Share

Kabanata 16

Tulong

***

"Hindi ko talaga akalain! Masyado akong nagfocus

sa sumpa at sa pesteng pag-ibig na ito, nakalimutan ko na maging masama! Paano na? Paano na kapag

napili nila si Lilith? Ano na mangyayari saakin? Magiging alalay niya ko or worst baka totohanin niya na gawin akong taga kamot ng likod niya!"

"Kumalma ka calci boi!" sabi ni mary habang sinasampal ang magkabilaan kong pisngi "Kumalma ka!"

Andito kami ngayon sa kwarto ko at naka upo ako sa gilid ng aking kama. Bumalik na din si mary sa anyong kaluluwa niya simula nung nawala si machete

"Salamat salamat~" sabi ko sakanya nung matapos niya akong sampalin

Minsan may tao talaga sa buhay natin na sasampalin tayo kapag mukha na tayong tanga

"Ano ba kinakatakot mo kay lilith? Eh naniniwala kaming mas malakas ka

kaysa sakanya!" tinignan ko lang siya ng seryoso

"Sinong niloloko mo? tama siya! puro lang naman ako salita samantalang

siya puro gawa!"

Sabihin na natin na mas malakas nga saakin si Lilith, sa ngayon ha...

"Oh taposmagmumukmok

ka lang jan hanggang sa

magkatotoo

nga yung sinasabi mo na maging taga kamot ka lang niya ng likod? Ano ka, papalit sa back scratcher? Ha calci boi?"

Hindi na lang ako nagsalita.. feeling ko kasi ang hina hina ko pa. Hindi pa nga ako nakakamove on tapos may ganito pang eksena?

"Ang kilala kong calci boi ay hindi nananahimik sa

isang tabi at nagmumukmok! Tumayo ka jan!" hinila niya ako patayo at matamlay akong tumayo

"Pero wala ako sa mood para lumaban... si essay nga hindi ko pinaglaban eh" reklamo ko

"Ano ba calci boi! Hayaan mo na si essay~ kung talagang mahal mo siya

hahayaan mo na siya! Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan para makausap si kupido at mawala na yang sumpa mo"

"Bakit ba parang napapraning

ka at gustong gusto mo akong

lumaban?"

"Kasi calci boi ang totoo niyan hindi lang kayong dalawa ni lilith ang pinagpipilian..."

"Sino pa?"

"Si Succubus calci boi at nandito na din siya

sa lupa!"

Si Succubus? Putangina kung hindi ba naman lumalala ang buhay ko! Kung pinatay na lang kasi ako sa umpisa edi tapos na sana ito!

"Bakit ba puro babae makakatapat ko?"

"Dapat si Incubus kaso naaalala mo pa ba yung ginawa mo sakanya?"

Nahuli ko lang naman si Incubus noon, Isang madilim na gabi... may bibiktimahin sana siyang babae

~

"Uy ano ginagawa mo jan?" saway ko kay incubus na nakapatong sa isang dalagang natutulog sa kama nito

andito ako nakaupo sa may bintana

"Pakealam mo ba calcifer, humanap

ka ng bibiktimahin mo.. ako nauna sa

isang ito" sabi niya saakin

Ayoko talaga sa ugali din nito minsan eh, wala lang naiirita lang ako kapag nakikita ko siya... kasi naman umaagaw sa trono kong pinaka gwapong demonyo sa balat ng lupa

"Kailan naman nagkaroon ng rules ang mga demonyo?" tanong ko sakanya

"Ha! Bakit wala ka na bang mabiktima? mahina ka na ba? hihingi ka na ba ng tulong sa papa mong si lucifer?" pang aasar niya

Sa isang iglap nasa harapan na niya ako, hawak hawak ko ang kaniyang leeg na para bang isa lang siyang unan dahil sa gaan ng pagbuhat ko sakanya sa ere

"Ano akala mo saakin mahina para humingi ng tulong sakanya?"

sinusubukan niyang pumiglas sa aking pagkakahawak sakanya sa leeg, pilit niyang inilalayo ang aking kamay sakanya

Bigla bigla ko siyang binitawan sa sahig at para siyang tangang sabik sa hangin

"Ayoko talaga sayo. Hindi ko alam kung bakit nandito ka pa eh ang ginagawa mo lang naman ay makipagsex

sa

mga babae habang tulog sila" sabi ko sakanya

"Pasalamat ka at anak ka ni lucifer! Pasalamat ka at kahit papaano nakuha mo ang dugo niya! Kalahati ng meron siya ay meron ka din pero kung tutuusin isa ka pa ring walang kwentang tao!"

Umatras ako ng isang hakbang, Ang dalawang kamay ko ay nasa bulsa ng aking pantalon

"Isang demonyo na nasa anyong tao.. nabubuhay na isang tao, nag aaral, kumakain ng pagkain ng tao, hindi ka

namin

ka

uri! Ang dapat sayo ay patayin!" matapang niyang pagkakasabi saakin

Actually may point siya... isang demonyo nag-aaral? Hello~ alam ko naman na mangyayari sa kinabukasan ko eh at ayun ay mapupunta ako sa impyerno! walang duda! Impyerno bagsak.

"Ang dami mong sinasabi pero ayoko pa rin sayo~"

Hindi ko man makita ang sarili kong mata, pero alam ko na nagkulay pula ito.

pinapanood ko si incubus kung paano siya lamunin ng nagliliyab kong apoy

Pagsulyap ko sa aking kanan, yung babae nagising na pala at takot na takot na nakatingin saamin

"Hi" sabi ko sakanya

Hindi niya alam kung sisigaw ba siya o tatakbo kaya natameme na lamang siya sakanyang pwesto

Kitang kita ang itsura ko dahil sa liwanag ng bilog na buwan ngayong gabi at sa apoy na sumusunog kay incubus na unti unti ng nagiging abo

"Wala akong oras para saiyo kaya... hindi ko na papatagalin ang buhay mo" sabi ko sa dalaga

Kukuha ka ng kutsilyo sa kusina, Hiwain mo ang leeg mo.. diinan mo hanggang sa hindi ka na makahingagilitan mo ang sarili mo~

aking siyang hinipnotismo bago ako tuluyan umalis sa lugar na iyon at iniwan ang abong si incubus

***

"Baka gustong paghigantihan ni Succubus ang kaniyang kuya laban sayo" sabi ni mary saakin

"Imposible, walang magkapatid na demonyo ang nagkakasundo"

"Ang kilala mo lang naman na demonyong magkapatid ay kayo ni lilith, calci boi"

"Kaya nga~ hindi nagkakasundo!"

"Hindi ibigsabihin non, yung iba hindi na rin magkasundo"

Nagkibit balikat na lamang ako sakanya

"Sa tingin ko calci boi, kailangan mo ng humingi ng tulong.."

"Kaya ko mag-isa"

"Hindi mo kaya..."

"Edi hindi! madali lang naman akong kausap"

Hindi ko alam gagawin ko... medyo wala ako sa wisyo mag isip kasi naman broken hearted, may hang over, puyat, tapos dadagdag pa ito? haynako good luck na lang sa health ko.. dapat talaga pinatay na lang ako nung chapter one palang eh

"Alam mo kung kanino ka

lalapit para humingi ng tulong calci boi~ ikaw ang inaasahan namin na magtagumpay

dahil ikaw lang ang kakampi namin

mga ligaw na kaluluwa! kung si lilith o si succubus man, panigurado magiging isa kaming hapunan.. kaya calci boi~ baka naman oh~" pagpapakaawa effect ni mary na alam naman niyang walang talab saakin

Panigurado kung si lilith man, gagawin niya sila mary, heneral, pepe, supremo at mga iba pang ligaw na kaluluwa na pagkain sa mga panget niyang alagad...

Nawalan na ako ng isa, si machete.. hindi ako papayag na gawin din niya iyon sakanila

"Ano pa nga ba magagawa ko~ atsaka ayokong tapak

tapakan lang ako basta basta ni lilith at sabihang mahina ako!"

"Paano si succubus, calci boi?"

"Tsaka ko na siya

poproblemahin... sa

ngayon, kailangan ko munang magpalakas para mapabagsak ang pinakamamahal kong kapatid"

Hinubad ko ang suot kong t-shirt at ibinagsak sa sahig

Tinungo ko ang pintuan at pagkapasok ko rito, wala na ako sa kwarto, maski sa bahay namin...

Nandito ako sa isang madilim na hallway, walang nilalang sa paligid... tinahak ko ang diretsong daanan hanggang sa marating ko ang pinaka malaking kwarto. Pagbukas ko nito ay nakita ko siya, nakangisi na para bang ineexpect niya na pupunta ako sakanya..

Nakaupo siya sakanyang natatanging upuan.. mukhang komportableng komportable siyang tignan

Tangina hindi rin magtatagal ako na nakaupo jan!

Sa ibaba ng kaniyang upuan ay ang mga alaga niyang ahas

Tinignan niya lang ako na para bang interesado siya na pakinggan kung ano man ang sasabihin ko

Osya hindi ko na papaliguyliguyin ito..

"Kailangan ko ng tulong mo" sabi ko sakanya pero hindi naman siya sumagot bagkus nakatingin lang siya saakin ng nakangiti

"Turuan mo ako paano lumakas at maging kagaya niyo, Aking ama."

***

TBC.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status