Share

Kabanata 13

Drama

***

Agad din lumisan dito sa bahay si lucifer at ang sakit pa rin ng pisngi ko tangina! nakikita ko pa nga lang yung sirang tiles nasasaktan na ako pero mas nasasaktan yung puso ko sa mga nalaman ko </3

sad sad sad sad sad sad sad sad

Ayan ganyan yung tunog ng tibok ng puso ko ngayon 

Yung pasa at sugat ko sa pisngi mayamaya gagaling na lang ng kusa yan.. may ganon kaming kakayanan mga demonyo, self healing. 

Andito kami sa sala. Oo andito nga yung tatlo sa bahay, mga dumalaw.. buti na lang talaga hindi nila naabutan dito si lucifer kasi baka mabwiset lang iyon sakanila..

Kanya kanyang pwesto at posisyon kami sa sofa.. si heneral nasa bandang gitna at nakapatong ang kaniyang dalawang paa sa may maliit na mesa , si mary naman nakapwesto sa kanan ni heneral at nakapatong ang ulo nito sa balikat ni supremo na katabi niya.. ako naman nakahiga sa may bandang dulo tapos si pepe nakaupo sa may solong sofa

Hindi ko alam pero nakakapunyeta pa yung pinapanood namin kasi nakayoutube nanaman yung tv at nagpatugtog si mary ng Ala

Ala by Sese lyrics 

"Ala

ala lang ang naiwan saating dalawa
ang lahat lahat na nangyari ay di rin nagtagal
Ala

ala lang ang naiwan saating dalawa~
kung nasan ka man ay hindi ka

malilimutan!! huhuhuhuhu!

si mary yan kumakanta habang nagdadrama kela supremo at heneral

"Shh shhh tahan na tahan na~" pagkocomfort ni supremo sakanya habang hinahaplos nito ang kaniyang  ulo

Warning: Huwag mong hahayaan na kumanta ang isang heartbroken lalo na kung panget ang boses! Masakit sa tainga mabubwisit ka lang lalo na kung tugtugan niya ganyan

"Ano ba mary hindi lang ikaw ang malungkot ngayon! Ako din! kaya tigil tigilan mo na yung kadramahan na yan lalo lang ako naiinis!" pagrereklamo ko kasi naman kanina pa siya kumakanta mas malala nung kinanta niya pa yung Let It Be ng The Beatles pota feeling ko yung boses niya na papatay saakin eh

"Pwede ba kahit ngayon lang wag ka ng magpapansin jan calci boi kasi hindi mo alam yung nararamdaman ko!"

"Tangina mary wala kang puso paano ka

makakaramdam?"

"Hindi mo alam kung gaano kasakit mawalan ng minamahal tapos hindi ka man lang nakapag paalam sakanya knowing hindi mo na siya makikita kahit kailan! Huhuhuhu!"

"Hindi mo din alam yung nararamdaman ng puso ko lalo na kailangan mong magpaalam ng harapan sakanya! Mas masakit iyon! Ilang araw ng wala si machete mag move on ka na!"

"Akala mo lang madali pero hindi! hindi!" sigaw ni mary

"Akala mo lang mahirap pero hindi! hindi!" sigaw ko sakanya

"Nasasabi mo lang yan kasi hindi mo pa nararanasan!"

"Nasasabi mo lang din yan kasi ang drama mo!"

"PUNYETA!!" Sigaw ni heneral sa gitna namin kaya napatahimik kami "TANGINA HINDI KAYO TATAHIMIK!?"

Potangina iba din pala magalit itong  si heneral

"Haay

haay huwag ka na makisali heneral may mga

dinadamdam ang mga kabataan na ito" sabi ni pepe

"Pumunta kami dito para kamustahin kayo hindi para makita kung sino ang pinaka malakas ang boses" sabi ni supremo

"Kung sa

palakasan lang pala edi panalo na si heneral" sabi ko sakanila at  muling tinuon ang pansin sa telebisyon

"Si calcifer kasi hindi niya ako naiintindihan huhuhu" pagsusumbong ni mary

"Hindi mo rin naman ako naiintindihan"

"Hindi ko kayo maintindihan!" naiinis na bigkas ni heneral "Nagkakaganyan kayo ng dahil lamang sa

pag-ibig..  samantalang ako, minahal at prinotektahan ko ang mga

kalahi ko pero sila lang din pala ang  papatay saakin!" 

Hindi ko alam pero bigla na lamang siyang umiyak kaya lumipat ng pwesto si supremo at kaniya namang kinomfort ang nagdadramang si heneral. Napaupo na lamang ako at tinignan ko si mary na para bang nagtatanong ng: Anong nangyari jan? , Nagkibit balikat si mary ibigsabihin non hindi niya alam

Potangina plot twist pa

"Shhh pagpasensyahan mo na ang mga kabataan kumpadre" pagpapakalma ni supremo sa nakayakap sakanyang heneral..

"Akala ko ba kami yung ikokomport niyo? anyare na?" reklamo ko

"Patawad patawad~ nadala lang ng emosyon" inayos na ni heneral ang kaniyang sarili pati na rin ang kaniyang tindig kasi ang laking tao ang pangit umiyak

"Ano ba ulit pinag uusapan natin?" tanong ni heneral

"Tungkol sa pagmamahal~" sabi ni supremo na nagfinger heart pa

Saan natututunan nito ang mga kadugyutan na iyan?

"Magugulat kayo sa sasabihin ko pero sa tingin ko mahal ni lucifer si calci boi~" sabi ni mary habang inaayos ang pag indian sit niya

"Ano? Huwag mong sabihing may relasyon siya

sa tatay niya!?" susugurin ko na sana si heneral para patayin pero mabilis na pinigilan ako ni supremo.. tinulungan na nga din siya ni pepe sa pagpapaawat saakin

"Matagal na akong

naririndi

sayong hinayupak ka! lumapit ka

dito at papatayin kita!" sigaw ko sakanya

"Pero patay na ako kumpadre"

"Aba sumasagot ka pa ah!" pinipilit kong makawala sa hawak nila supremo at pepe pero malakas sila.. 

tangina nauubos energy ko dito eh!

"Patawad na kumpadre! hindi ko sinasadya na mabanggit ang isang hindi katotohanan na balita" tinignan ko na lamang si heneral ng masama kahit medyo masakit pa yung pisngi ko eh

"Osya mabalik na tayo sa usapan mga amigo~" sabi ni mary "kanina kasi pumunta dito

si lucifer at ginawa iyan sa mukha niya" sabay turo niya sa mukha ko kaya tinignan ako ng tatlo na para bang nandidiri sa itsura ko

"Tangina oo na panget na ako! di niyo na kailangan sabihin kasi uunahan ko na kayo!" 

"anyway~ ginawa niya yan kasi pinipigilan siya ni lucifer sa pagmamahalan nila ni essay!" pagkukwento ni mary

"Paano naman naging pagmamahal ang pagtutol

sa

kaligayan ng anak niya?" tanong ni pepe

"Kasi narinig ko kanina na hindi puwede

iyonikamamatay daw ni essay iyontapos ito pa ahh feeling ko ayaw lang talaga ni lucifer na maranasan yung naranasan niya nung namatay si cassandra~"

"Sino naman itong si Cassandra?" tanong ni supremo

"Edi yung mama ni calci boi~"

Tangina talaga nito ni mary napaka chismosa pota

"Ibig mong sabihin na ang pag iibigan nila ay mali?"

"Ayon yung pagkakarinig ko ah kasi isa daw nephilim

si calci boi~"

"Ano naman iyon? masyadong malalim na salita!" reklamo ni heneral

"Isang sumpa! Sinalo ko na ata lahat ng kamalasan

sa mundo!"

"Hindi pa kapatid kasi kung malas ka wala kami dito

sa iyong harapan" sabi ni supremo

"Oo nga calci boi~ hanggat may kaibigan ka, hindi ka malas!"

"Puta ang drama niyo" sabi ko sakanila pero deep inside ganito iyon:

Huwag kang magdadrama ngayon calcifer! panget ka ngayon baka lalo kang pumanget niyan! Huwag mo ituloy kunwari strong ka~ Walang iyakan!

"Bali kailangan ni calci boi makipag hiwalay kay essay kaya ngayon pareho kaming may pinagdadaanan sa

pag-ibig... pareho kaming sawi" hinaplos haplos ni heneral ang likod ni mary dahil halata sa mukha  nito na malapit nanaman siyang magdrama

"Ayy mga kabataan nga naman~" sabi ni pepe

Hinawakan ni heneral ang ulo ko at dahan dahan na ipinuwesto ito sa kanyang balikat at hinaplos haplos ganon din ang ginawa niya kay mary

"Minsan talaga

sa buhay may mga bagay na nawawala saatin kahit gaano pa tayo naging malapit dto.. kapag hindi para saiyo huwag mo ng pilitin" payo ni supremo

"Mapaglaro ang tadhana lalo na sa

pag-ibig mary~" sabi ni pepe "Kailangan natin tanggapin na wala na si machete dito pero hindi siya mawawala sa alaala natin~" dagdag pa nito

"Pinagtagpo pero hindi pangmatagalan" sabi ni heneral

"Dapat kasi motolite na lang jinowa mo mary baka mas tumagal pa kayo" pang aasar ko

"At ikaw naman kaibigan, Sa tingin ko dapat mong sundin ngayon

si lucifer" sabi ni pepe saakin

"Parents' knows best calci boi~"

"Sang ayon din ako...kapag namatay ng dahil sayo si essay baka ikabaliw ng puso mo tapos mamatay ka

sa heart attack" sabi ni supremo

Tangina heart attack? Isang demonyo namatay dahil sa heart attack!? Tanginang buhay yan walang thrill yung pagkamatay ah

"Sa tingin ko din tama si supremo amigo" sambit ni heneral saakin

kumalas na ako kay heneral kasi naman yung kay mary seryoso sila pagdating saakin puta parang tanga

"Ano naman idadagdag mo ha?" tanong ko kay heneral

"Pinagtagpo kayo pero hindi..."

"Pero hindi ano?"

"Pero hindi...kasi maayos yung pamilya mo! masyadong magulo ang takbo ng iyong buhay kumpadre! Kung ako sayo, huwag ka na lang magmahal kasi parang hindi naman  ito para saiyo"

"Hindi para saakin ang pagmamahal? Akala ko ba para sa lahat iyon?"

"Parang ganon na nga amigo pero hindi ka kasali doon!" sagot ni heneral

"Oo nga tama ka doon heneral napakahusay~" sabi ni supremo

"Oo nga calci boi~ kasi hindi mo naman talaga mahal si essay"

"Hindi ko mahal?"

"Sabagay may punto sila doon kaibigan...nagkaroon ka lamang ng damdamin para sakanya dahil

sa sumpa" sambit naman ni pepe

"Hindi mo siya mahal calci boi doon pa lang mali na..."

"May pag-ibig na akala mo pag-ibig talaga pero hindi ako sure sa sinabi kong ito ah kapatid~ matagal na din akong hindi nagmamahal"

"Ako din amigo matagal ng hindi nararamdaman ang pagmamahal pero hindi ko naman dinamdam iyon! Hindi pagmamahal ang kailangan natin sa buhay..."

"Patay na kayo kaya wala na kayong kailangan sa buhay" pamimilosopo ko

Tanginang drama ito ang tagal matapos hindi na ako natutuwa!

"Kung hindi pagmamahal ang kailangan natin eh ano?" tanong ni mary kay heneral

"Ayon yung aalamin mo! isipin mo ang pag-ibig kahit saan ka

magpunta mahahanap at mahahanap mo pero ang kasiyahan

napakabihira lang"

Pagkasabi ni heneral non hindi ko mapigilan na palakpakan siya.. putangina ayon lang ata yung nasabi niyang napakaseryoso sa oras na ito

"Wow~ napakahusay heneral napakahusay! Bravo!" sabi ko sakanya

"Salamat kumpadre! Hahahaha!"

"Hindi ko alam na mahusay

ka din pala sa

mga salita heneral!" sambit ni supremo

"Kahit ako din nagulat dahil nabasa ko lang naman iyon

sa kanto nakasulat sa may pader"

"Nabasa mo lang iyon?" tanong ni mary kay heneral

"Oo! hindi ko nga din akalain na marunong pa pala ako magbasa! Hahahahaha!"

"Sabagay namemorize mo pa nga eh~" sabi ni mary kay heneral

"Isa kang henyo heneral!" sabi ni supremo na proud na proud sa nasaksihan niya

Putangina naman ng mga ito parang tanga talaga

"Ang gusto lang sabihin ni heneral ay kung talagang mahal ka ng isang nilalang , hindi ka dapat niya baguhin bagkus dapat ay tanggap ka niya kung ano o sino ka man" sabi ni pepe

"So...kailangan kong sabihin sakanya ang totoo? na isa akong demonyo tapos

makipaghiwalay kasi kapag tumagal mamamatay siya ganon ba?"

"Kailangan natin ng plano! kung ano ba dapat niyang gawin" sambit ni mary

"Alam ko na kapatid! tawagan mo siya at doon ka

makipaghiwalay!" payo ni supremo na syempre walang kakwenta kwenta

"Nag iisip pa talaga kayo mga amigo?" sabi ni heneral habang natatawa tawa

"Bakit may naisip ka na ba?" tanong ko sakanya

Ano pang sense para tanungin ko siya? natural wala! wala naman isip tong isang to eh

"Meron mga bobo!" confident na bulalas ni heneral

Hindi na ako tututol doon kasi minsan talaga bobo ako.. aminado ako doon

"Ano plano mo?" tanong sakanya ni mary

"Puntahan niya si essay tapos sabihin niya sakanya ang totoo, ilabas mo lahat ng pwedeng ilabas pwera na lang jan sa

ano alam mo na ehemm

sa

armas mo jan ah~"

"Putangina bakit ko naman gagawin iyon?"

"Malay ko baka gawin mo lang? galit ka na agad kumpadre?"

"Kung ano

ano kasi sinasabi mo hinayupak ka!"

"Osya osya tapusin mo na heneral hayaan mo na yan si calci boi kinakabahan lang yan"

Putangina sinong hindi kakabahan? Kitang iba palagi nasasabi ko kapag nakikita ko siya!

"Kapag nasabi mo na ang dapat sabihin edi burahin mo yung alaala niya tungkol sayo! Oh diba napakagandang plano amigo"

"Inaamin ko napakahusay mo doon heneral" sabi ni pepe at nakipag apir kay heneral

"Osya calci boi~ nasa saiyo pa din ang huling pasya.."

Ano nga bang gagawin ko? Bakit ba kasi ako napunta sa ganitong sitwasyon? Gusto ko lang naman mamatay na mapayapa pero bakit ang tagal ibigay yung gusto kong iyon?

"Nakapagpasya na ako..." lahat sila nakatingin saakin naghihintay ng desisyon ko

Pero sa totoo lang ano ba dapat ang piliin ko? TANGINA AYOKO NA!

***

TBC.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status