Share

Chapter 5 - Ikalawang Yugto

Panay ang silip ni Virgou sa pintuan. It's past seven o'clock in the evening. Maaga pa naman kung tutuusin pero kanina pa niya hindi mapigil ang kaba habang hinihintay si Zek.

Madalas ganito siya kabalisa roon sa kulungan kapag alam niyang nasa mapanganib na mga operasyon ang lalaki. It was more like a trauma from what happened long ago.

Pinukol niya ng tingin ang mga anak na bumalik na ulit sa paglalaro kasama sina Mikoy at Lilit. Tapos na niyang pakainin ang mga ito kasabay ng mga bisita.

Nang hindi na makatiis ay hiniram niya ang cellphone ni Dimples. Tinawagan niya ang binata. Nakatatlong subok muna siya bago nito sinagot ang tawag.

"Zek here," dinig mula sa background ang maingay na pag-uusap ng mga kalalakihan at ang malamyos na tawa ng isang babae.

Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. He is safe at least. "Ako ito, Zek. Where are you?" tanong niya sa lalaki.

"Love? Pauwi na ako. May dinaanan lang muna kami rito sa provincial police office." Muling umagaw sa background ang malambing na tawa ng isang babae. "Hm, nagugutom ka na?" bahagya itong natawa.

Napangiti siya. "Hindi pa naman. Basta umuwi ka na at ingat sa pagda-drive," paalala niya rito bago tinapos ang tawag. She can't imagine herself being clingy but right now she's acting like a stupid one.

Ibinalik niya kay Dimples ang cellphone.

"Pauwi na ba siya?" tanong ng kaibigan.

Tumango lamang siya at muling sumulyap sa pintuan. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang masumpungan ang pagpasok ng entourage ni Xandr Larrazabal.

"OMG!" nangisay sa kanyang tabi si Dimples. "A bunch of super-hunk machetes!"

"Umayos ka. Nandito sila para kay Zek hindi para sa iyo." Sinamaan niya ng tingin ang dalaga at nagmamadaling sinalubong ang bagong dating na mga bisita.

Naging alerto din ang iba at natahimik ang paligid. Lahat ay nakaantabay sa kanya at sa grupo ni Xandr. This guy's imposing aura is equal to her father's or maybe even stronger. Ang bata pa nito para magkaroon ng kapangyarihan at impluwensyang hindi kayang tibagin kahit ng buong angkan ng mga Ayala. Maswerte si Zek na nakahanap ng ganitong pader na masasandalan.

"Magandang gabi, tuloy kayo." Masigla niyang bungad sa mga panauhin.

"Good evening and congratulations to your probation, Virgou." Naglahad ng kamay si Xandr sa kanya.

Tinanggap niya ang palad ng lalaki. "Ako dapat ang magpasalamat. I heard from Zek about the assistance you gave. Thank you so much, Dr. Larrazabal." Isinali niya ang mga bodyguards nito sa tipid na ngiti.

Tumango si Xandr. "Your boyfriend is one hell of a fighter and that speaks volume," komento nito.

"Nasa bureau ba siya?" tanong ng lider ng mga bodyguards nito. Sa pagkakatanda niya, ito si Nickolaz Natividad. Hailed from the family of surgeons and one of the famous medics in the Armed Forces.

"May operasyon sila kanina kaya kinailangan niyang bumalik sa bureau. Pero pauwi na rin siya."

"I understand," sagot ni Xandr. "But sorry if we can't stay long. Pakisabi na lang na dumaan kami."

"Makakarating." Sinamahan niya ang mga ito palabas at hinatid hanggang sa dalawang sasakyan na naghihintay.

Pagbalik niya sa loob ng function hall ay sinalubong siya ng nakasimangot na si Dimples.

"Umalis sila agad? Akala ko pa naman, makikilala ko na sa personal si Akillez Lhuillier na laging ibinibida sa akin ni Zek," himutok nito.

"Hindi mo pa siya kilala? He's the one wearing a blue-ray shades. Yong maitim, matangkad at-"

"Parang si Kit Thompson? Oo, alam ko. I mean, kilala ko siya siyempre sa mukha at pangalan. May-ari kaya ang pamilya niya ng sangkatutak na mga pawnshops sa buong bansa. He's from the NBI too, naka-base sa national office. Point ko lang sana nagkakilala kami personally. Nakuha ko number niya para mamaya pag-uwi ko ay magka-chat na kami. Malay mo yayain ako ng date."

"Agad-agad?" umangat ang kilay niya. "Walang kupas iyang kati mo sa sarili," kastigo niya sa kaibigan.

"Mas makati ka kaya, inagaw mo sa akin si Gray," paratang nito. "Tuloy ngayon virgin pa rin ako." Humaba ang nguso nito.

"Ang kapal mo talaga." Natatawang sinundot niya ito sa tagiliran.

They were giggling like kids and it's too late for her to realize that everyone is watching them, laughing.

Saglit siyang nagpaalam sa mga kaibigan at mga panauhin para asikasuhin muna ang mga anak. Pansin niyang inaantok na ang mga ito. Wala pa rin si Zek. Isang oras na mula ng tawagan niya ang binata. Saan pa ba nagsususuot iyon?

"Mama, we can't sleep yet. Papa told us he'll be back before we go to bed. We'll wait for him." Nagsalita si Zak habang nasa loob sila ng shower at pinaliliguan niya ang mga ito.

Sina Zed at Zen ay tahimik lang habang binabanlawan niya. Parehas nang tinatamad kumilos. Si Zak lang ang nanatiling masigla kahit kumikipot na rin ang mga mata.

"Your Papa is busy. He might come home late." Alo niya sa mga bata.

"No, he always came home before we went to bed, right?" Giit ni Zak at naghanap pa ng kakampi sa dalawang kapatid.

Nagtanguan sina Zen at Zed.

"Papa will be home soon," ani Zen sabay hikab.

"He'll play with us before we sleep," salo ni Zed.

"Really? Kahit nasa trabaho siya umuuwi ba siya bago kayo matulog? What if he needs to work overtime?" Nagmumukha siyang walang kaalam-alam habang tinitingnan ang mga anak.

"When we were asleep he went back to his work," sagot ni Zak.

"How did you know?" tanong niyang na-sorpresa sa nalaman.

"Sometimes I didn't get to sleep, I was just pretending because I'm worried, Papa's too tired but he's always made us happy. That's why I love him so much. I'm going to be a good boy always."

"Me too!"

"Me too!"

Nag-second the motion agad sina Zen at Zed.

She nodded, speechless, and touched. What a wonderful bunch of boys she has, father and sons.

"I love you too, Mama." Hinagkan siya ni Zak sa pisngi nang umuklo siya para punasan ito sa malaking fluffy towel.

"I love you, Mama!"

"I love you, Mama!"

Dinumog na siya ng tatlo.

"I love you too." Hinagkan niya ang mga ito. Saglit pa silang nagkukulitan saka natatawang inakay niya ang mga anak palabas ng banyo.

"Can I join the fun?" Nakangising si Zek ang bumungad sa kanila. Nakaupo ito sa kama at naghuhubad ng suot na shirt.

"Papa!"

"Papa!"

"Papa!"

Nagtakbuhan papunta sa lalaki ang mga bata habang siya ay nag-ugat sa labas ng pintuan ng banyo. Her son is right, Zek really kept his promise. Lumingon sa kanya si Zak. Nakangiti ng malaki. She can almost spell the words 'told you mama' rushing through in that big, big smile.

Pero nawindang siya. Nawalang parang bula ang antok ng mga bata. Mistulang nakainom ng isang baldeng adrinalin ang mga ito at imbis na matulog ay kung anu-anong nilalaro kasama si Zek. Naroong nagre-wrestling sa kama.

Nagtatakbuhan. Nagbabarilan. Naghahampasan ng mga unan. Ngunit nang sumenyas si Zek na tama na at matutulog na ay agad sumunod ang tatlo at tahimik na sumampa sa kama.

She can't imagine that this is his routine every day with the triplets, and yet he still able to go back to his work afterward. Pagkatulog ng mga bata ay bumalik sila ng function hall para samahan saglit ang mga kaibigan niyang karamihan ay nakainom na.

Nagtapos ang party bago maghatinggabi. Hinintay muna nilang makauwi lahat ng bisita bago sila umakyat sa taas. Nauna na nang natulog si Nana Matilda. Ang mga yaya na lamang ang gising at nanonood ng telebisyon sa sala.

"Ang tahimik mo. Napagod ka ba?" tanong ni Zek. Hinagkan nito ang balikat niya na lumantad mula sa suot niyang robe nang ihulog nito ang manggas niyon pababa.

Marahan siyang umiling. "I just realized that I really didn't know anything about you and the kids while I'm in jail."

"What do you mean?" Nahinto ito sa paghalik sa kanya.

"Mag-isa mo silang inalagaan. And I can see how they appreciated it. Mahal na mahal ka ng mga bata. Alam nila na kahit sa uri ng trabahong mayroon ka nangunguna pa rin sila sa priorities mo."

"Of course, love. And not just them, ikaw din." Muli siya nitong dinadampian ng mga maliliit at banayad na halik. "Hindi ako mag-isang nag-aalaga sa kanila. I have Nana Matilda and the nannies."

"Zek, gusto kong maging mabuting ina sa kanila. Turuan mo ako. I don't want to disappoint any of them."

"Virgou, mula nang piliin mong dalhin sila sa sinapupunan mo naging isa ka nang mabuting ina. You fought for the kids. You sacrificed your freedom. You lost too much of what you had because you chose to have them instead. I don't know if telling you this will make you happy but, you've been very wonderful. You'll always be." Niyakap siya nito ng buong higpit.

"Zek," isiniksik niya ang mukha sa leeg ng lalaki.

"Araw-araw pinasasalamatan ko na nakilala kita at minahal. Na ikaw ang naging ina ng mga anak ko. Kahit sa tingin ko ang dami ko pang kulang para maging karapat-dapat sa iyo. But I am working my damn best to make myself better as I can be. Just for you. For this family."

"Thank you," marahan niyang itinulak ang binata at hinagilap ang mga mata nito. "Gusto ko ulit magbuntis, okay lang ba? I just thought I'm not getting any younger so I have to rush."

He laughed hard. "Don't worry about your age, love. We'll beat the clock. Right on the limits."

"Hindi ako nagbibiro, Zerriko," angil niya.

"Well then, fucked me hard. Starting tonight, hm?" binuhat siya nito at sinarhan ng mapusok na halik ang kanyang mga labi.

Kakapag-kapag siyang bumangon kinabukasan. Muntik niyang makalimutan na malaya na siya at wala na sa kulungan. May pasok sa school ang mga bata at gusto niyang personal na ipaghanda ang mga ito. Pagkain, mga damit, mga gamit sa eskwela.

Ang nakakainis pa ay pinagtatawanan siya ni Zek dahil hindi niya magawa ng maayos ang mga iyon. Pati mga anak niya ay nagtatakang nanonood sa kanya habang natataranta siya. Ang niluto niyang bacon ay nasunog. Ang itlog ay nasobrahan ng asin.

"I think you should calm down, love." Hinaplos ni Zek ang likod niya. Kumuha ito ng isang pirasong bacon at kinain. "No good," bulong nito sa kanya.

Alam niya. Tinikman niya ang mga iyon at hindi na edible. "I'm so sorry, babies."

Nagkatinginan ang triplets. Mabuti na lang at nag-order pala ng breakfast si Zek. Her bad morning was saved. Sumama siya sa paghahatid sa mga bata sa eskwelahan. Ang palpak niyang umaga ay agad napalitan ng masayang kwentuhan habang nasa sasakyan sila.

Pagkauwi nila ng Rockwell ay si Zek naman ang naghanda para pumasok sa trabaho. Habang nasa banyo ang lalaki at naliligo ay nag-iisip siya kung anong pwedeng gawin para hindi mainip.

Zek's cellphone on the bedside table rings for a message. Nilapitan nya iyon at sinilip. Though it was not just a simple message. There's a picture. Zek and Arielle inside the car. Didn't mean something if not the caption below.

Arielle: thanks for the ride last night, I enjoyed what we did.

What does that mean? Is he cheating? Nagdilim ang paningin niya sa naiisip.

"Love?" Nahinto si Zek pagkalabas ng banyo nang masumpungan siyang hawak ang kalibre 45 at nakatutok rito.

"Putang ina ka, Zerriko! Saan ka nagpunta kagabi at sinong kasama mo bago ka umuwi rito? Sabihin mo ang totoo kung ayaw mong lagyan kita ng puwit sa tiyan!" galit na galit niyang sigaw.

"Come on, Virgou. What the-" napalundag ito nang barilin niya sa may paanan.

"Uulitin ko, saan ka nagpunta at sinong kasama mo?"

"Jesus Christ, Ayala! Saan ba ako pwedeng pumunta? Galing ng PRO ay hinatid namin ni Miguel si Arielle sa bahay niya. She was with us at the police station because she was asking something to report out of our operation yesterday." Nagpaliwanag ang lalaki.

"Anong ginawa ninyo sa loob ng sasakyan mo?"

"Wala!"

"She dropped a message for you. She said she enjoyed what you did. Is she lying?"

"Definitely, she lied. Wala kaming ginawa. Miguel was there, you can ask him later."

Matagal silang nagtitigan. Nagsukatan. Ang alam niya kapag nagsisinungaling ang isang tao ay lumilikot ang mga mata nito. Hindi makatingin ng deretso. Hindi iyon ang nakikita niya sa binata ngayon.

Ibinaba niya ang baril. "Subukan mo lang na lokohin ako at ipagpalit sa babaeng iyon, pagsisisihan mong naging lalaki ka," babala niya pa rin dito.

She knew he's not a bit alarmed by her warning. Naiiling na binaklas nito ang tuwalyang nakapulupot sa ibabang parte ng katawan at itinuro ang simbolong iyon na malamang isa sa dahilan para makikipagpatayan siya, huwag lang iyon mahawakan ng ibang babae.

"Tanungin mo kaya siya kung pumasok siya sa iba o kung gusto niyang pumasok. Sa iyo lang naman kasi siya tumitigas mula nang magkaisip."

Umurong ang dila niya at nag-apoy ang kanyang pisngi.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Whenna Jacinto Angeles
update plsss.love this story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status