LOGINVIRGO’s POV Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi ng assistant ni Leo kagabi. ‘Ikaw daw po, Miss Virgo.’ Paulit-ulit iyong umiikot sa utak ko habang naglalakad ako sa hallway ng hotel. Bakit ako? Isa lang naman akong simpleng babae mula sa baryo. Wala akong pera. Wala akong kaaway. Wala akong halaga sa mundong ginagalawan nila. Kaya bakit parang lahat ng gulo… umiikot sa akin? “Miss Virgo?” Napapitlag ako. Pag-angat ko nabg tingin, isang lalaki ang nakangiti sa harap ko. Matangkad. Maayos manamit. At hindi kasing intimidating ng mga taong nandito. “Ah—sorry,” mabilis kong sabi. Ngumiti siya nang bahagya. “Mukhang malalim iniisip mo.” Hindi ko napigilang mapatingin sa nameplate niya. RAFAEL SANTOS Hotel Operations Manager. “Ako pala si Rafael,” sabi niya habang inaabot ang kamay niya. “Pero puwede mong tawaging Raf.” Sandali akong nag-alangan bago ko tinanggap ang kamay niya. “Virgo.” “Alam ko.”Napakurap ako. Napangiti siya. “Buong hotel yata kilala ka na.” Nahihiy
VIRGO’s POV“Virgo!”Napabalikwas ako nang bangon. Mabilis. Magulo. Hingal na hingal. Nanlalagkit ang balat ko sa pawis habang habol ko ang paghinga ko sa madilim na kwarto.May putok ng baril. Mga sigawan. Dugo. At iyong lalaking nakatayo sa gitna ng lahat, si Leo. Nanlalamig ang mga kamay ko habang pilit kong inaalis sa isip ko ang bangungot. Pero parang masyadong totoo. Masyadong malinaw.Napatingin ako sa paligid ng silid. Tahimik. Malamig. Marangya. Masyadong marangya para sa isang katulad ko. Bigla akong kinilabutan nang maalala ang nangyari kagabi.‘Yong mga lalaking may baril sa panaginip ko. At ang paraan ng pagpatay tingin ni Leo sa mga taong gustong manakit sa akin. Parang kaya niyang sirain ang buong mundo nang hindi kumukurap. At ang mas nakakatakot?Parang wala siyang pagsisisi.Napalingon ako sa pintuan nang may narinig akong kumakatok.“Ma’am Virgo?” boses ng isang babae. “Sir Leo instructed us to prepare you for your hotel training.” Napapikit ako sandali.Training? A
VIRGO’s POVHindi ako sanay sa ganito. Sa bawat hakbang ko sa loob ng penthouse niya, pakiramdam ko mali ako, parang may ibang dapat nandito, hindi ako. Napakalawak ng lugar. Salamin ang dingding, tanaw ang buong lungsod na parang nasa taas ako ng mundo. Ang sahig, makintab na marmol. Ang ilaw, sakto lang ang liwanag at hindi malakas, mamahalin ang dating.Lahat perpekto. Ganito pala ang mundong ginagalawan niya.Dahan-dahan akong naglakad, halos hindi ko gustong tapakan ang sahig, baka may masira ako sa bawat galaw ko. Hinaplos ko ang gilid ng mesa. Makinis iyon.Malamig ang paligid dahil sa air conditioner.“Hindi ka pa nakakita ng ganito?” Napapitlag ako.Hindi ko namalayang nasa likod ko na siya. Napalingon ako. At sa sandaling iyon, mas lalo kong naramdaman ang agwat namin. Nakatayo siya roon, naka-unbutton ang cuff ng long sleeves niya, bahagyang nakaangat ang manggas.At doon ko napansin, matipuno ang braso niya. May bakat ng muscle. Hindi ‘yong sobra, kundi eksaktong sapat par
VIRGO’s POVHindi ko dapat tinanggap ang alok niya. Alam ko iyon. Ramdam ko iyon sa bawat hakbang ko pauwi ng gabing iyon, ‘yong bigat sa dibdib ko, ang kakaibang kaba na hindi ko maipaliwanag.Pero nang makita ko ang bahay namin…Ang bubong na halos liparin na ng hangin. ‘Yong ilaw na kumikislap-kislap, katahimikan na hindi normal.Nanlambot ang tuhod ko.“Ma?” tawag ko habang papasok. Walang sumagot.Mas bumilis ang tibok ng puso ko. “Rico?!”Tumakbo ako papasok, at doon ko sila nakita. Nakahiga si Rico sa lumang kama, hirap huminga, maputla. Katabi niya si Mama, umiiyak, hawak ang kamay niya.“Virgo…” basag ang boses niya. “Hindi ko na alam ang gagawin…” Parang may humigpit sa dibdib ko.Ito na iyon.Ang eksaktong sitwasyon na pilit kong tinatakasan. Ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng magpakatanga. Hindi ako pwedeng umasa sa pride.Lumapit ako, hinawakan ang kamay ni Rico. Mainit. Nanginginig.“Ate…” mahina niyang tawag.Napapikit ako. Hindi pwede.Hindi ako pwedeng mawalan n
LEO’s POVHindi siya tulad ng ibang babae. Hindi siya yumuko. Hindi siya natatakot sa akin. At lalong hindi siya sumunod. Kaya mas lalo ko siyang gusto.Habang nakasandal ako sa leather seat, pinagmamasdan ko siya sa gilid ng mata ko. Tahimik na ang biyahe, pero hindi tahimik ang pagitan namin. Punong-puno ng tensyon.Punong-puno ng posibilidad.“Gusto mong makatulong sa pamilya mo, hindi ba?” tanong ko, parang casual lang, pero alam kong tatama sa kanya.Napatingin siya sa akin.Tama ako.Kita ko agad sa mga mata niya.‘Yong pag-alog ng matibay niyang paninindigan.“Hindi ko kailangan ng tulong mo,” sagot niyang diretso. Pero hindi na kasing sigurado tulad ng kanina. Ngumiti ako ng bahagya.“Pero kailangan nila.”Tahimik siya.At sa katahimikang iyon, nakita ko ang unang bitak. Ang unang pagdududa. Ang unang hakbang papasok sa mundo ko.Doon ako nanalo.---VIRGO’s POVAyoko nang makinig. Ayokong isipin ang sinasabi niya. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko maalis sa utak ko ang mga
VIRGO’s POVHindi ko alam kung paano ako napunta sa loob ng kotse niya. Isang iglap, nasa tabi na niya ako. Parang may bahagi ng alaala ko na nabura. Ang huling malinaw kong natatandaan ay ang pakikipagtalo ko sa mga tauhan niya… at ang mga matang iyon na hindi bumibitaw sa akin.Ngayon, nandito na ako.Sa loob ng isang itim na sasakyang amoy mamahaling leather at malamig na hangin ng aircon. Tahimik. Masyadong tahimik. Tanging ilaw lang ng baryo ang pumapasok sa tinted na bintana, dumadampi sa mukha niya sa tuwing dumaraan kami sa poste ng ilaw.At sa bawat saglit na naliliwanagan ang mukha niya...Mas lalo siyang nagiging totoo.Mas lalo siyang nagigin mapanganib.Ano bang ginagawa ko rito? Bakit hindi ako sumigaw? Bakit hindi ako tumakbo?Dahan-dahan kong ikinuyom ang mga kamay ko sa kandungan ko. Hindi ako komportable. Hindi ako ligtas.“Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko, pilit pinatatatag ang boses ko kahit nararamdaman ko ang bahagyang panginginig nito.Hindi siya agad suma







