Share

Chapter 2 - Ikalawang Yugto

Nilakasan ni Zek ang aircon ng sasakyan habang tumatawa at pinakikinggan ang kulitan ng mag-iina sa backseat. Hindi na nila nagawang magtagal pa roon sa fine dining kungsaan niya dinala ang mga ito para sa tanghalian. Masyado na kasing excited ang apat na makarating sa pupuntahan nila.

They're bound for the north where he rented out an entire beach resort in San Remegio for five days. Nauna na roon si Nana Matilda para maihanda ang buong lugar. Ang mga yaya ng triplets ay kasama nila at nasa hiwalay na sasakyan sa unahan.

"Look, Mama, teacher gave me five stars!" masiglang pagbibida ni Zed at ipinakita ang mga bituing nakatatak sa likod ng palad.

"Wow!" bulalas ni Virgou. "Let me see! Let me see!"

"Me too, Mama! Look, look!" nakipag-agawan si Zak.

"I have stars too, Mama!" makulit na sumingit si Zen.

"Ang gagaling ng mga superheroes namin. Ang daming stars!" pumalakpak ang dalaga. "You've got fifteen stars all in all!"

Hindi humupa ang tawanan at kasiyahan. Mahigit sampung beses na yatang pinagyayabang ng triplets ang mga bituin. Mula pa kanina sa school nang sunduin nila hanggang sa restaurant habang nagtatanghalian.

Kung hindi ang mga bituin at mga drawings ay tungkol naman sa mga laruang miniature nina superman, batman at spiderman ang kinukwento ng mga ito sa ina nang walang kapaguran. Sa sobrang ingay ay parang may pista sa loob ng sasakyan.

"Papa, did you get stars too?" tanong ni Zak na nagtangkang tumalon patungo sa front seat para isali siya sa kulitan.

"Of course, I got mine too." Pagmamalaki niya. Nakangising sumulyap sa rear view mirror. Nagtama roon ang mga mata nila ni Virgou. "A very beautiful shooting star." Kinindatan niya ang dalaga.

Ngumiti ito.

"Where is it?"

"Where?"

"I wanna see!"

Maingay na apura ng tatlong nagtutulakan na sa gawing likuran niya.

"Hey, careful!" awat ni Virgou sa mga ito.

"She's beside you, boys. Your Mama is my shooting star."

Natahimik ang mga bata. He's not quite sure why. Pero saglit na nawalan ng kibo ang mga ito habang nagtitinginan.

"Stop it," natatawang saway ni Virgou sa kanya. "Ayan, nalilito na ang mga anak mo."

Humalakhak lamang siya. Hindi naman siya umaasang maiintindihan ng mga bata ang ibig niyang sabihin. Kung tutuusin hindi ang mga ito kundi si Virgou ang nais niyang makaunawa kung anong kahulugan nito sa kanyang buhay.

Marahil, para sa iba ay naglaho na ang liwanag ng dalaga ngunit para sa kanya, higit itong tumitingkad at gumaganda nang piliin nitong maging ina ng kanyang mga anak kahit kapalit niyon ay pagkawala ng kalayaan nito, ng pagiging reyna at ng kasikatan na handog ng mundo.

She is a shooting star who became his guiding light. Setting a clear future and a bigger purpose for him. She stunningly shattered defenses and walked straight through hell with her might in order to bring forth these three wonderful new lives.

"I want Mama to be my star." Pagkuwa'y mahinang sambit ni Zen.

"But Mama is Papa's star!" kontra ni Zed.

Si Zak ay nanatiling tahimik. Tipong nakikiramdam muna kung kanino papanig.

"Mama, who is your star?" biglang tanong nito sa ina.

"My star?" tumingin sa kanya si Virgou mula sa salamin. "Of course, the three of you. Zen, Zed, and you, Zak. You're my stars."

"And Papa too?" sabat ni Zed.

"Right, Papa too." Tango ng dalaga na natatawa. "The four of you, I mean."

Tumango si Zak. "You and Papa are going to be my stars from now on." Nakangiting sabi nito.

"Thank you so much, babies..." Virgou's voice is breaking.

While he can't say a word anymore behind the steering wheel. Nadudurog ang puso niya sa magkahalong ligaya at sakit. Balang araw malalaman ng mga anak niya lahat ng pinagdaanan ni Virgou. Isang malaking karangalan para sa kanya ang mabigyan ng karapatang ikwento kung paano ipinaglaban ng dalaga ang mga bata habang nasa sinapupunan pa ang mga ito.

He was half-unconscious. Awaken by the excruciating pain beyond words. He tried to move but his brain burns. His right eye was slightly open and all he can see was blood. Mahapdi iyon dahil sa dugong pumasok doon. Sinubukan niyang idilat ang kaliwa. May nakikita siya pero malabo. Nag-uulap ang paligid at hindi niya matukoy kung nasaan siya.

Kumikirot ang buong mukha niya. Kalahati ng kanyang katawan ay manhid at hindi niya maramdaman lalo na ang kaliwa niyang braso at hita. Masakit huminga. Tila may mabigat na batong nakadagan sa kanya. Tuwing tinatangka niyang gumalaw ay sumisigid ang nakabibinging sakit na hindi niya malaman kung saan nagmumula at kung paano pawiin. Gusto na lamang niyang huminto sa paghinga upang matigil na ang paghihirap na iyon.

However, Virgou's face rushed through his deteriorating constitution. He refused to die just yet. May anak sila ng dalaga. Tiyak kakailanganin siya nito ng buhay.

Nasaan sina Lilit at Mikoy? Saan ba siya naroon? Ang naalala lang niya ay may humarang sa sasakyan nila at pinaulanan sila ng bala. Tinamaan siya sa gilid at balikat. Hindi na niya alam kung anong sunod na nangyari pagkatapos bumulusok patungo sa hilera ng mga puno sa tabi ng daan ang sasakyan.

"Choose, Virgou! That baby inside you or the head of this boy!"

Virgou? Si Virgou? Nandito ang dalaga?

Kumurap-kurap siya. Pilit ini-angat ang paningin at tiniis ang tadyak ng sakit na umalog sa kanyang ulo. Unti-unting lumilinaw ang paligid. Bagamat isang mata lamang niya ang nakakakita. Nakagapos siya sa isang upuan. Malapit sa kanya ay nakatayo ang lalaking may hawak na baril at nakatutok sa ulo niya.

Jerom Sanchez. Few steps away from him is Virgou. Holding and pointing another gun to the guy. Her expression is unreadable as usual. Hindi niya ito makitaan ng anumang emosyon. Nagmistulang manika na nilagyan lamang ng buhay.

"Ano, Virgou? Pumili ka, ilalaglag mo iyang bata o pasasabugin ko ang ulo nitong boyfriend mo?" malupit na singhal ni Jerom. "There's pill at the table beside you. Just take one and everything will be over."

Sinulyapan ni Virgou ang gamot na sinabi sa table na nasa malapit.

Nagkuyom siya ng mga kamao at pilit hinahatak ang mga iyon mula sa mahigpit na mga gapos. Pinapipili ba ng lalaking ito si Virgou kung sino sa kanila ng anak niya ang bubuhayin? Tangena! How can he allow this to happen? Kailangan niyang makawala. Pero ayaw makisama ng kanyang katawan. Hindi niya mahagilap ang lakas na kailangan para isalba ang sarili at ang kanyang mag-ina.

"Virgou," hirap niyang ungol. "Don't listen to him."

Tinadyakan siya ni Jerom para patahimikin. Ngunit kasabay ng pagtimbuwang ng silyang inuupuan niya ay ang sunod-sunod na putok ng baril. Kasunod niyang bumagsak sa sahig si Jerom Sanchez. Dilat ang mga mata dahil sa tama ng bala sa noo at bumubula ang dugo sa bibig.

Virgou killed the guy.

"Hindi mo ba sila sasamahan doon sa dagat?" hinatak siya pabalik ni Nana Matilda sa kasalukuyan.

Ikinatang niya ang mga kamay sa pasamano ng balkonahe ng beach house. Pagkatapos ng miryenda kanina ay dumeretso na sa dagat ang mag-iina. While he went up to check the bedrooms first. Hinatid siya ng mga paa niya roon kungsaan tanaw niya ang mga ito na masayang nagtatampisaw sa tubig. Hindi alintana ang matapang na init ng araw kahit pababa na iyon sa kanluran.

"Napakasaya ng mga bata. Sana magkaroon na ng magandang resulta ang petisyon na hinain mo sa mataas na hukuman." Hinagod ng matanda ang kanyang likod.

"Soon," tumango siya. "Mauubusan din sila ng rason para tanggihan ako." Dagdag niyang nakatiim ang mga bagang at pinukol ang tingin sa malayong bahagi ng dagat.

Dama ni Zek ang malambot na palad na humahaplos sa kanyang mukha. Hindi pa rin niya maidilat ang kanang mata. Pero ang kaliwa, maayos nang nasasagap ang liwanag mula sa ilaw na nasa kisame. Kumurap siya para masanay at tiniis ang hapdi.

"Zek?" boses ng isang babae at pamilyar sa kanya ang malambing na tono. "Salamat at gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito.

Hinanap niya ang pinagmulan ng tinig ngunit hirap siyang igalaw ang ulo at leeg. Saka lamang niya nalaman na si Arielle nga iyon gaya ng kanyang hinala nang matapat ang dalaga sa gawing kaliwa niya.

Marahan niyang kinapa ang kanang mata. Kaya pala hindi niya maidilat dahil may benda. Mukhang pati ang ulo niya ay balot din ng benda, maging ang kanyang leeg.

May brace ang kanyang balikat pababa sa kaliwa niyang braso. Habang naka-hang naman ang kaliwa niyang binti na pulos benda rin paakyat sa kanyang hita.

Ang kulay ng dingding, mga berdeng kurtina at mga tubo na nakakabit sa kanya mula sa mga makina na nasa malapit ay nagsasabing nasa isang intensive care unit siya ng isang hospital.

"Si Virgou?" hindi niya halos mailabas ang boses dahil sa panunuyo ng lalamunan.

Hindi sumagot si Arielle. Nakatitig lamang sa kanya na tila walang naririnig.

"Arielle, kumusta si Virgou?" magaspang niyang tanong sa dalaga na biglang dumilim ang mukha.

"Nakakulong siya, Zek. Pinatay niya si Atty. Sanchez."

Nakakulong? Hindi pwede. Hindi pwedeng makulong si Virgou. Buntis ito. Paano ang magiging anak nila?

"Kailangan ko siyang puntahan." Nagpupumilit siyang bumangon.

"Nasisiraan ka na ba? Tingnan mo nga iyang sarili mo? Halos balutin ka na ng benda ng mga doctor dahil sa dami ng sugat mo. Iyang kanang mata mo, kung hindi naagapan baka bulag ka na ngayon. Dahil sa babaeng iyon. Dahil sa kanya muntik ka ng mamatay, Zek!" Galit na asik ni Arielle.

"Kailangan niya ako," anas niya.

"Bakit mo ba ipipilit iyan? Hindi kayo para sa isa't isa!" Arielle cried out of anger and disperation. "Ang layo mo kung tumingin, mayroon namang nagmamahal sa iyo na nasa tabi mo lang at kayang-kaya mong abutin."

"Damn," napamura siya nang sumigid ang kirot mula sa kanyang tagiliran. Nakisabay pa ang kanyang ulo.

The following day, Nana Matilda came with a handful of news just what he needs.

"Nakaligtas sina Lilit at Mikoy. Nandito rin sila sa hospital. Pero ikaw ang pinakamalubha sa inyong tatlo. Dalawang araw kang hawak ni Jerom kaya lumala ng ganyan ang mga sugat mo. Pati mga mata mo muntik nang masira dahil sa pagkakauntog mo nang mabunggo ang sasakyan ninyo sa puno." Kwento ng matandang babae sa pagitan ng mga luha. "Tinakot mo ako ng husto, anak. Akala ko mawawala ka na sa akin." Mahigpit nitong pinisil ang kanyang kamay.

"Si Virgou, tiyang? Ang anak namin?"

"Muntik nang makunan si Virgou. Mabuti na lang at matibay ang kapit ng mga bata sa kanyang sinapupunan."

"Mga bata?"

"Malamang kambal ang anak ninyo. Sabi ni Dr. Lala hindi raw nag-iisa."

"Kailangan kong makausap si Virgou, tiyang."

"Zek naman, hindi ka pa ba nadala sa nangyari? Tama na. Ngayong namatay si Jerom Sanchez siguradong hindi ka titigilan at patatahimikin ni Don Theo. Darating ang ama mo sa makalawa. Isasama ka niya papuntang Colombia pagkalabas mo ng hospital."

Umiling siya. "Hindi ninyo alam kung anong tunay na nangyari, tiyang. Virgou saved my life. Hindi ko po siya iiwan kahit ikamatay ko pa." Matatag niyang deklarasyon.

Tumakas siya ng hospital matapos makaipon ng sapat na lakas. Nagtungo siya sa Carcar City Jail kungsaan pansamantalang nakakulong si Virgou habang inaasikaso ang paglilitis. Kilala siya ng imbistigador doon kaya napagbigyan ang hiling niyang makausap ang dalaga.

Nag-iisa lang ito sa selda kaya hindi na ito pinalabas at siya na lamang ang pinapapasok sa loob. Wala sa sariling tumingin ito sa kanya at saglit na nanlaki ang mga mata. The stress and anxiety were visible in her eyes though she remained abnormally compose. Hapis ang magandang mukha nito, halatang kulang sa pahinga ng nagdaang mga araw.

"Virgou," inisang hakbang lamang niya ang paglapit dito at mahigpit itong niyakap.

"Anong ginagawa mo rito, Zek?" mahina nitong tanong.

"Bawiin mo ang statement. Sabihin mong ako ang pumatay kay Jerom. Hayaan mong ako ang makulong. Hindi ka pwede rito. Hindi ako papayag."

"I can't." Umiling ito. "Don't worry about me and the babies, we will be fine. Mag-iingat akong mabuti at aalagaan ko ang sarili ko."

"Virgou," bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinigil. "Please don't do this. It's not fucking fair. Sinabi mo ba sa kanila kung anong ginawa ng hayop na iyon?"

Kumalas ito sa kanya at hinaplos ang kanyang panga. "I went to him to bargain but he took advantage of me and wants you and our babies dead. That ate up the remaining ability I had to think rationally. Mas masahol pa sa kanya ang aking ama, Zek, kaya kailangan mong magpakatatag. Kapag naisilang ko na ang mga anak natin, ikaw ang mag-aalaga sa kanila."

"Mahal kita...mahal na mahal kita...Virgou!"

"Hindi mo ako maililigtas kung ang mayroon ka lang ay ang pagmamahal na iyan. This isn't a fairy tale. We're not talking about Sleeping Beauty and the prince's kiss. We're talking about reality, Zek, and reality sulks, you know that." Tinalikuran siya ng dalaga. Nagtungo ito sa kama at naupo roon. "The society thought they had the right to demand more from you. Wala tayong magawa kundi makisabay. Para sa mga anak natin, kailangan mong magkaroon ng kapangyarihan. Magtapos ka ng pag-aaral. Get the world to know you. Break your limits and then come back and save me. Maghihintay ako."

She is awfully stubborn that he had no choice but to go with the flow like what she wanted even if it's agonizing. Nagpalakas siya habang pinahihilom ang mga sugat. Dumating ang kanyang ama mula Colombia pero hindi siya sumama rito pabalik. Hindi na rin siya humingi ng anumang tulong dahil ayaw niyang madamay ito sa gulo at ang bagong pamilya nito.

Natapos ang paglilitis kay Virgou at nalipat sa correctional sa probinsya ang dalaga. Hindi niya ito nadadalaw pagkat ayaw nitong pumayag na may makakita sa kanya roon.

Hindi naging madali sa kanya ang pagbangon. He was blacklisted from all the colleges and universities in the province. His credentials are on hold. Bumalik siya sa umpisa at nagmistulang batang kasisilang pa lang. No support. No backing from anyone. With the province known to be the Ayala's arena, he didn't expect anything to work on his favor. Not until he met Xandr Larrazabal.

Then the table started turning again, now giving him another shot to prove what he is made of. Pumunta siya ng Manila at sa tulong ni Xandr ay nakapasok siya sa isang kilalang pamantasan doon. Habang nag-aaral ay nagtatrabaho siya bilang on-call bodyguard nito.

Kasabay ng kanyang pagbangon ang pagbagsak naman ni Virgou. Tiniis niya ang galit at sakit. Ang kawalan ng magawa para ipagtanggol ito habang nakikita at naririnig niya mula sa social media lahat ng paninira sa pagkatao ng dalaga. Her name and her face used to be an icon anywhere in magazines and big screens. Ngunit ang mukha at pangalang iyon na simbolo ng kagandahan ngayon ay minumura at kinasusuklaman. Kulang na lang ay ipagbawal na banggitin.

She became a hot condemning topic while her contribution to the society was put ten feet below the ground, that never deserved to be labeled even as a memory.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status