Share

Chapter 4 - Ikalawang Yugto

Mula sa mga labi ni Virgou ay lumandas ang mga halik ni Zek pababa sa leeg ng dalaga at nagtagal doon. Gumagawa ng maliliit na mga kagat na nag-iiwan ng mga marka.

Kung pwede lang hindi na niya ito bibitawan. Kapag kasama niya ito lumilipad ang oras. Ang limang araw kung gumulong ay daig pa ang batas na tumutugis ng kriminal.

"Tama na, baka kung saan na naman tayo makarating niyan." Marahan siyang itinulak ng kasintahan.

"Ilalabas kita bago ang katapusan ng buwan at sa pagkakataong iyon ay hindi ka na babalik pa sa seldang iyon," pangako niya rito.

Tumango ito at ngumiti. "Salamat, Zek. Mag-iingat ka lagi. Huwag padalos-dalos sa mga operasyon ninyo. Isipin mo ang mga bata," paalala nito habang hinahaplos ang kanyang panga.

"Of course." Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinagkan. "I love you."

"I love you."

Bumaba sila ng sasakyan at hinatid niya ito hanggang sa opisina ng warden kungsaan ito magbibihis at isusuot muli ang uniporme ng priso. Dalawang babaeng jail guards ang naghihintay dito para samahan ito pabalik ng selda.

Sa kabila ng malupit na kalakaran mayroon ang institution na iyon hindi niya ito makitaan ng panghihina. She stayed firm, always looking for a silver lining in the midst of being deprived. Malamang ay nadama ng dalaga na rito siya kumakapit at kumukuha ng lakas sa bawat pagharap niya sa mga hamon ng buhay.

He waved a hand and she is smiling sweetly before the door was shut separating them again this time. Bumuga siya ng hangin at pormal na nagpaalam sa warden.

Galing ng correctional ay tumuloy siya ng Summit Circle Plus para makipagkita kay Xandr at pag-usapan ang tungkol sa kasong idinulog nito sa NBI. May kinalaman iyon sa mga pagbabanta na patuloy nitong natatanggap. Napag-aralan na niya ang mga impormasyong ibinigay ni Marlon at may mga suspek nang lumitaw base roon.

Nitong mga nakaraang buwan siya ang parating nahuhuli sa grupo tuwing may mahalagang meeting sila. He expected everyone to be there when he arrived. Pero ngayon hindi lamang ang mga kaibigan niya ang naroon at naghihintay. Edan Lextallionez was there too. But it's no surprise. This guy has been giving them assistance for quite some time now. Baka kinomisyon na rin ito ni Xandr.

"These are the additional data from my own investigation." Ibinigay ng lalaki sa kanya ang isang envelope.

"Thank you." Tinanggap niya iyon.

"You've got what you need, I suppose?" Xandr said.

Agad na nabaling ang tingin niya rito na lumabas galing kwarto.

"Good evening, doc." Tumayo siya.

"Good evening, Ric." Sumenyas si Xandr na maupo siya habang patungo ito sa bar para kumuha ng maiinom. "Kompirmado na ba iyan?" tanong nito kay Edan.

"This has been released last Friday." Tango ng lalaki.

Muling bumaling si Xandr sa kanya matapos lumagok ng ilang tagay ng alak. "There you go," Xandr gestured the envelope he's holding.

He nodded. "I will assemble the team after putting these on my feed. I think we can use a guided laser strike from the drones instead of snipers." He suggested. "I'll operate the attack personally."

Nagkatinginan sina Xandr at Edan habang ang iba ay kanina pa titig na titig sa kanya na para bang may distortion na nagaganap sa kanyang mukha. Only Nick is paying a little attention while busy scrolling something on his phone.

Pinagkibit na lamang niya iyon ng balikat at sinilip ang mga dokumentong laman ng envelope para pag-aralan. But then his breath halted upon reading the contents of the documents. It was not the data about Xandr's case, it was Virgou's.

Kasama roon ang series ng application niya for probation para sa dalaga at sa ikalawang pahina ay naroon ang mga rekomendasyon at positibong feedbacks mula sa nagdaan at kasalukuyang warden ng correctional.

The next pages are volumes of the supporting actions from legal experts including Edan's notable findings. Lastly, the decision of the court. Virgou's probation was granted and in three days she will be released from jail.

Realization kicked in pretty slow. Pakiramdam niya ay nagbabara ang kanyang paghinga. Kinailangan niyang humigop ng hangin nang paulit-ulit. This is what Xandr and his friends are working behind his back?

"Consider that an early gift for your birthday, Ric," pahayag ni Xandr.

"Don't start crying on us, Zerriko!" kantiyaw ni Nick na ginulo ang kanyang buhok mula sa likod nang dumaan ito patungong kusina.

"On some thought, you can cry silently. We won't mind," sabat ni Kit na inunahan ng halakhak.

Sinundan iyon ng pagdagundong ng malakas at malutong na tawanan ng lahat.

"Huwag ganyan, Kit. Iiyak na iyan," salo ni Jim.

Hinambalos niya ito ng throw pillow. Still unable to sort his emotions out. Napatitig na lamang siyang muli sa hawak na mga dokumento.

"Hold your tears, we're not done yet with your birthday presents." Natatawang sabi ni Xandr at tinanguan nito si Kit na humahalakhak pa rin.

Pinigil niya ang paghinga. There's more? And it seems his friends act to make a stupid thrill out of it.

"Doc won as the highest bidder of St. Catherine Catholic University," anunsiyo ni Kit na nagmamalaki dahil naatasang magsabi ng magandang balita. "And he wants your woman to be his representative in the board, after everything will be fixed including the documents, in return, the fifteen percent original share will remain on Virgou's name. Sweet, isn't it?"

Bumungisngis ito habang siya ay laglag na ang mga panga.

Dahan-dahan niyang pinakawalan ang hininga at ipinukol ang tingin kay Xandr na inaalog ang alak sa bitbit na baso. Sa nakaraang dalawang taon ay naging matunog ang balita tungkol sa pagbibinta ni Don Theo ng SCCU. The school was known to be a seeded university in the south and was bid through an auctioned during the Euro-Asia business summit.

Ang pagbili ni Xandr sa pamantasan at ang tiwalang ibinibigay nito kay Virgou ay malaki ang maitutulong para sa pagbangon ng dalaga at pagsisimula nito ng panibagong buhay dito sa labas.

"Thank you so much, doc, guys. Thank you for this." Nabasag ang tinig niya bagamat nanatiling hamog ang mga luhang pinagkait sa kanyang mga mata hanggang sa mga sandaling iyon.

"Need you to stop thinking you're just a burden instead of being an asset to us, Rico. Your loyalty to me as a friend is enough." Xandr stressed out.

Tumango siya. "Yeah, thank you for always had my back."

"Pero huwag ka munang maging kampante. Siguradong hindi mananahimik ang mga Ayala," pahayag ni Jim.

"Jim is right. They had their team of geniuses too although they don't have the valuable set of skills that you have," salo ni Nick.

"Nagsisimula pa lang ang laban, Ric. Handa ka naman di ba? Wala nang atrasan iyan." Kit added.

Tumango siya. Ngayon pa ba siya aatras? Ang layo na ng narating nila ni Virgou at ang dami na nilang pinagdaanan para lang ipaglaban ang isa't isa. Hindi niya uurungan ang sinumang darating at humadlang sa pagitan nila lalo na ang mga taong isinilang na may gintong kutsara sa bibig tulad ng mga Ayala.

"Zek?"

"Welcome home, my love." He smiled and opened his arms for her.

Tumakbo papunta sa kanya si Virgou at yumakap. Kasunod nitong lumabas mula sa opisina ng warden ang abogado nila na nag-asikaso ng ilang papeles para sa lubusang paglaya ng dalaga.

"What did you do? It's just been three days. Sabi mo sa katapusan ng buwan pa ako lalaya." Naiiyak nitong tanong.

"It's not me. Xandr and the guys beat the court for us. I'll tell you the rest of the story later." Hinagkan niya ito sa noo.

They've organized a party for her at the function hall of Rockwell Clubhouse. From the beauty parlor where she had a quick fix of herself, they went directly ahead to the party venue.

Everyone was there, waiting. Excited to welcome her again. Their friends, the people who kept on believing him and Virgou. Sina Lala, Bonz, Lilit, Mikoy, Jeren, Tarra, and Dimples.

Sa labas pa lamang ng clubhouse ay dinumog na sila. Bumuhos ang luha ng kaligayahan mula sa mga kaibigan ni Virgou na nanatiling tapat sa dalaga at naniniwala sa prinsipyong ipinalalaban nito hanggang ngayon. Mga kaibigang hindi tumitingin sa halaga ng yaman at kapangyarihan kundi sa pagkatao.

Natawa na lamang siya habang nanonood. He suddenly became invisible. Pati mga anak niya ay nakikigulo na rin kaya naiwan siyang mag-isa sa may bar habang umiinom.

He passed a message to Xandr and the others a while ago, inviting them to check out the party. Pero hindi siya umaasa na may darating kasi alam niya kung gaano ka-hectic ang schedule ng bawat isa sa kanila. Siya man ay hindi pwedeng magtagal dito. Kailangan niyang bumalik sa bureau dahil may operasyon sila mamaya.

His phoned vibrated. It's a message from Miguel, informing him that the team is ready. Itinago niya ang cellphone at lumapit sa masayang umpukan.

Umuklo siya sa gawing likuran ni Virgou. "I need to go back to the bureau. Hahabol ako mamaya sa party pagkatapos ko roon." Pabulong siyang nagpaalam sa dalaga sabay dampi ng maliit na halik sa tainga nito.

Tumingala ito sa kanya at nabura ang ngiti. "Be careful. Hihintayin kita sa dinner."

Tumango siya. "I love you."

"Papa!"

"Papa!"

"Papa!"

Ang triplets na naglalaro ay nagtakbuhan palapit sa kanya at yumakap sa kanyang mga hita.

"You're going to work, Papa?" tanong ni Zak.

He scooped them. "Yes, but I'll be home before the three of you doze off. You help Mama take care of our guests, right?"

"Okay!" the kids answered in a loud chorus.

"Zerriko!" tawag ni Virgou sa kanya habang palabas siya ng pintuan.

Nilingon niya ang dalaga.

"I love you! Mag-iingat ka." Habol nito.

He's smiling as he drove back to the bureau. Pagdating niya ay tapos na si Miguel sa briefing para sa team.

"Good job. Get everyone out there in position now." Tinapik niya sa balikat ang agent bago tumuloy sa kanyang opisina para magbihis.

This case has been passed down to them from PDEA. They are to rescue a hostage victim from a notorious group of assailants. The police were doing the negotiation buying them the time needed to launch an attack.

"Matunog sa balita sa tv ang paglaya ni Virgou Ayala. Hindi mo siya pinuntahan, sir? Di ba crush mo iyon?" halakhak ni Miguel. Ikinasa ang hawak na kalibre 45 na baril.

His eyebrows flinched. "She's my girlfriend, not just my crush." Hinagis niya ng ubod-lakas ang tear gas sa butas-butas na salamin ng bintana ng lumang bahay.

Narinig nila ang malakas na sigawan at pag-ubo ng mga tao mula sa loob. Isinuot niya ang tear gas mask, gayundin si Miguel kaya hindi na ito nakasagot sa sinabi niya. Senenyasan niya itong umikot sa likod ng bahay.

While he proceeded to the front door. Tinadyakan niya ang pinto. Nakaumang ang baril sa unahan habang pumapasok. Dalawang lalaking panay ang ubo ang makakasalubog niya. He advanced to meet them. Isang malakas na roundhouse kick at palm strike ang nagpatulog sa mga ito.

Humantong siya sa kwartong hindi naaabot ng usok. Naroon ang biktima. Nakagapos sa poste ng kama at may busal sa bibig. Umiiyak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status