ko.

"Nasanay na kasi siya sa set-up ninyo kaya siya ganoon atsaka -

"Hindi ko naman kailangan mag-trabaho dahil kayang-kaya niya ibigay lahat ng kailangan ko." dugtong ko sa sasabihin niya.

Kabisado ko na ang sasabihin niya kasi paulit-ulit ko na naririnig ang mga salitang iyon at iisa lang din naman ang sagot ko. Ilang taon ako nabuhay na walang inaasahan kung hindi ang sariii ko kaya nasanay na ako kumita ng pera. Mula pa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
ikaw pala Edu natural ayaw nya masakran si Axel
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Never let you go   CHAPTER 69

    "Kumusta na kaya siya? Ano na kayang nangyari?" tanong ko habang nilalaro ang ballpen sa kamay ko.Wala naman akong duda sa kakayahan ni Althea dahil lahat na ata ng bagay kaya niyang gawin. Isa sa mga character niya na sobrang hinangaan ko ang pagiging independent niya dahil hindi siya umaasa sa ibang tao Pero minsan iyon din ang kinaiinisan ko. Marami akong gusto gawin at ibigay sa kanya pero lagi niya tinatanggihan na minsan ay pinagtatalunan pa namin. "I just hope everything is okay," bulong ko at napabuntong-hininga ako.Hindi na sana ako pupunta sa office pero tumawag si Jay para ipaalam na may kailangan akong pirmahan na mga papeles na urgent. Ang plano ko kasi ay hintayin na lang si Althea sa bahay dahil may usapan kami na lalabas mamaya pagkatapos ng interview niya. Nag-message naman ako sa kanya na pupunta ako ng office at sabihan Niya ako once na tapos na siya para magsundo ko siya. Gusto ko sana siya pigilan na umalis kanina Pero ayokong isipin niya na makasarili ako. Sa

  • Never let you go   CHAPTER 68

    "Napatawag ka Niks?" tanong ko pagkasagot ko sa tawag ni Nikka."Gusto ko lang kumustahin kung natuloy ka," tugon niya at napakakunot-noo ako."Nakasakay na ako ng taxi at sana lang hindi ako abutan ng traffic. Bakit naman hindi ako matutuloy?" nagtataka na tanong ko sa kanya."Ano pala reaksyon ni Papa Axel?" tanong niya pagkalipas ng ilang segundo na katahimikan."Ayun parang bata na ayaw magpaiwan hindi ko nga alam kung maiinis ba ako sa kanya o matatawa. Ewan ko ba doon magtatatrabaho lang naman ako Pero kung makaasta akala mo mawawala ako," natatawa na sagot ko. "Nasanay na kasi siya sa set-up ninyo kaya siya ganoon atsaka -"Hindi ko naman kailangan mag-trabaho dahil kayang-kaya niya ibigay lahat ng kailangan ko." dugtong ko sa sasabihin niya.Kabisado ko na ang sasabihin niya kasi paulit-ulit ko na naririnig ang mga salitang iyon at iisa lang din naman ang sagot ko. Ilang taon ako nabuhay na walang inaasahan kung hindi ang sariii ko kaya nasanay na ako kumita ng pera. Mula pa

  • Never let you go   CHAPTER 67

    "What do you think Babe?" tanong ko habang inaayos ang suot ko.Ngayon ang schedule ng interview ko at halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa sobrang kaba. Tinawagan ko pa si Nikka para magpatulong kung ano ang maganda na susuotin ko kasi gusto ko magbigay ng magandang impresyon. Sa mga pinasahan ko ng resume ito pa lang ang tumawag para sa interview kaya naman ganoon na lang ang tuwa ko. Magkahalong excitement, kaba at kaunting takot ang nararamdaman ko mula pa kahapon. Kahit alam kong hindi sang-ayon si Axel sa paghahanap ko ng trabaho ay hindi naman niya ako pinagbawalan o pinigilan. "Babe, okay na ba Ito?" tanong ko at hinintay ko ang reaksyon niya."Babe," malambing na tawag ko sa kanya at hindi pa rin siya nagpatinag."Axel Maverick Rodriguez!" tawag ko sa kanya pero mas malakas at may diin. Tiningnan niya ako at sinenyasan ko siya na tingnan muna ako. Binaba niya ang binabasa niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakangiti na umikot pa ako para mas makita

  • Never let you go   CHAPTER 66

    Pinilit ko tanggalin sa isip ko lahat ng mga narinig ko sa banyo kanina. Ilang beses naman na pinaalala sa akin ni Nikka na may maririnig talaga ako na hindi maganda tungkol sa amin ni Axel kaya dapat ihanda ko ang sarili ko. Kung ano man ang nasa isip at sinasabi nila ay opinyon nila iyon. Ayoko masira ang gabing ito at gusto ko lang na mag-enjoy kami ni Axel dahil ito ang unang pagkakataon na pinakilala niya ako sa lahat. Hindi ko naramdaman na kinakahiya niya ako kapag pinapakilala niya ako. Hangga't maari ay ayoko na mag-aalala si Axel at makadagdag pa sa isipin niya. "Nasaan po si Axel?" tanong ko kay Ms. Sales pagbalik ko sa table namin pagkatapos ko siya hanapin sa paligid.Hindi ko namalayan na matagal pala ako nawala. Nagtaka ako ng hindi ko siya makita sa pwesto namin kaya tumingin ako sa paligid para hanapin siya. Hinanap ko rin ang Papa ni Axel at nakita ko siya na may kausap sa hindi kalayuan kaya kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala ko. Ramdam ko kasi ang tensyon sa

  • Never let you go   CHAPTER 65

    Habang ipinapakilala ako ni Axel sa mga staff ng foundation ay ramdam kong nakasunod ang mga mata ni Charmaine sa amin. Hindi talaga umalis sa tabi ko si Axel at halos ayaw na niya bitawan ang isang kamay ko. Napansin ko na pasimpleng umiiwas si Axel sa dalaga kaya kahit paano ay nabawasan na ang inis na nararamdaman ko kanina. Tuwang-tuwa ako sa mga beneficiary ng foundation lalo na sa mga bata na halatang malapit na malapit kay Axel. Sobrang dami ng natulungan ng foundation at bakas sa mga mukha nila ang saya. Bukod kasi sa medical assistance ay binibigyan din ng scholarship ang mga bata para makapag-aral at ang iba naman ay binigyan ng trabaho sa kumpanya. Nakakatuwa isipin na ang iba sa mga staff ay mga nakapagtapos sa tulong ng foundation at ngayon ay sila naman ang tumutulong sa iba. "Sana Althea ay makabisita ka rin sa amin para naman makita mo ang foundation. Matutuwa rin ang mga bata na makasama ka nila," sabi ni Ms. Sales ang in-charge sa foundation at napatingin ako kay Ax

  • Never let you go   CHAPTER 64

    "Where here, Babe!" narinig ko na sabi ni Axel at napatingin ako sa kanya.Dahil sa sobrang kaba ko hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa Hotel. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon na hindi ko maipaliwanag. Ramdam kong pinagpapawisan ang mga palad ko sa sobrang kaba. Sumisikip din ang dibdib ko at ang bilis ng tibok nang puso ko. Pakiramdam ko ay bumaliktad ang sikmura ko na hindi ko maipaliwanag. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito."Babe," kinuha niya ang dalawang kamay ko saka pinisil iyon at huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko."I understand if you don't want to go. We can just go back and forget this -"Okay lang ako Babe. Kinakabahan lang ako kasi ngayon lang ako makaka-attend sa ganitong event bilang guest," putol ko sa sinasabi niya at nag-aalala na tiningnan niya ako."Okay lang talaga ako Babe," nakangiti na sabi ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko."Huwag kang mag-alala dahil kasama mo naman ako at hindi ako aalis sa tabi m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status