Share

CHAPTER 2

“CUTE”

"Ano bang naging problema Eina?" Mabilis na tanong ni Vaness ng umalis kami sa loob ng sinehan. Goodness! Naha high blood ako! Humabol sa akin yung anim habang papalabas ako ng mall.

"Naiinis ako sa lalaking yun!" Halos pasigaw kong sinabi. Napailing na lang yung anim sa akin.

"Tanggapin mo na Eina, bitter ka lang talaga." Humagikhik si Leley sa akin. Ngumiwi ako. Ako?

Bitter? Hey no! Sa lahat ng pwedeng maramdaman ang pagiging bitter ang pinaka huli sa listahan ko! I will never feel envy towards others. I'm contented on what I am right now. If I will die right now then I'm fine! No hard feelings!

"Hindi ako bitter! Let's just go to Cult 45!" Tukoy ko sa isang sikat na bar dito sa bayan ng Lucena.

"Yes! Isayaw na lang natin yan!" Si Roma naman na excited na yatang lumandi.

Convoy kami papuntang Cult 45. Nang makarating ay parang binudburan ng asin ang anim dahil excited na sila. Madilim na rin ang paligid dahil gabi na. Sa labas pa lang ay kitang kita na ang maraming tao na papasok dito.

"Let's go! Gosh!" Sabat ni Niña at nanguna na sa pagpasok.

Nang makarating papasok ay bumungad sa amin ang mausok na paligid. The lights are glittering. Sobrang lakas din ng music sa loob. Sumunod kami kay Niña at nakita naming may nakalaan na saming pwesto. Yaman talaga nito ni Niña!

"Bring us beers!" Sigaw ni Leley sa waiter. Ang sarap lagyan ng tape ng bunganga ng babaeng ito.

Sumulyap ako sa paligid. Hindi ito ang unang beses ko sa bar, I've been to bars my whole life. Alam kong bawal ang lugar na ito sa isang katulad ko pero...ayaw ko lang na maubos ang panahon ko ng hindi ito nararanasan.

I've been living my life to the fullest! Lahat ng gusto ko ay gusto kong gawin dahil ang ayaw ko sa lahat ay ang magsisi sa huli.

"Shet! Ang gwapo oh!" Turo ni Roma sa isang lalaking nasa counter. Tumaas ang kilay ko dito. Gwapo nga pero hindi ko siya bet.

Nang mailapag na ang beer ay kaniya kaniya kaming lagok sa bote namin. Ang init nito ay dumaloy sa aking lalamunan. Nag order pa kami ng iba pang hard liquor. At wala pang isang oras ay tipsy na ang mga kaibigan ko. Ako rin naman medyo tipsy na pero hindi yata ako magiging katulad nila!

"My gosh I can see rainbows!" Sigaw ni Niña na nakaturo sa party lights. Kung hindi ako tipsy ay kanina pa ako humalakhak sa katangahan niya.

"What the hell?!" Sigaw ni Mariel ng makita ko siyang mahulog sa couch na inuupuan.

Damn! My head is aching!

Nakita ko naman si Marriane na nakahilig na sa couch at tulog. Si Leley naman ay may katabing lalaki na hindi ko kilala at malapit na silang magtukaan. Si Roma naman ay hindi ko na maintindihan ang ginagawa dahil pinaghahalo halo niya ang mga alak sa isang baso!

The hell?!

Agad akong tumayo at napagdesisyonang sumayaw na sa dance floor. Damn! I want to dance! I lifted my arms in the air sa gitna ng dance floor. Marami na ring nagsasayaw. Sumabay pa ang mga ilaw sa pagsasayaw namin. The booming of the music is like a heavy water in me. Para akong nalulunod. May naramdaman akong kamay sa aking bewang pero hindi ko na yun pinansin dahil sa kagustuhan kong magsayaw.

While dancing I can feel the man's hands on my waist. Humarap ako dito at isang foreigner ang nakita ko. My brows raised when he smirked at me. Mas lumapit siya sa akin habang nagsasayaw kami sa saliw ng tugtugin.

"Come with me in my condo.." he whispered sabay halik sa aking tenga. Wala akong naramdaman. Marami na akong nakaharap na ganito sa bar pero kahit kailan never kong ibinigay ang sarili ko. Wala akong pakielam kong mamamatay akong virgin!

"Sorry...your...not my type." I whispered back before I pulled myself away from him. Umalis ako ng sa gitna ng dance floor pero halos matumba ako sa likod ng lalaking nakabungguan ko. Pakiramdam ko ay nilindol ang buo kong pagkatao.

Damn it!

Tumigil ang lalaki sa pakikipaghalikan at humarap sa akin at literal na nanlaki ang mata ko kung sino ito. This is the same man I saw in the cinema! Seriously? Kahit pati dito ay nakikipaghalikan siya? At magkaiba talaga ang babae!

"You are ruining my day fuck you!" Sigaw ko sa sobrang galit. Feeling ko ay nag iinit ang buo kong ulo. Damn! Hanggang ngayon masakit pa rin ang braso ko sa pagkakabangga niya.

"Sorry miss I didn't know-"

"Fuck you!" I shouted and slap him. I'm not a violent person but maybe the liquor is a bad influence. Natigil ang music dahil sa pagsampal ko sa lalaki na ngayon ay hindi makapaniwala na nakatingin sa akin. Ngumisi ako. Ngayon lang ba siya nasampal? Sabagay sa gwapo niyang mukha mahihiya ang lahat na sampalin siya pero iba ako. Walang hiya kasi ako.

"Now you'll pay for it!" He said angrily but I just rolled my eyes and walked out. Nakatingin sa akin ang lahat ng tao. Tumaas ang kilay ko ng makita kong medyo nahulasan ang mga kaibigan ko dahil sa ginawa kong eksena sa dance floor.

"What happened?" Nag aalalang tanong ni Mariel. Umiling lang ako at kinuha ang aking bag at dire diretsong umalis sa bar. Sumunod sa akin yung anim pero bago pa ako makarating sa parking lot ay may humigit na sa aking kamay. Nakita ko ang gulat sa mga mata ng aking kaibigan. Then I saw who held me. It's the handsome playboy guy. Tumaas ang kilay ko sa kaniyang galit na mukha.

"What's your problem? Why did you slap me? Gusto mo bang makulong?!" He's really angry. Nagtaas ako ng kilay.

Nakukulong ba kapag nanampal? It's my first time slapping a guy kaya hindi ko alam pero hindi ako natatakot siya naman ang may kasalanan eh!

"Bakit? Ngayon ka lang nasampal? Ha! I don't care and don't touch me!" Sigaw ko at hinawi ang kamay niya sa braso ko. Medyo gumewang pa ako dahil medyo tipsy na nga dahil sa alak. Damn!

I wanna lay down on my bed!

"Hindi mo ba alam na napaparusahan ang kung sino man ang manakit sa akin?" He asked darkly.

Nanahimik ako sa sinabi niya. At sa huli hindi ko na mapigilan ang humalakhak ng malakas. Napahawak pa ako sa aking tiyan dahil sa sobrang tawa. I almost cried. What the hell?! Mapaparusahan? What is he? A damn royalty? Damn it! What a joke!

"Why the hell are you laughing?!" Nainsulto siya sa pagtawa ko. Medyo natigil na ako sa pagtawa pero may kaunti pa ring halakhak. Lumapit ako sa kaniya at ngayon ko lang napansin kung gaano siya katangkad. Hanggang leeg niya lang ako. Sobrang tangkad niya. And his body is screaming of ruthlessness. Kung hindi ako lasing siguro ay tumakbo na ako palayo. Tumingala ako sa kaniya para magtama ang aming mga mata. Then I saw his black eyes, pointed nose, thick eyelashes and eyebrows and his perfect thin and red lips. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko ang bigla na lang pagtibok ng mabilis ng puso ko. Am I too drunk?

What the hell is this?

"You...are damn...cute." i said and smiled before I vomit in his shirt. And then the last words I heard was his curses.

"Fuck!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status