Chapter: Special ChapterSa isang malamig na umaga sa New Zealand, naupo si Marcuz at Lennah sa kanilang veranda habang nagkakape. Nasa harapan nila si Spencer, na abala sa paglalaro ng kanyang tablet. Subalit may seryosong bagay sa isip ni Spencer na matagal na niyang gustong pag-usapan.“Mom, Dad,” simula ni Spencer, ibinaba ang tablet at tumingin sa kanilang dalawa. “Pwede ba akong magtanong ng seryoso?”Napatingin sina Marcuz at Lennah sa anak nila, halatang nagtataka.“Ano iyon, anak?” tanong ni Marcuz habang nilapag ang tasa ng kape.“Gusto ko nang magpatuli,” diretsong sagot ni Spencer.Nagulat si Lennah at napatingin kay Marcuz, habang si Marcuz naman ay hindi napigilan ang bahagyang ngiti.“Tuli? Sigurado ka na ba, anak?” tanong ni Marcuz.Tumango si Spencer, seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha. “Opo, Dad. Gusto ko na pong maranasan iyon. Parang bahagi ng pagiging binata ko.”Hinaplos ni Lennah ang likod ng anak. “Kung yan ang gusto mo, Spencer, susuportahan ka namin. Pero... sa tingin mo ba hand
Last Updated: 2024-12-26
Chapter: EpilogueSa gitna ng malamig na umaga, muling nabalot ng liwanag ang tahanan nina Lennah at Marcuz. Isang simpleng bahay sa New Zealand, napapalibutan ng malalagong puno at matatanim na bulaklak, ang nagsilbing tahimik na saksi sa bagong simula ng kanilang pamilya. Si Baby Emma, na ngayon ay isang taong gulang na, ay tumatawa habang binabantayan siya ni Spencer sa kanilang maliit na hardin. Nasa gilid si Lennah, abala sa pagtatanim ng bagong mga halaman. Samantalang si Marcuz naman ay nagpapanday ng simpleng lamesa para sa café na binuksan nila sa bayan. “Spencer, huwag mong kalimutang bantayan si Emma, ha?” paalala ni Lennah habang nililinisan ang kanyang mga kamay mula sa lupa. “Mommy, huwag kang mag-alala. Ako ang kuya. Lagi ko siyang poprotektahan,” sagot ni Spencer habang inaabot kay Emma ang kanyang paboritong stuffed toy. Ngumiti si Lennah. Hindi niya maiwasang maiyak sa saya. Sa kabila ng lahat ng sakit at hamon ng nakaraan, narito sila, masaya, buo, at puno ng pagmamahalan. ---
Last Updated: 2024-12-26
Chapter: Chapter 120Sa ospital, narinig ang unang iyak ng bagong silang na sanggol. Sa pagitan ng luha at ngiti, mahigpit na hinawakan ni Marcuz ang kamay ni Lennah habang inihain ng doktor ang kanilang anak. “Congratulations, it’s a healthy baby girl,” sabi ng nurse habang inilalapit ang sanggol kay Lennah. Napaluha si Lennah habang tinanggap ang kanilang anak sa kanyang bisig. “Hello, munting anghel,” bulong niya habang tinitingnan ang maliliit na kamay at paa ng sanggol. “Kompleto na tayo.” Si Marcuz, halatang puno ng emosyon, ay marahang hinaplos ang ulo ng kanyang anak. “Ang ganda niya, Lennah. Tulad mo.” Tumawa si Lennah ng mahina, nakaramdam ng hindi maipaliwanag na ligaya. “Marcuz, salamat. Hindi ko magagawa ito nang wala ka.” Habang pinagmamasdan nila ang kanilang anak, biglang pumasok si Spencer, na may dalang maliit na bouquet ng bulaklak. “Mommy! Daddy! Nasaan si baby sister?” Inilapit ni Marcuz si Spencer sa kama. “Halika, anak. Eto na ang baby sister mo. Meet her.” Dahan-dahang lumap
Last Updated: 2024-12-26
Chapter: Chapter 119Maalinsangan ang umagang iyon habang naghahanda si Lennah ng agahan. Nakabukas ang bintana ng kanilang kusina, at mula rito ay tanaw niya si Marcuz at Spencer na naglalaro ng bola sa hardin. Habang pinapanood niya ang mag-ama, naramdaman niya ang kakaibang pagod na bumalot sa kanya sa kabila ng maganda niyang gising. “Mommy, luto na ba ang pancakes?” tanong ni Spencer habang pumapasok sa kusina, pawisan ngunit nakangiti. “Sandali na lang, anak. Umupo ka muna diyan at magpahinga,” sagot ni Lennah, pinilit ang ngiti kahit ramdam niya ang panghihina ng katawan. “Okay, Mommy! Pero masarap na amoy nito!” sagot ni Spencer habang umupo sa tabi ng mesa. Napansin ni Marcuz ang bahagyang pamumutla ni Lennah nang sumunod siya kay Spencer papasok sa kusina. “Lennah, ayos ka lang ba? Parang matamlay ka ngayon.” Tumango si Lennah. “Siguro pagod lang. Medyo masakit din ang ulo ko kaninang umaga, pero mawawala rin ito.” Ngunit hindi nawala ang pag-aalala sa mukha ni Marcuz. “Siguraduhin mong m
Last Updated: 2024-12-26
Chapter: Chapter 118Pagdating nina Marcuz, Lennah, at Spencer sa kanilang tahanan, agad nilang naramdaman ang kakaibang katahimikan at kasiyahan na hatid ng pagbabalik. Ang liwanag ng araw na pumapasok sa bintana ay parang yakap ng bagong simula. Habang inilalabas nila ang kanilang mga bagahe, napuno ng masayang tawanan at kwentuhan ang bahay. “Ang saya na narito ulit tayo,” sabi ni Marcuz habang iniaabot ang maleta ni Lennah sa sala. “Iba talaga ang pakiramdam ng bahay.” “Oo nga,” sagot ni Lennah habang tinitingnan ang paligid. “Pero ngayon, parang mas may bago na akong nakikitang liwanag dito. Para tayong nagsimula ulit.” Tatakbo-takbo si Spencer, hawak ang isang laruan na binili nila mula sa honeymoon. “Mommy, Daddy, pwede ko bang ipakita ito kay Ella bukas? Sigurado akong magugustuhan niya ito!” Napangiti si Lennah habang pinagmamasdan ang anak. “Oo naman, anak. Siguraduhin mo lang na iingatan mo iyan, ha?” Kinabukasan, habang umiinom ng mainit na kape sina Lennah at Marcuz sa terrace, pinag-usa
Last Updated: 2024-12-26
Chapter: Chapter 117Sa ilalim ng asul na langit ng New Zealand, kung saan ang mga bundok at malalawak na halaman ay nagsilbing likas na altar, nagtipon ang malalapit na kaibigan at pamilya nina Marcuz at Lennah para saksihan ang kanilang muling pag-iisang dibdib. Ang lugar ay punong-puno ng kulay. Ang mga bulaklak na in-arrange nang maingat, ang banayad na musika mula sa isang lokal na banda, at ang ngiti ng bawat bisitang naroon. Habang naglalakad si Lennah patungo sa altar, hawak ni Spencer ang laylayan ng kanyang puting damit. Halatang-halata sa mukha ng bata ang saya, proud na proud sa papel na ginagampanan niya. Tumayo si Marcuz sa dulo ng aisle, ang kanyang mata ay nag-aapoy sa pagmamahal habang pinapanood ang kanyang bride na papalapit. “Ikaw ang pinakagandang nakita ko, Lennah,” bulong ni Marcuz sa sarili habang pinipigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Nang makarating si Lennah sa harap ng altar, bahagya siyang tumigil at huminga nang malalim. “Handa na ako,” sabi niya kay Marcuz habang magk
Last Updated: 2024-12-26
Chapter: Chapter 7VIRGO’s POV Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi ng assistant ni Leo kagabi. ‘Ikaw daw po, Miss Virgo.’ Paulit-ulit iyong umiikot sa utak ko habang naglalakad ako sa hallway ng hotel. Bakit ako? Isa lang naman akong simpleng babae mula sa baryo. Wala akong pera. Wala akong kaaway. Wala akong halaga sa mundong ginagalawan nila. Kaya bakit parang lahat ng gulo… umiikot sa akin? “Miss Virgo?” Napapitlag ako. Pag-angat ko nabg tingin, isang lalaki ang nakangiti sa harap ko. Matangkad. Maayos manamit. At hindi kasing intimidating ng mga taong nandito. “Ah—sorry,” mabilis kong sabi. Ngumiti siya nang bahagya. “Mukhang malalim iniisip mo.” Hindi ko napigilang mapatingin sa nameplate niya. RAFAEL SANTOS Hotel Operations Manager. “Ako pala si Rafael,” sabi niya habang inaabot ang kamay niya. “Pero puwede mong tawaging Raf.” Sandali akong nag-alangan bago ko tinanggap ang kamay niya. “Virgo.” “Alam ko.”Napakurap ako. Napangiti siya. “Buong hotel yata kilala ka na.” Nahihiy
Last Updated: 2026-05-26
Chapter: Chapter 6VIRGO’s POV“Virgo!”Napabalikwas ako nang bangon. Mabilis. Magulo. Hingal na hingal. Nanlalagkit ang balat ko sa pawis habang habol ko ang paghinga ko sa madilim na kwarto.May putok ng baril. Mga sigawan. Dugo. At iyong lalaking nakatayo sa gitna ng lahat, si Leo. Nanlalamig ang mga kamay ko habang pilit kong inaalis sa isip ko ang bangungot. Pero parang masyadong totoo. Masyadong malinaw.Napatingin ako sa paligid ng silid. Tahimik. Malamig. Marangya. Masyadong marangya para sa isang katulad ko. Bigla akong kinilabutan nang maalala ang nangyari kagabi.‘Yong mga lalaking may baril sa panaginip ko. At ang paraan ng pagpatay tingin ni Leo sa mga taong gustong manakit sa akin. Parang kaya niyang sirain ang buong mundo nang hindi kumukurap. At ang mas nakakatakot?Parang wala siyang pagsisisi.Napalingon ako sa pintuan nang may narinig akong kumakatok.“Ma’am Virgo?” boses ng isang babae. “Sir Leo instructed us to prepare you for your hotel training.” Napapikit ako sandali.Training? A
Last Updated: 2026-05-17
Chapter: Chapter 5VIRGO’s POVHindi ako sanay sa ganito. Sa bawat hakbang ko sa loob ng penthouse niya, pakiramdam ko mali ako, parang may ibang dapat nandito, hindi ako. Napakalawak ng lugar. Salamin ang dingding, tanaw ang buong lungsod na parang nasa taas ako ng mundo. Ang sahig, makintab na marmol. Ang ilaw, sakto lang ang liwanag at hindi malakas, mamahalin ang dating.Lahat perpekto. Ganito pala ang mundong ginagalawan niya.Dahan-dahan akong naglakad, halos hindi ko gustong tapakan ang sahig, baka may masira ako sa bawat galaw ko. Hinaplos ko ang gilid ng mesa. Makinis iyon.Malamig ang paligid dahil sa air conditioner.“Hindi ka pa nakakita ng ganito?” Napapitlag ako.Hindi ko namalayang nasa likod ko na siya. Napalingon ako. At sa sandaling iyon, mas lalo kong naramdaman ang agwat namin. Nakatayo siya roon, naka-unbutton ang cuff ng long sleeves niya, bahagyang nakaangat ang manggas.At doon ko napansin, matipuno ang braso niya. May bakat ng muscle. Hindi ‘yong sobra, kundi eksaktong sapat par
Last Updated: 2026-05-12
Chapter: Chapter 4VIRGO’s POVHindi ko dapat tinanggap ang alok niya. Alam ko iyon. Ramdam ko iyon sa bawat hakbang ko pauwi ng gabing iyon, ‘yong bigat sa dibdib ko, ang kakaibang kaba na hindi ko maipaliwanag.Pero nang makita ko ang bahay namin…Ang bubong na halos liparin na ng hangin. ‘Yong ilaw na kumikislap-kislap, katahimikan na hindi normal.Nanlambot ang tuhod ko.“Ma?” tawag ko habang papasok. Walang sumagot.Mas bumilis ang tibok ng puso ko. “Rico?!”Tumakbo ako papasok, at doon ko sila nakita. Nakahiga si Rico sa lumang kama, hirap huminga, maputla. Katabi niya si Mama, umiiyak, hawak ang kamay niya.“Virgo…” basag ang boses niya. “Hindi ko na alam ang gagawin…” Parang may humigpit sa dibdib ko.Ito na iyon.Ang eksaktong sitwasyon na pilit kong tinatakasan. Ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng magpakatanga. Hindi ako pwedeng umasa sa pride.Lumapit ako, hinawakan ang kamay ni Rico. Mainit. Nanginginig.“Ate…” mahina niyang tawag.Napapikit ako. Hindi pwede.Hindi ako pwedeng mawalan n
Last Updated: 2026-05-12
Chapter: Chapter 3LEO’s POVHindi siya tulad ng ibang babae. Hindi siya yumuko. Hindi siya natatakot sa akin. At lalong hindi siya sumunod. Kaya mas lalo ko siyang gusto.Habang nakasandal ako sa leather seat, pinagmamasdan ko siya sa gilid ng mata ko. Tahimik na ang biyahe, pero hindi tahimik ang pagitan namin. Punong-puno ng tensyon.Punong-puno ng posibilidad.“Gusto mong makatulong sa pamilya mo, hindi ba?” tanong ko, parang casual lang, pero alam kong tatama sa kanya.Napatingin siya sa akin.Tama ako.Kita ko agad sa mga mata niya.‘Yong pag-alog ng matibay niyang paninindigan.“Hindi ko kailangan ng tulong mo,” sagot niyang diretso. Pero hindi na kasing sigurado tulad ng kanina. Ngumiti ako ng bahagya.“Pero kailangan nila.”Tahimik siya.At sa katahimikang iyon, nakita ko ang unang bitak. Ang unang pagdududa. Ang unang hakbang papasok sa mundo ko.Doon ako nanalo.---VIRGO’s POVAyoko nang makinig. Ayokong isipin ang sinasabi niya. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko maalis sa utak ko ang mga
Last Updated: 2026-05-12
Chapter: Chapter 2VIRGO’s POVHindi ko alam kung paano ako napunta sa loob ng kotse niya. Isang iglap, nasa tabi na niya ako. Parang may bahagi ng alaala ko na nabura. Ang huling malinaw kong natatandaan ay ang pakikipagtalo ko sa mga tauhan niya… at ang mga matang iyon na hindi bumibitaw sa akin.Ngayon, nandito na ako.Sa loob ng isang itim na sasakyang amoy mamahaling leather at malamig na hangin ng aircon. Tahimik. Masyadong tahimik. Tanging ilaw lang ng baryo ang pumapasok sa tinted na bintana, dumadampi sa mukha niya sa tuwing dumaraan kami sa poste ng ilaw.At sa bawat saglit na naliliwanagan ang mukha niya...Mas lalo siyang nagiging totoo.Mas lalo siyang nagigin mapanganib.Ano bang ginagawa ko rito? Bakit hindi ako sumigaw? Bakit hindi ako tumakbo?Dahan-dahan kong ikinuyom ang mga kamay ko sa kandungan ko. Hindi ako komportable. Hindi ako ligtas.“Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko, pilit pinatatatag ang boses ko kahit nararamdaman ko ang bahagyang panginginig nito.Hindi siya agad suma
Last Updated: 2026-05-12