登入VIRGO’s POVHindi ako sanay sa ganito. Sa bawat hakbang ko sa loob ng penthouse niya, pakiramdam ko mali ako, parang may ibang dapat nandito, hindi ako. Napakalawak ng lugar. Salamin ang dingding, tanaw ang buong lungsod na parang nasa taas ako ng mundo. Ang sahig, makintab na marmol. Ang ilaw, sakto lang ang liwanag at hindi malakas, mamahalin ang dating.Lahat perpekto. Ganito pala ang mundong ginagalawan niya.Dahan-dahan akong naglakad, halos hindi ko gustong tapakan ang sahig, baka may masira ako sa bawat galaw ko. Hinaplos ko ang gilid ng mesa. Makinis iyon.Malamig ang paligid dahil sa air conditioner.“Hindi ka pa nakakita ng ganito?” Napapitlag ako.Hindi ko namalayang nasa likod ko na siya. Napalingon ako. At sa sandaling iyon, mas lalo kong naramdaman ang agwat namin. Nakatayo siya roon, naka-unbutton ang cuff ng long sleeves niya, bahagyang nakaangat ang manggas.At doon ko napansin, matipuno ang braso niya. May bakat ng muscle. Hindi ‘yong sobra, kundi eksaktong sapat par
VIRGO’s POVHindi ko dapat tinanggap ang alok niya. Alam ko iyon. Ramdam ko iyon sa bawat hakbang ko pauwi ng gabing iyon, ‘yong bigat sa dibdib ko, ang kakaibang kaba na hindi ko maipaliwanag.Pero nang makita ko ang bahay namin…Ang bubong na halos liparin na ng hangin. ‘Yong ilaw na kumikislap-kislap, katahimikan na hindi normal.Nanlambot ang tuhod ko.“Ma?” tawag ko habang papasok. Walang sumagot.Mas bumilis ang tibok ng puso ko. “Rico?!”Tumakbo ako papasok, at doon ko sila nakita. Nakahiga si Rico sa lumang kama, hirap huminga, maputla. Katabi niya si Mama, umiiyak, hawak ang kamay niya.“Virgo…” basag ang boses niya. “Hindi ko na alam ang gagawin…” Parang may humigpit sa dibdib ko.Ito na iyon.Ang eksaktong sitwasyon na pilit kong tinatakasan. Ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng magpakatanga. Hindi ako pwedeng umasa sa pride.Lumapit ako, hinawakan ang kamay ni Rico. Mainit. Nanginginig.“Ate…” mahina niyang tawag.Napapikit ako. Hindi pwede.Hindi ako pwedeng mawalan n
LEO’s POVHindi siya tulad ng ibang babae. Hindi siya yumuko. Hindi siya natatakot sa akin. At lalong hindi siya sumunod. Kaya mas lalo ko siyang gusto.Habang nakasandal ako sa leather seat, pinagmamasdan ko siya sa gilid ng mata ko. Tahimik na ang biyahe, pero hindi tahimik ang pagitan namin. Punong-puno ng tensyon.Punong-puno ng posibilidad.“Gusto mong makatulong sa pamilya mo, hindi ba?” tanong ko, parang casual lang, pero alam kong tatama sa kanya.Napatingin siya sa akin.Tama ako.Kita ko agad sa mga mata niya.‘Yong pag-alog ng matibay niyang paninindigan.“Hindi ko kailangan ng tulong mo,” sagot niyang diretso. Pero hindi na kasing sigurado tulad ng kanina. Ngumiti ako ng bahagya.“Pero kailangan nila.”Tahimik siya.At sa katahimikang iyon, nakita ko ang unang bitak. Ang unang pagdududa. Ang unang hakbang papasok sa mundo ko.Doon ako nanalo.---VIRGO’s POVAyoko nang makinig. Ayokong isipin ang sinasabi niya. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko maalis sa utak ko ang mga
VIRGO’s POVHindi ko alam kung paano ako napunta sa loob ng kotse niya. Isang iglap, nasa tabi na niya ako. Parang may bahagi ng alaala ko na nabura. Ang huling malinaw kong natatandaan ay ang pakikipagtalo ko sa mga tauhan niya… at ang mga matang iyon na hindi bumibitaw sa akin.Ngayon, nandito na ako.Sa loob ng isang itim na sasakyang amoy mamahaling leather at malamig na hangin ng aircon. Tahimik. Masyadong tahimik. Tanging ilaw lang ng baryo ang pumapasok sa tinted na bintana, dumadampi sa mukha niya sa tuwing dumaraan kami sa poste ng ilaw.At sa bawat saglit na naliliwanagan ang mukha niya...Mas lalo siyang nagiging totoo.Mas lalo siyang nagigin mapanganib.Ano bang ginagawa ko rito? Bakit hindi ako sumigaw? Bakit hindi ako tumakbo?Dahan-dahan kong ikinuyom ang mga kamay ko sa kandungan ko. Hindi ako komportable. Hindi ako ligtas.“Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko, pilit pinatatatag ang boses ko kahit nararamdaman ko ang bahagyang panginginig nito.Hindi siya agad suma
LEO's POVHindi ako naniniwala sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay kahinaan. At ang kahinaan… hindi ko kayang bayaran.Ako si Leandro Adolfo Marqueza, wala akong hindi kayang bilhin mapa lupa, kumpanya, tao… kahit mga boto ng masa. Ngunit hindi ako handang magbayad para sa damdamin.Hanggang sa gabing iyon.Isang barrio.Isang maliit na entablado na gawa sa kahoy.Isang walang kwentang beauty contest.At isang babae na hindi dapat naroon.“Next contestant, Virginia Margo Dela Cruz!”Tumigil ang lahat. Hindi dahil sa sigawan ng crowd. Kundi dahil sa kanya. Naglakad siya sa entablado na parang hindi niya alam ang epekto niya sa mga tao. Simpleng damit. Walang arte. Pero ang mukha niya… parang kasalanan. At sa unang tingin pa lang, parang may kinuha siya sa akin.Ang aking innteres. Pagmamay-ari. Pagkagusto.“Sir?”Hindi ko pinansin ang assistant ko.Hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa kanya.“Find her.”“Sir, contestant lang po—”“Lahat.”Dahil alam ko na agad na hindi matatapos ang gabing
Umuulan nang gabing iyon. Sobrang lakas at walang tigil. Parang gustong burahin ang lahat ng alaala, ang sakit, ang mga desisyon na hindi ko na kayang bawiin. Hindi ko alam kung ulan ba iyon… o mga luha ko na lang ang bumabagsak sa sahig ng malamig na tiles.Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang doorknob. Isang pihit na lang at makakalaya na ako.Ito na ‘yon, Virgo. Ito na ang pagkakataon mo.Pero bakit parang ang bigat ng katawan ko?Bakit parang may kung anong humihila sa akin pabalik?“Tatakas ka?!”Napatigil ako.Isang salita pa lang, pero parang hinigpitan na agad ang hawak sa leeg ko. Ang boses niya.Mababa. Malamig. At pamilyar na pamilyar, na parang kadena na agad pumulupot sa buong pagkatao ko. Dahan-dahan akong napapikit.Huwag kang lilingon…Pero hindi ko nagawa. Dahan-dahan pa rin akong lumingon, at doon ko siya nakita. Nakatayo si Leo sa pintuan. Perpekto pa rin.Walang nagbago.Gwapo. Maayos. Composed.bPero ang mga mata niya, wala nang pagmamahal. Wala nang in







