Share

CHAPTER 4

                                         "Today"

Napagdesisyonan kong kalimutan na lang lahat ng nangyari noong gabing yun dahil alam ko namang impossible na magkita pa kami ng lalaking yun. Kahit sa iisang school lang kami papasok impossible pa rin. Sobrang laki ng Enverga at imposibleng magkita pa kami.

Napabuntong hininga ako. Mukhang bad move yung desisyon kong lumipat ng school. Noong first year college kasi kami ay sa Maryhill College kami nag aaral at napag usapan naming magkakaibigan na lumipat ng Enverga.

"Malapit na ulit ang pasukan! Shet! Eina hindi ko pa rin nalilimutan yung eskandalo mo sa bar noong isang linggo!" Leley laughed.

Nandito kami sa bahay ni Niña, nag momovie marathon kami but it turns out daldalan ang nangyari. Hindi ko na nga naintindihan yung movie.

"Tss. I don't even remember that." I said and then I chewed the pop corn. Nanatili ang titig ko sa tv kahit hindi ko naman naiintindihan. I don't wanna hear this topic. Nakakahiya ang sarili ko kapag naaalala ko.

"Sus ka! My gosh! Pero ang gwapo! Biruin mo anak ng governor ng buong Quezon? Halos pag aari nila ang buong probinsya!" Roma said.

Napailing na lang ako. Ayaw ko ng pag usapan yan. Atsaka hindi naman siguro big deal yun sa lalaki. Hay. Sana nga.

Bago magsimula ang pasukan ay namili kami ng gamit. Kinuha rin namin yung schedule namin para hindi hassle. Nang matapos ay umuwi na kami sa aming mga bahay. 

Pagkapasok ko ng bahay ay agad bumungad sa akin si mommy kasama si daddy na nanunuod sa tv. They both glanced at me so walked near them and I both kissed their cheeks.

"How are you Eina?" Mom asked. Halatang halata ang pag aalala sa kaniya. 

"I'm fine. Namili na ako ng mga gamit kanina Mom." I said. Ngayon naman ay bumaling ako kay daddy.

"That's good. Lumipat ka sa Enverga?" He asked. Tumango ako.

"Mas mabuti yun dahil mas malapit lang yun. Sa Site Subdivision yun di ba?" He asked again.

"Yeah." I answered.

Sa Site nakatayo ang University at malapit lang yun dito sa Calmar Subdivision. 

"Mom..dad...I'll just change." I said. Akma na sana akong tatayo pero natigilan ako sa tanong ni mommy.

"Eina...tumawag ang doctor mo...next week will be your check up." She informed me.

Hindi ko alam kung bakit bumigat na naman ang kung ano sa puso ko. Tumango na lang ako kay mommy at tuluyan ng umakyat sa kwarto ko. I sighed heavily. 

Kapag nagpa check up ako next week malalaman nina mommy at daddy na hindi ko iniinom ang mga gamot ko. Ayaw ko silang saktan pero wala akong magagawa dahil ito ang gusto ng puso ko.

Sa gabing yun mas dumami ang iniisip ko. This illness was been a pain in the ass in my whole life. Minsan ay inaatake ako at then I always wish and pray to just end my life in that way less hassle, less pain, less tears but he didn't hear my prayer because I am still alive now. I am not fighting for my life but why am I still alive right now?

Kinabukasan ay agad akong nag ayos ng sarili. I wear my uniform. Enverga's uniform is color maroon. White polo blouse and a maroon neck tie, atsaka isang palda with splits kaya malaya akong nakakagalaw ng maayos. 

I put lip tint on my lips para maiwasan ang pagiging maputla. I let my jet black straight hair flow in my back, hanggang bewang ko ito at halos kumikintab sa sobrang dulas. I like my hair actually.

Maraming nagsasabi na pwede raw akong lumaban sa mga pageant or pwedeng mag model dahil sa aking ganda at hugis ng katawan. I am porcelain white, chinky black eyes with a thick eyelashes and a perfect eyebrows. My nose is pointed and small and my pouty lips and shape like a bow is one of my asset in my face.

I'm 5'6 in height. I'm not a curvy type of woman or the hourglass type. I am slim. But I'm proud of my body though, dahil ang katawan ko ang pinakamabenta sa modeling industry. Pero syempre wala akong planong mag model. I'm not that type of woman.

Nang bumaba ako para mag breakfast ay nakita ko kaagad si mommy at daddy.

"Goodluck Eina!" Mom said before I left the house. I just smiled at kissed her cheeks and also dad.

Binuksan ko ang aking Vios at sumakay na doon. I texted the girls kung nasaan sila and as usual mura na naman ang inabot ko.

"What the fuck Eina? First day of school late na naman?!" Mataray na bungad sa akin ni Mariel ng makapasok ako sa malaking gymnasium ng school. I rolled my eyes.

"Stop Mariel wala ng magbabago diyan sa babaeng yan." Irap naman ni Roma. 

"Manahimik na nga kayo! Tara na sa first class!" Sabi ko para manahimik na sila.

Since si Roma at Leley lang ang magiging kaklase ko kaya sila ang naging kasama ko. Tapos si Mariel, Marriane, Niña, at Vaness ang magkakasama.

"Is this our room?" Bulong ni Roma sa akin habang nakatingin sa isang room. Bagama't wala pa mang professor medyo madami ng tao sa loob.

"Maybe? We'll check." I said. Lumapit ako sa pinto ay chineck kung ito nga ang room at ng makitang tama ay sinenyasan ko ang dalawa na pumasok na. 

Agad naman kaming nilingon ng mga tao. Medyo late kami kaya kami na lang yata ang kulang! Shocks naman!

Umupo ako sa bakanteng upuan ganun din ang ginawa nung dalawa. Buti na lang magkakalapit pa rin kami. Umayos lahat ng upo ng may pumasok na professor. At katulad ng dati nag umpisa ang unang araw ng pasukan sa pagpapakilala at pag iintroduce ng mga units namin.

Nakinig lang ako doon at halos hindi ko na namalayan ang oras. Ng matapos ay agad kaming tumayo nina Roma at Leley para kitain yung apat sa cafeteria. 

"Shet! Mukhang mas mahirap ngayon ah?" Sabi ni Roma habang papalabas kami ng room. Tumango ako sa sinabi niya.

"Sana lang walang terror na prof." I said. And then Leley shrieked. Parehas kaming nagulat sa ginawa ni Leley.

"Shocks! Ayaw ko sa terror!" Matinis na sinabi ni Leley. Parehas yata kaming sumimangot ni Roma.

"Ang OA mo!" I rolled my eyes at her. 

Nang dumating kami sa cafeteria ay hindi namin nakita yung apat. Nasan na yung mga yun?

"Wait! Niña texted! Nasa Engineering building daw sila, sinamahan nila si Vaness dahil may inutos yung prof." Sabi ni Roma.

Kumunot ang noo ko.

"What? First day pa lang teacher's pet na agad si Vaness?" Angil ko. Humalakhak si Leley.

"Malakas talaga ang feeling ko na ang magiging first jowa ni Vaness ay isang professor!" Halakhak ni Leley.

Naglalakad na kami patungong Engineering building buti na lang may nakita kaming school map sa bulletin kaya mabilis lang matuntun

"At ikaw naman Leley ang magiging first jowa mo isang matanda!" Sabay kaming humagalpak ng tawa ni Roma sa sinabi ko. Sumimangot si Leley sa sinabi ko. 

Patuloy lang ang asaran namin habang patungong Engineering building. Nagkalat na ang mga estudyante sa school dahil sabay sabay ata ang break time.

"Shocks! Ang gwapo!" Tili ni Leley sabay tingin sa lalaking nasa kiosk, gwapo nga ito at may salamin sa mga mata, may dalawa itong kasama.

"Malandi ka talaga!" Si Roma naman. Marami nga akong nakikitang gwapo dito sa building na ito.  

Well, kadalasan kasi ay lalaki ang kumukuha ng engineering. Kaya hindi na ako magtataka na nandito ang mga gwapo.

"Wait? Nasan na yung apat?" Tanong ko dahil wala akong nakikitang anino nung apat. Saan naman kaya lumusot yung mga yun? 

"Ano ba yan! Bakit ba ngayon pa nila naisipang maglaro ng hide and seek?" Pag iinarte ni Leley. Sira ulo talaga itong babaeng ito.

"Manahimik ka nga Leley, nakakarindi ka!" Saway ko sa inggrata. Palingon lingon kami sa buong paligid pero wala pa rin. Hanggang sa nakaramdam ako ng pagka ihi. Damn!

"Wait! Iihi lang ako! Wait niyo ako ha!" I said and then I immediately walk towards the restroom of the Engineering building. Pumasok ako sa CR at nakita kong maraming babae ang nag aayos sa kanilang sarili sa harap ng malaking salamin. Lahat sila ay magaganda. Well, hindi magpapatalo ang beauty ko.

Pumasok ako sa isang cubicle at doon umihi. Naramdaman kong umalis na yung mga babae kaya tumahik ang buong CR. I flash the toilet before I left the cubicle. 

Pero halos mapatalon ako sa isang lalaking bumungad sa akin sa labas ng cubicle. Damn! Ba't may lalaki dito?!

At mas lalo pa akong nagulat ng makilala ko ang lalaki sa aking harapan.

"How lucky I am today." He smirked.

Damn it! It's Perfiñan Kyle Suarez!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status