"HON, kailan ka ba gigising? It's been five days already. Hindi mo ba ako nami-miss?"Sandaling itinuon ni Yeonna ang atensiyon sa pagpupunas ng basang bimpo sa mukha ni Khal. At napatitig siya sa natutuyo nitong labi. Gusto niyang palakasin ang sarili sa pamamagitan nang hindi pag-iyak, but the pain of seeing him unconscious is too much to bear."I missed your kiss badly. You know it all started with a kiss, right?"Napangiti siya sa pagkakaalala sa nakaraan. It was the day when she provoked him of being a gay dahil na rin sa rumor sa kompanya nito tungkol sa pagiging mailap nito sa mga babae."We have a lot of good and happy memories. At ayokong kasama mo iyong mawawala. Hindi na ulit ako magiging masaya kapag iniwan mo ako. Kung nasanay ako noon na mag-isa, hindi na ngayon. Dahil mas nasanay na akong kasama ka. Hon, don't let me live alone again."Hindi na napansin ni Yeonna ang paggalaw ng isang daliri ni Khal nang may kumatok at pumasok sa silid si Chief Bragaise, kasunod nito si
NAPATAYO si Anthony nang pumasok ang ama sa visiting area ng presinto na pinagdalhan sa kanila. It's been two days already after they've got arrested. Pareho silang nakaposas, pero tinanggal iyon nang isa sa mga pulis at iniwan na sila sa loob.Felix requested to see his son bago magsimula ang imbetigasyon. He was holding to delay it para magkaroon pa sila ng pagkakataon na makapag-usap. It was suggested by his lawyers."Dad!""Sit down. Hindi ako pumunta rito to get sympathy from you nor hear your whining."Mabilis namang naupo si Anthony sa harapan ng ama. Kahit nakapagitan sa kanila ang kuwadradong mesa ay ramdam nito ang panlalamig ng ama. "No, Dad. You have to listen and believe me. Gusto ko lang silang takutin. Yeonna is really getting into my nerves. The sight of her made me sick.""It's guilt, idiot!" asik ni Felix na may kasamang mahinang hampas sa mesa. "Because you know about what you did to her sister!""Pa...""Pero hindi iyan ang dahilan kaya ako narito..." Pinadako niya
"UMAYOS ka nga nang upo!""Maayos naman, ah?"Napasulyap si Hardhie kay Amira na patagilid na nakasandal ng higa, pero nakaharap naman sa kanya. "Don't look at me.""I have every right to look at you. Dahil mata ko naman ang ginagamit ko."They had that scene before. Gusto lang iyong ulitin ni Amira. Because she finds it funny and memorable to her."You're distracting me.""Ako ang dini-distract mo," deretsahang wika ni Amira. "Bakit ba kasi masyadong manly at cute ang karisma mo sa akin?""Jeez!" tirik-matang tugon ni Hardhie."Mag-focus ka lang sa kalsada.""At paano ko magagawa iyon kung nakatitig ka sa akin?""Isipin mo na lang na pader ako.""Kailan pa nagkaroon ng pader ang kotse?""Haist!" Umayos ito ng upo. "Iniisip ko kasi na kung makakarami tayo ng halik, posible na maging totoo ka nang lalaki.""Don't ever think of that. Hindi iyan mangyayari.""Pero iba kasi ang sinasabi sa akin ng pagtugon mo ng halik kanina."Humigpit ang hawak ni Hardhie sa manibela. May nararamdaman ng
NAWALAN ng kurap si Amira at itinulos din siya sa posisyon. It was not pity nor lies. She can sense the sincerity on his words."What? The best woman you have ever met? Lalaki ka na?" mulagat ni Duke na natatawa. "Anong problema roon?""It's just gross.""Why? Did we kiss or beyond that?""What? Well, nothing.""Exactly. So, huwag mong palabasin na para bang mayroon sa ating nangyari na nakakadiri.""No. That's not what I mean. Really. I was just happy to see you. And to know na..." Sinulyapan nito si Amira, "nahanap mo na ang taong para sa iyo.""Lalaki ka na ba talaga?"Muling napatigil ang dalawa na itutuloy na sana ang pag-alis. Tumingin sila kay Matt."Or you're just using him para kalimutan ako?" tukoy nito kay Amira."I'm not using anyone. At matagal na kitang nakalimutan. So, huwag mong ituring ang sarili mo na importante. I'll remind you that you cheat. Kaya bakit kita iisipin pa?""I didn't cheat. I told you -""Huh! Really? I caught you red-handed having s*x with another w
"KANINA pa kita hinahanap at tinatawagan."Sinulyapan lang ni Amira si Hardhie. Saka niya tinungga ang alak sa hawak na kopita. They're in her favourite bar. Maaga pa, pero gusto niya na lunurin ang sarili sa pag-inom. She wanted to be drunk 'til she forgot about the pain she's into. No. It is not simply just pain. She is scared. Frightened. Ayaw niyang mawala sa kanya ang kapatid, katulad ni Yeonna ay hindi rin siya mabubuhay na wala ito."Bakit umiinom ka na naman?""Sorry if I broke our agreement." Itinaas niya ang bote ng alak. "But this helps me.""Hindi ka niyan matutulungan!""Oh, c'mon!" asik ni Amira nang hablutin ni Hardhie ang bote ng alak. "I need it.""Wala rito ang solusyon sa mga problema natin.""Alam ko. Pero gusto ko lang naman na kahit ilang saglit ay makalimutan ko ang lahat nang nagpapahirap sa akin.""At pagkatapos mong mahimasmasan sa kalasingan, ano na? Balik ulit sa dati?""At least I didn't feel the pain for a while," sabay hablot niya sa bote at deretso nang
"DAPA!"Narinig ni Khal ang malakas na sigaw na iyon ni Chief Bragaise, pero mas inuna nitong protektahan ang asawa."Noooo!" Nanlaki ang mga mata niya matapos pakawalan ang malakas ding sigaw nang bigla na lamang iharang ni Khal ang katawan sa kanyang harapan, "No! No!""I protected you this time.""I'm your bodyguard," sigaw ni Yeonna sa sinabing iyon ni Khal na sinamahan pa nito ng ngiti kahit napaigtad ito sa pagtama ng mga bala sa likuran nito. "Trabaho ko iyon!""No. You're my wife. And you will always be."Yeonna wished it was just a nightmare. But she can feel Khal's warmth touch at her back silently telling her that it will be fine. "I love you..."Hindi na nakasagot pa si Yeonna nang dambahin sila ni Chief Bragaise dahil sa muling pagpunterya ng mga gunman sa direksiyon nila.Nabuwal ang tatlo. Pero pareho nang sugatan ang dalawang lalaki."Khal? Khal!" sigaw na pagtawag ni Yeonna sa nakayakap na asawa. "No. Please, huwag mo akong takutin nang ganito!" Hindi na ito gumagala
"WE will never stop loving you kahit wala na kami sa tabi mo. Be strong, anak. Be brave. But don't ever stain your hands with blood..."Hindi napigilang mapaluha ni Khal sa pagkakarinig muli sa tinig ng ina. He missed her so much. Nadagdagan pa iyon ng pangungulila sa pagkakaalam nang katauhan ng tunay niyang ama."You were too precious to us. Especially to your real father. Melvin. He's so happy to know about you."Lalong naging emosyonal si Khal sa bahaging iyon. Punong-puno siya ng panghihinayang dahil hindi na sila nito nagkakilala.Kung buhay lang sana ang kanyang tunay na ama, he will definitely look forward to their first ever reunion. At siguradong masaya silang tatlo bilang isang buong pamilya."Anak, whatever happened to us, don't let your anger and hatred consume you. Just live a happy and peaceful life. Find a woman to love and look after you. She must be someone like me."Nagkasulyapan sina Khal at Yeonna. And they had that gaze saying na natagpuan na nila ang isa't isa.
"WE are one step ahead to our enemies..."Nagkasulyapan sina Khal at Yeonna na nasa backseat habang nakaupo naman sa front seat si Chief Bragaise. Kasama nito ang isa sa mga pinagkakatiwalaan na tauhan na nagmamaneho ng kotse na sinasakyan nila."I just hope that it won't alarm them.""Unless there's a mole," kumento ni Khal."Mapagkakatiwalaan ang mga tauhan ni Chief," wika ni Yeonna nang sulyapan ng asawa ang driver. "Isa na roon si Bart.""Maaasahan niyo ako."Tinanguan ni Khal ang driver nang magtama ang mata nila sa rearview mirror. "No offence. Sa dami ng mga taong nagtraydor sa akin, mahirap na para sa akin ang magtiwala.""We understand." Ginagap ni Yeonna ang isang kamay ng asawa at marahan iyon na pinisil. "But I can tell you na puwede kang magtiwala sa amin.""Of course, I trust you."Ngumiti si Yeonna. "And I trust them," tukoy niya kina Chief Bragaise at Bart.Tumango-tango lang si Khal."Malapit na tayo," anunsiyo ni Chief Bragaise nang matanaw ang isa sa pinakamataas na
MULING napapikit si Yeonna nang sumalubong sa pagdilat niya ang nakakasilaw na liwanag."You're finally up."Idinilat niya ang isang mata. Nakita niya si Khal sa kanyang tabi na nakatagilid ng higa paharap sa kanya. "Hhmmm," maikli niyang tugon saka bumaling ng tingin sa direksiyon ng mga bintana. Nakahawi na roon ang mga kurtina kaya pumapasok na ang sikat ng araw sa loob. "Ano na bang oras?""Oras na para bumawi ka."Sinulyapan muna ni Yeonna ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table. Alas onse na. Saka niya ibinalik ang tingin sa asawa nang inis itong bumangon."Clearly, wala ka na namang maalala."Napasapo siya sa ulo. Ramdam niya ang pananakit niyon. "Anong nangyari? May ginawa ba ko?""Pinaghintay mo lang naman ako.""Pinaghintay? Bakit? Saan?"Itinuro nito ang kama, "Right here.""At nasaan ako?""Right there..."Sinundan naman ng tingin ni Yeonna ang pagturo ni Khal sa direksiyon ng banyo. "Anong ginagawa ko roon?""What do you think?""Uhm, naligo? Alam mong matagal akong ma