Share

Chapter 5 - Unang Yugto

Lintek! Nagmura ng mahina si Zek.

Pasado alas-nueve na ng umaga. Late na naman siya sa unang subject niya. Sinubukan niyang bumangon pero lalo lang umikot ang paligid at tila babaliktad na naman ang kanyang sikmura. Apat na beses na siyang gumapang patungo sa loob ng banyo para lang sumuka. Ang hapdi na ng lalamunan niya.

Ano bang nangyayari? Mas masahol pa siya sa lasinggong tumira ng sampung kahon ng Red Horse sa umaga. Masakit ang kanyang ulo at tinakasan siya ng ganang kumain. Tatlong araw na siyang ganito.

"Zek, kumusta na ang pakiramdam mo?" It's Dr. Lala.

Umungol siya. Inalis ang unan na nakatakip sa ulo at tumihaya. Minasahe niya ang sentido.

"I'm fucked."

"Pasensya ka na kung pumasok na ako. Nag-alala kami sa iyo. Hindi ka naghapunan kagabi, ngayon naman ay hindi ka kumain ng almusal."

"Wala po akong gana." Binuksan niya ang paningin. Buwesit! Pati kisame umaalon. Pakiramdam niya nasa loob siya ng washing machine.

"Ano pa ang nararamdaman mo?" Dumukwang ang babae at sinalat ang kanyang noo.

"Dizzy. Masakit ang ulo ko. Nasusuka ako. So tired and sleepy. I don't know what's going on, damn!" Nagtagis siya ng bagang. May deperensiya na yata ang paningin niya.

"Kinunan ka ng temperature ni Dimples kagabi, hindi ba?" Tinitigan siya nito ng mataman.

"Yeah, and it's normal as well as the blood pressure."

"Let me check your eyes. Ilang beses ka nang nagsuka?" Sinilip nito ang mga mata niya gamit ang maliit na flash light.

"Apat."

Tumango ito. "You're doing fine. I think you are suffering Couvade right now."

"Couvade? Anong sakit po iyon?"

"Sympathetic pregnancy. It only occurs to men. Siguro buntis ang girlfriend mo at ikaw ang nakararanas ng mga symptoms." Ngumiti ang doktora. Tuwang-tuwa pa yata.

Habang siya ay nakatulala. Couvade? Sympathetic pregnancy? Hindi ba at buntis pa rin ang dulo niyon? Anak ng patola. Buti na lang nandiyan si Virgou kung hindi baka gumulong na siya sa pagkataranta. Matindi na talaga ang tama niya. Pati morning sickness ni Virgou ay inako pa niya.

"Hanggang kailan ko po titiisin ito?"

"I can't give you a definite time but don't worry, it will subside sooner or later. Ang importante pilitin mong kumain kahit wala kang gana, kundi manghihina ka."

Tumango siya. Crap! Paano na lang kung susumpong ito kapag nasa laro siya? Kahapon sa school halos doon na siya tumambay sa clinic buong maghapon.

Pagkalabas ng doktora ay minabuti niyang magpahinga na lang muna at nagpasyang huwag nang pumasok. Naiidlip na siya nang bulabugin ni Virgou. Galit na galit, na naman. Kinuha nito ang unan at pinaghahampas siya. Kulang na lang idiin iyon sa mukha niya para hindi na siya makahinga.

"Ano na namang issue mo?" Pagod niyang sita sa dalaga habang nakikipag-agawan sa unan.

Umagang-umaga naghahanap na naman ng giyera ang babaeng ito. Ngayon pang nadiskarel siya. Wrong timing.

"Bumangon ka diyan ngayon din at mag-impake ka. Umalis ka na rito!" Singhal nitong nagmarkahan sa leeg ang mumunting mga litid, patunay na hindi na biro ang galit nito.

Pero ano iyon? Pinaaalis siya? Pambihira! Pinalalayas siya nito? Pilit siyang bumangon kahit mistula siyang nasa sakayan na hinahampas ng malalaking alon.

"Hindi ako aalis." Matigas niyang pahayag.

"Nabasa ko ang official newsletter ng school. Pinagkalat mo ba na ikaw ang ama nitong pinagbubuntis ko?" Pinitsarahan siya nito sa kwelyo.

Right, so that's the reason for this commotion. "Sorry, I blurted it out without thinking. But I didn't go out there spreading the news. They came to me. I was just telling them the truth. Besides, I'm positive no one will ever believe me unless you would say a word."

Isang matalim na hininga ang pinakawalan nito kasabay ang paglambot ng mukha.

"May taong naniwala sa iyo. Si Jerom. He is coming to get you, Zek. I'm certain it's not just him. Maging si Papa." Bulalas nitong napahawak sa ulo at hindi mapakali.

"Hindi ako aalis, Virgou. Haharapin ko sila at nang magkalinawan na." Matapang niyang deklarasyon.

"You don't wanna do that, Gray. Ayaw kong mawalan ng ama ang anak ko bago ko pa siya isilang. You have to go and hide." Nanggagalaiti nitong sagot.

"Makinig ka sa kanya, Zerriko. Umalis ka na." Mula sa pinto ay sumabat si Nana Matilda. Pigil-pigil ang mga luha sa mga matang nag-aalala ng labis. "Pumunta ka muna sa iyong ama."

"Tiyang naman_"

"Pinagbigyan kita nang makiusap ka sa akin na dito tumira. Ngayon ako naman ang pagbigyan mo. Umalis ka na. Hindi ko matatanggap kung mapapahamak ka." Tuluyan nang naluha ang matandang babae.

Agad itong nilapitan ni Virgou at inalo. "Ihahatid ka nina Lilit at Mikoy sa terminal. Pack your things, now!"

He is lost for words and the point to argue anymore. It was then that he realizes how naïve he was. He has none compared to them. Ang mayroon lang siya ay ang kanyang damdamin na maaring hindi sapat para ma-protektahan niya ang mag-ina.

But this doesn't mean he is going to give up. He knew their worlds never meant to meet but he is going to break it through even if no attempts were successful.

Panay ang kanyang mura habang nagliligpit ng mga gamit. Buti na lang at nakisama kahit papaano ang kanyang sikmura bagamat hilo pa rin siya.

"Lilit, sandali lang." Pigil niya kay Lilit bago pa sila tuluyang nakalabas ng bakod.

Itinigil ni Lilit ang sasakyan. Agad niyang binuksan ang pinto at bumaba. Tumakbo pabalik sa loob. Nasa bakuran si Virgou at nakatanaw sa pag-alis nila kasama ang iba at si Nana Matilda.

Hinapit niya ang dalaga at mahigpit na niyakap. "Tell me, makikita kita ulit di ba? Maghihintay ka sa akin."

"Gray__"

"I love you, Virgou." Hindi ito tumutol nang hagkan niya sa labi kahit nasa harapan sila ng lahat dahilan para lalong tumibay ang pag-asa na umusbong sa kanyang puso.

Umuklo siya at marahang hinaplos ang tiyan nito bago iyon dampian ng halik. Hindi man lang ba niya makikitang isisilang ang kanyang anak?

"Balikan mo kami." Hinaplos nito ang panga niya at kinuha ang headphones na nakababa sa kanyang leeg. "Hihintayin ka namin."

Sapat na iyon para panghawakan niya. Ngumiti siya. Pinakawalan ang butil ng luha at tumalikod paalis.

--------

Matagal nang naglaho sa kanyang paningin ang sasakyan pero nanatiling nakatayo roon si Virgou at nakatanaw sa malayo. She felt suddenly empty from inside and out.

Matapang si Zek, dama niya iyon. Responsable at may paninindigan kahit sa murang edad. Handa siyang ipaglaban ng binata. Ngunit alam din niyang anuman ang gawin nito'y hindi ito magtatagumpay. Sa mundong ginagalawan niya, walang halaga ang damdamin.

Hinaplos niya ang tiyan. Kung sana'y isinilang siya at nabuhay sa isang payak na tahanan. Sa tahanang hindi yaman at kapangyarihan ang sukatan. Hindi lipunan ang pamantayan. Hindi opinyon ng madla ang batas. Kung sana'y hindi siya naging isang Ayala.

"Ma'am, okay ka lang po ba?" Nag-aalalang tanong ni Tarra.

Tumango siya. Binawi ang mga matang hilam sa luha. She's not sure why she's crying or why she had to feel this pain right now. Banayad na hinahagod ni Dimples ang likod niya. Inaalo siya. She is supposed to be delighted with the simple touch and gesture of concern. Surprisingly it didn't soothe her one bit.

Gusto niyang sumunod kay Zek. Habulin ito at samahan hanggang sa makarating sa isang ligtas na lugar. Pero saan ba ang lugar na iyon? Maging siya ay walang ideya. Basta na lang niya ito itinulak palayo dahil sa takot.

Nagpaakay siya kay Bonz at pumasok sila sa loob ng bahay. Doon ay kabado niyang hinihintay ang pagbabalik nina Lilit at Mikoy. Hindi siya mapakali lalo na at walang Jerom na dumating taliwas sa sinabi nito sa kanya sa telepono kanina.

"May magagamit na ang lalaking iyon para pilitin kang pumayag sa kasal." Komento ni Bonz.

Hindi siya kumibo. Jerom Sanchez is her father's pet and her fourth degree cousin. Kabilang sa tradisyon ng kanilang pamilya ang mag-asawa ng kaanak para ang yaman na hawak ng buong angkan ay hindi mapupunta sa iba at iikot lamang sa kanilang lahi. Ang kaugaliang ito ang gusto niyang baliin matagal na.

"Try to calm down, Themum. Hindi makabubuti sa iyo at sa bata ang sobrang pag-aalala." Nilapitan siya ni Lala at hinamig habang nagtungo si Bonz sa kusina para ikuha siya ng tubig.

"I can't seem to help it, Lala. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Zek. I dragged him into this," himutok niya sa sarili.

Mataman siyang tinititigan ng kaibigang doctor. "Everything will be alright. Kasama niya sina Lilit at Mikoy. Hindi siya papabayaan ng dalawang iyon."

Pilit siyang tumango at muling sinipat ang oras. "It's been two hours. Ganoon ba dapat katagal ang paghahatid patungong terminal?" Wala sa sarili niyang tanong na gumala ang mga mata sa mga kasama.

Nagkatinginan sina Dimples at Tarra. Habang si Jeren ay abala sa cellphone nito at nakakunot ang noo, hanggang sa unti-unting namutla ang mukha.

"Jeren, may problema ba?" Binugbog na ng kaba ang kanyang dibdib.

Atubili itong tumingin sa kanya. "Ma'am, nagtext po si Lilit. Na-ambushed raw po sila." Pumiyok ang boses nito.

Bago pa ma-proseso ng utak niya ang masamang balita ay tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis niyang kinuha iyon at binuksan ang mensaheng dumating.

Hindi lamang iyon basta mensahe. May kasamang litrato. Litrato ni Zek na duguan at tiyak niyang walang malay.

JS: Got your boy, my dear. Can we move up the wedding date now?

Nanginig ang mga kamay niya at nahulog ang hawak na cellphone. Kasabay ng pagbigay ng kanyang mga tuhod ang matinding paghilab ng kanyang tiyan. Sumigaw siya sa sobrang sakit lalo na nang madama ang likidong umagos pababa sa kanyang mga binti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status