Share

IKALAWANG YUGTO

Everything holds its own perfect time. Its own valid reason why. A statement that is often a consolation and taken for granted precisely when situations desperately go out of control. To make it worse, blaming those who can't say a word to defend. Like the course of nature.

Death. Pain. Suffering. The unknowns. Who could have stopped them? Who can? Or can a piece of them be stopped? Minute by minute, these nightmares keep on banging every single ghost alive and struggling to live.

Including him.

"Sir Gray, someone is waiting for you at the lounge." Binasag ng malakas na boses ang katahimikan sa loob ng opisina niya.

He moved the swivel chair backward and went up, living behind tons of cases report piling high on his desk. Dumaan muna siya sa gawi ng vending machine at kumuha ng kape.

"Who is it?" tanong niya sa agent na abala rin sa sarili nitong mga papeles na nakabinbin sa kaharap na mesa. Kung paanong sa loob ng mga nakalipas na taon ay hindi man lang nabawasan ang mga iyon. Nagmumukha tuloy silang mga tamad at walang ginagawa kahit biente-kwatro oras silang nakabaon sa loob ng gusaling iyon.

"Your sheath." Umangat ang kilay nito at ngumisi.

He raised a dirty finger and left while drinking his coffee in a take out paper cup. Nang maubos ay hinulog niya iyon sa trash bin na kanyang nadaanan.

Saglit siyang huminto at bahagyang napangiti nang matanaw ang babaeng nakaupo sa isa sa mga couches ng guest lounge at tinitingnan ang sarili sa hawak na pocket mirror.

Tumikhim siya at nilapitan ito. "Arielle," he caught her sweet time there.

Tarantang nag-angat ito ng tingin sa kanya at agad itinago ang salamin. "Zek," sambit nitong tumayo. Panandaliang umilap ang mga mata na tila nalilito kung anong sunod na sasabihin. "Galing ako ng San Jose Recolletos, nagbigay ng talk para sa mga aspiring journalist. Kumusta ka na?" tanong nitong nahihiyang ngumiti.

Sa telebisyon at sa harap ng camera nag-uumapaw ang kumpiyansa nito at tiwala sa sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit kapag siya ang kausap nito ay para itong takot palagi.

"I guess, I'm doing well so far. A little beat up but yeah, I'm good." Nagkibit siya ng balikat. "Congratulations to your recent segment. You had it wrapped up successfully."

"Thank you, Zek. I didn't expect you would come to watch it live." Ngumiti ito ng matamis.

"Nangako ako," pinamulsa niya ang mga kamay.

Tumango ito. Pumungay ang mga mata. "Are you busy this Sunday? Iimbitahan sana kita ng dinner sa condo ko."

Umiling siya. "Pasensya ka na, naka-schedule akong mag-leave bukas hanggang sa Friday. May importanteng ganap lang." Apologetic niyang pahayag.

"Oh," dumaan sa mga mata nito ang pagkadismaya. "It's okay. Maybe next time?"

"I'll give you a call when I have some vacant space in my calendar, sound good?" Bawi niya.

Umaliwalas ang mukha ng dalaga. "That's perfect. Maghihintay ako." Umaasa nitong tugon.

Maghihintay ako. Hihintayin ka namin. Umalingawngaw sa utak niya ang boses na iyon habang pabalik siya ng kanyang opisina. At tulad ng madalas mangyari, lutang na naman ang isip niya sa mga natitirang oras dahil sa babaeng hanggang ngayon ay hindi niya mailabas mula sa kinaroroonan nitong impeyerno.

He had all the connections needed but nothing's working. Nakakapanghina ng loob. Virgou Ayala sacrificed everything for him yet he can't save her from hell.

He gave up trying to examine a few of the crucial cases passed down from the PDEA to the National Bureau. Wala. Tulog na ang mga matitinong cells niya sa utak. Wala siyang maisip kaya niligpit na lang muna niya ang mga mahahalagang dokumento at inabot ang tumutunog na telepono.

"It's Gray here, how can I help you?" mistulang automated machine ang sumagot.

"Ric, may oras ka ba mamaya?" tinig ni Marlon ang nasa kabilang linya. "May pumasok na bagong impormasyon. Kailangan ko ang opinion mo."

"I'll be there." Ibinaba niya ang receiver at itinuloy ang pagtatago ng mga papeles sa filing cabinet. He shut down the computer afterward and went out of his office.

"Gray!" tawag ni Miguel sabay hagis ng kung ano papunta sa kanya.

Sinalo niya iyon. A box of condom? Timang. Natatawang hinambalos niya iyon pabalik sa kaibigan.

"Wooah, daddy cool?" kantiyaw nitong humalakhak.

Nakikitawa na ang ibang mga kasamahan niyang agent na naroon pa rin kahit alas-otso na ng gabi.

"Wala ako bukas hanggang sa Friday kaya magpakatino kayo!" Malakas niyang anunsiyo.

"Lupit! Apat na araw mong babanatan si Miss Reporter? Baka kabagan ka niyan!" pangbubuska ni Miguel na lalong ikinasabog ng tawanan ng mga kasamahan niya.

"Mas mabuti na iyong kakabagan kaysa magtitiis ako sa sakalan gaya mo." Ganti niya. Halos gumulong na sa katatawa ang iba dahil sa palitan nila.

Isinuot niya ang bitbit na jacket at baseball cap habang palabas ng gusali. Marlon sent him a ride and its waiting just outside the rear gate. Tinanguan niya si Kit na nasa likod ng manibela pagkasampa niya ng sasakyan sabay kabig ng pinto upang isara.

"Ako na lang ba ang kulang?" tanong niya rito.

Pinausad nito ang Fiat 124 pabalik sa main highway. "Don't worry, everyone knew you're busy. Isa pa malaking tulong iyong huling impormasyong binigay mo para matunton natin ang grupo."

"Does that mean we have a clear target now?" follow-up niya.

Tumango si Kit.

"Mabuti naman. Pulbusin na natin habang maaga."

Natawa ang lalaki. Umiling. "I can't really imagine having you as my enemy, Rico. Dapat sa army ka pumasok imbis na sa NBI." Komento nito.

"Nagsalita ang mabait." Kantiyaw niya at sumulyap sa side mirror. "Kailan ka pa nagkaroon ng buntot? Mukhang kanina pa iyan, ah. Putulin mo na."

Sinipat ni Kit ang rear view mirror at ngumisi. Pagsapit nila ng fly over ay itinodo nito ang sasakyang rumaragasa sa pagitan ng ibang mga motorista. Mistulang isdang naglalaro sa makipot na mga siwang ng corals sa ilalim ng dagat.

Sinubukang humabol ng sasakyang nakabuntot sa kanila pero pagdating ng intersection ay inabot ito ng pagpapalit ng ilaw trapiko at natingga sa kinaroroonang kalye.

"Nice one, girl!" hiyaw niyang hinaplos ang dashboard ng Fiat para asarin si Kit.

"Gago," natatawa nitong himutok.

Nakarating sila ng Summit Circle Plus na walang ginawa kundi mag-asaran na parang mga bata. Umakyat sila sa top floor at tumuloy sa may swimming pool ng penthouse kungsaan naroon ang iba.

He found a family and true friends with these guys. Nick, Marlon, Jim, Ronald, and Kit. All of them is a valued member of a pack where he belongs too. Malamang kung wala ang mga ito, matagal na siyang naliligaw ng landas dahil sa paghahangad ng katarungan para kay Virgou.

"Masyadong busy?" Inakbayan siya ni Marlon matapos niyang batiin ng high five ang ibang mga kaibigan. "Lagi kang hinahanap ni Xandr."

"Tinambakan na naman kami ng kaso mula sa PDEA. Where's doc by the way?" usisa niya.

"Nasa mansion. Bukas pa iyon uuwi rito."

Lumapit sa kanila si Ronald bitbit ang laptop at may itinuro sa monitor. Footages and strips of information. Binasa niya ng mabilisan at sinuring maigi ang mga shots.

"I know this place. Been there just two months ago," aniyang itinuro ang lumang gusali. "This is a run-down building, formerly a paper mill but yeah, it is an ideal hideout. I just never thought they'd nest in a nasty place like this."

"Can you lead the team?" tanong ni Nick.

Tumango siya. "Kailan ba?"

"I'll give you a ring after two days." Nagthumbs-up si Marlon.

Tinanggal ni Ronald ang flash drive mula sa laptop at ibinigay sa kanya.

"There's more inside that you might wanna see." Sinamahan nito ng mabilis na kumpas ng mga kamay ang sinasabi.

"Porns?" Kinuha niya iyon at hinulog sa bulsa ng pantalon habang nagtatawanan ang mga ito.

Muntik na siyang batukan ni Ronald. He stayed for another hour and joined them in a fast round of hard whisky. Bago mag-alas diyes ay nagpaalam na siya at tumulak patungo sa sunod niyang destinasyon sakay ng Fiat na siya na mismo ang nagmamaneho.

"Ikaw pala, sir. Magandang gabi po," bati ng dalawang gwardiyang humarang sa kanya sa may gate ng Cebu Provincial Jail Women's Correction.

"Magandang gabi. Sasaglit lang ako sa loob."

"Walang problema, pasok po kayo." Nilakihan ng mga ito ang bukas ng gate at hinatid siya hanggang sa loob.

Kilala niya ang Jail Officer na naka-duty sa reception. Tumayo agad ito at sumaludo sa kanya habang papalapit siya. Gayundin ang dalawang gwardiyang kasama nitong naka-standby habang nagkakape.

"Good evening, director."

"Good evening, Perez. Carry on."

"Ginabi po yata kayo ngayon."

"Maraming trabaho sa opisina." Pinukol niya ang gawi ng mga selda. Tahimik na. Tulog na marahil ang mga priso. "Can I see her?" baling niyang muli sa police.

"Sige po," senenyasan nito ang mga kasama. "Pakisamahan si sir sa selda ni Virgou Ayala."

Agad tumalima ang dalawa at iginiya siya patungo sa selda ni Virgou. The lights in most cells were out except for the ones in the corridor. Humawak siya sa malamig na mga rehas pagsapit sa selda ng dalaga. Tulog na ito at ang tatlong priso na kasama nito.

"Papasok po ba kayo, sir?" tanong ng gwardiya.

Tumango siya. Agad nitong binaklas ang kandado at binuksan ang pinto. He went in, ignoring the stinky smell of the dust and moisture hitting on him. Nilapitan niya si Virgou na mahimbing pa rin ang tulog sa kabila ng maingay na kalampag at ingit ng pintong gawa sa bakal.

Dumukwang siya. Dinampian ng banayad na halik sa noo at mga labi ang dalaga. Ilang minuto din niyang pinagmamasdan ng buong pagmamahal ang maganda nitong mukha na hindi nababagay sa lugar na iyon.

She lost everything because of him. Her family. Her modeling career. Her place. She chose to let go and become nothing just so he can have what he is holding right now. His life.

Nagagalit siya sa sarili niya habang lumilipas ang mga taon na wala siyang nagagawa para alisin ito sa kulungang iyon. He even landed on risky missions just to bargain for her freedom but his efforts were all in vain. Isa na lang ang hindi pa niya nasusubukan, ang lumuhod at magmakaawa sa harap ng ama nito na alam niyang siyang humaharang sa paglaya ng dalaga.

"I'm sorry, my love." Hirap ang loob niyang bulong. "I love you."

Mabigat ang dibdib at mga hakbang na umalis siya ng correctional at umuwi sa kanyang unit sa Rockwell. Gising pa si Nana Matilda nang dumating siya. Nanonood ito ng telebisyon kasama ang tatlong katulong.

"Akala ko uumagahin ka na naman." Sinalubong siya ng tiyahin habang nakabuntot dito ang mga kasambahay.

"Magandang gabi po, sir." Sabay-sabay na bati ng mga ito.

"Magandang gabi." Tinanguan niya ang mga ito at nagmano sa matandang babae.

Agad niyang tinunton ang kanyang kwarto na bahagyang nakaawang ang pintuan.

"Kumain ka na?" tanong ni Nana Matilda na humabol sa kanya.

"Tapos na, tiyang." Pumasok siya sa kanyang silid. Sabik na nilapitan ang tatlong batang lalaki na magkakamukha at mahimbing na natutulog sa kama niya. Dinampian niya ng halik sa noo ang mga ito.

His and Virgou's beloved triplets.

"Pagkagaling namin kanina sa school sinabi ko sa kanila na maaga kang uuwi ngayon. Nakatulugan na nila ang paghihintay sa iyo." Nagsalita si Nana Matilda.

"May dinaanan po ako." Hinubad niya ang suot na jacket habang pinagmamasdan ng buong pagmamahal ang mga anak. "Naka-leave na ako simula bukas."

"Mabuti naman. Tiyak matutuwa ang mga bata." Masayang tugon ng matanda at kinuha ang jacket niya. Lumabas ito ng kwarto.

Maingat siyang naupo sa gilid ng kama at mula sa mga bata ay natuon ang paningin sa naka-kwadrong larawan sa side table. It was their photo, the five of them, taken during the fifth birthday of the triplets.

Inabot niya ang frame at hinaplos ang nakangiting si Virgou roon habang yakap nito ang tatlong bata. Kung hindi pa rin mapagbibigyan ang huling application na pinasa niya para sa parole and probation ni Virgou, pupunta na siya ng Malacañang para kausapin ang pangulo.

Ibinalik niya sa table ang larawan at napangiti ng bahagya nang mapansing gumalaw si Zak. Mukhang nagigising pero nanatiling nakapikit ang mga mata. Pakapa-kapang bumaba ito ng kama. Malamang naiihi. Natatawang binuhat niya ang anak at pinupog ng halik.

"Papa?" tuluyan itong nagising at namilog sa tuwa ang inaantok na mga mata. "Papa!" Mahigpit itong yumapos sa kanyang leeg.

"Hi there, spiderman."

"I'm going to pee?" Itinuro nito ang banyo.

Tumango siya at dinala ito sa loob ng banyo. Pasulyap-sulyap sa kanya ang anak habang umiihi. At the age of five, the triplets can do a lot of stuff all by themselves. Mabilis matuto. Pagkatapos nitong umihi ay kumaripas ito palabas ng banyo at ginising ang mga kapatid.

"Wake up! Papa's home!" inaalog nito sina Zed at Zen. Natawa na lamang siya.

Nagising ang dalawa. Nagkukusot ng mga mata at kumikislot na bumangon. Si Zed na masyadong bugnutin ay nagdadabog.

"Hey, superman and batman!" Naupo siya sa kama.

Tumingin sa kanya ang dalawa. Kumurap-kurap.

"Papa!/Papa!" bulalas ng mga ito at tumalon papunta sa kanya. Pati si Zek ay nakigulo na rin at sumiksik sa makulit nilang group hug.

Ito ang buhay na binigay sa kanya ni Virgou kapalit ng pagtira nito sa malamig, malungkot at mabahong kulungang iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status